04 May 2026

fragment 22

madalas na kayong magkahawak-kamay sa bawat landasing tinatahak tungong paghahanap ng kaniya-kaniyang liwanag. hindi niyo mapigilang mapangiti sa isa't isa sa bawat sandaling malipasan ng waglit at ipinagkasyang pahinga.

sa inyong mga hakbang ay mas siya na ang nangunguna ngunit hindi kagaya noong una, hindi na pagkukunwari at pigil ang kapanatagan sa iyong loob. hindi lahat ng naisin ay para sa iyo. may mga puwang ng walang kasiguraduhan na tila para sa ibang may balak na tanging bumabagay. umaayon na sa iyong mga yaring danas ang kaniyang mga inilalakad na desisyon. unti-unti nang nagiging isa ang inyong pag-iisip hanggang sa lalo pa kayong tumulin at tiyak na ang sunod-sunod na pamimili.

sa pagdami rin ng tumutulad sa inyo, tila ba lalong lumiliwanag ang mga poste ng ilaw. kasunod nito ang tila pagkahigop halos buo ng usok na nagpapalabong matagal sa inyong kaligiran. nang makalapit na kayo sa inyong sumunod na poste, tila nagbago na ang wikang nakasulat dito.