February 4, 2012

Ins

Bulaklak! Sige! Puta itapon mo! Hindi ko naman talaga ginustong bigyan ka. Tang ina. Tang inang buhay 'to. Tang ina mo. Wo? Oo. Talaga. Nasisira na ulo ko. Iniisip ko kung ano ba talagang gusto mo. Iniisip ko kung ano bang makapagpapaligaya sa'yo, kung papaano kitang pangingitiin. Akala ko naman gusto ng mga babae ng bulaklak. Tang inang yan. Bakit ganun na lang parati yung reaksyon mo? Bakit ba parang wala na akong binigay na natuwa ka? Bakit ba sa tuwing nagreregalo ako e okay, salamat, ngiti lang ang natatanggap ko? Putang ina. Putang ina talaga. Ano ba talagang gusto mong mangyari? Tang ina, kaya kong kumanta, tumugtog, umasang tumula, sumayaw, tumambling, magpasabog ng kahoy, umarte, at magpalit-palit ng katauhan sa harapan mo pero huwag na huwag mo na akong pahulain, please. Please. Ayoko nang manghula. Sumasakit na ulo ko. Hindi naman sa literal na masakit na ulo ko (pero baka mamaya, pag hindi na talaga nakapagpigil ang utak ko sa'yo nang kamumura at kaiisip kung paano kitang mapapakiusapan at titigilan), pero hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko. Tinatamad na akong mag-isip. Sa katunayan, ayoko nang isipin pa kung ano nang susunod na pagkakaiyakan nina Rizal at Aguinaldo, nina Roxas o Escoda, ni Aquino. Putang ina talaga. Ayoko nang mag-isip. Ano ba talagang gusto mo? Hindi ko na maintindihan kung bakit ganyan ka, kung pinagtritripan mo na lang ba ako o nahihirapan ka lang ipakita ang nararamdaman mo.

Pero hindi. Hindi naman ako teacher mo na nakakatakot, nangangagat at naghahanap lang ng fans at darts. Aanhin ba kita? Nahihiya ka pa rin ba sa akin? Nasisira na ulo ko sa'yo nahihiya ka pa rin? Kung anu-ano nang nakuha mo, ayaw mo pa ring kumibo? Puke ng ina naman. Tang ina. Tang ina talaga. Ayoko na. Ayoko na talagang mag-isip, mag-alala, magsayang. Classmate mo naman ako. Classmate mo lang naman ako, pero bakit parang ganun pa rin? Bakit ganyan pa rin ang ginagawa mo sa akin? Kasi nga, classmate mo lang ako? Hanggang classmate na lang ba tayo? Aasa pa rin ba ako sa mga sinasabi sa TV na kung may determinasyon ay pagpapalain at magtatagumpay sa gusto niya? O maniniwala rin ako sa sinasabi ng TV na huwag magpakatanga kapag alam mo nang tinatanga ka na? Ano? Ano bang gagawin ko, TV?


Tang ina mong TV ka! Hindi na ako natutuwa sa'yo! Tang ina mo! Bakit? Bakit parang lahat na lang ng pinapalabas mo totoo? Hindi. Parang hindi naman totoo. Bakit parang lahat na lang ng pinapalabas mo e masasaya na lang. Badtrip. Kasinungalingan ang pumalit sa lahat ng maliligayang pag-upo ko sa harapan mo at pag-asang mangyayari rin sa akin lahat ng masasaya at malulupit na pinaggagagawa ng tadhana. Tang inang TV? O tang inang tadhana yan? May tadhana ba talaga? Ayoko nang maniwala sa'yo. Bakit ba kapag nanonood na lang ako ng TV e akala ko masaya na ang buhay? Hindi. Ayoko na. Ayoko nang manood ng TV. Akala ko naman magagawa ko yung mga nasa TV. Mali. Tang ina. Putang ina mong TV ka. Kung bakit ba hindi na lang realismo ang ipakita mo sa akin. Nagpapalinlang na lang ako. Gusto ko lang dati ng masayang buhay. Pero akala ko lang yun. Ngayon nauunawaan ko na. Gusto ko lang dati ang nalilinlang, ang pinagsisinungalingan, ang pinagtitripan, ang niloloko, ang paiikutin, mahihilo, matutulog, bubuhatin tapos biglang magigising nang masaya at parang walang masamang kinabukasan ang hahambalos sa akin kapag sinubukan ko nang bumangon.


Sinubukan ko naman. Hindi lang isang beses. Maraming beses na. Ano 'ko tanga? Bigla na lang akong magwawala rito at pagmumurahin ko kayong dalawa ng TV ko? Huwag niyo na akong bibilugin. Tang ina ninyong dalawa. Pareho lang ninyo akong niloko. Bakit kulay black? Ayoko na kayong makita. Nasasayang lang ang oras ko sa inyong dalawa. Lalo na sa'yo! Oo! Ikaw! Ano nang nangyari sa mga ibinigay ko sa'yo? Huwag na. Huwag ka nang magsalita. Hayaan mo akong sukahan ka nang sukahan at nandidiri na ako. Nandidiri na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa iyon ginawa, kung bakit pa ako sumubok, kung bakit ako ngayo'y naghihirap. Hindi ko naman ginusto 'to. Hindi ko alam kung ano ang nakita ko sa'yo, kung bakit pa rin kita sinusundan, kung bakit hindi na totoo ang mga nakikita ko, ang mga naririnig ko, ang mga naisasagot ko sa mga tanong ko. Totoo? Yung totoo. Gusto ko nang maunawaan kung ano ba talagang gusto mo. Sige. Itapon mo. Itapon mo na lang lahat. Kaysa makita ko silang lahat na hindi mo naman ginagamit sa tokador mo, sa lamesa mo.


Okay na sa aking alam kong tapos na, alam kong hindi ko na kailangang gumalaw, mag-isip, mapagod, magsayang nang paulit-ulit. Para alam ko na agad. Hindi yung naghihintay ako rito sa kung anong mangyayari sa akin, sa atin, sa mga susunod pang mga araw. Nakakatamad maghintay no. Hindi lang oras ang nasasayang sa paghihintay. Kung tutuusin, hindi ko naman kailangang gawin ang lahat ng mga ito. Gusto ko lang gumaya sa mga nangyayari sa paligid ko, sa mga nangyayari sa TV, sa internet. Pero dahil naleleche na ako, muli, ayoko. Hindi naman pala ako kailangan. Hindi mo naman ako kailangan. Ang sarap mong dukutan ng mata, hindi mo naman kasi ginagamit nang maayos. Hindi mo na sila kailangan. Akin na rin ang mga tenga mo, uubusin ko na lahat sa'yo.


Gusto kong bawiin lahat ng sinayang ko sa'yo, lahat ng iginugol ko sa'yo. Naiirita na naman ako. Bumabalik lahat ng naubos ko, lahat ng pinag-isipan ko, naglaho lang lahat. Pero balewala na rin. Habambuhay na lang siguro akong mababadtrip. Hindi na rin masama kung kalawangin na ang gagamitin ko no? Mahigpit ba yung tali? Okay lang yan. Mas mahigpit pa rin ang pagkakatali ko sa'yo. Shh... Huwag kang maingay, kahit na alam kong tayong dalawa lang ang nandito. Shh... Tahan na, huwag ka nang lumuha. Hindi naman yan totoo. Hindi ka niyan matutulungan, hindi ka nila matutulungan. Hindi na kita kailangan.

No comments: