March 27, 2014

'Di Na Ako Babalik Dun

PUTANG INANG MUSCLES 'TO. Hindi ko alam kung bano yung pagkakabuhat ko sa mga weight o bano lang talaga yung muscles ko. Baka rin kasi bano lang din yung mga kinakain ko o bano lang talaga yung weights na binuhat ko. Baka bano yung stretching na ginawa ko o bano lang ako pumuwesto matulog. Baka naman bano yung kumot na pumupulupot sa akin gabi-gabi o mas bano pa sa kanya yung mga unang hinihigaan at niyayakap ko. Puwede rin kayang bano yung sapatos na sinuot ko o yung t-shirt na sinuot ko o yung pagsuot ko ng t-shirt mismo? Panay kasi mga nakahubad yung mga tao sa gym e. Kung hindi nakahubad, nakasando o fit shirt. Halatang-halatang first timer ako dun kaya naman medyo nakakahiya. Mas nakakahiya kasi nga hindi nga ako makabalik. Ayaw akong pabalikin ng katawan ko. Ayaw ko na rin naman na yata o bano lang talaga ako.

Baka naman kasi tatanga ako magstretch? Ni hindi nga ako nakapagpainit muna ng katawan bago magbuhat. Alam mo yung feeling na magagawa mo na yung isang bagay na matagal nang umiintriga sa'yo tapos sa panahong nasa harap mo na at sobrang ayun na yung pagkakataong magagawa mo na yung bagay na iyon e biglang may kailangan ka munang gawin. Kumbaga iyong stretching nga. Para bang kailangan mo pang magcustomize ng character sa Skyrim bago makipagbanatan. Para bang kailangan mo munang umakyat nang mataas bago makapagslide. Para bang magtatanggal ka muna ng plastic cover ng bagong librong kay sarap amuyin. Para bang kailangan muna niya tanggalin yung z...

Wala naman siguro yun sa attire ko 'no? Wala yun. Tanga mo naman, Mart. Hindi, nagpapapansin lang ako. Tang ina mo kasi wala ka masyadong kaibigan kaya nandirito ka na lamang, nagsusulat, kasi alam mo namang walang pumapansin sa'yo kahit na buong mundo, maaaring-maaari kang pansinin. Iniisip mo kasi, wala kang kaibigang kayang umunawa sa iyo sa pinakatangang mga antas. Hindi rin kasi nila alam kung ano ba talagang trip mo o sadyang nagpapapansin ka lang talaga. Minsan kasi, parang yung ibang poets diyan, poet-poetan lang. Akala mo, nakapagworkshop lang nang ilang linggo, pagkagaling-galing na. Nabati lang nang sandali ng prof na wala naman talagang kuwenta, araw-araw nang magpapakadalubhasa. "Poet." "Dalubhasa." Akala mo kung sino. E hanggang halos ka na lang naman. Ikaw rin naman, Mart, 'di ba? Akala mo rin naman kung sino ka. E bakit ba? Hindi ko naman ipinapangalandakang magaling ako, kasi nga, hindi naman talaga. E bakit mo pa pinopost sa internet? Naghahanap nga kasi ako ng mga taong kayang umunawa sa akin. Isipin mo, sa dinami-daming taong pupuwedeng dumapo rito, e hindi naman sapilitan dito, imposible kayang mayroon? Mathematically speaking, posibleng wala. Yata? Kasi kung may infinite number of universes, may mag-eexist na isang universe kung saan posible yung hinahanap mong imposible.

Imposible nang bumalik ako dun. Hanggang simula na lang naman siguro. O puwede rin namang kapag mamiss ko, mananaliksik muna ako ng tamang stretching, attire, pagkain, buhat, at kung ano pa man para lang hindi sumasakit nang ganito yung muscles ko. Wala rin yatang Tagalog yung muscles? Kasi sa hilot, ugat yung sinasabi. Nerve yata yun. Buto, alam din natin yung konsepto dati. Hindi ko rin alam. At mawawalan na rin ako ng pakialam in 3... 2... 

No comments: