May 1, 2014

Maasal

Ewan ko ba. Parang hindi totoo, pero parang oo. Parang tunay na hindi. Minsan, pakiramdam ko, yung iba kong recall sa memories, fake na lang. Hindi ko na talaga sigurado kung totoo, o hindi, pero pabalik-balik pa rin sa utak ko, kahit na hindi ko naman sinasadyang alalahanin. Tapos mapapatanong akong muli sa sarili kong tama pa bang gamitin yung salitang 'alalahanin' kung peke naman talaga yung inaalala. Oops. I mean, 'inaalala.' Baka iniisip, puwede nang gamitin. Para lang may magamit na verb. Alalahaning isipin? Ewan. Putang ina. Ewan ko na talaga.

Batang-bata pa ako noon. Wala na rin akong pakialam kung hindi ako gagamit ng salitang 'siguro' kung magkataon mang peke itong naaalala at sinusulat ko. Wala rin namang may kakayahan pang magconfirm kung hindi ako, o yung mga taong involved sa pangyayari. E wala rin namang taong involved na lulustaying mahinahon ang kanyang panahon sa mga salita sa pahinang ito. Wala rin naman silang pakialam, minsan. 

Minsan, naiisipan kong tumingin kung saan-saan habang nakasakay roon sa tricycle na service ko noong nasa Grade 1 pa lamang ako. Tingnan mo, hanggang sa ngayon, iniisip ko pa rin kung noong Grade 1 nga ba TALAGA ako nito. Pero ulit, wala akong pakialam. Yung ibang writers, wala rin namang consistency sa legitimacy ng mga sinusulat nila. Siguro, as long as naipapaabot nila nang maayos yung message na gusto nilang ipaabot, o ibato. Perotekawait. Hahaha. Hindi nga pala ako writer, no? Self-proclaimed lang. Pero sa ulit. Wala nga naman tayong pakialam. 

Pinapakialaman ko lahat ng makikita ko noon. Kasi marunong na akong magbasa, or at this point, magpinpoint pa lamang siguro ng mga titik. Mayroon akong nakita sa pader na gawa sa hollow blocks. Nakasulat bilang isang vandal. Hindi ko na maalala yung kulay. Yung kulat na ginagamit ng mga gangster-gangsteran sa kalye. Oo, yung ganon. Ikaw na'ng bahala mag-imagine. Ganun din minsan mga writers, wala nang consistency sa spellings, ikaw pa bahala mag-imagine. Pero magandang bagay naman iyon. Sa katunayan, iyon nga ang ikinaganda ng pagsusulat, minsan. Oops. I mean, ng pagbabasa. Ikaw bahala mag-imagine. Hindi ba't mas masayang magbasa ng isang fiction kung hindi mo pa napapanood ang film adapatation niya? Yung ganon. Astig no? Perotekawait. Wala nga pala ako sa posisyon para magsabi ng kung anu-ano. Hindi nga pala ako writer. 

Pero mahilig naman ako magsulat. Minsan, mahilig din akong magbasa. Nung nabasa ko na yung malalaking titik na vandal sa pader, pinaulit-ulit ko na iyon sa utak ko. Nakabuo pa nga ako ng hymn (?) or binigyan ko pa siya ng tono para mas madali ko siyang maalala. O minsan, para mas maenjoy makaalala. Kakantahin ko sa isip ko, "F-U-C-K-Y-O-U!" Parang rap. Parang hip-hop. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung insensitive na ako sa paksang nalaglag. Hindi rin naman ako marunong sa ibang genre ng music. Ang tanga no? Hindi na nga maalam, salita pa nang salita. Oops. I mean, sulat pa nang sulat. Pseudo-intellectual. Kasi nga, perotekawait. Yung ibang writers, ganun din naman siguro. Insensitive. Pseudo-intellects. Wala rin. O ako lang? Ay. Perotekawait nga pala.

Basta ang alam ko, may beat iyon. Pagbaba ko ng tricycle, siyempre nasa school na ako. Malamang. Paulit-ulit lang iyon gumana sa utak ko, pero tahimik lang. Hanggang sa makauwi ako sa bahay namin at natapos na ang araw ng pakikinig at pakikipag-usap sa sarili. Nasa bahay nang muli ako. Dumaang muli yung tricycle (nga pala!) na service ko doon sa hampaslupang hollowblocks. E 'di, ayun na nga. Kinanta ko na nang pabigkas yung pakyu. Tapos narinig ng nanay ko.

"Ano 'yang kinakanta mo, HA?"

"F-U-C-K-Y-O-U! Galing ko po, no, Nanay? Hehe."

"Halika nga! LUMAPIT KA RITO! ULITIN MO!"

"F-U-C-", pak! Sampal sa kanang pisngi. "Sabi mo po, ulit-"

PAK! PAK! Sabay hila sa aking kaliwang kamay.

"SIGE! ULITIN MO PA!" Papaiyak na ako. Ano bang ibig sabihin no'n, Nanay? Sabihin mo na lang kaya? Umiiyak na ako o? Hindi mo man lang ba inisip na hindi ko naman alam yung ibig sabihin no'n kasi nga, bata ako? Titik nga lang alam ko, definition pa kaya? Ahuhuhuhu?

"Magtanda ka!" Sabay kuha ng sili sa basket ng spices sa kusina. Nasa kusina na (nga pala!) kami. Yung kanang matabang kamay niya, pinandakot niya na sa dalawang pisngi ko, habang nakapatong sa aking baba. Yung parang mukha nang isda na yung mukha ko. Yung nakanguso. Oo, tama, yung ganun! (galing mo talaga, men!) "UULITIN MO PA?!"

"Hin-*hikbi*-di na *hikbi* po *hikbi*."

No comments: