September 11, 2016

Sabihin Mo, Keyboard Gangster, Yung Pang-30 Minutes

[September 7, 2016, 11-ish pm]

Yung kuwartong (****** **** **g-) amoy tamod, yosi, at tilamsik ng beer galing sa bibig. Pareho lang pumupunas, sabay pahid, kung saan-saan na lang kami dumudura.

O ano, meron akong ano- ah, ano rito, mga tatlong stick na lang ng Winston Lights. Hindi ko natripan kasi ngayong araw yung Pallmallive Naturals. Wala na muna akong pakialam sa boses ko. Inuna ko na rin sindihan kanina yung lucky stick, baka sakaling tamaan ng kidlat.

Mabuti na lang. Lumapit na ako agad sa may isang tindahang may tanging liwanag sa street. Nakita kitang gising pa, kasama ng dalawang kumag na lasing na lasing na rin. Tiningala ko yung buwan. Binadtrip lang ng ambon yung mga mata ko. Pahid ulit. Maliwanag pa pala. Tulog pa rin ang mga tilaok.

Ikaw ang una kong nakita, tapos tiningnan. Bumating-lasing din sa mga repapips power representationsz. Apir dito, kayod doon. Wala naman kaming medyo pakialam sa isa't isa. Sa iyo lamang.

Kinausap kita. Naalala mo naman pala ako. Siyempre, agarang tanong kung saan nga ba ako nanggaling sabay tingin sa relo mo. Tumingin din ako sa relo ko, baka sakaling makaramdam ka rin ng pekeng vibes.

"Isang kaha po ng Marlboro, pula," medyo bitin kasi.
"Wow, reds ka (rin) pala," hithit, tingala, buga.
"Wala eh," hindi ko na alam ang susunod.

Ikaw na rin ang nag-umpisa, wapakels na ako sa next episodes.

"Dun ka pa rin sa *Subdivision niyo nakatira?"
"Yeap," pagpigil, kamot ulo, "'Kaw ba?"
"Dun pa rin."

Malamang. Sumundot na rin ako ng isang stick matapos taktaking pamekeng hangod ng lasing ang aking kaha. Flick. Burn. Higop.

"Kaso walang tao sa amin ngayon."

Nayari ang mokong. Tumukol na bigla. Binulsa ko na agad yung kaha ko. Katatapos ko lang magchess kanina kaya pag-iisipan ko na muna yung lantad mong huyakoy.

"Oh? Bakit?" malamang sa malamang ulit.
"Hindi ko alam. E kasi," bla bla bla. May namatay rin sa akin. Ipinaliwanag mo pang hindi ka maaaring magpaliban sa tarvaho.
"Ah, sa'n pala work mo ngayon?"
"Sa Makati lang. 'Kaw ba?"
"Dun din."

Hits. Usok. Panay balikan na ng tingin at silip sa aking likuran kung dinig pa nga ba tayo ng dalawang tambay. Pabalik-balik din ako sa kung anong meron sa iyo at bakit nagkakaganito.

"Ga'no katagal na silang wala?"
"Matagal-tagal pa," lasing ka ba? O sinadya mo na lamang. Nagmamadali ka na rin siguro.
"Boring 'no?"
"Boring."
"May dala akong laptop dito," badyang flat nips and fuck. "Beer?"
"Beer? Hahahahaha. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"
"Hahanapin, malamang."
"Sure ka ba?"

Ang lakas kaya ng aya mo. Tumango na lamang ako ng dalawang beses at nagbabayu na tayo sa dalawang spicy fuckers.

Kaunting lakad. Kaunting ambon. May dumaang motorsiklo sakay ang dalawang spicy fuckers na kumakaladkad ang mga gilagid. Tumingin ako sa iyo, nginitian mo naman ang tsonggo.

Unti-unti nang bumagal hanggang sumakto. Tumigil na tayo sa harapan ng inyong gate. Walang susi. Wirdo. Matagal pa naman na akong takot sa kabilang subdivision na'to, ninyo.

"Pasok ka," malamang.

Ikaw na ang nagsara ng gate,
nagbukas ng pinto,
nagsara,
nagbukas ng ilaw,
naglapag na tayo ng mga bag,
nagbukas ng pinto,
nagbukas ng ilaw,
nagsindi.

"Nonood pa ba?"

Nginitian mo na lamang ako.

Sa labi, sa likod, kahit makailang daplis pa sa inog ng daghan. Ikaw ang bahala sa akin at ako rin ang bahala sa iyo. Kikising ang ungol ng aircon ngunit wala pa ring magtatap'sin sa'ting dalawa. Tayong dalawa na lamang muli ang sabay sa mundong balu-baluktot. Ni hindi sila magkamayaw sa kung kailan pa nga o pasaan at paano. Tayo na lamang muli at tayo na lamang.

No comments: