05 May 2026

fragment 23

sabay na nanlaki ang inyong mga mata. sabay niyo ring madaling dinukot ang inyong maliliit na papel. lalong bumilis ang kabog sa iyong dibdib nang makita mo ang maliliit na simbolo sa iyong hawak-hawak. para bang mas nalalapit na ang itsura nito sa wikang mas nakikilala mo. may kung anong kumikiliti sa iyong utak na pilit na tumutukol sa iyong bungo at nag-iiwan ng bitak na hindi mo makamot-kamot.

nakakunot na rin ang noo niya't nakikisapaw rito ang kaniyang ngiti sa inyong bagong nadiskubre. mapapailing siyang ilang beses at isinisi rin sa malikmata ang kaniyang kasalukuyang pinaniniwalaan. nakita niya ang reaksiyon mo sa kaniyang reaksiyon at ipinakita niya ang kaniyang maliit na papel sa iyo nang nakabuka ang bibig at manghang-mangha.

hindi na ganoong gaanong nakakalito pa kaysa sa una na mas madali nang sauluhin nang wala nang kapalya-palya ang kapuwang mga nakasulat. nakagising ito ng panibagong sigla sa inyong dalawa at siyang patuloy pa rin sa paghahanap na para bang magkakaroon pa pala ng pagtatapos.

No comments: