lumapit ka sa kaniya't humawak sa kaniyang balikat. bigla-bigla ka na lamang niyang niyakap. naramdaman mong itinuloy niya ang kaniyang paghikbi habang natatakpan ng iyong dibdib ang hinagpis at kaila sa kaniyang mukha. maya-maya'y natapos ang pahigpit nang pahigpit niyang yakap sa isang singhot niya ng sipon at pagpakawala ng kaniyang sarili pakalas mula sa iyong katawan.
sa huling punas ng kaniyang luha, ipinakita niya sa iyo na kailangan mo palang iharap at pagtapatin ang mga salita sa papel at sa poste. hindi niya ito idinikit. saka niya inilipat sa palad mong muli ang iyong maliit na papel nang ikaw naman ang makagawa. ginaya mo ang pagharap at pagtatapat ng mga salita na ginawa niya. nasilayan mo pa sa huling pagkakataon ang kaniyang ngiti bago ka nabulag sa liwanag at nagulantang sa yanig ng hawak-hawak mo.
No comments:
Post a Comment