14 August 2021

Ang pangit lang ng ugali mo. Napakahusto ng yabang. Bakit nga bang sa tuwing mayroong nalabas, kinakailangang mayroon kang mas ikahuhusay na panig, mas mataas na panaig, mas magaling ka sa lahat? Bakit na lang kailangang madalas o palaging nakaangat ka sa pedestal, sa rurok ng mga hari, hindi kailanmang nagkakamaling sampid sa mga nasa ilalim? Bakit? Palagi kang mataas? Palagi kang marunong? Palagi kang dapat na may sambit na gento ang mayroon kang alam at ikaw dapat ang moderno? Ang bawal husgahan? Ang nararapat na pamantayan? Ang dapat lamang sundin o tanging natatangi, walang bahid ng mali o pangit na pagkakaalam, kuro, o talino?

Sa pagkuha ng sariling opinyon, sa iyo lagi ang tamang reyalidad? Ikaw palagi ang wastong kita, ang 'di na magkakamali pang daan? Ikaw ang tamang daan? Ikaw lamang? A o 'di sige, ikaw lamang. Ikaw na. Palaging kailangang magmaangat sa kahit na anong aspeto, maski siguro pumili ako ng paborito kong langgam, ipandadaig mo ang pinakamatalino mong hula para sa pinakamalupet na langgam. 'Di kaya'y maghahanap ng mas malupit na kuro, mapanggulang na insekto na kayang dumaig sa paborito kong langgam? E 'di mahusay. Palaging magaling, palaging mataas. Bawat tiyempo ng tapak, kailangang mayroong natatapakan. Bawat liko sa bawat kanto, nasisilip, nasisilipan ng pangmeriendang hindi ka nahuhuli at 'di kailanman mahuhuli.

O 'di ikaw na. Ikaw na ang palaging mataas. Ang palaging mayroong mas maganda at mahusay na konsepto. Ang palaging mayroong pambalik kahit na 'di naman inaano. Makakita ng mas perpektong anggulo, kahit na hindi naman gustong lamangan. Palaging nais na lamang, malamang, at takam na takam sa sariling mundong pinaghahari-harian. Makamundo. Makasarili. Ikaw lamang ang tama. Ikaw lamang ang pamato, kami lamang ang mga pananggulo. Nakakagulo lang naman pala yung isip namin e. Para sa'n pang nag-iisip kami at nakikipag-usap sa 'yo 'di ba? Kung ikaw lang din ang tama. Ang pangit kausap. Ang pangit kasama. Ang pangit, ang pangit, ang pangit talaga.

Diyan ka na. Walang respeto. Nakakawala ng respeto. Nakakawala ng gana. Nakakawala ng pagkatao. Burado ang lahat, wala nang matitira. Magsama-sama na lamang kaming iba, mabuti't may ugnayan, kaysa kadalasang makitang mababa at walang pakinabang. Wala na lang sanang gumambala. Dito na lang kami.

07 August 2021

Ambilis na ng panahon ngayon 'no? Mabilis na magtimpla ng kape. Agad nang may maiinom. Mabilis na kasing magpainit ng tubig. Meron na ring mga instant sa sachet. May kape ka na agad, may asukal na bigla, may gatas pang pati. Mabilis nang may gumising sa 'yo, kahit mabagal kang umusad. Mabagal ang makatulog, mabilis na pamamahinga. Kulang lagi ang oras kahit na saglit na lamang ang lahat. Ano pa nga bang dapat nating bilisan para lalo pang bumagal ang panahon?

Yari ka na naman agad, wala pa ngang nangyayari. May mga gusto kang gawin pero hindi masimu-simulan. Panay ang tanong ng mga pagod, hindi hayaang mag-umpisa. Bakit sa tuwing makakaalala ay sadyang agaran din ang paglimot? 'Di bale na dapat ang walang pahinga, kahit na madalas na hinahanap. May mga pagkakataong lumalampas, kahit hindi pa naman talaga nakakaabot. Panay ang tanong sa sarili, wala namang panahong sumagot. O kahit pang simulang dumiskarte, bakit pang nauunahan ng yamot? Kahit ano pang bilis ng tagay, iikot at iikot ang baso. Kahit hayaang maghintay, hahayaan at hahayaan ding matatapos. Lahat pa nga ba ng simulan, sadyang lahat pa ring matatapos. Kaya bang natatakot simulan ay natatakot ding matapos?

Takot sa mabibilis, gustong natatapos agad. Ayaw tingnan ang umpisa, gustong nasa dulo agad. E paanong mag-uumpisa kung sabik sa pagkaganap. Lahat ba ng silbi ay nasa dulo ang lahat? Huwag matakot kumalas sa alaala ng mga mali. Sabi nga'y kung 'di pa nagkakamali, siyang wala pang nagagawa. Kung ano ang hanapin, landasin nang tunay. Hindi natutulog pagkagising, bumabangon dapat nang agaran. Ang takot ay kilalanin, siyang may pakialam sa kaligtasan. Ngunit kung papalagan ang ngayon, mimithiin pa rin ang bukas. Kung kaya't ang maiwan man sa umpisa, maiiwan din sa dulo. Hayaang ang pumagitna ang kasalukuyan, dahil ang kasalukuyan ang pagtatapos.

28 July 2021

I've been thinking of my death lately. Anong maiiwan kong marka kung sakaling lagutan na ako ng hininga. Anong meron ako na wala sa iba, o anong naiiba sa akin kung sakaling mawala. Bakit ba akong nabubuhay sa ngayon kung 'di siguradong buhay pa kinabukasan. Anong meron sa mga ginagawa ko ngayon na mapapansin hanggang bukas. Napapansin ba ako ngayon, gusto ko bang napapansin. Bakit naghahanap pa ako ng pansin kung ayaw ko ring nakikita. Pero gusto ko ring makita ako, kahit minsan lang naman. Minsang mananatili o magpakailanman tatatak. Tatakbuhan ko ba ang bukas kung iniisip ko na ang aking kamatayan. Halagahan kong may mangyaring hindi na ako mabubuhay magpakailanman. Hinahanap na makitang hindi na mabibitin pa. Bitin pa ba ang lahat, o kaunti na lamang ang angat. Aangat pa ba ang hindi na kumikinang pa. Pipilitin ang mga kaya, kalilimutan na lamang ba ang iba. Iibahin pa ba ang mga hilig, o mamamali ang tama na. Mali pa kaya ang tama na, o tama pa bang magkamali. Sakaling isipin ang kamatayan, hayaan na akong magkubli.

Sa isang banda, alam kong may nangyayari sa akin, at mayroon pang mga mangyayari. Yaring may patung-patong na bakat, kinakailangan lamang tingnang mabuti bago hilahin mula sa pagkakaipit. Huwag mag-alala sana dahil naiipon namang masukat ang lahat. Pantay-pantay ang mga saidsid, may kaunti mang sasayad. Palaging magkakalumaan ang iniiwasang mga sugat. Hindi madali ang maghirap, mahirap din madaliin. Alam kong alam kong may kailangan pang mga gawin. Hindi naman pinababayaan, hindi rin nagmamabilis tumapak. Iiwasan ang magpaikut-ikot, nagiging malapit nang makatapak, makihakbang, nakikisabay sa nauuna. Mauunahan ang mga nais, matatakot sa mga pangmamata. Inaasahan ang masaktan, matatakot nang may pagpigil. Nag-iisa ang sarili, sasarilinin ang pag-iisa.

Sagasaan ang mga boses, isiping lahat ay masasabi. Maraming may matatapos, kaunti ang may maihaharap. 'Di naman ding kailangang may maipamukhang kalabit. 'Di naman lahat ay lumilingon, lahat ay may itinitimpi. At akong may pakiwaring ano nga kung ako ay ready because right now, I have been thinking of my death lately.

21 July 2021

Mas makapal ang usok ng yosi tuwing tag-ulan. Mas makapit ang mga alaala. Mas luntian ang mga halaman. Mas takot ang mga ibon. Mas taimtim ang mga langaw at lamok. Mas malambing yumakap ang kumot. Mas maginaw. Mas malambing ang yakap sa mga unan. Mas madaling magutom, magluto, maghanap ng mangangata. Mas masarap ang mainit na kape, sinusong gatas na malabnaw, malapot, kapait-pait. Mas madaling makudlitan ang mga tahimik, madaling-araw nang gigising at... mas madaling makatulog muli.

Yakapin mo ako hanggang sa hindi ko na makilala pa ang aking sarili. Hihintayin kong gapusan ako ng aking mga panaginip hanggang sa maging mahirap nang kusa ang aking mga paghinga. Lagutan mo na ang aking mga pagod at pangarap, hayaan mo na akong malunod sa payapang aking natatanging inaasam. Layuan mo ako kaagad dahil hindi na ako magiging mahalaga pa. Layuan mo ako't palaring mapag-isa 'pagkat anong yari ba ang manatiling mate na lamang sa kinalalagyan. Huwag mo na akong guluhin dahil gulung-gulo na rin ako sa mga eksenang nakapalibot, mga huning pakilabot, halu-halong mga boses, kanya-kanyang pamamalakad.

Iwan mo na ako't dinggin ang kanilang mga nararapat. Ako'y bato na lamang na himlay rito't magpapaalala. Iwan mo lang din diyan ang maligamgam na tasa ng aking kape. Saka mo na akong balikan 'pag naisip mo nang bilhan ako ng pandesal sa umaga. Gusto ko yung manamis-namis, parang maghahalik muli ang matagal nang pinaghiwalay! Kahit pang dalawang buwang inaabangan ang paglubog ng kinang ng araw, alam kong alam mong mas mainam pa ito sa pagsapit ng ating gabi, ng aking huling pahinga.

14 July 2021

Papauwi na dapat. Tulog na nga kasi ang mga tao. Mga pulubi, tambay, at nagsisipagang mga jeepney at bus driver na tumira ng tatlong tasa ng kape na lamang ang sumasabay sa patiyempo-tiyempong lakad sa may sidewalk. Ilang oras na ring napalitan ng tambutso at saidsid ng sapatos ang pag-arangkada ng tren, pagkukuwentuhan ng mga tindera't tsismoso. Nailigpit nang lahat ang kanilang mga bentang patupi at maya't mayang naghahanap ng pinakamaayos na puwesto sa pagtulog habang pinagpipiyestahan ng lamok at langaw ang bukas nang paliliguang amoy.

Mabuti't maliwanag pa ang pangatlong 7-Eleven sa may susunod na kanto. Sinilip saglit ang cell phone na wala na nga palang baterya, buntong-hininga, tingala sa buwan. Dinukot ang panyo at pinunasan ang pawis sa noo at magkabilang pisngi. Naghanap ng mauupuan pero wala kaya umupo na lamang sa gutter at inilabas na ang kaha ng yosi. 

"Parahan mo tayo ng bus."

"Pasaan?"

"Pa-******, o basta dadaan sa ******."

Paubos na ang ikalawang stick nang makapagpara. Buti na lang at meron pa. Preskong jackpot kasi walang aircon. Mukhang sabog talaga yung driver pero okay pa rin kasi good shit ang pinatugtog ng DJ sa radyo. Agad nang naabutan ng konduktor ang nais, agad ding nanahimik ang lahat. Walang kutyaba ng paparating na sakuna, pandelikado man ang dagok ng mga hibla.

Mukhang malayo sa panaginip ang magmadali. Lumingat lamang nang ilang segundo at biglang may tumatapik na sa kaliwang balikat.

"Gago, lumampas na ba tayo?"

Halos patalong sinipa ng sarili ang kagigising lang na diwa. Sinilip ang labas. Lalong guminaw at sumariwa ang simoy ng hangin. Kumuwit sandali ang ngiti nang madaanan na ang mga puno at iba't iba pang mga hudyat na malayo na sa karahasan ng langis, usok, at bakal. Sininghot sa pangalawang beses ang pagkakakalas ng tanikala at dinukot ang kaha ng yosi.

"Manong, puwedeng magyosi?"

"Aba'y, uo."

"Thank you po."

Sumindi ang umpisa ng pagkasabik. May mga paniking lumilipat ng puwesto. Humina na ang kanta sa radyo, at tulog na halos lahat ng pasahero. Payapa pa sa natutulog na tuta ang pagkalong ng tahanan. Lumingon sandali kung may pasahero bang sa likod na maaasar. Buti na lang wala.

"Malapit na, gago."

Ilang lubak pa ang tiniis at pumara na rin sa wakas. Nanigarilyo munang ulit ng tag-isa. Sumunod sa nauuna, habang ginagabayan ng mga natatapakang bato sa lupa. Limot nang magtabi-tabi hangga't hindi pa nadaratnan. Bawat apak ay parang kusang paunti-unting tulak sa pagmamadali. Malapit na... Malapit na tayo.

Maya-maya'y naaninag na sa may ilang dura pa ang bukas pang tila malaking kubo-karinderya. 

"Sabi ko sa 'yo bukas pa si Kabayan e."

"Ano sa inyo?"

"Dalawang pares nga po."

07 July 2021

Magiging okay naman yata lahat kung naging mabait ka.

["Naku naman. How do we demonstrate "friendliness"? May LGBTQI sa Congress, media, corporate leadership, etc. Maniwala ako sa pagka "katoliko" (sic) ng Pinoy, eh mamamatay tao (sic) nga at magnanakaw ang peborit ihalal. Hecklers ang Pinoy. At kasama sa mga hecklers na yan mismo ang LGBTQI."

"hmm I see your point. But, I still believe na yung points sa post still stand true. May internalized homophobia ang karamihan ng mga Pinoy. Tama si OP, we tolerate but we don't entirely accept the LGBT. For example, in corpo world. We hire indiscriminately. However, if may bs na nangyari, we tend to attack their gender instead of their actions. "Bakla kasi yang hayop na yan kaya kanda-leche-leche na dito." smth like that.

Pero totoo nga maski naman inside the lgbt group, I see na hindi naman lahat pantay ung tingin across all genders. May hint pa rin ng patriarchy lolz"

"statistically, sa banking kung san ako nanggaling, mas madaming babae at bakla ang mga nangulimbat."] **

Hindi na siguro kailangang banggitin yung ganitong statistics kung ang punto nga ng post is huwag gagamitin ang kasarian bilang tool para manghusga ng tao. Maaaring valid yung fact na mas maraming babae o bakla sa inyo ang nangungulimbat, pero the point will still stand na hindi porke't mas marami e lahat na. 

Isipin mo, halimbawang bakla ka o babae, pero baka hinuhusgahan ka na agad ng mga katrabaho mo na mangungulimbat ka (kahit 'di mo pa ito ginagawa or gagawin), masakit yun, unfair pati. Parang napintahan ka na agad na masama dahil lang sa statistics kahit hindi ka pa talaga nakikila/kinikilala nang lubos.

Maaaring ihalaw ang ganitong pag-iisip o konsiderasyon sa napakaraming sitwasyon, sa kasarian man, o sa iba pang sektor ng lipunan.

Halimbawang lalaki ka, inaasahan na ba agad dapat na tigasin ka at hindi umiiyak? O hindi maiiwan sa bahay para maglinis, magluto, etc.? Hindi nakadikit sa kasarian ang magiging buong ugaling-pagkatao, o magiging destino sa buhay. Kaya dapat ding hindi ito ang pinakabasehan kung paanong hinuhusgahan ang isang tao.

Halimbawang Katoliko ka, mabait ka na ba agad pero nanghuhusgang masama ang pagiging bakla/lesbyana? Punto ng post is matindi pa rin ang diskriminasyong nararamdaman at nararanasan ng mga miyembro ng LGBTQ+ community, lalo pa't sa Pilipinas e usbong pa rin sa marami ang patriyarkal at saradong Katolisismo. Hindi pinalalaya ang pag-iisip kaya't hindi napalalaya ang mga biktima ng sarado at mapanghusgang tanikala.

May mga magsasalita o magrereklamo ba kung wala nang nangyayari?

Bakit ka takot, bakla ka ba? Babae ka, mahina ka at iyakin. Lahat ba ng Bikolano mahilig sa maanghang na pagkain? Ay Kapampangan ka, dugong-aso amputa. A graduate ka galing UP, ang galing mo siguro magrally. Galing ka palang Ateneo, conyo ka siguro magsalita, 'di ka rin siguro kumakain ng street food, sasabihin mo lang, "Yuck!" You're black, patingin nga ng etits mo kung malaki. All men are trash. Mahirap ka? Tamad ka lang siguro. A Capricorn ka, ganito siguro ugali mo. 'Di tayo compatible kasi Sagittarius ang simbolo ko. Tambay ka lang sa kanto, bobo ka siguro. Andami mong tattoo, masama kang tao, eww. Yung aso mo siguro nakain ng tae 'no? 

Shut. The fuck. Up. Or better yet, make your thoughts shut the fuck up.

May Black Lives Matter. Meron ding mga feminista. Hinihikayat ng mga  ganitong uri ng community ang advocacy na, hindi sila tingnang mas mataas o superyor sa iba, ngunit hinihinging tratuhin ang bawat isang indibidwal bilang kapantay. Kahit hindi black. Kahit hindi babae. Lahat pantay-pantay. Kamakailan lang mayroong Pride Month. Hindi dapat ikinakahiya o maramdamang nakakahiya ang sariling identidad. Bakit bang hirap pa rin ang marami na tigilang manghusga? Na huwag mangmaliit?

O kaya'y bakit papanig lamang sa isang grupo ngunit hindi na nagagamit sa ibang sitwasyon? Kung talagang naiintindihan ang sigaw ng mga adbokasiyang sinusuportahan, hindi lamang dapat natatali roon ang pagtrato sa ibang indibidwal. Kung pagkukumpul-kumpulin lang ang lahat ng ganitong pag-iisip, sa tingin ko, darating at darating lamang tayo sa isang tanong na dapat igiit sa sarili:

Kung ikaw nga, ayaw na mahusgahan agad, sino ka para manghusga agad?

Maaaring backed up lahat ng statistics ang mga pagpanig na panghuhusga pero the point still stands: Hindi porke't maraming ganito, ganito na ang lahat; at hindi dapat unfairly na dinidiktahan o hinuhusgahan ang isang indibidwal na tao depende sa sektor na kanyang kinabibilangan sa lipunan (gender, sex, paniniwala, ethnolinguistic group, race, etc.).

** sipi mula sa isang conversation sa Facebook

28 June 2021

Kung ibabalik mo ako sa second year high school, mananatiling tahimik na lamang akong muli, habang ikinikimkim lahat ng aking mga kasalukuyang kasalanan sa aking dibdib. Tatanggaping ako ang pinakabobo sa lahat ng mga bobo sa amin, at wala nang pag-asa pang matuto sampalin man ng hangin ang aking atay.

Hindi na akong patuloy na makikipag-usap pa, mag-isang uubos ng aking malamig na tanghalian habang nag-iisip pauwi sa bus kung bakit may mga billboard sa highway na hindi pa rin ako nakikilala samantalang pare-pareho lang naman kaming tuwang-tuwa sa mga pailaw kapag malapit nang sumapit ang dilim. Nandoon na lamang kami palagi, hanggang sa malapit na lamang, at hinding-hindi kami nagpang-abot sa pagsapit.

Kakalimutan ko nang makipagbiruan, umibig, at matutong umasa, at magbabaka sakali na lang sa mga aklat at laway na sisikapin ko nang hanapin, lasapin nang matuto naman ang damdamin kong umunawa at makinig sa iba. Sasarilinin ko na lang ang aking mga pekeng ilusyon, yaring muni-muni habang sa araw-araw na paghihintay ng pamadaling uwian ay maalala kong balewala rin naman kung may makapagpapaalala pang muli sa akin.

Ilalayo ko na ang sarili kong makamit ang pansin ng aking mga kaklase, kaibigan, naging at magiging kaibigan. Lahat ay may sari-sariling mga pangarap, sariling mga kademonyuhan at desisyon. Lahat ay gustong pumasa kaya't nagsisikap na manatili pang buhay dahil nabibirong magiging magaan din matapos ang lahat ng pasakit. Ako'y tago lamang sa ilalim ng kanilang mga maaabot at pagkinang, taos na magiging masaya para sa kanila, habang lugmok naman ako sa malas na ako rin naman ang nagdulot at para naman talaga sa akin.

Hindi ako magsisisi, hindi na ako masasaktan. Hindi ko na malalaman pa ang ibig sabihin ng mga pangako at paalam, hindi mo na rin ako matatablan. At kung sakaling ibalik mo pa ako sa second year high school, sisiguraduhin kong may payapang pagyagak sa lupon ng mga dapat nang iwanan ang lahat pa ng aking mga sasabihin, isusulat.

21 June 2021

Paulit-ulit kang mapapahiya. Hindi ka na makakapalag. Magiging kusa na lamang ang iyong mga pagtahimik gaya ng madaliang pagtapik sa iyo dati ng iyong nanay kapag maingay at akmang ngangawa ka sa simbahan. Hindi ka kilala ng pari pero baka makilala ang iyong pamilya. Lilingon kang saglit sa ibang mga bata dahil takot ka nang mapahiya pa. Kakausapin ka na lamang ng iyong isip at tatanungin kung bakit ka pa nga bang nagsisimba, bakit ka pa nga bang nandirito't hindi naman nakikinig.

Titingnan mo ang iyong mga sapatos. Hindi ka pa rin marunong magtali ng sintas. Makati pa rin ang magkabilang medyas na ang nanay mo ang pumili para sa 'yo sa department store. Spider-Man dapat kasi lalaki ka at mahilig ka dapat sa superheroes. Yung bag mo, Iron-Man. Yung notebook mo, LA Lakers. Yung pencil mo naman Mongol pero 'wag sila kasi kumpleto yun mula 1 hanggang 3. Nagtataka ka minsan kung bakit binibilhan ka pa rin ng hindi mabangong pambura ('di tulad ng pambura ng crush mo, yung watermelon) e meron naman nang pambura yung lapis mong Mongol. Tapos andami mo pang ekstrang lapis, e 'di marami ka na ring ekstrang pambura 'di ba? Napakadaling mathematics.

Mapapansin mong sa may sulok na upuan na tahimik na naman yung tahimik mong kaklase. Alam mong nakikilala ka niya pero 'di ka sigurado kung kilala siya ng buong klase. Madalas siyang mapagtripan ng teacher niyo sa Filipino kasi ambagal niyang magsalita, sumagot. Maputla lagi yung mga mata niya at palagi siyang may bimpo sa likod, kahit na alam mong hindi naman siya pagpapawisan kasi hindi naman siya nakikipaglaro 'pag recess katulad mo. Huwag ka raw magtatatakbo pagkakain kasi sabi ng nanay mo magsusuka ka lang at sayang yung perang pinambili ng pagkain mo.

Binubura na ng teacher niyo yung nakasulat sa pisara, malapit na palang mag-uwian. Nagmamadali kang ipasok lahat ng mga gamit mo sa bag habang nakikipag-unahan ka dun sa kaklase mong parang pasara lagi ang mga talukap. Biniro mo na lamang sa iyong isip na baka may sakit siya at walang ibang nakakaalam. Napangiti ka sa kakulitan ng isip mo.

Nagulat ka nang tumingin din siya sa iyo.

Bumilis ang tibok ng puso mo. Nakita ka kaya niyang ngumiti, tumatawa? Kinabahan ka't baka nababasa ng kaklase mo yung isip mo. Binilisan mo pa lalo ang pagliligpit ng iyong mga gamit sabay sarang bigla ng zipper. Tumayo ka na nang agaran kahit na may naipit sa zinipper mo. Hindi ka na lumingon pang muli. Alam mong pareho kayong mag-isang lalabas ng inyong silid. Mag-isang maghihintay ng sundo. Mag-isang gagawa ng mga assignment sa bahay. Mag-isang maglalaro. Mag-isang matutulog kapag inantok.

Inisip mong kinagabihan yung kaklase mong mukhang patlang lagi ang laman ng isip. Paulit-ulit kang natakot at kinabahan dahil ayaw mo pa ring mapahiya.

14 June 2021

Mahuhuli na naman ako sa klase. Maaga naman akong nagising mula sa aking pagkakaidlip. Dapit-hapon na't malapit nang mag-umpisa ang mga huling lektura. Pagdating sa kanto ng paghihiwalaya'y napansin kong maraming nakapila sa gilid ng isang dormitoryo at mayroon silang mga bitbit na balde para sa tubig siguro. Hindi ko rin alam. 

Malapit nang antukin ang araw at inilabas ko na ang aking kaha para magsindi ng yosi habang naglalakad. Pababang kusa, palampas ng ikalawang waiting shed, nakiihip sa aking pagkakalat ang malamig na hangin. May mga papauwi na ring estudyante na kanya-kanyang para at sakay ng jeep. Iniwasan kong tingnan ang kanilang mga mata. Tinanaw kong ulit yung mga nakapilang may bitbit na mga balde.

Paglampas ng kanto'y muling umihip at lumakas ang buhos ng mga kapwa kong mag-aaral na naglalakad. Maaga siguro silang pinauwi ng kanilang mga prof. Napansin kong malapit ko nang madaanan ang tennis court tungong takbuhan. Sa ikatlong ihip ng ginaw, halos pawala na rin ang sigla ng umaga. Sinimot ko na ang huling hininga ng aking nikotina at itinapon ang upos sa may kapunuan sa gilid. Walang sorry-sorry, walang anu-ano. Patuloy akong naglakad matapos mag-adjust ng sikip ng aking backpack nang pangatlong beses.

Dumating din sa wakas sa may bungad ng mga kolehiyo at faculty center. May mga bumibili pa ring lupun-lupon ng mamemeryendang mais at ice cream. Tinamad na muna akong umakyat sa aking klase't nag-isip ng panibagong palusot para magsindi ng panibagong yosi. Kumaliwa ako tungong tambayan ng mga naghihintay ng kanilang mga sundo, mga nag-aabang ng masasabayan pauwi, mga nag-iisip kung uuwi na ba o uuwi pa ba. 

Sa mga kasabay kong nagpapakamalikhain sa palupitan ng mga palusot sa sarili, sunud-sunod na nabuhay ang mga street light. Humudyat ang papayakap na dilim ng araw na ayaw ko na munang matapos. Umakyat ako ng mangilang hakbang sabay liko sa minsanang yosihan sa may gilid. Pansin kong may isang babaeng nagyoyosi rin, at isang babae pa sa may kalayuan na nagpapalipas ng kung ano.

Chineck ko ang aking relo. Late na ako nang ilang minuto pero kebs lang. Dinukot ko na ang aking kaha at nagsindi ng panibago. Adjust muli ng bag at check ulit ng relo kahit na ilang segundo pa lang ang nakalipas. Chineck ko na rin yung phone ko kahit na alam kong wala naman akong natanggap at matatanggap pa. Inalala ko ang hapong iyon, ganito rin ang bagsakan. Tumahimik ang lahat dahil sa pagtitimpi kong hindi umayon sa iyong pagmamakaawa. 

Bawat hithit sa aking sigarilyo'y may pagngawa ako sa kahapong kunin na lamang akong muli. Hinintay ko ang lahat ng kritisismo at sampal sa loob ng aking dibdib habang hinila kitang patago sa parehong puwestong tinatayuan ko ngayon. Shet, dito pala 'yon. Pinitik ko sa may halamanan ang simot na upos at tiningnang muli ang kasabay kong nagyosi na babae. 

Nagsindi siyang muli at tinalikuran ako. Pake ko rin ba sa 'yo? Gagu. Kumuha ulit ako ng isa pang stick at iniipit agad sa labi. Hindi nagsindi ang unang pitik ng lighter. Ikalawa. Ika-ikatlo. Ikaapat. Ika-ikalima. Tiningnan kong muli yung babae. Alam kong may lighter ka pero shit. Nakakatamad makipag-usap. Anim. Pito. Lapit onti. Baka mahangin lang. Walo. Wala. Wala nga talaga. Lapit saglit. Siyam.

"Ito o." Hindi ko napansin sa huling segundo na pansin niya palang wala na akong sindi. Saka na lamang nang iniangat niya na ang kanyang lighter at marinig ang kanyang boses.

"A syet. Salamat." Inisteady ko lang yung mata ko sa apoy ng lighter niya. Baka mapatingin pa 'ko sa mata niya e. Ayokong maulol. Nagkabaga ring sa wakas yung yosi ko. Nawalang bigla yung apoy.

"Salamat."

"Dito na 'ko."

"A sige." Ingat.

Check muli ng relo. Fuck.

07 June 2021

Sa kadiliman ng madaling-araw akong kalmado lamang na naghihintay kahit na makailang ulit pa akong humampas at mabuwisit kaunti ng mga lamok na sumasabay sa aking pagpupuyat. Palo sabay kamot, pero yung malumanay na kamot lang para sa lilipas ding bad trip. Titingnan kong muli ang electric fan na hindi gumagana. Ipapatong kong saglit yung isa kong binti sa kawayang mesa sa tabi ng ash tray na ako lamang din ang nagpuno. Magsisindi ako ng panibago at power trip kong bubugahan ang mga kaibigan kong lamok. Mahilo sana kayo, mga putang ina kayo, hahaha!

Lilingon ako't maaalalang iniwan ko palang bukas ang pinto ng bahay papasok sa sala. Maaaninag ko sa malayo ang papundi nang bumbilya sa may hapag. Sinag ang ipinantakip na dilaw sa natirang mga pritong galunggong nang hindi ipisin o langawin. Natutulog din kaya ang mga insekto? Hithit. Bugang muli sa aking mga bespren sa paghihintay.

Tutulong muli ang pawis mula sa aking mga sentido't noo. Pagkapunas ng aking magkabilang manggas e saka kong mararamdamang may nag-uunahan na rin pala sa aking batok. Pupunasan ko na naman ang mga ito ng aking palad. Hindi ko pa rin alintana ang init at inip. Maya't maya kong tinitingnan ang mas maliwanag pang buwan na patuloy na nagpapainit ng usok ng aking sigarilyo.

Hithit. Aghh, shit. Baha-bahagya ko nang mapapansin ang tila lumalakas na huni ng mga kuliglig. Parang umiinam din ang luntian sa mga damuhan at dahong nakapaligid. Buga. Mapapansin kong nasa ilalim nga pala ako ng bubong na may pumapatak pa ring tubig mula sa yero. Sana umulan ulit. Ibinaba ko na ang aking binti sa kasagwaan ng aking pagkangayaw. Natabig ko ang kaha ng aking yosi at nahulog ito sa sahig. Putang ina talaga.

Pagkapulot ko ng kaha'y naubos na rin ang aking sinindihan. Kinolekta nang muli ng ash tray ang aking basura. Fuck. Patuloy na dumidilim, patuloy na lumiliwanag. Nagkakaroon na ng mahinahong orkestra ng mga insekto sa may kalayuan. Hindi pa rin gumagana yung electric fan at nangangalahati na ang aking kaha. Nilingon kong muli ang mga galunggong sabay punas ng pawis ng aking mga manggas sa magkabilang sentido.

Kumuha akong muli ng panibagong stick sa kaha.

28 May 2021

Parang, parang magmamadaling-araw yata 'yon. Ang lapit ng asul sa nahahamugan nang pabukas na tindahan ng tiya, o parang lumang talyer na rin yata na naunahan pang nagsisitimplahan ng kape kaysa sa nakadyip pang naglalako ng pipitsuging mga balita. Balita sa umaga, balita pa rin sa umagang may niluluto nang sinangag na may hotdog at itlog na binati.

Bumangon ako kasi parang may nakita akong kung sinong baka makilala ko o makilala ako. Nag-abang ako ng galak, hindi ko itatanggi. Pumait ang lasa ng malalamig na butil ng pawis. Lalong lumamig ang aking sikmura hanggang lalamunan. Sumakit yung mata ko pero ayaw ko namang kamutin. Kamay lamang ang naisagot ko pati hinangong hininga. Kilay lamang ang isinagot sa akin sabay ngiti. Ipinaalam kung may mapagtataguan pa ng panggagalingan sa kahapon. Isinagot kong saglit lamang at pero sige tara doon.

Nakita ng dalawang iba pang kasama. Inamoy ko ang salas, maginaw pa rin sa may gate na hindi niya isinara. Mukhang inaantok pa siya at ayaw nang pagtimplahan na muna ng kape. Kumubli siyang agaran sa kama, sa puting mga kumot, puting mga unan, puting bed sheet na biglaang nagsilambutan at luminis, 'ki ng ina. 

Kinamot ko na yung mata ko, baka sakaling maniwala na ako sa sakit na bumabalik sa aking dibdib. Pinilit kong magising ang aking diwa. Parang gusto kong umulan na lang bigla tutal mahal ko naman ang daigdig kapag sumasabay siya sa aking kalungkutan, sa aking paghahanap ng kulimlim at mga dismayadong pusa at langgam sa kalye. Mayroon pang mga natirang kalat na bangkong kahoy, mga hindi nawawalis na dahon, mga kalat na tansan. Maririnig ko na yung taho sa wakas. Nalingat nang sandali ang aking isip.

Pagpasok ko, mahimbing na siya ng tulog. Tumakbo akong muli papalabas para hanapin yung nagtitinda ng tabloid. Diyan na siya siguro muna. Hindi pa naman nag-aapura ang aking mga ngipin at labi, aking bibig sa gutom. Masakit pa rin yung mga mata at dibdib ko pero hayaan mo na. Andiyan na 'yan e at diyan na siya muna.

21 May 2021

Sa umpisa, mayroong dalawang gustong manood ng mga pelikula. Iyon nga lang, nagkakaroon ng biglaang anghang kahapon pa para sa isang perpektong pagkakaluto ng matagal na ring 'di natitikmang spaghetti na may meatballs. Maririnig ang ingay ng vaccuum cleaner at ngawa ng munting tuta. Natatakot ito at mukhang mapapaihi sa pangambang baka lamunin siya ng ingay na ayaw niya nang makilala pa.

Napakagulo. Mayroon pa ring mga kasinungalingang nagpupumilit na magpaayos sa kanya-kanyang buhay. Matamis nang hiramin ng biyolin ang aking atensyon. Anyway, narito ako para maglaglag ng mga linyang magpaumpisa ng mga senaryong may kulit, may paghahanap sa mga halimaw, at maraming pagtatanong ng matatandang ulyanin na.

Ang mga lolo, lola, nagkakakitaan na lamang sa umaga. Nagbabatian ang kanilang mga bibig, namamaga, nagdurugo pa minsan. Sinasabi o ipinahahayag ang kanilang mga suliranin ng kahapon nang walang naririnig na background music, o 'di kaya'y may pagkabagot na sa paghihintay ng kamatayan.

Sa buong haba ng pinanood na mga pelikula, tumara na at humina ang boses ng mga natitirang tagasubaybay. Pakalidad nang pakalidad ang pagsasayang ng mga nakalap ng mga nagkakaisa lang namang boses. Ano pa kaya ang dapat na mahanap sa tulay ng mga sikat? Hello? Excuse me? Maaari mo ba akong pagalingin? Kung hindi, gusto ko sanang magkaroon pa ng mas maraming araw. Saka na lamang munang tangayin ng agos. Ayaw ko pa munang umuwi.

14 May 2021

Natutuhan vs. Natutunan

An open letter para kay Kara David:

Bakit ambilis nating balewalain ang maylaping natutunan, natututunan, matututunan, etc.? Dahil lang sa wala kang ibang mahanap na diksyunaryo o sanggunian na makapagpapakilala sa etymology kung bakit may mga dilang Tagalog na nag-adapt sa ganitong pagdulas tungong pag-iibang tunog ng hulapi? Mahirap balewalain, oo, dahil ang dami-daming beses mo siyang narinig, naririnig, at maririnig pa. Maraming speaker ng Tagalog ang gumagamit ng natutunan, etc.

Ngayon, maaaring kumontrang hindi porke't maraming gumagawa ay tama na, pero sa kalikasan ng wika, kung matagal at marami nang gumagamit nito, nagiging tanggap at tama ito, at hindi madaliang mailalapat bilang "mali" o "hindi wasto." Buo ang salitang natutunan. Meron siyang root word (tuto), at meron din siyang suffix. Sinubukan ko ring magsaliksik noong una hinggil sa kung may iba pang mga hulaping Tagalog ang hindi madalas gamitin pero wala rin akong nahanap.

Hanggang sa naisip-isip kong baka dumaan lamang ito sa isang pagbabagong morpoponemiko (kung saan nagbabago ang bigkas tungong baybay ng isang salita depende sa kung gaano itong nagiging makakapagpadali para sa dila ng nagsasalita) kung kaya't siguro'y may mga Tagalog speaker noon na mas madali para sa kanila ang pagbigkas ng natutunan versus natutuhan (Sige nga, try mo sa dila mo kung alin ang mas madali!).

Bakas ang ganitong proseso sa mangilang halimbawang maaari kong banggitin katulad ng ambaho mula sa ang baho, o kaya nama'y panguha galing sa pangkuha. Kapansin-pansin ang mga pagbabago sa baybay/bigkas sa mga isinaad na halimbawa kung kaya't maaaring ganito rin ang nangyari sa natutunan mulang natutuhan.

Hindi ako sang-ayon sa pagtanggal na lamang nang biglaan, or pagkakitang "mali" ng isang maylaping sobrang tagal nang ginagamit ng mga Tagalog, at sobrang daming Tagalog din ang bumibigkas. Mahirap tanggapin dahil likas ang paggamit ng salitang ito sa mga likas na tagapagsalita ng Tagalog. Ano 'yon, mali na agad porke't may apat lamang na pangunahing suffix ang naipakilala? Hindi naman yata dapat.

Edit 1: Bilang dagdag, mula sa comment ng aking mga kaibigan, may mga salitang gumagamit ng hulaping -nan. e.g. ulunan, paanan, tawanan

Edit 2: Noong umpisa'y meron lamang dalawang posibleng sagot sa problema. Una (1), nagbago ang salita mula natutuhan/uluhan tungong natutunan/ulunan dahil sa pagbabagong morpoponemiko, or maaaring (2) dalawang magkaibang panlapi ang -han at -nan, at interchangeable (maaaring hindi) sila.

Edit 3: Sa kalaunan ng pagresolba sa problema, may mababasang sanggunian ang nagsasabing mayroon lamang hulaping -an, at walang -han at -nan. Pagbabagong morpoponemiko ang paglitaw ng tunog ng N o H 'pag 'di nagtatapos sa impit (glottal stop) ang kakabitan ng binanggit na hulapi. Ganito rin ang nangyayari sa suffix na -in tungong -hin at -nin.

e.g.

ulo + an = uluhan
ulo + an = ulunan

May mga Tagalog na gumagamit ng uluhan. Meron ding mga gumagamit sa ulunan.

Pero mukhang may mga pagkakataong hindi maaari ang pareho.

e.g.

talo + an = talunan
talo + an = taluhan (?)

(cont.) Aware naman ako sa mga dapat at hindi dapat na rule sa grammar dahil maging ako rin ay naging mag-aaral ng wika noong ako'y nasa unibersidad pa lamang. Iyon lang, bakit may agarang pagbalewala sa salitang ubod ng dami naman ang gumagamit?

Maraming salamat kung ito ma'y basahin mo't maunawaan, Ms. David, and maraming salamat pa rin sa ginagawa mong mga paglilinaw sa nakakalimutan nang mga aralin ng mga kapuwa nating Pilipino, lalo na't patungkol pa ang mga ito sa kanila/atin mismong sariling wika. 

Padayon!

Sanggunian: Mhawi Rosero

07 May 2021

Pinagbibigyan lamang kita, makailang buwan at araw ang aking pinapalipas. Alam kong kaya kitang lampasuhin sa isang kindat ko lamang, sa isang kindat ng pilantik-paruparo, mararamdaman mo ang mga pangil na araw-araw mo lamang nilalaro ngunit pandigmang pamalos na sa akin.

Sakaling bigyan mo ako ng mahigit lamang sa karampot na segundong agnas ng 'yong malay, makikita mo ang mga hindi mo pa nakikita. Makikita mo rin ang mga gusto mong makita, at makikita mo ang mga hindi mo dapat nang makita. Makikita mo... Makikita mo talagang putang ina ka.

Ano? Wala kang maipalag ngayon? Alagang-alaga ka e. Hindi mo na ako iniintindi. Sarili mo na lamang ang naiintindihan mo. Nakakalimutan na nila akong intindihin. Nagagalit na sila sa akin, at nagagalit na rin ako sa sarili ko. Minsan, hindi ko na nakikila itong katawan ko, kung kaya ko pa ba, kung buhay pa ba ako, kung mabubuhay pa ba ako, para sa kanila...

Kaya sige, bahala ka na diyan. Kung hindi mo pa ititigil 'yang kagaguhan mong hindi ko pa rin maintindihan kahit ilang basurero na ang nagdaan, ilang beses pa akong inggitin ng ating mga kapitbahay dahil lang sa halimaw sa labas na hindi rin mapipigil dahil sa angkin niyang kapangyarihang kayang mangmudmod ng kung sino, ng kahit na anong kung ano, hinihingi na lamang ng magiging kaluluwa ko sa 'yo na alalahanin mo ako, alalahanin niyo sana akong lahat, alalahaning nag-aalala akong madalas para sa inyo, para sa iyo... kaya tumigil ka na.

28 April 2021

Hindi ko alam kung kinailangan ko kanina ng mas mainam na hango ng pahinga o sadyang talagang hindi na ako kailanman pang makakaunawa sa pagulu-gulong bakbakan at putiang mga ilaw. May mga araw na hindi ako gaanong focused sa rimarim ng gawain at tila mas maliwanag pa sa bagong sibol na umaga ang intindi ko sa aking mga dapat na nakikita. Minsan, naiisip kong baka nagmamadali lamang ako, o minsan di'y may mga sudden realization ako na may mga nakakaligtaan pa rin akong isipin, pakinggan sa aking loob, mga bagay na hindi madalas makita sa mapa.

Gusto ko lang, alam mo 'yon, sumugod, matikas, buo ang loob. Pero alam ko, alam ko, kailangan ko talagang palaging maipaalala nang paulit-ulit-ulit na kailangan ko munang mag-obserba nang maayos, kilatisin ang mga susunod na atake, depensa, mga mapang-agrabyadong taas-balik na panggulat. Dapat siguro kalmado lang ang sanay kung kaya't mahalagang humagod sa akin ang pinakamainam na paghinga tungong payapa. Mas mapayapang paghinga, mas asensadong mga paggalaw, kilos, sunud-sunod na pakiramdam.

Mayroong pinakatamang oras para maiwasto ang pagtatapos. Kailangang malinaw ang bawat punto sa kung sinong maitatapat na problema. Maganda rin sana kung tanggap ko sa aking pananaw kung sino ang dapat na unahin, o mabilisang sagot sa kung anumang balakid na biglaang ibalandrang pag-ibig o pagkayamot.

Sakali, tanggap ko pa ring marami pa akong dapat matutunan, at alam na alam kong gusto ko pa rin ang aking ginagawa kahit na minsa'y magpakailanman itong pasakit at paraya sa pagitan ng aking mga panaginip, pangarap, at pangkasalukuyan.

21 April 2021

Naglalakad tayo tungong kung saan. Maraming puno sa palibot. May mga tao ring hindi masyadong maunawaan kung nag-eehersisyo ba o parte ng parada or circus. Nagtatawanan tayo sa hindi ko maalalang napag-usapan ngunit bigla na lamang may sumalubong na mukhang librarian na babaeng mayroon na namang inirereklamo, pero hindi ko na rin maalala.

Hindi ko sigurado kung nakipagsigawan din ako o ano pero sa dulo'y kumalma na ang loob ng panira sa ating paglalakad at tawanan. May dumating na kakilalang 'di mawari kung sa iyo ba o akin, basta't nagpakilala't humingi ng paumanhin sa pagitan natin. Biglang bago silang umuwi'y may humahalik na sa aking leeg, malumanay na mga labi, habang may paulit-ulit na humihingi pa rin ng paumanhin.

Sorry, sorry, sorry.

Hindi ko pa rin maintindihan. Tungong paglalakad pa'y bigla na lamang tayong nag-aabang ng jeep na paparahin. Nag-iba nang bigla ang oras dahil may pakiraos nang nagmamadali na pala ako, o tayo? Pantasyang hindi ko na rin masiguro pero parang mahuhuli na naman yata ako sa susunod kong klase. Hindi naman kasi ako madalas sumakay ng jeep. Maglalakad lang dapat ako. Magaan lang naman ang aking bag, dala-dala pa ang assignment na ilang gabing maisusulat, mga salaysay ukol sa makinarya at alien.

Hindi ko na maalala kung paano kong sinimulan pero ang alam ko, tanong ako nang tanong sa aking kapatid kung paanong maisisikot ang turnilyo sa kumplikadong software na aming binubuo, 'di ko hinuha kung para sa akin o kanya, or kung kanino man for that matter. Basta ang alam ko, gusto ko na siyang tapusin at gusto ko rin siyang matutunan para matapos ko na at magawa na kasi parang nahuhuli na naman ako.

14 April 2021

May kung anong paghalinang taglay ang isang blangkong papel. Nakakaatat mandumi, manggulo, kulukuting maringal. Hindi ako maging ibang tao ang makapipiglas sa naitatagong angking baho ng puting papel, puting paraiso, puting katahimikan. Ilang ulit mang magsimula, magbabalik at magbabalik sa blangkong espasyo, sa kawalan ng maiisip, isasaisip, simula, marungis, tama pa ba hanggang sa tama na.

Mapaanyaya, hahalimuyak ang bangong kay puti, kay lalim na sisisirin, hinding-hindi makikita ang dulo, sumisid mang mambutas at umapoy ang lagablab tungong kilay at pumiglas. Maririnig ang bawat guhit na umaawit nang walang himno ngunit may kaluluwang mahilig maligaw, magpaligaw, sumayaw mang walang tugtog sa apuhap, madidiinan pa rin sa pakiramdam ang walang pakay na piglas, paraiso, pamamaalam sa puti.

Magulo, may gambala. Biruin mo't biruin ng lahat na hindi sa lahat ng katutura'y may nakatagong sa ilalim ng mesang punung-puno ng lampas na mga marka ng iyong ballpen, aking ballpen, mga takot sa tasang mga lapis at tintang masarap amuy-amuyin kapag hindi pa dumarating si ma'am, si ser, si ginoong may kulang ka pa pero bukas mo na bayaran. Pagbabayarin ka pa rin kahit na lamukot na at hindi na puti pa ang magaspang, magulo, sinarili mong puting mga papel.

07 April 2021

What you see is what you get. Ngayon ang get dito ay yung pagkaunawa o pagkaintindi, o kung pagkakuha man e hindi yung literal na pagkuha (ng kamay). Gets mo? What you see is what you get. Nasa sa 'yo kung anong intindi mo sa realidad base sa sagap ng senses mo. Nagkakaroon ka lamang ng pakialam sa mga sakaling tambad ng iyong pansarili lamang din namang kokote. Wala ka naman talagang pasimudhi pero, alam mo 'yon, nandiyan ka lang naman din palagi.

Ang bawat nasasakupang ayaw mong dinggin ay paalala lamang sa 'yo ng buhay na hindi mo maitatangging nagkukunwari ka lang naman buong tala ng buhay mo. Hirap kang magpakatotoo sa sarili mo't papaano pang magpakilala sa hindi mo naman kaanu-ano. Marami kang napapala sa kabibisto ng mga hinahanap mong kalaban, ni hindi ka man lang maguluhan sa sarili mong mga kapakanan. Iba't ibang kapakanan. Iba't ibang kalakaran. Sa lahat ng mga minutya mong pagpapaalipin, ni isa'y walang umasta sa pinlano. Balewalang mga gaya, bahala na ang makaamoy sa isinalang ng panadero.

Mahahanap ding kay lamig ang mistulang nakatakas sa tag-init. Mabagal ang usad ngunit pamreskong balahid ang liham na dala-dala ng hindi ahas, hindi kamagong, hindi rin maitatabi sa apat na sulok ng pag-iisa. Isama mo man ang kisame at mga bintana sa bibisitahin mong kaarawan mamaya, mabatid sana ng kokote mo ang kaisa-isang awit na nalalaman ng iyong puso. Ikaw ang bahalang sumaya, ikaw ang mag-umpisa. Hindi naman din nila batid na hindi mo pa rin batid. At sila rin naman.

28 March 2021

Medyo kuntento na kung tutuusin. Ilang bulabog pa ang kumalabit. Pintig sa balikat ko'y kaunting asar na lamang ang pumapakli. Hindi ko na pinababayaang malunod sa ilalim ng walang hintayang pag-aakala kung darating pa nga ba ang bus pampasahero o lulukbit na lamang ako sa agarang pamimistulang sakali ng diyus-diyosan, diyus-diyosan...

Ah, saka na. Lumiliwanag na nga na naman pala. Kahit pang masira nang paulit-ulit yung hingahang matalik na matalik, ilang piyesa pa ang umalis at kumaripas ng lipad hanggang mahulog sa basurahan, at makailang alala pa ako sa typewriter sa dalampasigan habang nakikinig sa mga alon ng dagat na walang-walang surfers, ang kulimlim ng langit ang siyang mag-iiwan sa akin ng hindi mauunawaang lilipas ding ngiti.

Inilublob ni kumpare sa putikan ang kanyang kikislapan ding mga tsinelas. Hindi na baleng makagat ng crabs, cramps, o kahit na anong camps. Come over here, come over her. Come as much as you want, as much as... it gets.

Hayaan mo kasi hinahayaan naman talaga. Nandirito na ang mga darating pang mga tropa. Paypayan mo nang maigi ang mga nagtatalbugan nang mga fuck, wait lang. Nagdala ka ba ng gin? Empy? Maraming case ng red horse? Ah, saglit, iisipin ko muna kung papayagan ko nang muli ang aking sariling matulog sa ilalim ng langit, sa ilalim ng walang ulap, ng mga talang nakakaalala ng pinagsamahan namin dati. Paalam.

21 March 2021

Tatalun-talon, papari-pariwara. Mga lalaking nakaantabay sa mga gusto pang maggala. Hindi ko naman sinasabing wala na silang mga pakialam. Ang hirit lang ng mga mangga'y magsimula na silang sumibol, maski isa-isa pa, basta't nang hanggang sa dulo'y maisawsaw ang mga maipong barya sa kalasap-lasap na mantikang tatapos din sa ating mga kamatayan.

Madulas ang kupad ng mga alalay sa kahapon. Huwag banggain ang mga nagsisipagtayugan nang ala-alambre't mga tanso. Sa tuwing maghahapon ay saka maghanap ng mapaglilibangan. Huwag kalimutang magbitbit ng lubid at banig, tihayang pasahig, ang iniwang duyan sa bahay ay ngangatngatin na ng mga bubwit na lalaki ring mga peste, ayaw na ayaw, kadiri.

Pero, o siya, siya, nakarating ka na rin naman. Kahit pang ilang dagok ng hikab, matagal nang naikintal nang walang halong pagtikhim ang nalalapit o nalalayong paglapit sa karimlan. Walang makatatakas, walang bisa ang mga abono, ang mga bait, ang lahat ng kahit ipunin pang sambit ng pagmamahal sa kahit na ano o kanino. Gaano mang gabuhos ang mga patak na inipon, isang wisik lamang ay mayroon at mayroong didikit at tatalsik na mga balahibo. Damay-damay na sa lahat ng matilamsikan, maghanda ka ma't magtago, harapin man ang mga pagsubok o lumayo, nariyan ang mga tambay, nakaantabay, mga babaeng gusto ring makigala.

Papari-pariwara, tatalun-talon.

14 March 2021

Sabi nung napanood kong video nung isang araw, "There's no path without pain or misery." Kung stuck ka raw between two hard choices, it's okay to consider the pain or misery na mararanasan sa parehong path na pinagpipilian.

Hindi naman ako naniwala agad so minabuti kong icheck sa isang circumstance. What if gamitin ko 'tong lenteng 'to sa exercise?

Anong consequences kapag nagdiet at exercise ako? Mababawasan yung makakain kong masasarap. I'd have to maintain the schedule-routine exercise so like palaging may pagod ako sa katawan.

Anong consequences kapag 'di naman ako nag-exercise? Papangit yung health ko. Hindi na magkakasya yung mga gusto kong isuot na damit.

So, yeah, alin diyan yung pipiliin kong mga misery 'di ba?

Bale medyo napagtanto kong may sense yung sinasabi ng video. Hanggang sa umabot ako sa pag-iisip na walang perfect na path, I mean;

When we say perfect, walang may ayaw natin, walang problema, walang bad trip, walang mali so kung madalas kong ilalapat yung ganitong takbo ng pagkakategorya ng iba't ibang tahakin ko sa buhay at sapalarang mental, I should accept yung reality na magkakaproblema at magkakaproblema ako, na iyon nga, there's no perfect path, no perfect life, no perfect friends, no perfect partner, no perfect family,

nothing is or will ever be perfect. 

I don't know how to perfectly end this so yeah, fuck.

07 March 2021

I fail as a lullaby 'pagkat yaring limot na ng aking lalamunan ang iba't ibang songs, iba't ibang himig, iba't ibang forever gimmick, mga malawalang iwanang lyrics. Higit na ipinagtatakang umigwa pa ring nagbabalak na gabi-gabing maghintay maski pang hindi tumila ang ulan o may mga pagtatangkang maipasuot mo sa akin ang napaglumaan nang black suit and tie ng iyong ama.

Sandali lamang at tatapusin ko lamang hukayin iyong ilang linggo ko nang problema sa bahay.

At... mukhang bukas na ulit.

Saka mo ako ipakikilala (o baka hindi na) sa mga nagluluto ng dinner mong nasa malayo pa lang ay langhap na langhap ko na ang kabusugan. Marapat lamang na turuan kong magthank you ang aking mga pananamantala nang 'di nila mavisualize kung ano nga bang tinira mo't naisipan mong nagkakaroon pa pala ng pag-asa ang mga yamot nang umibig.

Marahan at mahina lang sa bawat senyas, pagkibo, pagkalabit sa balahibo. Pagkatahimik na mga ngiting hindi naman dapat pinipigilan. Maaalala ang mga itinuro sa school, mga paksang hindi naman talaga nalaman. Mga iginuhit at idiniin sa pisarang aksaya lamang sa chalk at bagot ng orasan.

Minu-minuto ang lumilipas, sakaling enjoyin mo pa rin ang mumunting palabas. Hindi pinaghandaan pero sabik na sabik sa pakinabang. Atat na akong manumbalik sa tuktok, maging aliping may trono. Mamahaling hindi naibabalik, gagayak na pang-asno. At kung sakaling mabatid pa ng imagination mong sawi, ang aking mga balak ay pinrito nang sa kawaling naghahasik ng mga tilapong pumapara sa mga nagmamadaling makauwi.

At... mukhang bukas na ulit.

28 February 2021

Paminsan, pinagmamasdan kong mainam ang buwan bilang paalala sa akin na humahawa lamang ng sinag ang mga kapuwang lalang lamang ding lubog sa kawalang kuwentahan ng lahat. Mapagaano man kaliit, kalaki, kabait, kasama, ang lahat ng binubuong daigdig sa mga dai-daigdig ay kakulangan lang naman sa kahit ano pang gustong iparamdam sa atin ng ating mga nag-iisa lamang ding mga tanong.

Bawat prinsipyo'y kapwa nagpapanaigan lamang, at kung sakaling may umisa pang akala'y hadlang sa kanyang pangungungumustang panlilinlang, ni hindi niya man lang nanaising magpasinag sa hindi rin mahahalatang pamuwesto't pagpapagana ng mga nagsisitagayan nang tunay, mapawalang bangko pa 'yan o may karga-kargang lapis at papel, walang tintang mga ballpen at malalamukos ding mga papeles, ibinulsang mga kalamansing nadaanang mula sa isa hanggang dalawang dura lamang ang pagitan tungo sa tiyang parang walang iniinda ang mga angking ngiti ngunit lumalabas din ang tunay na balahibo sa tuwing sasapit ang mga aalagad-alagad ng kung ano.

Hindi na matatapos pa ang paghinging pamamaalam. Ang pagkalalim na sugat na likhang bahid mula sa kasiyahan at pagkatunaw ng limahid ay sinubukan munang pagalingin gamit ang kakaibang lakas ng sustansya, poging-poging mga pambihira, tikas na nakalalaglag ng panty, hindi matatawarang mga hiyaw, hindi matatapos na tugtog, hindi matatapos na iyak, hindi matatapos na pag-iwas sa panaginip at pangarap.

Ang makapanlisik sa ginoo ay pinigilan subalit aabangang mga latay sa dibdib ang siyang paulit-ulit na makapagpapaalala sa bawat paggising na, iyon na nga, walang kuwenta ang lahat, susunod at susunod ang walang may-ari sa mga ginoo at ginang. Tatanggapin sa sariling magtatapos ang mga hindi na nasimulan pa. Bubuhusan ng abo ang mga gustong magkuwentuhan. Mapagtatantong magiginhawaan lamang ang kanilang mga ginagawa nang dahil sa ang mga dumaa'y hindi naman na dapat pang nililingon. Kung tanga ang may sabi na malaya ang mga ibon, ano pang isasakali ng mga ihip sa kahapon?

21 February 2021

Huwag mo nga akong guluhin, maliit na isdang galing sa pangpang. Naligaw ka lamang nang ilang wasiwas ng palikpik, akala mo na'y nasisid mo na ang lahat? Hindi naman sa pagmamasabi pero kapag pagtutuusin ang iyong mga kurong pagtutuos, kung tutuusin, wala naman talagang nagtutuos.

Ano ba kasing problema mo? Na sa akala mong may sa bawat manubelang bibiglang may pagligaw e nagkakamali na agad ng pagpasok? Ang dilim ay nakapanghahawa sa isip kaya't ubusin mo na agad 'yang mga natitira mo pang balak at baka sakaling makatikim ka pa ng kakaibang ligayang hindi naman na dapat pang hinahanap. Pangangapang tunay, galit at poot, sa paghahanap ng nagpapausad sa makinarya ang siyang gigising sa iyong masamang gising.

At kahit na maghintay ka pa, at siya, at siya, ang mga abubot sa kanyang buong katawan ay tuloy pa ring makapanghihina sa aking isip. Hindi ko na maipagpatuloy pa minsan ang minsanan na nga lang at sapilitang pagsukat ng kanyang dating nalalabing pakikisalamuha. Pero alam ko ring siya'y may puso, nakakaintindi, at hindi pa rin tumitigil sa pagkain. Masaya akong masaya siya. Huwag mo na rin sana siyang guluhin.

Mag-iingay 'yan nang mag-iingay. Tila walang sinasanto. May nakikitang hindi ko kailanman maipapakilala sa sarili kong mga pang-amoy. Mayroon siyang sariling mga alaala, pagsipat na malabo para sa akin. Ang ikinalilinaw na lamang ay ang muli't muling pagbabalik niya sa akin. Alam kong hindi na niya ako malilimutan ngunit marami na akong nakakaligtaan. Marami na akong pinalalampas, at marami na ring napapanaginipan. Hindi ko ako ang mga kasalanan bagkus mabigat pa rin sa aking dibdib sa tuwing may nakikitang nalalaglag na manggang dumadagundong sa bubong sa tuwing sasapit na lamang ang dilim.

Magugulat ako, malamang ay magugulat din siya. Sisilipin kong saglit ang buwan nang makahingi ng kaunting simpatya, sandaling pahinga. Ang paghinga ko'y unti-unti ko nang kinakalong nang sa dumating na ako'y malagutan, maaalala ko pa rin ang paubos ko nang mga hinga sa aking mga pahinga.

14 February 2021

Kuwentong blowjob.

Ano ang nauuna, isip o emosyon?

Mangyaring may dalawang batang nasa toy store na parehong hindi binilhan ng gusto nilang laruan. Ang isa ay ngumawa at ang kabila'y hindi. Anong tumakbo sa isip nung kalmadong bata kumbakit hindi siya umiyak tulad nung isa?

Minsan, inilulusot ko sa sarili kong ang emosyon ko'y produkto lamang ng kalikasan ng pisikal kong utak. Maigi sigurong isiping maaaring bunga talaga ng pag-iisip ko kung ano yung nararamdaman ko. Maaaring may kapareho ako ng sitwasyon pero puwede ring magkaiba kami ng pagtahak, magkaiba ng daloy ng isip, magkaibang direksyon.

Nauuna nga bang mag-isip bago bumulusok o bago manahimik? Paano ang mga baby na umiiyak na lang bigla? O nagagalit? Anong nasa isip nila? May mga agarang himutok ng damdamin (pa) rin ba tayo tulad ng mga sanggol? O unti-unti na lamang nating pinipigilan ang kalikasan ng emosyon?

Iyong pagpigil ba ng emosyon gamit ang isip e maaaring tingnan bilang nauuna ang emosyon sa pag-iisip?

07 February 2021

Happy fucking beer! Isinilang kang muli, motherfucker! Lasapin mo ang laslas sa pulso ng kawalan ng muwang. Hindi ka na makakabalik pa, sugurin mo man nang papilit ang nakaraan. Sa diyos ng mga patirik ng kandila at halik ng kamatayan, maaari mo nang sabihing buong buhay ka nang pinagmumulatan ng mga madlang ignorante, pulpol pa sa berde. Ang mga signos ng kuhang musika at putukan na grabe. Kapag binilisan pa lalo, baka mayari na. Ang sinabi ko gumising ka, bakit biglang natutulog na!

Gising, gago! Oorder ka pa ng fries sa malayo! Dagdagan mo ng cheese yung sa akin, tapos barbecue at mayo! 'Pag pabalik ka na sa kanto, antabayanan mong lumiwanag yung papitik-pitik na streetlight, at baka 'di mo maiwasang makaladkad nang papuwersa, imbalidong nilalang. Baka pagbalik mo rito e kaunting sauce ang matirang paghahati-hatian na lang natin. E wala ka na ngang ambag. Nauna ka nga sa kalakaran pero kami pa ang lumaspag sa mga korteng iiwanan ng ilaw na nanghahawa sa hikab mong hindi mo pa rin inuunawa. Saka na, saka na, saka na sigurong pumalo. Ang mahalaga na lang siguro, may chance ka pang sumuko.

Pero hindi ibig sabihin no'n e tamang good trip ka na lang. Tandaan mong may sa gilagid ang kuskos ng kamangmangan. Kaya kung may gusto ka mang ibida sa nalalapit nang mga oras, pagpalit-palitin mo man ang mga kamay ay mayroon pa rin sa 'yong totodas dahil hindi naman sa kawalan ng morale ang usaping makapaglalayo. Ang usapin sa kaibuturan ang dapat na tumatayong mga magulang, sandigan, dapat laging may makakapitan. Kung mag-isa ka sa gapangan, huwag na sanang pag-aksayahan ang mga natitira mo pang segundo, maeengganyo kang magmadali. Sige na, motherfucker, at hanggang sa ikubli mo pa ang iyong inimbentong mga mekanismo. Hindi ka naman nag-iisa so don't take us for fools.

28 January 2021

Idinapat bang ibulalas na mayroong tindi rito sa gitnang banda? Dapat ba? Fuck. Sa pagkakaroon ng mali, hinihintay na lamang na sumimple ang bawat patutyadang ang pag-aaruga sa mga anghel ay dulot na lang din ng alulong ng lima hanggang apat na mga buwiset. Gabi-gabi na lamang, o baka sa tuwing papasok na ang madaling-araw ay namumuo ang kung anong hindi timpladong pagkakalam ng sikmura. Siguro, mayroong gustong magnais. Ang kaso lang, may pagpipigil pa rin sa paghila ng pagtatago sa liwanag.

Mahirap din namang mautusan, o imposible, ang mga natitira na lamang na suko ng kahapon. Nagsisimatayan din naman ang lahat matapos magpakalugmok sa kahit na anong pagpahid sa ilalim matapos lumubog nang tuluyan. Sinasadya nang umalingasaw ang pagkatakot sa iwas sa pangakong pamamahinga dahil nakapako na rin lang nang may pagmamatyag sa ingay at dausdos ng pekeng kasalukuyan.

Kakalmahan pa rin ba ang mga pagtusok ng kuko pailalim, o hahayaan na lamang magpatira sa mga morpemang may simbagal ng kuwan hanggang sa ihagis na lang ang katawan tungong ibang pag-aari? May pagkukunwaring pagpupumiglas mula sa inimbentong mga sala, at tagung-tago sa mga repleksyon sapagkat umaayaw na igiling ang yaman. At kung may isusubo pang isang kutsara na sukli ng sa kahapong pag-iina, ay sa kung anong tulin pa ba nang matapos na ang lahat ng ihinain sa mesa.

21 January 2021

Pasalangit (nawa). Patago. Pagkaginaw. And I'm kind of all over the place. Fuck you, you fucking fuck. Sorry. Puta, ang ginaw. Shit. Kailan pa bang magkakaroon ng panibagong pag-atras, paghingi ng hinahon? Nasaan na ang mga hinahanap kong tala kapag kailangan ko na ng kakampi? Bakit ba sa tuwing nariyan, e nandoon naman ako?

Hala, hindi naman sa pagmamakisot pero ang gulu-gulo na naman ng pinagtatakluban mong mga pahinga. Nawala na ang mga pinag-umagahang abang upang magpaabot ng timyas ng aliwalas ng madaling-araw. Nagbabagong bigla ang mga liwanag pero hindi pa rin nagsisimulang magkumahog ang pamamalit-piyesa. Puwera na lang sa mga nakasasawa nang pagrereklamo tungkol sa sarili na paikut-ikot lamang din mag-umpisa.

Waring bumangon na't nananadya ka pa rin, kahit pang humingi ka ng paumanhin, umiigpas pa rin ang pagkitil sa kasamahan ng sinubok na ng panahon. Ang bawat iniwang marka ay silbing patunay na hindi lahat ng kay titibay e boss lord na agad, at kung sakaling may aalalahanin pa, alam mong alam kong napagdaanan ko na ang salimuot ng pag-uulit. Nakakainutil kung paminsan. May mga kaparehang itinatapon na lamang pabigla't nakakagulat din at sa kung pasaang sumabog ay wala nang may pakialam.

Pagunaw, paumanhin (din) pero may premyo pa rin sa mga lumilipas na ihip. Pag-isipang matagal ang mga walang kuwentang bagay nang umibabaw ang siyang may-halagang paghikahos matapos magpaalam sa nakaraan.