29 July 2010

May Naririnig Ka ba?

For some reasons, kailangan kong baguhin ang nakasulat dito.
Siguro siyempre, para tanggalin ang kayabangang pakonti-konti ko nang inaalis sa aking buong katawan.
Ayaw kong lumabas na mayabang sa harapan ng ibang tao.
Oo, masarap tingnan ang mga matang inggit na inggit sa iyo
Pero minsan matuto tayong magpakumbaba.
Huwag minsan, gawin na nating lagi.
Minsan, boring sa UP.
Madalas.
Magulo.
Ang daming buildings.
Puno.
Trees
Track Oval
Acad Oval
Acads.
Jogging.
Maraming kabigan
Kaunti?
Wala.

Magtapon ng basura sa tamang lagayan.
Iwasang maging late.
Sumunod sa batas.
Huwag dadaan sa malawak na kalsada.
Huwag sipain ung pusang naglalambing.
Manlibre kung kinakailangan.
Huwag madalas manlibre.
Masarap ang siomai sa kanto.
Mag-aral lang kapag tahimik.
Masarap mag-aral.
Huwag ipagpalit ang kinabukasan sa kung ano.
Tapusin ang mga nasimulan.
Magtipid ng bala.
Timing ang kailangan sa pag last hit.
Huwag gagayahin ang adbot na easy.
Magaling mang-headshot si Xavier.
Sobrang lakas ni Ted.
Magkumot pag malamig.
Masarap din ung crinkles.
Inaantok na ako.
Wala ako sa mood magsulat.

Awayin niyo si vince_of_cebu. Haha.

click me

24 July 2010

BAUL: Pan Pil 12, Movie: Moral

07/20/2010

Moral


Dumaan ang lumang panahong ang mga lalaki at mga babae ay hindi pantay-pantay. Minsang tumatak sa isipan ng mga taong ang babae ay simbolo ng kahinaan, kalinisan at kapayapaan. Maaaring naging ganito nga ang pananaw ng mga sinaunang sibilisasyon pero marami nang makapagsasabi at makapagpapatunay ngayong walang mas makaaangat pa sa isa at hindi pupuwedeng limitahan ang mga maaaring gawin ng kababaihan.


Ipinakita ang kababaihan sa palabas ang diretsong pagkakasalungat ng mga naihayag na simbolo noon para sa kanila. Hindi maikakait na hindi lamang mga lalaki ang maaaring magkaroon ng magugulong buhay, samu’t saring mga problema at bisyong nakasisira ng napakagandang kinabukasan. Itinampok ng mga artista ang pagkakaroon ng kamalayan ng mundong hindi lang pala mga lalaki ang nalululon sa masamang droga. Totoong may mga halimbawang masipag mag-aral ang mga babae at mas mataas ang probabilidad na makapasa sila nang may matataas na marka ngunit hindi pinahuli at mas binigyang-pansin ang pagiging magulo ng buhay ng isang babae. Ipinakita rin ang pagiging mapangarapin ng kababaihan at mayroon ding mga nawawalan ng pag-asang makamit ang mga pangarap. Naisiwalat din ang pagiging “pabrika ng mga bata” ng isang asawang babae na hindi naman tama kung hindi naman ginusto ng isa ang kanilang ginagawang responsibilidad. Napasuot man ng maraming maskara ang isang babae, dalawang bagay lamang ang masasabi ko. Unang-una sa lahat, nakatutuwang isiping ang mga lalaki at babae ay pantay-pantay na sa halos lahat ng aspeto sa buhay. Hindi na nagkakaroon kadalasan ng diskriminasyon sa kasarian at bawat isa ay nirerespeto ang kani-kanilang mga kakayahan. Ikalawa, nakalulungkot sapagkat nang namulat ang kababaihan sa kamalasan at karumihan ng mundong ito ay walang awat na rin ang pagdami nilang gumaya, makihalubilo at makibagay sa mga napapanahong kabulagan sa mga nararapat na gawaing kailangang gampanan. Nasira na ang imaheng lahat ng mga babae ay hindi sanay sa gulo, napakamahihinhin at magaan ang saloobin sa buhay.


Gayunman, hindi na natin masasabi pa ang kaibahan ng kalalakihan sa kababaihan pa sa ngayon. Oo, siguro sa mga pisikal na katangian ngunit umiibabaw pa rin ang ideyang nagagawa na halos lahat ng isang kasarian ang kanilang mga gustuhin sa mundo.

BAUL: Pan Pil 12, Matandang Panitikan

07/17/2010

Ang Ating Panitikan


Ang ating panitikan ay hindi na tumigil sa pag-unlad simula nang ito ay sumibol panahong wala pang nananakop sa bayan. Simula sa mga awit, matatalinghagang mga pahayag at mga kuwentong bayan, hindi naawat sa paglawak ang imahinasyon ng mga mapag-isip at mapaglarong mga utak ng mga Pilipino. Nagkaroon man ng pagbabago ng lenggwaheng ginamit, tuloy pa rin ang malusog na agos ng ating mga nauuhaw na lapis at bolpen sa bawat papel.


Ang mga sinaunang Pilipino o sanay tayong tawaging mga katutubo ay mayroon nang mga diyos at espiritung mga sinasamba bago pa man tumapak ang Katolisismo sa kanilang mga lupain. Nagkaroon sila ng sinasambang ideya sa bawat trabaho o gawaing kanilang ginagawa at may katumbas na awit ang bawat pagsambang iyon. Nakatutuwang isiping sa simpleng pamumuhay noon ay napakahalaga na sa kanilang kausapin ang nakatataas sa kanila. Naging napakasagradong tulay ng panitikan para sa kanila para maiugnay ang kanilang mga saloobin sa kanilang mga espiritu at diyos. Sa panahon naman ng pananakop ng mga dayuhan, nakalulungkot mang isiping maraming nasawing kaunlaran, hindi pa rin nagpatalo ang mga manunulat na Pilipino. Nakita man nating gipit ang ating mga kababayan sa paglaban sa mga dayuhang walang habag, idinaan na lamang ng mga nakararami ang pagsulat at pagsisiwalat ng mga kawalang-hiyang ipinataw sa ating lahi lalung-lalo na ng mga Kastila. Ang mga taong alam na wala silang laban ay humawak na lamang ng mga panulat at nagsimulang ilabas ang kani-kanilang mga pasakit, saloobin at kahirapang dinaranas. Takot mang dumanak ang sariling mga dugo, buong tapang nilang iminulat ang mga paninira at panlilinlang na ibinabato sa kanilang mga kababayan. Nagsuot man ng iba’t ibang mukha ang gamit na wika, nagsilbing sandata pa rin ang ating panitikan ng mga bayaning Pilipino upang sugatan ang mga moral at konsensya ng mga dayuhan.


Nabanggit sa itaas na maunlad na ang ating panitikan kahit noong wala pang mananakop sa ating bansa. Nagsimula lang naman tayong makibagay sa ibang wika (ibig sabihin ibang mga titik ang ginamit) nang sakupin tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Bagamat napakakaunti na lamang ang gumagamit ng lumang alpabetong Pilipino ngayon, may kasiguraduhang halos lahat ng mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng kanilang sariling alpabeto. Kung ating palalawakin, may mga dalubhasang nakahanap pa ng mga pangkat-etnikong napanatili sa kanilang mga isipan at kultura ang ating lumang tradisyon ng pagsusulat. Nakalulungkot sapagkat halos nawala na ito at napalitan ng modernong alpabetong ginagamit sa kasalukuyang panahon. Hindi gaya ng mga bansang Tsina, Japan at Saudi na may sari-sariling pagsulat, nabawasan ang napakalaking bahagi ng ating kultura sa pagsulat gaya ng mga katutubo. Napakasaya sanang isiping may sarili tayong paraan ng pagsulat at maging mas makulay pa ang nasimulang kultura noong unang panahon.


Kaugnay ng matandang pagsulat na ito, may mga napakatanda nang sibilisasyon at pangkat-etniko ang naninirahan sa ating bansa sa Banaue – ang ating mga kaibigang Ifugao. Ang kanilang nakamamanghang hagdan-hagdang palayan ay hindi lang basta-bastang ginawa. Naging mabusisi ang pagbuo sa pinakamainam na taniman ng palay sa buong mundo. Mayroon din silang mga ritwal na ginagawa sa bawat panahon – panahon bago magtanim, pagtatanim, paghihintay at pag-aani. Bawat nilalang, lalaki man o babae ay may sari-sariling mga parteng kailangang gampanan sa bawat panahon. Sa mga pahayag na ito, masasabing ang kanilang pamumuhay ay umiikot sa kanilang mga pananim – sa kanilang napakagandang likha.


Nawalan man tayo ng napakalaking puwang sa kultura, dumaan man tayo sa hirap at hinagpis, naging makulay pa rin ang ating panitikan. Ang papel natin ngayong mga Pilipino sa kasalukuyang panahon ay hindi lamang ipagpatuloy ang napakagandang simula ngunit magkaroon din ng utang na loob sa mga nagtaguyod at nagligtas sa ating napakagandang panitikan.

23 July 2010

BAUL: 2ndQ, Output 1

-->
Filipino IV

IV - Faraday
Agosto 30, 2009
Gawain 1
Ginang Gozo

May Karapatan Lahat


Sa ating paglaki, marami nang mga impormasyon ang ating naririnig, nalalaman. Maaaring galing ang mga ito sa ating tahanan, sa paaralan at maging sa lansangan. Maaaring noong bata pa tayo, sa loob ng ating mga tahanan, sa mga naririnig natin kung kani-kanino ay naniniwala na kaagad tayo, hindi man lamang natin inisip kung tama sila o mali. Hanggang sa makapasok na tayo sa paaralan, may mga itinuturo nang mga bagay sa ating hindi rin natin maiiwasang paniwalaan sapagkat guro na ang nagsasabi sa atin. Sa lansangan, marami rin tayong maririnig. Ngunit sa tagal ng panahong nahihigop natin ang iba't ibang mga impormasyon mula sa iba-ibang pinanggagalingan, 'di maiiwasan ang maguluhan at maitanong sa sarili - nasa tamang panig ba ako?


Lahat tayo ay mayroong karapatang magsabi ng ating mga opinyon. Lahat ng opinyon at tama. Lahat tayo ay may kalayaan sa pananalita. Nasa sa atin naman kung may gusto tayong sabihin tungkol sa isang bagay na ating nakita, narinig, nalasahan o kahit ano pa man. May kalayaan tayo sa pagpapahayag ng damdamin sa mga palabas na ating napapanood, mga awiting ating naririnig at mga tsismis na ating nasasagap. Wala ring makapipigil sa ating magbigay ng ilang kumento sa mga nababasa nating mga pahayagan o mga likha ng mga letra. May kalayaan tayong sabihin ang ating mga saloobin sapagkat masamang naiipon ito at baka sa huli'y pagsisihan natin kung hindi natin ito nailabas habang maaga pa. Maaaring hindi tayo maliwanagan kung hindi natin minsang ilabas ang ating mga nais sabihin. Walang napapala ang tao kung hindi siya susubok. Ngunit sa kabila ng kalayaang ito, may mga pangyayaring tila nakapagpapagulo sa ating isipan o hindi natin matanggap. Ang mga anak na sumasagot sa magulang ay mali. Oo nga, sabihin na nating ipinagtatanggol natin ang ating mga sarili habang pinagagalitan tayo ng ating mga magulang ngunit sa bandang huli, lagi nating iisiping alam nila kung ano ang pinakamakabubuti para sa atin. Ang mga nagtratrabaho naman sa mga pahayagan at pagbabalita ay minsan na ring tinanggalan ng kalayaan. Sila ay pinapatay ng mga makapangyarihan, pinatay silang mga taong walang ibang ginawa kundi iparating ang boses nila, ang boses ng bayan, iparinig sa maraming tao ang mga saloobin ng iba. Sobrang mali ang pagpaslang sa kanila.


Sa huli, ang tama pa rin ang magwawagi. Maaaring magustuhan natin o hindi ang mga posibleng kalalabasan ng ating paghahayag. Ang importante'y lahat tayo ay may pagkakataong masabi sa ibang may kalayaan tayo sa pagsasalita.

BAUL: 1stQ, Output 5

-->
Hulyo 12, 2009

Mayroon Pa Ba?


Kaya pa ba natin? May makalulutas pa ba? May tutulong pa ba sa atin? May pag-asa pa ba tayong bumangon? Wala na ba talagang kuwenta tayong mga Pilipino, ang ating mga napag-aralang pag-uugali, ang ating kultura, ang ating mga tradisyon, tamang pag-iisip, determinasyong magtagumpay, sentido komun at bait para lang magtapon ng basura sa tamang lalagyan?


Siguro naman alam natin ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin. Hindi na natin kailangang pag-isipan pa nang sobrang tagal kung madali lang nating matutukoy kung ano ang sagot sa napakasimpleng tanong na ito - Mali ba ang ginagawa ko?


Laganap na ang krimen sa bansa. Noong simula pa lamang ay napakaunlad ng ating bansa. Hindi naman sa may maipagmamayabang na tayo sa mga nangungunang mga bansa ngunit tayo ang tipo ng bansa noon na maraming maipagmamalaki sa iba, natatangi at hindi pahuhuli. Sa kabila ng lahat ng mga pagpapalang ipinagkaloob sa atin, may kagustuhan ang damdamin ng karamihan sa atin ang maging mas mataas sa kapwa, makuha lahat ng gusto at sumama sa pagpaparami ng mga kotse nina Gates, Sy at Akon, karamihan pa sa kanila ay mga matataas na.


Magsimula sa itaas. Mayaman na, nagpapayaman pa, dukot dito, dukot doon. Hindi na naawa. Inuubos ang pondo ng ating bansa para lang sa kanilang sari-sariling mga panggastos. Takot mabawasan ang saku-sakong pera. Ang iba siguro'y hindi na nagagamit. Hindi na umiikot ang mga perang naipon sa pandaraya, pahirap na nang pahirap ang ating bansa.


Bawas na ang pondo natin nang malaki kung gaganyan ang ating mga pinuno. Tingnan ninyo, nakaririwasa ang ating bansa sa buhay noon, ngunit nang lumaon, unti-unti tayong humirap.


Alam nating nabawasan ang panggastos natin sa mga matataas pa lamang, pero hindi roon nagtatapos lahat. Papasok na ang mga namumuno sa mas mababang kapulungan at ang mga bundat sa kalsada. Kumukuha rin sa mga kapwa, wala talagang awa. Kakaunti na nga lang ang sinusuweldo ng mga tsuper at iba pag mga manggagawa, pilit na ngang nagbabayad ng buwis ang mga mamamayan, todo kupit pa rin sa kaban ng bayan.


Anong resulta? Siyempre, mauubos ang pera ng bayan, dadami ang mahihirap, madadagdagan ang dami ng walang trabaho at mapipilitang gumawa ng hindi kaaya-ayang bagay ang mga tao. Pumapasok ang mga magnanakaw, manghoholdap, mangingidnap, manloloko, illegal recruiters, akyat-bahay gang, mangungupit, drug pushers, drug lords at mamamatay-tao. Hindi rin mauubusan ng mga pupuwedeng ibenta tulad ng kidneys, lungs, alindog ng katawan at baka sa sobrang hirap ng bansa natin sa mga susunod na panahon ay pati hanging nilalanghap natin ay ibenta na rin.


Noong simula ay maunlad tayo, sa mga panahon ngayon ay humihirap na tayo, isa lamang ang ibig sabihin - unti-unti tayong bumababa. Kung ganito na lang ang nangyayari, malamang ay padamot na nang padamot ang mga nakatataas, makokotong at makokotong ang mga tsuper at dadami nang dadami ang madudukutan ng cellphone pagbaba ng mga pasahero sa may bandang Divisoria.


May pag-asa pa ba?

25 June 2010

Wait Lang

Wait lang.
Tinatamad pa ako mag-compose.
Pero sana gusto ko pag namatay ako,
mai-publish na libro 'tong blog ko.
Haha.
Kung puwede lang naman.
Kapal ko.
Ang bobo ng entry na 'to.
As if naman may tutupad nun.
Shit, ambobo talaga.
Wala akong maisip ngayon.
Kapal lang ng mukha.

17 May 2010

Entering Bootytown

Kita mo. Kita mo.
Minsan bakit ganun?
Mas madali namang mamuhay nang simple lang.
Bakit mas pinipili ng ibang tao ang mga kumplikadong mga bagay?
Minsan iniisip ko, tanga ba sila?

Yung tipong nag-sorry ka na (eh un lang naman ung hinihintay niya) papahabain pa ung gulo. Yung tipong okay naman lahat naghahanap ng gulo, ng problema. Maganda sana yung tipong isang sorry lang hindi na iniisip ang iba. Yung tipong isang sorry lang okay na ang lahat. Nakakaintindi naman yung nagso-sorry e. Lecheng sorry yan. 


Mas gusto nila ng gulo, away, di pagkakaintindihan, giyera, rugby boys at mga poster ng mga walang kuwentang kandidato. Kung anu-ano iniisip nila. Mga di kailangang bagay, iniisip. Mga di kailangang gawin, ginagawa. Mga di kailangang alamin, inaalam. Pag di kayang sagutin, pinipilit sagutan. Bakit di na lang kayo mamuhay nang normal at simple lang? Minsan mambubulabog pa ng ibang tao sa pansariling problema - nagpapapansin? Hindi ko naman sinasabing mali pero bakit ganun sila? Bakit hindi nila kayang kumilos nang praktikal, mag-isip nang tama at gawin lang yung mga bagay na dapat gawin? Puro kayo ka-extrahan at pagpapapansin sa buhay e. Leche. Haha. Leche.

16 May 2010

May 16, 2010

Ito yung araw na naka-smile ung moon, ulet. Salamat, Lei-chan.

13 May 2010

Psychotic Vandals (2007) by Noli Casbadillo

Psychotic Vandals

Attack table 5 group 5,
showing indications of future behavioral turmoil
& problems & if not treated & dealt with accordingly,
the junior devil will strike again,
behind cover & secrecy,
when no one is looking
& laughs out loud (BWA-HAR-HAR).

If you know who did it, 
it's your Christian duty to inform the teacher
to reform the culprit. You will get a reward
for helping stop the vandalistic attack
& counter attack the obscene graffiti
perpetrated by the teenage mutant
who is an advocate from the Dark Empire.

The PSYCHO-TOPAK must seek help 
from the professional psychiatrist
& also needs spiritual enlightenment,
otherwise,
in future he may become the Dark Force.

(Casbadillo, N., 2007)

11 May 2010

She Makes Me Cry

Hindi ko alam.
Lagi na lang akong napapatigil kapag nakikita ko mukha mo.
As in ung pagmumukha mo.
Kahit nakasimangot.
Umiiyak.
Poker face.
Nadapa.
Natalisod.
Lumalangoy.
Tumatawa.
Humahalakhak.
Nakatingin sa langit.
Nakatingin sa akin.
Nakatingin sa pagkain.
Kain nang kain.
Nakangiti.

Alam mo yun,
yung feeling na may weight sa puso mo,
kapag nakita kita sa picture,
kahit sa video,
lalo na pag personal.

Nababaliw na ako
sa 'yo.

10 May 2010

...................

Haha.
Bilangan na lang. Parang Dora lang 'to.
Tapos Sherlock.
Mas marami ka kaysa sa kanya.
Ngayong araw lang naman.

Panget pangalan ng aso niyo. XD

=)

06 May 2010

Random Song

Sabi ko sa sarili ko, ipe-play ko ung playlist ko sa desktop.
Na kung anong kantang lumabas sa playlist,
ipo-post ko.
Yung list nagco-contain ng lahat ng kanta sa library ko.
Ito lumabas.

The All American Rejects lyrics - Back to Me

Hey you
So you never really found your way
Stay true
Did you ever make it through today

I know that when I think about a day without it
Everyday's the same
You wish that you could find someone
But I'm the only one to blame

(chorus)
Can't you see
I beg and plead
Cause when
 your eyes
light up the skies at night
I know you're gonna find your way back to me

No don't
Don't you ever let a piece of me down
Cause time won't
Get back when I'm never around

When we live between so many walls
That I can barely breathe
You say that you just want someone
But I'm the only one you need

(chorus)
Can't you see
I Beg and plead
Cause when your eyes light up the skies at night
I know you're gonna find your way
If it's me
That you don't need
When the lights go out tonight I know
You're never gonna find your way

Soon when I get you I won't let you go
Oooh if I let you
You can take away all that I thought was wrong
And if you hear me there's not much to say
There's gotta be a better way

(chorus)
Can't you see
I beg and plead
Cause when your eyes light up the sky tonight
I know you're going to find your way back to me

Can't you see
I beg and plead
Cause when the lights go out tonight
I know you're never gonna find your way

If it's me
That you don't need
That when the lights go out tonight
I know you're never gonna find your way
If you pace around the world?
And when your eyes light up the skies at night
I know you're gonna find your way back to me

30 April 2010

Talaga Naman

Basta alam ko,

mahal kita.

I Love Tinola

Hiyah ~

Tinola :)

Naks. Interesado. XD

Gumising ako kaninang umaga. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin kaya naisip kong bumangon na lang at tupiin ang kumot. Hindi ko alam na nagbuklat ako ng kumot simula nang ipikit ko ang aking mga mata kagabi bago matulog. Pero paggising ko talaga nakakumot na ako kanina. Hindi ko na maalala kung ano yung almusal ko kanina. Ay, ayun, corned beef. Masarap naman. Lasang corned beef naman. Kumuha ako ng kanin tsaka ng nasabing ulam. Pagkatapos kong kumain, binuksan ko na kaagad ang laptop ko. Nag-online ako hanggang tanghali saka isinara ang internet. Sabi ko talaga sa sarili ko, isang manok lang ang kakainin ko kasi manonood pa ako ng TV. Mali. Isang parte ng manok lang pala. Yan ang sinabi ko sa sarili ko. Wala akong nagawa. Paborito kong ulam e. Marami talaga akong kinain. Pagkatapos kung kumain, nabusog na talaga ako. Hanggang sa dinner kanina ang dami kong nakain.

Babawi siya ngayon. Tingnan natin.
Ang sarap talaga ng tinola.
The best.

29 April 2010

Little Miss Spider

ang gusto ko sa babae

simple.

lol


sabi ko sa sarili ko, eeditin ko ba? baguhin ko na talaga? ito na. ito na talaga.

ang gusto ko sa babaang gusto kong babae:

nerdy
dirty
curvy

joke lang. haha.

cute
mas maliit sa akin
maganda yung mga mata
kahit buong araw lang akong nakikipagtitigan sa kanya
o kahit ako na lang nakatitig sa mga mata niya
talented
matalino
magaling
malupit
masayahin
kinakausap ako
madaldal
madaling umintindi
hindi maarte
malawak ang pasensya
malawak ang pang-unawa
ayaw kong sabihing mataba
ayaw kong sabihing chubby
sexy na lang
ayaw ko rin ng payatot
straight yung hair
mahilig sa aso
mahilig sa mga banda
makakausap ko
naiintindihan ako
gusto niya yung mga gusto ko

imposible

Missing You

"I drew this for you.."

Wala akong magawa. Haha. MS Paint. Super bano. I love sunsets!

27 April 2010

Grief and Sorrow

Gusto ko matutong magdrawing. :(
Gusto ko ng magnificent hand. :(

Naaalala ko tuloy yung mga una kong drawing.
Noong unang beses kami binilhan ng sketchpad.
Oo, tig-i-tig-isang sketchpads kaming tatlo.

Tapos ako lang yung di marunong mag-drawing. :(
Nag-drawing ako noon ng dragon,

ng mga tao sa counter strike,
ng mga baril sa counter strike,
ng mga pasabog sa counter strike,
ng poring,
ng rose,
ng horse.

Tsaka siyempre ng bahay-kubo na may bundok sa likod tapos may palayan sa harap tapos may araw at mga ulap at ibong letter V.

Dame ~

Do You Ever Feel Like Breaking Down?

BOREDOM

BOREDOM

BOREDOM

BOREDOM

BOREDOM


B

O

R

E

D
O

M

WTF.

26 April 2010

Just a Smile

Vice Ganda, namatayan ng ama
Vice: (umiiyak. as in.)
Friend: Okay ka lang ba?
Vice: (titig) Ay oo ok na ok ako. Sobra. Matagal kong hinintay to e. Ayan tigok na. Oo, ok na ok ako. Patayin ko rin tatay mo para OK KA RIN! Gusto mo? Para OK TAYONG LAHAT?!

lol

Naaalala Mo 'To?

Another repost.
!Nollaine: Buwahahhahahahahahah!!
!Pai: Easy lang.

Gusto ko tuluy-tuloy, isang paragraph lang. Game. >:) So aun...

Wala lang. Ganito kasi yun. Ayun. May review kasi kami di ba sa Nucleus? Haha.Muntik na ako ma-chorba. Haha. Edi lunch na. Haha. Niyaya ko si Pai mag-lunch. Ayun, payag naman siya. Wala kaming maisip. Ay, ako pala. So ako dapat mag-isip kung saan kakain. Sabi ko, KFC. Lakad naman kami papuntang KFC. Haha. Waw, haba ng pila. Siymepre tanghali. E ang haba. Baka matagalan. Sabi ko, Jollibee na lang. Oo na lang si Pai. Feeling ko nga magagalit siya eh. XD Buti hindi. Ayun. Lakad kami papuntang Jollibee. Hanglayoo. Joke. Isang tawid lang naman. Pagpasok namin.. WTF?! Mas mahaba yung mga pila kaysa sa KFC. Ayun. Tapos umakyat kami sa level 2. WTFF?! Walang bakanteng upuan. Ayun. Sabi ko kay pai, KFC na lang. Feeling ko magagalit siya. Wee. Hindi pa rin. Bait nomon. Haha. Edi yun, tatawid ulit. Pagtawid, ewan ko, bigla kasing may bus na papunta sa kanila, sabi ko uwi na lang kami. Haha. Edi yun. Ang saya sa bus. Kuwentuhan. Haha. Siyempre di mawawala si Miguel sa usapan. XD Kaya lang, medyo inaantok si Pai. =) Basta may sinabi sa akin si Pai na hindi ko naintindihan. XD Ayun. Pareho kaming bumaba ng Southmall. Tapos babay na ~ Pupunta pa akong Festival. Magmi-meet kami ni Lei! Wee. Classmate ko dati noong elementary. Wala lang. Niyaya niya ako e. Tinanong ko nga kung anong gagawin sa Festival e. Sabi niya gagalawa lang daw. Maglalakad? Oo, maglalakad lang. So ayun. Pagsakay ko ng jeep, eh naghihingalo na yung cellphone ko. Globe pa si Lei. Haha. Wee ~ Nawalan na ng battery. Buti nasabi ko sa kanya na punta siyang Festival mga 2:00. Haha. Ayun. Napaaga ako. Tapos may bandang tumutugtog sa may Jollibee yata yun. Pinuntahahan ko naman. Haha. Insonente ako e. E nadaanan ko ung Spoofs Ltd. Ooooh. T-shirts. Haha. So nabalewala ang banda, pero ang ingay pa rin nila. So mga 5 mins ako naghintay sa lugar na yun. Boom! Haha. Napunta sa likod ko si Lei. Ginulat pa nga ako e. At nagulat ako. Haha. Edi yun. Sabi ko saan pupunta? Sabi niya hindi niya alam. Haha. Edi yun. Lakad-lakad. Tama sinabi niya! Maglalakad lang kami. Ayun. Lakad-lakad. Maya-maya, pinakita niya sa akin ung binili niyang L na ewan, stuffed toy yata. Haha. Tapos biglang ewan, napunta kami kay Remu. Haha. Sabi niya lalaki raw yun. Sabi ko babae un. Sabi niya lalaki. Babae! So in-explain ko sa kanya na sineduce dati ni Misa-Misa si Remu nang malaman niyang (Misa) pag nainlab yung shinigami sa kanya e kapag pinahaba pa nito ang buhay niya ay mamamatay ang shinigami. So nung sineduce na ni Misa si Remu, sabi niya (Remu) babae siya. Ayun. Yun yung sinabi ko sa kanya pero feeling ko di niya naintindihan. So patuloy pa rin sa paglakad. Haha. Nung Grade Six nga pala, halos sintangkad ko lang si Lei. Haha. Pagkakita ko sa kanya, parang nasa balikat ko lang. Waa. Di ako mayabang. Napansin ko lang. => So ayun. Sabi niya, nag-iba raw boses ko. Puwes, yung sa kanya lumiit. XD Habang naglalakad kami, may lumapit sa kanya. Nag-aabot ng sample ng pabango. Haha. sabi niya sa akin naabutan na raw siya nun bago pa man ako dumating. Haha. Nakakaveliw. So sabi ko, habang naglalakad, oo siyempre yun lang naman gagawin namin dun e, kung gusto niyang kumain. Haha. Sabi niya, gusto niyang ice cream. Wenk. Parang si Miguel naman 'to eh. Ice cream. Haha. So ayun. Sabi ko, saan. Sabi niya, sundae na lang. Punta kaming Mcdo. Haha. Kumain kami ng sundae. Libre ko. Siya oorder. DEAL. Haha. So siya nga umorder. Sabi niya kasi, hindi siya marunong. Hindi raw. Haha. So ayun, usap-usap sa table. Tapos lakad na naman, haha. Nilibot namin ung buong level 4 tapos bumaba sa level 1. Dadaan daw siya sa National. Bibili yata nung magazine na tungkol sa anime. Haha. Otaku (?) - chuchu. Haha. Wala pa ung National ng issue ng May pero may nakita kaming poster. Nakakalat. Haha. Aba kunin ba naman at itago sa bag. So ayun. Umuwi na kami. Kuwentuhan sa jeep. Ayun, nagulat nga ako Mandarin na e. May sumakay pala sa may Carmona, edi ayun, nag-abot siya ng bayad. Tinanong nung driver kung saan bababa. Sabi nung sumakay, sa taas daw. lol. Tawanan kami ni Lei. Yun pala sa may San Jose. Mayghad. Sa taas. XD Ayun Mandarin. Di ko na namalayan. Basta. Laftrep. Enjoy. Ang liit mo na!

Harumonia

Natutuwa ako. Matagal ko na itong isinulat. Repost na lang.
Sa awa ng Diyos, pumasa ako. :-O

..

Lipad. Bumibilis ung tibok ng puso ko. Habang papalapit nang papalapit sa aking testing room eh kinakabahan ako. Huminga nang malalim, iniwan ang cellphone sa kuya ko at dala ang mga pangarap sa buhay, lapis, pambura at test permit, pumasok na ako sa room namin kasama ang ibang magu-UPCAT ding mga tao. Chekwa. Ano yung chekwa?

1. Lahat ng left-handed ay ihihiwalay ng pila, di ko mawari kumbakit.
2. Kung may kasama kang kakilala mo sa isang testing room, HUWAG kayong mag-uusap. Paghihiwalayin kasi kayo, nasa pila pa lang. Nako, kung crush mo ung katabi mo paalisin mo pa ba? XD Nasa sa inyo na rin, 'pag nag-usap kayo, idi-disqualify kayo, patatawag magulang niyo at mamarkahan ang pangalan niyo sa listahan nila.
3. Pauso ko lang ung number 2. Titingnan ung test permit ninyo, 'pag pareho kayong school, paghihiwalayin kayo, two seats apart. Sayang talaga kung crush mo katabi mo.
4. Third year pa lang isipin na ang course na kukuhanin, mas maigi kung second, puwede ring first year. XD Matititigan niyo nang sobrang tagal yung application form pag mga bakasyon pa kayo nag-isip. promise. =D
5. Huwag magbaon ng sandwich na may hati sa gitna. Tae, ang kalat.
6. Manghula kung kinakailangan. XD Right minus 0.25 wrong. Kung marami kang blanks, effective ang manghula, isang tama kasi bawi na agad ung 4 mistakes, feeling ko lang.
7. Huwag isipin na mahaba ang 50 mins para sa English Test, nagkakamali ka.
8. 'Pag nilapitan ng frat sa daan, ibang pangalan ang isulat sa registration form.
9. Huwag ngitian ang katabi.
10. Feeling ko walang sense ung number 9.
11. Pati ung number 10.
12. Huwag mag-aral habang papuntang testing center o the day before pumuntang testing center, walang papasok sa utak mo.
13. Huwag mag-aral sa school, nagpapapansin ka lang. Joke. XD
14. Mabisang mag-aral mga 1 week to 2 days before. Huwag ka mag-aral sa English at Science. Word problems ang aralin. XD
15. magdasal bago mag-test.

Paglabas ko ng room namin, nandun sina Kuya at Ate Michaelle. XD Ayun, tapos tinuruan ako sumakay ng jeep patungong LRT 2. Solb. Tapos ang UPCAT. Hinga maluwag. Sana pumasa. =)

Bam Bam

Hindi mo alam kung kailan ka mamamatay.
Unless may cancer ka,
at naagapan.
at may pera ka,
at alam mo.

Pero paano kung..

hindi mo naagapan,
at wala kang pera,
at hindi mo alam?

25 April 2010

The Shade of Poison Trees

Paano kung pinanganak ka nang maayos?
Tapos hinintay kang umabot ng 1st year college.
May lumapit sa 'yong isang pulubi.
Pero kakaiba siya.
May ibinigay siya sa 'yong libro.
Ay hindi pala, libro + DVD.
O libro + DVD ng iyong buong buhay.
oo.
BUONG BUHAY MO.
Mga nangyari, nangyayari at mangyayari sa 'yo.
Binibigyan ka ng pagkakataong masilayan ang lahat.

I would love not to live if that would happen.

15 April 2010

Wake Up

As usual.

~

Walang kuwenta na naman lahat ng ginawa at sinabi ko.
I don't have to emphasize everything.
Every word in my compositions is chosen.
Kailangan binabasa at iniintindi bawat salita.

Sa ibang bagay naman nakasentro lahat ng ginagawa mo.
Lahat ng ginagawa ko nakasentro sa atin,
para sa atin.

Martin Sheen or JFK

Ang saya kanina.

~

Pagkapunta kong Masci, naggitara ako.
Hinihintay kita siyempre.
Nainip ako kagigitara.
Lumabas ako ng gate.
May dumaang bus na sinakyan mo.
Inisip ko bababa ka na.
Hindi pa pala.
Tapos maya-maya, nakita kitang naglalakad.
Sabi ko na nga ba lumampas ka.
Pagpasok mo ng school, pumunta kang office.
Sabi sa 'yo kumuha ng request for 137 galing UP Diliman.
Sumakay na tayo ng bus sa Taft.
Lumapit yung konduktor, siyempre.
Sabi natin sa konduktor Philcoa.
Binigyan na niya tayo ng tickets.
Hindi pa muna niya ako sinuklian.
Tapos masaya tayo, sobrang saya.
Tapos lumipat tayo ng upuan.
Hiningi ko na yung sukli ko.
Binigay na niya.
Tapos sobrang saya talaga na naman natin.
Malapit na nga pala Philcoa.
Bumaba na tayo.
Nag-attempt akong sumakay ng UP Campus na jeep sa tapat ng Jollibee.
Puno na pala.
Doon na tayo sumakay sa terminal yata iyon.
Nagbayad na tayo ng seven pesos.
Umandar na yung jeep.
Pumasok na sa UP nang makarating.
Bumaba tayo sa street ng boarding house namin ni Kuya.
Ipinakita mo sa akin boarding house mo.
Sobrang magkalapit lang tayo.
That was great.
Pero wala si Kuya sa boarding house.
Pinapunta niya tayo sa EEE.
Sabi ko sa kanya di ko kasama si claudette.
Sumakay tayo ng UP Ikot.
Ang layo ng nilakbay ng jeep.
Akala ko nga lumampas tayo.
Ibinaba tayo ni Manong Okie sa EEE.
Huwag mo nang itanong kung bakit Okie ipinangalan ko sa kanya.
Hinintay natin si Kuya.
Ang tagal.
Dumating na siya.
Inihatid niya tayo sa registrar.
Nakipag-usap ka.
Nakipag-usap ka ulit.
Ako naman nakipag-usap.
Si Kuya nakaupo lang the whole time.
Alam na natin ang gagawin.
Bumili tayo ng C2 Apple.
Naglakad hanggang Eng'g Building.
Sumakay na tayo ng jeep doon.
Nagbabay na tayo kay Kuya.
Lumabas na ng UP ung jeep.
Bumaba na tayo sa may Philcoa.
Sumakay na tayo ng bus papuntang Taft.
Tapos sobrang saya na talaga natin.
Bumaba na tayo sa UN.
Pumunta tayong Mcdo.
Ako na umorder.
Kumain na tayo.
Naghintay ng text na hindi dumating.
Pumunta na tayong Masci.
Kinuha ko na ung Eclipse mo.
Sumakay tayo ng bus.
Roundtrip papuntang Southmall.
Masayang-masaya talaga tayo.
Ang sarap talaga matulog sa shoulder mo. Haha.
Bumaba na tayo ng Southmall.
Bumili ka ng tubig.
Hindi pinlastic.
Pumunta tayong National.
Nagtingin ng kung anu-ano.
Napagod tayo.
Umupo tayo sa Southmall.
Bumaba na tayo pagkatapos magpahinga.
Sumakay na tayo ng bus.
Masaya tayo. :)
Bumaba na tayo ng San Antonio.

Sabi ko sa sarili ko, tae bitin. Gusto kitang makasama hanggang sa gusto ko, pero hindi puwede. Kailangan nating umuwi sa ating mga tahanan. Di bale, balang-araw, may sarili na tayong tahanan. Haha. I wish.