Sa tulang Pinaglumaan ni Allan Popa, makikita ang imahen ng isang napakalumang kabang sa labis nang mga pinagdaanang taon e inaagiw, inaalikabok na at inaanay, nalalagas at naninilaw. Kitang-kita ang pagiging luma na ng pinagtataguang lugar ng mga bagay-bagay na maraming pinaaalala sa persona. Sa ganito kalungkot na pagiging kulay ng iginuguhit na larawan sa aking diwa ng mga linya sa tula e mararamdaman ang pagiging makulay ng mga ipinapakitang imahen naman sa memorya ng mga sinasambit ng persona. Maaari ngang sabay na malulungkot ang ipinapakita ng persona sa tula at ng ipinapakita sa kanya ng kabang kanyang binabanggit ngunit nagiging masigla pa rin sa isipan ng persona ang uluhating ipinararamdam sa kanya ng matamlay na matamlay na pinaghihimlayan ng kanyang mga lumang hinihimay sa pagitan ng paghawak ng kanyang kamay nang malumanay ngunit may saysay. Maganda ring pansinin ang dahilan kung bakit nga ba tinatago pa rin ng persona ang mga bagay na makapagpapalungkot lamang sa kanya? Pasok dito ang usapin sa mga taong nagpapahalaga sa mga bagay na kung tutuusin e wala namang saysay sa ibang mga tao, sa kanilang mga sarili lamang. Ang paglalagay ng sentimental value sa mga bagay-bagay, ang mga bagay na iniingatan ng mga tao para lamang palungkutin ang kani-kanilang mga sarili. Kung madalas, ang tao e naghahanap ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya, may mga tao rin namang nakahanap ng mga bagay na iingatan nila para lamang tanggalin ang saya mula sa kanilang buhay. Bakit nga ba ganito ang mga tao?
Maganda rin ang naging tranpormasyon ng mga imahen sa simula ng akda na “kasama ang sulat na inalagaan.//Pumpon ng bulaklak at singsing na tanso” na naging “lagas na talulot, kalawanging singsing,//nanilaw na papel” sa sumunod na bahagi. Mula sa mukhang masaya namang pag-alala mula sa mga bagay mula sa pinaglumaang kaban e lumungkot na lamang ang pagkakalarawan ng persona sa mga bagay na nagpalungkot sa kanya. Makikita ang pag-iiba o biglaang pag-ikot ng emosyon ng persona mula sa pagkakakita ng mga bagay ng kanyang pilit na kinakalimutang pag-ibig. May binanggit tungkol sa isang sulat, isang bulaklak at isang singsing. Maaaring hindi natuloy ang kasal ng persona kaya naging matagal ang pagdala o pag-iingat na ginawa niya sa mga bagay na ito bago pa man niya pakawalan. Malaking bagay nga naman kasi ang kasal. Hindi mo mailuluwa na parang napaso sa kanin ikanga. Isang malaking hakbang sa buhay kasama ang tanging pinakamamahal ng persona ang hindi na tuloy kaya marahil ganoon na lamang katagal na panahon ang lumipas bago pa man niya pilit na iwanan na ang nakaraan matagal na kumapit sa kanya. Mahirap nga naman malamang na magparaya sa isang bagay na matagal nang plinano at ninais tapos bigla na lamang aagawin sa iyo nang walang paalam, nang labag sa iyong kalooban.
Sa sumunod pang bahagi e binanggit ng persona na hindi niya na masilip pa ang alaala ng kanyang namayapang pag-ibig ngunit hindi niya rin maitapon. Makikita ang paghihirap ng persona sa pilit niyang paglimot sa hindi na niya maala-alala. Gusto niyang ibalik ngunit gusto niya na ring iwanan. Hindi na siya makapili. Hirap na hirap na ang persona. Matindi nga ang pagkakakapit niya sa mga alaala ng kanyang nasawing kapalaran ngunit hindi na nagiging malinaw sa kanya ang mga dahilan ng kanilang pagsasama. Marahil ay unti-unti na niyang nakalilimutan ang mga bagay sa pagitan niya at ng kanyang yumaong iniirog. Maaaring sabihing sa paglipas ng panahon e nagagamot din ang sugat na naibaon sa kanyang puso. Time heals wounds ikanga. Hanggang sa bumigay na siya sa hirap ng pag-alala at pilit ng paglimot, at ipinaubaya niya na sa mga anay ang pagsira sa mga bagay na makapagpapaalala at makapagpapalungkot pa sa kanya. Nang mapagtanto na ng persona na unti-unti na niyang nakalilimutan ang saya at pagiging pabigat lamang ng mga bagay na iyon, muli niyang pinalakas ang kanyang loob at sinabi sa sariling nais na niyang lumaya sa kahapon.

No comments:
Post a Comment