Akala ko napag-usapan na namin yun.
Yung kapag nagseselos ako,
kung ano ung naiisip ko,
kung ano ung nararamdaman ko.
Sabi niya pa nga bakit ko raw siya pinaiiyak.
Akala ko napag-usapan na namin yun,
na kung gaano kabigat kapag nagseselos ako.
Akala ko nasabi kong mahirap talaga,
na kapag nakikita ko yung mga gusto niya,
na kapag naguguwapuhan siya sa iba.
Alam niya na yung mararamdaman ko.
Akala ko talaga.
Akala ko napag-usapan na namin 'to.
Akala ko sinabi niyang hindi na mauulit.
Pero bakit nauulit?
Iniintindi niya ba talaga yung mga pinag-uusapan namin?
O sa tuwing naguwapuhan siya ganon na agad,
na makalilimutan na niya agad,
na hindi niya maaalala ung pinag-usapan namin,
na wala siyang pakialam sa nararamdaman ko,
na hindi niya inisip kung anong mararamdaman ko?
Akala ko naman di niya yun makalilimutan,
na wala akong bilib sa sarili ko,
na lalong bumababa ang tingin ko sa sarili ko sa tuwing nagseselos ako,
na sobrang suwerte ko dahil tinanggap niya ako at hindi ibang lalaki na mas mabuti pa para sa kanya,
na hindi niya alam kung gaano kasakit kapag may pagtingin
o kahit kaunting paghanga pa siya sa iba.
Akala ko talaga nasabi ko na yon.
Akala ko alam niya na.
Akala ko di niya makalilimutan.
Akala ko ako lang.
Akala ko lang yun.
05 November 2010
04 November 2010
Bano Ako sa mga Title, Pramis
Wala talaga ako sa mood.
Wala talaga akong maisip.
Kapag may naiisip naman akong great idea na gusto kong itype, tinatamad na rin ako kaagad kapag katapat ko na ung laptop ko.
Sabi nung isa kong prof, kahit sa palad mo, kahit sa bus ticket pa, kapag sobrang ganda ng idea mo, huwag mong kalilimutang isulat.
Hindi naman siguro ako ganooon talaga kaseryoso sa pagsusulat.
Aaminin ko, nage-enjoy ako kapag may naisusulat akong binabasa ng tao hanggang dulo.
Masarap naman talaga sa pakiramdam kapag nahipo mo man lang kahit kaunti ung puso ng mambabasa mo, nagulantang ang kanyang utak at na-inspire sa ginawa mo.
Gusto ko ng ganoong feeling mula sa mga mambabasa ko.
Pero..
tinatamad pa talaga ako mag-type.
Siguro, wala na talaga akong maisip ulit.
Minsan nga naisip kong gawin ung Buhay Masci - uncut, super complete version.
Oo, gusto ko sanang pagbuhusan ng oras yun.
Gusto kong maisulat yon, para naman may babasahin akong sobrang haba kahit ayaw ng mambabasa ko.
Aminin mo, minsan masarap basahin ung feeling mo masterpiece mo na talaga.
Ang sarap balik-balikan ung mga entries mo sa blog na sobrang naaliw ka at nabilib sa sarili mo.
Yung tipong napasabi ka ng 'Syet, ganito pala takbo ng utak ko noon. Haha.'
Kaya kapag ginawa ko ung Buhay Masci uncut, super complete version, sisiguraduhin ko sa sarili kong puro ngiti at kahihiyaan ang mararamdaman ko kapag binasako ulit un after sampung taon siguro matapos kong maipublish.
Pero..
tinatamad pa talaga ako.
Minsan talaga, kapag may gusto akong isulat, tinatamad na agad ako kapag kaharap ko na ung laptop ko.
Ang dami kasing laro e.
May YM pa tapos browser.
Hindi ako nauubusan ng gagawin.
Puwede pa akong manood ng series at movies.
Nawawala agad sa isip ko.
Nakakalimutan ko agad ung bagay na sarap na sarap akong gawin kahit na alam kong wala akong talento.
Kapag pinaplano ko talagang isulat, hindi talaga natutuloy.
Kapag naisulat ko naman ung naiplano ko, kapag sinuwerte siyempre, kulang na kulang ako sa output at hindi ung gusto ko ang kinalalabasan.
Gusto kong makapagsulat ng sobrang gandang piece.
Pero..
tinatamad pa talaga ako.
Gusto kong makabuo talaga ng ganun.
Buti pa 'tong entry na 'to na kung anong lumabas sa utak ko siya ring isinusulat ko.
Mas marami pa akong nailalagay.
Buti pa 'tong hindi ko pinlano.
Ngayong naubusan ako ng gagawin,
saka ako nakapagsusulat nang maayos.
Maayos para sa akin.
Kung kailan inaantok na ako.
Kung kailan ko iniisip na isara na ung laptop ko.
Sabi ko, mabisita nga ung blog ko.
Wala na pala akong naisusulat.
Maraming memories din ung nasayang at makalilimutan kung walang magpapaalala.
Minsan sa blog ka aasa kung gusto mong makita ung mga pinaggagagawa mo noon eh.
Paano kung wala kang dalang camera nung mga panahong yon?
Itatayp mo sa blog mo syempre.
Kaso..
tinatamad ka na talaga.
Minsan, masarap magbasa ng walang kuwentang entry na isinulat ng sobrang antok na tao.
Minsan, masarap magsulat.

16 September 2010
04 September 2010
Bano Pa Rin
Katawan
Kalimitang masasabi sa isang 'di kilalang tao na walang anumang bagay sa mundong ito ang perpekto. Perpektong taong walang bahid ng kasalanan, may maganda at matinong estado sa buhay at araw-araw nakatatanggap ng masasayang pangitain at pangyayari ni hindi nakatikim ng katiting na tusok ng mapaglarong tadhana. Walang taong ganoon. Sa ideyal ngang kaisipang ito, madali nating masasabing ang kabuuan ng mga nakatira sa ibabaw ng planeta at ang mga taong hindi perpekto, mapang-api ng kapwa at abusado sa taglay na kapangyarihan.
Sa aking pananaw, masasabi kong ang pelikulang Boso ay umiikot sa kakayahan at kalayaan ng isang indibidwal sa kung papaano niyang ipahahayag ang kanyang mga gustong mangyari sa bawat kilos at galaw na kanyang ipakikita sa mga taong nakapalibot sa kanya at base na rin sa sitwasyon at lugar na nakapaloob. Mas pinatindi pa ito ng malaswang konsepto ng katawan na isa sa mga umaangat na mga kasalanan sa palabas, iba pa sa mga maliliit lamang na mga kamalian ng isang nilalang. Ang pangunahing tauhan ay nabigyan ng kapangyarihang makakita ng lahat ng nangyayari sa loob ng isang malaking bahay. Hindi man siya nagkaroon ng kaugnay na mga responsibilidad maliban sa pagpatay sa mga daga, nadiskubre niya at para sa kanya ay napakasarap maging diyos - nakikita ang lahat. Pumapasok din sa paksang ito ang kagustuhan ng isang taong maging malaya sa lahat ng kanyang naisin na hindi man lamang pinipigilan ng anuman, ni sinuman. Pagbabalik-paksa sa usaping katawan, naging malaki ang epekto nito sa bawat tauhan, lalung-lalo na sa mga magkakasamang magkasintahan o mag-asawa sa isang kuwarto.
Ayon sa pangunahing tauhan, hindi naman sa sinasadya at aksidente man lamang, nakita na niya ang mga ginagawa ng mga magkakapares sa kani-kanilang mga silid. Pinapanood pa lamang niya ay naaaliw na siya sa mga nakikita niya, ano pa kaya kung siya mismo ang nasa mga eksenang iyon sa ibabaw ng kama? Makikitang karamihan sa mga pangyayaring ganito ay nagaganap sa paglubog ng araw, iyong tipong walang makakikita sa inyo at madilim. Kung anuman ang maipakita ng mga tao sa labas tuwing maliwanag at may nakakikita sa kanila, maaaring maging iba ito at napakalayo nila sa pagiging maamo at inosenteng mga mukha. Ang kagustuhan sa mga katawan ay lalu't lalong umuusbong sa tuwing walang nakatingin sa inyo, sa isang napakaprobadong lugar at matagal nang hindi nakatikim.
Nang mapag-alaman ang labis-labis na pag-oobserba ng pangunahing aktor sa mga daga, siya ay pinaalis sapagkat sino ba naman ang gustong pinapanood siya kapag may ginagawa siyang hindi kaaya-aya? Sa huli, hindi lang pala nag-iisa ang bida sa kabalastugang kanyang ginagawa. Mag-ingat sa iyong ginagawa sa gabi, o kahit sa ano pa mang oras sa buong araw. Pag-isipan ang dapat at hindi dapat gawin. Masdan nang mabuti ang kapaligiran. Baka may nanonood sa'yo.

Agosto 31, 2010
banong-bano talaga. halu-halo ung naisip ng utak ko. haha. hindi. ako lang pala yung baliw. haha.
01 September 2010
Help, Paki-gets, Helppp
Ganito:
Ito kasi, minsan may mga times na nakatulog na ako.
Tapos bigla ko na lang maimumulat yung mga mata ko.
And I find myself sa lugar kung saan ako nakatulog (kama, sofa, cr.. joke).
Then nakikita ko naman yung nasa paligid ko (take note: nakatulog ako, parang bagong gising ako)
pero blurred.
As in madilim, malabo (kahit hapon or nakabukas yung ilaw) yung nakikita ko.
Tapos ang bigat ng utak ko (Haha), ang hirap.
Ito pa yung weird, pag ginugusto kong tumayo, HINDI AKO MAKAGALAW.
As in, pinipilit ko yung sarili kong gumalaw, pero ayaw talaga.
Hindi ko masasabing panaginip pa rin yun kasi, nakikita ko talaga yung paligid ko.
Alam ko kung nasaan ako, naaalala ko pa ang huli kong ginawa, bakit ako humiga, bakit ako natulog.
Hindi ko maigalaw yung buong katawan ko.
Wala akong magawa, kahit anong pilit ko.
Pero nakikita ko ang kisame (siyempre nakahiga ako, pero pag nakatagilid ako syempre yung nasa harap ko).
Wala akong magawa, hindi ko maiangat katawan ko, sarili ko.
Ramdam ko yung hinigaan ko, yung unang nasa ulo ko, yung kumot na nakapalibot sa buong katawan ko, pero hindi ko maigalaw yung katawan ko.
Paningin lang at kaunting diwa yung gumagana sa akin.
Bahagyang gumagana utak ko kasabay ng paningin ko, pero di man lang ako makabangon kahit kaunti.
Ipinipikit ko na lang ang aking mga mata pag pagod na ako sa mga pilit na pagtayo, pagbangon, paggalaw.
Hindi ko talaga kaya.
Hindi ko ma-explain.

29 August 2010
Konik Serquet
Buhay ay puno ng mga karanasan
May mga araw na ayaw ipagliban
Gustung-gusto natin, ayaw na iwanan
Kailangang iwanan, tuloy pa ang laban
'Pag ako'y mag-isa, sila'y ala-ala
Aking mga pinsan, kasama sa gala
Paglubog ng araw, kami'y natutuwa
Aming pagwawala, mag-uumpisa na
Paglabas ng bahay, dala ang kandila
Aakyat ng bubong, walang pakialam
Kami'y tumatakbo nang buong ligaya
Tawa aming kanin, sigaw aming ulam
Tuloy pa ang laro sa aming pagbaba
Ang tagu-taguan nagbibigay saya
Nawalang mabagal aking ala-ala
Sa kama ako'y nakahiga pala
request ng kung sinong tao XD
May mga araw na ayaw ipagliban
Gustung-gusto natin, ayaw na iwanan
Kailangang iwanan, tuloy pa ang laban
'Pag ako'y mag-isa, sila'y ala-ala
Aking mga pinsan, kasama sa gala
Paglubog ng araw, kami'y natutuwa
Aming pagwawala, mag-uumpisa na
Paglabas ng bahay, dala ang kandila
Aakyat ng bubong, walang pakialam
Kami'y tumatakbo nang buong ligaya
Tawa aming kanin, sigaw aming ulam
Tuloy pa ang laro sa aming pagbaba
Ang tagu-taguan nagbibigay saya
Nawalang mabagal aking ala-ala
Sa kama ako'y nakahiga pala
request ng kung sinong tao XD
23 August 2010
Homogyd
Naku, ang ganda talaga ng gising mo
Bumangon bigla, sa cellphone dumeretso
Bumuka ang bibig, nandilat ang mata
Itinapon ang hawak, kabado ka na
Iniwan ang kamang magulo ang kumot
Bumaba ng kama, 'di alam gagawin
Tumaas ang pressure! Sobra na ang kamot!
Paano na kaya, ang hirap isipin
Kutkot ng muta, bumuga ng hininga
Binuksang tokador, nagpalit ng damit
Isinara na, tumakbo na pababa
Nagpapawis, leche, sa labas ang init!
Naghintay ka na ng jeep na sasakyan mo
Pagbuhos ng pawis mo tulo nang tulo
Pagdating ng jeep muntik ka nang sumigaw
Chineck ang relo, pagka-late mo wow na wow!
Nakarating ka na rin sa pupuntahan
Aah! Takbo! Puso'y nakikipag-unahan
Pagdating sa ikaapat na palapag
Shit! Classmates mo nakaupo pa sa lapag
During Kas 1 Class, imbis na matulog, gumawa na lang ng tula. XD

22 August 2010
Year Lid Ad
Ang mundo'y puno ng misteryosong bagay
Iba't ibang hugis, anyo, saysay, kulay
'Di naman lahat ng nakikita natin
Ay hawakan at bigyang labis na pansin
Mag-ingat sa pagpili ng mga bagay
Sa kanila nakagapos iyong buhay
Mayroong mga nagbibigay ng tulong
Maaari ka ring mahuli, makulong
Hindi lamang materyal ang bigyang-pansin
Puwedeng makaapekto ang tao rin
Huwag pabulag sa taglay na kayamanan
Ugali't pananaw, tanging pag-isipan
Mahirap ang buhay sa mundong ibabaw
Timbangin ang bawat isip, kilos, galaw
Piliin nang mabuti ang mga sangkap
Hindi mahuhulaan ang hinaharap
Sa bawat suri, hanap ay isang bagay
Sa bawat hakbang, iisa lang ang pakay
Tunay na kalayaan, kailangan natin
Maging payapa sa lahat ng mithiin

05 August 2010
Random Poem
Mimaldi Niglawa
Nagpunta ako sa ilalim ng buwan
Bumagal ang takbo, isip ay tumagal
Buong paligid, walang buhay ni isa
Dumapo ang lungkot, tumulo ang luha
Ang buong isip: Bakit ako narito?
Walang makausap, makatok ni sino
Naisip na sumigaw, ako'y bumwelo
Aking inilabas, sumigaw nang todo
Sarili'y napatigil, walang narinig
Biglang kapit; nawawala aking tinig!
Nanlaki ang mata, lumuhod sa lupa
Nagsisi, lumuha, sumigaw, humiga
Pikit ang mata, iniba aking pasya
Hinigop ang sarili, tumayong kusa
Unti-unting liwanag, sumilaw sa'kin
Maskara'y iniwan, dala ng mithiin
Nagpunta ako sa ilalim ng buwan
Bumagal ang takbo, isip ay tumagal
Buong paligid, walang buhay ni isa
Dumapo ang lungkot, tumulo ang luha
Ang buong isip: Bakit ako narito?
Walang makausap, makatok ni sino
Naisip na sumigaw, ako'y bumwelo
Aking inilabas, sumigaw nang todo
Sarili'y napatigil, walang narinig
Biglang kapit; nawawala aking tinig!
Nanlaki ang mata, lumuhod sa lupa
Nagsisi, lumuha, sumigaw, humiga
Pikit ang mata, iniba aking pasya
Hinigop ang sarili, tumayong kusa
Unti-unting liwanag, sumilaw sa'kin
Maskara'y iniwan, dala ng mithiin
29 July 2010
May Naririnig Ka ba?
For some reasons, kailangan kong baguhin ang nakasulat dito.
Siguro siyempre, para tanggalin ang kayabangang pakonti-konti ko nang inaalis sa aking buong katawan.
Ayaw kong lumabas na mayabang sa harapan ng ibang tao.
Oo, masarap tingnan ang mga matang inggit na inggit sa iyo
Pero minsan matuto tayong magpakumbaba.
Huwag minsan, gawin na nating lagi.
Minsan, boring sa UP.
Madalas.
Magulo.
Ang daming buildings.
Puno.
Trees
Track Oval
Acad Oval
Acads.
Jogging.
Maraming kabigan
Kaunti?
Wala.
Magtapon ng basura sa tamang lagayan.
Iwasang maging late.
Sumunod sa batas.
Huwag dadaan sa malawak na kalsada.
Huwag sipain ung pusang naglalambing.
Manlibre kung kinakailangan.
Huwag madalas manlibre.
Masarap ang siomai sa kanto.
Mag-aral lang kapag tahimik.
Masarap mag-aral.
Huwag ipagpalit ang kinabukasan sa kung ano.
Tapusin ang mga nasimulan.
Magtipid ng bala.
Timing ang kailangan sa pag last hit.
Huwag gagayahin ang adbot na easy.
Magaling mang-headshot si Xavier.
Sobrang lakas ni Ted.
Magkumot pag malamig.
Masarap din ung crinkles.
Inaantok na ako.
Wala ako sa mood magsulat.
Awayin niyo si vince_of_cebu. Haha.
click me

24 July 2010
BAUL: Pan Pil 12, Movie: Moral
07/20/2010
Moral
Dumaan ang lumang panahong ang mga lalaki at mga babae ay hindi pantay-pantay. Minsang tumatak sa isipan ng mga taong ang babae ay simbolo ng kahinaan, kalinisan at kapayapaan. Maaaring naging ganito nga ang pananaw ng mga sinaunang sibilisasyon pero marami nang makapagsasabi at makapagpapatunay ngayong walang mas makaaangat pa sa isa at hindi pupuwedeng limitahan ang mga maaaring gawin ng kababaihan.
Ipinakita ang kababaihan sa palabas ang diretsong pagkakasalungat ng mga naihayag na simbolo noon para sa kanila. Hindi maikakait na hindi lamang mga lalaki ang maaaring magkaroon ng magugulong buhay, samu’t saring mga problema at bisyong nakasisira ng napakagandang kinabukasan. Itinampok ng mga artista ang pagkakaroon ng kamalayan ng mundong hindi lang pala mga lalaki ang nalululon sa masamang droga. Totoong may mga halimbawang masipag mag-aral ang mga babae at mas mataas ang probabilidad na makapasa sila nang may matataas na marka ngunit hindi pinahuli at mas binigyang-pansin ang pagiging magulo ng buhay ng isang babae. Ipinakita rin ang pagiging mapangarapin ng kababaihan at mayroon ding mga nawawalan ng pag-asang makamit ang mga pangarap. Naisiwalat din ang pagiging “pabrika ng mga bata” ng isang asawang babae na hindi naman tama kung hindi naman ginusto ng isa ang kanilang ginagawang responsibilidad. Napasuot man ng maraming maskara ang isang babae, dalawang bagay lamang ang masasabi ko. Unang-una sa lahat, nakatutuwang isiping ang mga lalaki at babae ay pantay-pantay na sa halos lahat ng aspeto sa buhay. Hindi na nagkakaroon kadalasan ng diskriminasyon sa kasarian at bawat isa ay nirerespeto ang kani-kanilang mga kakayahan. Ikalawa, nakalulungkot sapagkat nang namulat ang kababaihan sa kamalasan at karumihan ng mundong ito ay walang awat na rin ang pagdami nilang gumaya, makihalubilo at makibagay sa mga napapanahong kabulagan sa mga nararapat na gawaing kailangang gampanan. Nasira na ang imaheng lahat ng mga babae ay hindi sanay sa gulo, napakamahihinhin at magaan ang saloobin sa buhay.
Gayunman, hindi na natin masasabi pa ang kaibahan ng kalalakihan sa kababaihan pa sa ngayon. Oo, siguro sa mga pisikal na katangian ngunit umiibabaw pa rin ang ideyang nagagawa na halos lahat ng isang kasarian ang kanilang mga gustuhin sa mundo.

BAUL: Pan Pil 12, Matandang Panitikan
07/17/2010
Ang Ating Panitikan
Ang ating panitikan ay hindi na tumigil sa pag-unlad simula nang ito ay sumibol panahong wala pang nananakop sa bayan. Simula sa mga awit, matatalinghagang mga pahayag at mga kuwentong bayan, hindi naawat sa paglawak ang imahinasyon ng mga mapag-isip at mapaglarong mga utak ng mga Pilipino. Nagkaroon man ng pagbabago ng lenggwaheng ginamit, tuloy pa rin ang malusog na agos ng ating mga nauuhaw na lapis at bolpen sa bawat papel.
Ang mga sinaunang Pilipino o sanay tayong tawaging mga katutubo ay mayroon nang mga diyos at espiritung mga sinasamba bago pa man tumapak ang Katolisismo sa kanilang mga lupain. Nagkaroon sila ng sinasambang ideya sa bawat trabaho o gawaing kanilang ginagawa at may katumbas na awit ang bawat pagsambang iyon. Nakatutuwang isiping sa simpleng pamumuhay noon ay napakahalaga na sa kanilang kausapin ang nakatataas sa kanila. Naging napakasagradong tulay ng panitikan para sa kanila para maiugnay ang kanilang mga saloobin sa kanilang mga espiritu at diyos. Sa panahon naman ng pananakop ng mga dayuhan, nakalulungkot mang isiping maraming nasawing kaunlaran, hindi pa rin nagpatalo ang mga manunulat na Pilipino. Nakita man nating gipit ang ating mga kababayan sa paglaban sa mga dayuhang walang habag, idinaan na lamang ng mga nakararami ang pagsulat at pagsisiwalat ng mga kawalang-hiyang ipinataw sa ating lahi lalung-lalo na ng mga Kastila. Ang mga taong alam na wala silang laban ay humawak na lamang ng mga panulat at nagsimulang ilabas ang kani-kanilang mga pasakit, saloobin at kahirapang dinaranas. Takot mang dumanak ang sariling mga dugo, buong tapang nilang iminulat ang mga paninira at panlilinlang na ibinabato sa kanilang mga kababayan. Nagsuot man ng iba’t ibang mukha ang gamit na wika, nagsilbing sandata pa rin ang ating panitikan ng mga bayaning Pilipino upang sugatan ang mga moral at konsensya ng mga dayuhan.
Nabanggit sa itaas na maunlad na ang ating panitikan kahit noong wala pang mananakop sa ating bansa. Nagsimula lang naman tayong makibagay sa ibang wika (ibig sabihin ibang mga titik ang ginamit) nang sakupin tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Bagamat napakakaunti na lamang ang gumagamit ng lumang alpabetong Pilipino ngayon, may kasiguraduhang halos lahat ng mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng kanilang sariling alpabeto. Kung ating palalawakin, may mga dalubhasang nakahanap pa ng mga pangkat-etnikong napanatili sa kanilang mga isipan at kultura ang ating lumang tradisyon ng pagsusulat. Nakalulungkot sapagkat halos nawala na ito at napalitan ng modernong alpabetong ginagamit sa kasalukuyang panahon. Hindi gaya ng mga bansang Tsina, Japan at Saudi na may sari-sariling pagsulat, nabawasan ang napakalaking bahagi ng ating kultura sa pagsulat gaya ng mga katutubo. Napakasaya sanang isiping may sarili tayong paraan ng pagsulat at maging mas makulay pa ang nasimulang kultura noong unang panahon.
Kaugnay ng matandang pagsulat na ito, may mga napakatanda nang sibilisasyon at pangkat-etniko ang naninirahan sa ating bansa sa Banaue – ang ating mga kaibigang Ifugao. Ang kanilang nakamamanghang hagdan-hagdang palayan ay hindi lang basta-bastang ginawa. Naging mabusisi ang pagbuo sa pinakamainam na taniman ng palay sa buong mundo. Mayroon din silang mga ritwal na ginagawa sa bawat panahon – panahon bago magtanim, pagtatanim, paghihintay at pag-aani. Bawat nilalang, lalaki man o babae ay may sari-sariling mga parteng kailangang gampanan sa bawat panahon. Sa mga pahayag na ito, masasabing ang kanilang pamumuhay ay umiikot sa kanilang mga pananim – sa kanilang napakagandang likha.
Nawalan man tayo ng napakalaking puwang sa kultura, dumaan man tayo sa hirap at hinagpis, naging makulay pa rin ang ating panitikan. Ang papel natin ngayong mga Pilipino sa kasalukuyang panahon ay hindi lamang ipagpatuloy ang napakagandang simula ngunit magkaroon din ng utang na loob sa mga nagtaguyod at nagligtas sa ating napakagandang panitikan.

23 July 2010
BAUL: 2ndQ, Output 1
-->
Filipino IV
IV - Faraday
Agosto 30, 2009
Gawain 1
Ginang Gozo
May Karapatan Lahat
Sa ating paglaki, marami nang mga impormasyon ang ating naririnig, nalalaman. Maaaring galing ang mga ito sa ating tahanan, sa paaralan at maging sa lansangan. Maaaring noong bata pa tayo, sa loob ng ating mga tahanan, sa mga naririnig natin kung kani-kanino ay naniniwala na kaagad tayo, hindi man lamang natin inisip kung tama sila o mali. Hanggang sa makapasok na tayo sa paaralan, may mga itinuturo nang mga bagay sa ating hindi rin natin maiiwasang paniwalaan sapagkat guro na ang nagsasabi sa atin. Sa lansangan, marami rin tayong maririnig. Ngunit sa tagal ng panahong nahihigop natin ang iba't ibang mga impormasyon mula sa iba-ibang pinanggagalingan, 'di maiiwasan ang maguluhan at maitanong sa sarili - nasa tamang panig ba ako?
Lahat tayo ay mayroong karapatang magsabi ng ating mga opinyon. Lahat ng opinyon at tama. Lahat tayo ay may kalayaan sa pananalita. Nasa sa atin naman kung may gusto tayong sabihin tungkol sa isang bagay na ating nakita, narinig, nalasahan o kahit ano pa man. May kalayaan tayo sa pagpapahayag ng damdamin sa mga palabas na ating napapanood, mga awiting ating naririnig at mga tsismis na ating nasasagap. Wala ring makapipigil sa ating magbigay ng ilang kumento sa mga nababasa nating mga pahayagan o mga likha ng mga letra. May kalayaan tayong sabihin ang ating mga saloobin sapagkat masamang naiipon ito at baka sa huli'y pagsisihan natin kung hindi natin ito nailabas habang maaga pa. Maaaring hindi tayo maliwanagan kung hindi natin minsang ilabas ang ating mga nais sabihin. Walang napapala ang tao kung hindi siya susubok. Ngunit sa kabila ng kalayaang ito, may mga pangyayaring tila nakapagpapagulo sa ating isipan o hindi natin matanggap. Ang mga anak na sumasagot sa magulang ay mali. Oo nga, sabihin na nating ipinagtatanggol natin ang ating mga sarili habang pinagagalitan tayo ng ating mga magulang ngunit sa bandang huli, lagi nating iisiping alam nila kung ano ang pinakamakabubuti para sa atin. Ang mga nagtratrabaho naman sa mga pahayagan at pagbabalita ay minsan na ring tinanggalan ng kalayaan. Sila ay pinapatay ng mga makapangyarihan, pinatay silang mga taong walang ibang ginawa kundi iparating ang boses nila, ang boses ng bayan, iparinig sa maraming tao ang mga saloobin ng iba. Sobrang mali ang pagpaslang sa kanila.
Sa huli, ang tama pa rin ang magwawagi. Maaaring magustuhan natin o hindi ang mga posibleng kalalabasan ng ating paghahayag. Ang importante'y lahat tayo ay may pagkakataong masabi sa ibang may kalayaan tayo sa pagsasalita.

BAUL: 1stQ, Output 5
-->
Hulyo 12, 2009
Mayroon Pa Ba?
Kaya pa ba natin? May makalulutas pa ba? May tutulong pa ba sa atin? May pag-asa pa ba tayong bumangon? Wala na ba talagang kuwenta tayong mga Pilipino, ang ating mga napag-aralang pag-uugali, ang ating kultura, ang ating mga tradisyon, tamang pag-iisip, determinasyong magtagumpay, sentido komun at bait para lang magtapon ng basura sa tamang lalagyan?
Siguro naman alam natin ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin. Hindi na natin kailangang pag-isipan pa nang sobrang tagal kung madali lang nating matutukoy kung ano ang sagot sa napakasimpleng tanong na ito - Mali ba ang ginagawa ko?
Laganap na ang krimen sa bansa. Noong simula pa lamang ay napakaunlad ng ating bansa. Hindi naman sa may maipagmamayabang na tayo sa mga nangungunang mga bansa ngunit tayo ang tipo ng bansa noon na maraming maipagmamalaki sa iba, natatangi at hindi pahuhuli. Sa kabila ng lahat ng mga pagpapalang ipinagkaloob sa atin, may kagustuhan ang damdamin ng karamihan sa atin ang maging mas mataas sa kapwa, makuha lahat ng gusto at sumama sa pagpaparami ng mga kotse nina Gates, Sy at Akon, karamihan pa sa kanila ay mga matataas na.
Magsimula sa itaas. Mayaman na, nagpapayaman pa, dukot dito, dukot doon. Hindi na naawa. Inuubos ang pondo ng ating bansa para lang sa kanilang sari-sariling mga panggastos. Takot mabawasan ang saku-sakong pera. Ang iba siguro'y hindi na nagagamit. Hindi na umiikot ang mga perang naipon sa pandaraya, pahirap na nang pahirap ang ating bansa.
Bawas na ang pondo natin nang malaki kung gaganyan ang ating mga pinuno. Tingnan ninyo, nakaririwasa ang ating bansa sa buhay noon, ngunit nang lumaon, unti-unti tayong humirap.
Alam nating nabawasan ang panggastos natin sa mga matataas pa lamang, pero hindi roon nagtatapos lahat. Papasok na ang mga namumuno sa mas mababang kapulungan at ang mga bundat sa kalsada. Kumukuha rin sa mga kapwa, wala talagang awa. Kakaunti na nga lang ang sinusuweldo ng mga tsuper at iba pag mga manggagawa, pilit na ngang nagbabayad ng buwis ang mga mamamayan, todo kupit pa rin sa kaban ng bayan.
Anong resulta? Siyempre, mauubos ang pera ng bayan, dadami ang mahihirap, madadagdagan ang dami ng walang trabaho at mapipilitang gumawa ng hindi kaaya-ayang bagay ang mga tao. Pumapasok ang mga magnanakaw, manghoholdap, mangingidnap, manloloko, illegal recruiters, akyat-bahay gang, mangungupit, drug pushers, drug lords at mamamatay-tao. Hindi rin mauubusan ng mga pupuwedeng ibenta tulad ng kidneys, lungs, alindog ng katawan at baka sa sobrang hirap ng bansa natin sa mga susunod na panahon ay pati hanging nilalanghap natin ay ibenta na rin.
Noong simula ay maunlad tayo, sa mga panahon ngayon ay humihirap na tayo, isa lamang ang ibig sabihin - unti-unti tayong bumababa. Kung ganito na lang ang nangyayari, malamang ay padamot na nang padamot ang mga nakatataas, makokotong at makokotong ang mga tsuper at dadami nang dadami ang madudukutan ng cellphone pagbaba ng mga pasahero sa may bandang Divisoria.
May pag-asa pa ba?

25 June 2010
Wait Lang
Wait lang.
Tinatamad pa ako mag-compose.
Pero sana gusto ko pag namatay ako,
mai-publish na libro 'tong blog ko.
Haha.
Kung puwede lang naman.
Kapal ko.
Ang bobo ng entry na 'to.
As if naman may tutupad nun.
Shit, ambobo talaga.
Wala akong maisip ngayon.
Kapal lang ng mukha.
Tinatamad pa ako mag-compose.
Pero sana gusto ko pag namatay ako,
mai-publish na libro 'tong blog ko.
Haha.
Kung puwede lang naman.
Kapal ko.
Ang bobo ng entry na 'to.
As if naman may tutupad nun.
Shit, ambobo talaga.
Wala akong maisip ngayon.
Kapal lang ng mukha.
17 May 2010
Entering Bootytown
Kita mo. Kita mo.
Minsan bakit ganun?
Mas madali namang mamuhay nang simple lang.
Bakit mas pinipili ng ibang tao ang mga kumplikadong mga bagay?
Minsan iniisip ko, tanga ba sila?

Yung tipong nag-sorry ka na (eh un lang naman ung hinihintay niya) papahabain pa ung gulo. Yung tipong okay naman lahat naghahanap ng gulo, ng problema. Maganda sana yung tipong isang sorry lang hindi na iniisip ang iba. Yung tipong isang sorry lang okay na ang lahat. Nakakaintindi naman yung nagso-sorry e. Lecheng sorry yan.
Mas gusto nila ng gulo, away, di pagkakaintindihan, giyera, rugby boys at mga poster ng mga walang kuwentang kandidato. Kung anu-ano iniisip nila. Mga di kailangang bagay, iniisip. Mga di kailangang gawin, ginagawa. Mga di kailangang alamin, inaalam. Pag di kayang sagutin, pinipilit sagutan. Bakit di na lang kayo mamuhay nang normal at simple lang? Minsan mambubulabog pa ng ibang tao sa pansariling problema - nagpapapansin? Hindi ko naman sinasabing mali pero bakit ganun sila? Bakit hindi nila kayang kumilos nang praktikal, mag-isip nang tama at gawin lang yung mga bagay na dapat gawin? Puro kayo ka-extrahan at pagpapapansin sa buhay e. Leche. Haha. Leche.
16 May 2010
13 May 2010
Psychotic Vandals (2007) by Noli Casbadillo
Psychotic Vandals
Attack table 5 group 5,
showing indications of future behavioral turmoil
& problems & if not treated & dealt with accordingly,
the junior devil will strike again,
behind cover & secrecy,
when no one is looking
& laughs out loud (BWA-HAR-HAR).
If you know who did it,
it's your Christian duty to inform the teacher
to reform the culprit. You will get a reward
for helping stop the vandalistic attack
& counter attack the obscene graffiti
perpetrated by the teenage mutant
who is an advocate from the Dark Empire.
The PSYCHO-TOPAK must seek help
from the professional psychiatrist
& also needs spiritual enlightenment,
otherwise,
in future he may become the Dark Force.
(Casbadillo, N., 2007)
11 May 2010
She Makes Me Cry
Hindi ko alam.
Lagi na lang akong napapatigil kapag nakikita ko mukha mo.
As in ung pagmumukha mo.
Kahit nakasimangot.
Umiiyak.
Poker face.
Nadapa.
Natalisod.
Lumalangoy.
Tumatawa.
Humahalakhak.
Nakatingin sa langit.
Nakatingin sa akin.
Nakatingin sa pagkain.
Kain nang kain.
Nakangiti.
Alam mo yun,
yung feeling na may weight sa puso mo,
kapag nakita kita sa picture,
kahit sa video,
lalo na pag personal.
Nababaliw na ako
sa'yo.

10 May 2010
...................
Haha.
Bilangan na lang. Parang Dora lang 'to.
Tapos Sherlock.
Mas marami ka kaysa sa kanya.
Ngayong araw lang naman.
Panget pangalan ng aso niyo. XD
=)
Bilangan na lang. Parang Dora lang 'to.
Tapos Sherlock.
Mas marami ka kaysa sa kanya.
Ngayong araw lang naman.
Panget pangalan ng aso niyo. XD
=)
06 May 2010
Random Song
Sabi ko sa sarili ko, ipe-play ko ung playlist ko sa desktop.
Na kung anong kantang lumabas sa playlist,
ipo-post ko.
Yung list nagco-contain ng lahat ng kanta sa library ko.
Ito lumabas.

The All American Rejects lyrics - Back to Me
Hey youSo you never really found your way
Stay true
Did you ever make it through today
I know that when I think about a day without it
Everyday's the same
You wish that you could find someone
But I'm the only one to blame
(chorus)
Can't you see
I beg and plead
Cause when
your eyes
light up the skies at night
I know you're gonna find your way back to me
No don't
Don't you ever let a piece of me down
Cause time won't
Get back when I'm never around
When we live between so many walls
That I can barely breathe
You say that you just want someone
But I'm the only one you need
(chorus)
Can't you see
I Beg and plead
Cause when your eyes light up the skies at night
I know you're gonna find your way
If it's me
That you don't need
When the lights go out tonight I know
You're never gonna find your way
Soon when I get you I won't let you go
Oooh if I let you
You can take away all that I thought was wrong
And if you hear me there's not much to say
There's gotta be a better way
(chorus)
Can't you see
I beg and plead
Cause when your eyes light up the sky tonight
I know you're going to find your way back to me
Can't you see
I beg and plead
Cause when the lights go out tonight
I know you're never gonna find your way
If it's me
That you don't need
That when the lights go out tonight
I know you're never gonna find your way
If you pace around the world?
And when your eyes light up the skies at night

01 May 2010
30 April 2010
Tinola :)
Naks. Interesado. XD
Gumising ako kaninang umaga. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin kaya naisip kong bumangon na lang at tupiin ang kumot. Hindi ko alam na nagbuklat ako ng kumot simula nang ipikit ko ang aking mga mata kagabi bago matulog. Pero paggising ko talaga nakakumot na ako kanina. Hindi ko na maalala kung ano yung almusal ko kanina. Ay, ayun, corned beef. Masarap naman. Lasang corned beef naman. Kumuha ako ng kanin tsaka ng nasabing ulam. Pagkatapos kong kumain, binuksan ko na kaagad ang laptop ko. Nag-online ako hanggang tanghali saka isinara ang internet. Sabi ko talaga sa sarili ko, isang manok lang ang kakainin ko kasi manonood pa ako ng TV. Mali. Isang parte ng manok lang pala. Yan ang sinabi ko sa sarili ko. Wala akong nagawa. Paborito kong ulam e. Marami talaga akong kinain. Pagkatapos kung kumain, nabusog na talaga ako. Hanggang sa dinner kanina ang dami kong nakain.
Babawi siya ngayon. Tingnan natin.
Ang sarap talaga ng tinola.
The best.

29 April 2010
Little Miss Spider
simple.
lol
sabi ko sa sarili ko, eeditin ko ba? baguhin ko na talaga? ito na. ito na talaga.
nerdy
dirty
curvy
joke lang. haha.
cute
mas maliit sa akin
maganda yung mga mata
kahit buong araw lang akong nakikipagtitigan sa kanya
o kahit ako na lang nakatitig sa mga mata niya
talented
matalino
magaling
malupit
masayahin
kinakausap ako
madaldal
madaling umintindi
hindi maarte
malawak ang pasensya
malawak ang pang-unawa
ayaw kong sabihing mataba
ayaw kong sabihing chubby
sexy na lang
ayaw ko rin ng payatot
straight yung hair
mahilig sa aso
mahilig sa mga banda
makakausap ko
naiintindihan ako
gusto niya yung mga gusto ko
imposible
27 April 2010
Grief and Sorrow
Gusto ko matutong magdrawing. :(
Gusto ko ng magnificent hand. :(
Naaalala ko tuloy yung mga una kong drawing.
Noong unang beses kami binilhan ng sketchpad.
Oo, tig-i-tig-isang sketchpads kaming tatlo.
Tapos ako lang yung di marunong mag-drawing. :(
Nag-drawing ako noon ng dragon,
ng mga tao sa counter strike,
ng mga baril sa counter strike,
ng mga pasabog sa counter strike,
ng poring,
ng rose,
ng horse.
Tsaka siyempre ng bahay-kubo na may bundok sa likod tapos may palayan sa harap tapos may araw at mga ulap at ibong letter V.
Dame ~

Subscribe to:
Comments (Atom)