Gusto mo bang maging okay lang? Gusto mo ba? O gusto mong maging sobrang ganda? O sobrang guwapo. Ano ba talagang gusto mo? Kasi kung guwapo o maganda ka nga naman, maraming magkakagusto sa 'yo. Gano'n kadalas kababaw yung mga tao e. E tao ka rin naman. Gano'n ka rin naman kababaw. Kalabaw. Jeep. Paano kung nasa jeep ka, tapos may sobrang ganda na kapwa pasahero mo? Kung ako ang tatanungin, hindi ko siya tatabihan. Kasi nahihiya ako sa kanya. Torpe ako e, kahit na wala naman talaga akong planong kausapin siya. Basta. Nakakahiya. Doon na lang ako tatabi sa okay lang. Yung okay lang. Yung okay lang? Yung hindi panget, pero hindi rin maganda. Yung okay nga lang. Paano kung guwapo? Hindi ko pa rin tatabihan. Kasi baka magmukha akong bading. Ang daming bading ngayon na sayang. Ang dami ring lesbian ngayon na mas astig pa sa akin. Kasi nga nasa okay lang ako. Ikaw? Gusto mo bang natatabihan sa jeep? O yung nahihiya na lang sa 'yo madalas yung tao sa sobrang kinang ng iyong pagkatao kaya lumalayo na lang sila sa iyo. Maliban na lang kung artista ka. Pero kung artista siya, ididikit mo ba yung balat mo sa balat niya? Kung ako ang tatanungin, mahihiya na lang din talaga ako. Mas okay pa sa 'king masagi ang balat ng taong okay lang, kaysa sa balat ng diyos o diyosa. Parang nakakahiya. Parang 'di ko sila kapantay kahit na mas matalino pa ako sa kanila. Kasi nga okay lang ako. Ikaw, okay ka lang ba?
23 January 2013
13 January 2013
Karapatan Nila, Natin
Ang sampung karapatan ng mga bata ay
binuo para lumaki nang maayos ang mga magpapatuloy ng nasimulan ng mga nauna. Dapat
silang ingatan, hindi lamang para hindi masayang ang pinagpaguran ng kanilang
mga susundan kundi ang lahat ay mayroong karapatang maranasan at maunawaan kung
paano mabuhay. Mula sa sampung karapatan ng mga bata, nais kong unang pansinin
ang karapatan nila na magkaroon ng sapat na edukasyon upang mapaunlad ang
kanilang kakayahan at talento. Hindi lamang ito naididikit sa paaralan at iba
pang institusyong labas sa kanilang tahanan. Kasama na rin ang mismong ginagawa
ng kanilang mga magulang para matuto ang kanilang anak na tumuklas at mamulat
sa mga bagay-bagay. Hindi rin naman lahat ay kayang ituro ng mga magulang kaya mayroong
karagdagang gabay ng paaralan. Ang pagpasok ng bata sa paaralan naman ay
kailangan pa rin ng patuloy na suporta ng magulang hanggang sa kanyang paglaki. Nabanggit din
ang tungkol sa talento ng isang bata na sana’y hindi pinipigilan ng mga guro o
magulang na kung saan maging sana’y napahuhusay ng mag-aaral kung ano ang gusto
niyang ginagawang hindi naman labag sa moral ng nakararami. Ang isa pang
karapatang nais kong pansinin ay ang karapatan ng isang bata na mapangalagaan
at matulungan ng gobyerno. Dito na kasali ang paglalaan ng gobyerno ng panahon
at pera para matugunan ang ilan pa sa mga karapatan ng bata na malapit sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao. Dito nga lang kaso sa Pilipinas, marami pa
ring palaboy na kabataang kumikita na lamang sa pag-aabot ng envelope sa mga
pasahero ng jeep, pagtugtog ng tambol sa mga bungad o pabiglang pagnanakaw ng
mga hikaw. Hindi naman sa nakaiistorbo sila’t mababaho sa pang-amoy ng mga
nagcocommute tulad ko ngunit nasaan na ang aksyon ng gobyerno para sa mga
ganitong problema? Hindi ko rin naman sigurado kung may magagawa ako, natatakot
na hindi mapakinggan o tinatamad tumulong at puro hanggang sa salita na lamang.
Ang huling karapatang nais kong
banggitin at punahin ay ang karapatan ng isang bata na maipahayag niya ang
kanyang saloobin, opinyon at ideya. Totoo nga bang ang lahat ng opinyon ay
tama? Magandang nahahasa ng bata ang ganitong mga bagay para malaman nila kung
tama ba ang kanilang iniisip. Ang pakikilahok ng isang bata sa isang maliit na
debate lamang ay malaking bagay na hindi lamang sa pagtulong sa mahusay na
pakikipagtalastasan at talas ng pag-iisip ng isang bata kundi nang kanyang
maagang matutunang wala sa edad ang pagtatanggol sa sarili, o kahit sa kapuwa o
sa ano pa man. Maaga nilang mapagtatanto sa ganitong karapatan na mayroong tama
at mali. Kaya dapat, hindi sila pinipigilan o nililimitahan sa kanilang
pag-iisip. Kailangan lamang silang gabayan. Kaya dapat, hindi lamang ang
suporta ng kanilang mga magulang at ng paaralan ang natatanggap nila, kailangan
din nila ang kalinga ng gobyerno. Kaya dapat, maaga silang natutulungan,
namumulat. Dapat alam nila ang kanilang mga karapatan.
11 December 2012
Ilang Kuwentong Ilokano
Mula sa
kuwentong Ang Handog ni Dagwaley ni Hermilinda Lingbaoan, makikita ang pagsubok
ng katutubo sa isang kinagisnan nang tradisyon. Binanggit na mula sa kuwento na
ang pangunahing tauhan ay nanggaling na sa lungsod at umuwi lamang muli sa
kanyang unang tirahan para tuparin ang pangako niya sa kanyang minamahal. Dito
pa lamang, masasabi nang kahit na ipinipilit ni Dagwaley na uuwi lamang siya
para balikan at pakasalan ang magandang si Dumay, hinding-hindi pa rin niya
kinalimutan ang kinalakhang tirahan. Di hamak naman sigurong mas maraming
magaganda, sopistikada at naaayon sa ninanais niya na ngayong kalinangan ang
mga babaeng makikita niya sa kalunsuran kaysa sa mga babaeng kanyang babalikan
pa, sa loob pa ng mahabang anim na taon. Hindi lamang sa hinding-hindi natin
makalilimutan ang ating mga kinamulatang kabihasnan, hindi lang din sa
matinding pagkakatali ng kanyang damdamin kay Dumay, anu’t ano pa’t nais niyang
iayon sa kanyang mga natutunan sa lungsod sa mismong lugar ng kanyang tribu. Isa
itong napakalaking hakbang hindi lamang sa pagsuway ito sa gusto ng Ama ng
kanyang kinabibilangang grupo ngunit pagsira ito sa marahil ay daan o
libu-libong taong tradisyon ng kanyang mga katribu. Isang pagwasak sa
tradisyon, para sa kanya, ang kanyang mismong gagawin, hindi dahil sa iyon ang
tama para sa kanya ngunit iyon ang tama dahil sa mga nasagap niyang kaalaman
mula sa lungsod. Anim na taon ba naman siyang tumira roon at nagpaconvert pa ng
relihiyon, talagang masusuotan ang kanyang mga mata ng bagong lenteng
makapaghihiwalay sa kanya ng mga mali sa tama, ng mga bagong mali at tama. Iisipin
ng mambabasa, paano kung hindi naman pumunta sa lungsod si Dagwaley? Magbabago
kaya ang kanyang desisyon? Malaking epekto ba sa kanyang pakikitungo sa mga
bagay-bagay ang paglipat ng kanyang tinitirhan? Apektado kaya ng lugar at
lipunan kinabibilangan ang mga ideolohiyang papayagang kumatok, pumasok sa utak
ng isang naninirahan doon? Maaari. Magandang hakbang kaya ito, para kay
Dagwaley, na sirain nang ganun-ganon na lamang ang kanilang tradisyon, ang
tradisyong dapat ay pinananatili? Dapat bang nananatili ang isang tradisyon? O
kailangan ba talaga nitong makiangkop o “gumaya” nang ganun-ganon na lamang sa
tingin ng mas marami bilang “mas sibilisado” na mga pangkat? Totoo nga bang may
nagdidikta lamang ng tama at mali?
Sa kuwento
naman na Pagkain ng mga Bathala ni Juan Hidalgo, Jr., hindi isang tradisyong
nauna ang nais na sirain ng mga lalaking isiniwalat sa pagtatapos ng akda,
kundi isang tradisyong nais naman ibalik ang nais na patunghayang itulak ng
kalalakihang nabanggit. Naipamalas mismo sa dalawang mata ni Lorenzo ang kalandian
at kahalayang ginagawa ng mga bathala sa mga babaeng parami nang parami habang
sumasayaw at nagpapatay-sindi ang ilaw. Ang mga bathalang ito’y inilarawang
mukhang mga dayuhan o maaaring mga dayuhan na talaga na nakikinabang na lamang
sa hindi naman sa kanila. Nakikitira lamang sila rito ngunit sila ang kumikita
at ang katulad lamang ni Lorenzo ang patuloy na nasasaktan. Sapagkat iyon na
lamang ang tingin sa Pilipinas ng mga dayuhan. Parami nang parami ang
kani-kanilang mga naaakit at lalapit sa kanila para sa kanilang nakabubulag na
pahintulot ngunit sadyang hindi naman napapansing binabastos na pala nila ang
Pilipinas. Tatawa-tawa na lamang ang mga babaeng sumasayaw nang malandi at
mahalay kahit na sila ang ginagawang kabastusang aliw sa mga dayuhan. Pumipili
ang mga bathala ng dalawa manonood sa kanilang piging sa bawat taon para lamang
ipakita sa kanilang kahit na malaman-laman nila ang mga kapalastanganan at
kasinungalingang nangyayari sa mga nasa taas, wala pa rin silang magagawa.
Ganoon na lamang kalakas ang kumpiyansa nila sa kanilang mga sarili para magpapanood
ng mga may potensyal na maging kanilang mga kalaban. Maaarin iniisip nilang may
pera sila at sila’y mga tanyag na tao kaya’t lamang na lamang sila pagdating sa
paghikayat ng mga kakampi. Iyon na lamang kasi siguro ang batayan kung paanong
makaliligtas sa daigdig na ito, magpahanggang sa ngayon: kasikatan at
kayamanan. Wala nang pakialam kung naipepreserba pa ba ang moral na kaisipan ng
bawat indibidwal, nagpapabulag na lamang ang marami. Mapapansin ding hinahanap
nang hinahanap ni Lorenzo si Filipinas, ang kanyang ina, ngunit hindi na niya
ni naaninagan man lamang hanggang sa katapusan ng kuwento. Hindi na mahanap o
makita pa ang Pilipinas, kung ano na ang kanyang naunang itsura, kung ano kaya
ang Inang Bayan kung walang bahid ng mga dayo, kung walang nakikigamit. Hindi
rin ipinakita kung tiyak na makikita pa si Filipinas sa kuwento, dahil sa atin
pa rin siguro nakasalalay ang kinabukasan niya, o ayaw lang talagang batiin ng
akda ang mga posibleng mangyari, kahit na wala na sigurong makaaabot pa sa ninanais
niya.
Mula sa
dalawang akdang binasa, nakita ko na mayroong mga gustong pagsirang gawin ang
mga pangunahing tauhan. Maaaring pagsira sa tradisyon, sa mga namamayaning
ideya, sa mga nakikitira lamang na dayuhan. Ang ganitong ideolohiya, bilang pagdikit
na rin sa mga nakaraang leksyon tungkol sa pagpansin naman sa marginalized na
pantikan, ay pagsira sa mga naghahariang nasa itaas upang pansinin ang mga
kinalimutang dapat ay mas iniaangat pa. Hinding-hindi dapat natin
kinalilimutan, tulad ng mga gusto ng Ama sa kuwento ni Dagwaley at ng tauhang
dumampot kay Lorenzo sa may bandang huli ng kanyang kuwento, na ang ating
identidad ay nasira na, nabahiran na at panahon na dapat siguro upang tumayo
tayo at lumaban, ipaglabang pakilala ang ating mga sarili, upang makita ng
buong mundo kung ano nga bang mayroon talaga tayo, anu-ano nga ba ang mga taal
na katangian natin, sino nga ba ang mga Pilipino?
Ang Lohika ng Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon, Yata
Tagpuan
Mag-isa
lamang namumuhay ang pangunahing tauhan, sa isang apartment sa Quezon City,
maliit, masikip, maraming agiw.
Tauhan
Narrator / Persona
-
Babae
-
Sinubukan
nang magpakamatay (“..nang pisilin niya ang aking palad, doon sa may pulso,
kung saan humimlay ang latay ng blade..”)
-
Siya
pa ang umaakay kay Sandali (..sa kama, “..huhubarin ko ang aking damit at
uumpisahan na namin ang aming paglalayag..”)
-
Hindi
nakikita ang sarili sa isang
“kumportableng buhay” sa piling ng isang responsableng asawa kasama ang mga
anak sa isang bahay na nasa tahimik na lugar
-
Hindi
marunong magluto
-
May
trabaho (pagbibigay ng suweldo sa ina), maaaring nasa may edad na ng 20-30 ~,
buhay pa ang mga magulang
-
Madaldal,
malalim mag-isip
-
Maraming
natatakot sa kanya dahil weird siya
-
Ayaw
na sumasabay sa iba
-
Alipin
ng libog sa Sandali
-
Stream
of conciousness, pauses (para sa pag-iisip), naiisip mo lang siya kapag wala
kang kinakausap
Sandali
-
Babae
(“..si Sandali, may regla din..”)
-
Hindi
kayang tutulan ng bida
-
Walang
magulang o kapatid
-
Walang
permanenteng tirahan o trabaho
-
Ang
narrator ang nagbigay sa kanya ng pangalan
-
Kathang-isip
(“..paano naman niya papasukan, e hindi ko naman siya nahahawakan o nakikita o
naaamoy sa kumbensyunal na paraan..”)
-
Inihambing
ng bida sa hanging malaswa
-
Kinaiinggitan
ng bida dahil sa kaya niyang (Sandali) makisama sa lahat
-
Masturbation,
ito yung moment na in-control siya, sariling paraiso, puputok bigla na parang
bula (existence)
Mga
Supling
-
Pinatuloy
sa kanyang loob, hanggang sa sila’y dumami
-
Pabilis
nang pabilis ang kanilang mga kilos
-
Kahit
saan magpunta ang bida, nandoon ang kanilang mga supling
-
Alagad
ng kanyang katahimikan
-
Cum
Eugene
-
Dating
imaginary friend, bago si Sandali
Ina
-
Idinadaing
sa kanya ang matataas na presyo ng bilihin
-
Tinatanong
siya kung kailan muling dadalaw
Ama
-
Hindi
lumingon nang sinabing aalis na siya
Bituin
-
Kapatid
ng bida, kasabay niyang kumanta pagkatapos paluin ng ama
Banghay
1.
Ipinakilala
ang sarili
2.
ipinakilala
si Sandali
a. si Sandali bilang
imaginary friend
b. alam ni Sandali ang
kanyang amoy
c. si Sandali bilang
malaswang hangin (paghaplos sa kanyang binti, buhok at dibdib, paghalik sa
kanyang noo, pagsama sa hangin, sa ipoipo)
d. si Sandali kasama ang
kanilang mga supling (“..punung-puno ng aking mga kawangis ang buong silid..”,
“..palaki na nang palaki ang mga bilog sa aking mga mata, kailangang gawan ko
na ng paraan ang kanilang pagdami..”)
3.
katahimikan
a. “..bigyan niyo na ako
ng katahimikan..”
b. “..minura ko silang
lahat, tang-ina niyo, natawa sila dahil sarili ko ang aking minumura, natauhan ako, huminga ako
nang malalim..”
c. “..linilipsynch ko na
lang ang tawa..”
d. “..nakakatulog na ang
mga anak namin ni Sandali..”
e. Ang sandaling iyon
bilang kanyang paraiso.
Tunggalian
Laban
sa kapaligiran – pinoproblema niya ang social norms, hindi siya naiintindihan
ng mundo, ayaw niyang magconform, “Hindi ako ang may problema, kayo ang may
problema sa akin.”
Resolusyon
Mithi
– magawa ang mga nais nang normal lamang ang tingin sa kanya
Balakid
– social norms
Katapusan
– pagsiping ni Sandali sa kanya, nagbibigay ng panandaliang paraiso, na
mawawala na lamang na parang isang bula
Banghay
Mapapansing
walang maayos na daloy ang kuwento, parang walang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari. Ibig sabihin, yung madalas na itinuturong istruktura ng isang banghay
ay ‘di makikita sa kuwento. Nasa isipan lamang ng persona o ng nagsasalita ang
kuwento. Mapapansing ang pagkakasulat sa mga nagmumukhang paragraph ay mga
sentences lamang na pinagdugtung-dugtong at pinaghiwa-hiwalay ng mga kuwit,
bilang tanda ng pagtigil sa kanyang pag-iisip. Nawala ang naturang konsepto ng banghay.
Diksyunaryo Pilipino-Pilipino at English-Bikol
Ang
diksyunaryong Bagong Diksiyunaryong Pilipino~Pilipino ay descriptive sapagkat hindi
lamang nakadikit sa iisang kahulugan o katumbas na salita ang isang lahok,
maaari itong kabitan ng higit pa sa dalawang mga sinonimo o kung wala nama’y
itinatapat sa isang maikling depinisyon. Mula rito, may nakikitang pagkakaroon
ng maraming kahulugan sa iisang salita na magkakapantay lamang ang ibig
sabihin. Mayroon ding ebidensya ng ebolusyon ng wika dahil sa mga
isina-Pilipinong baybay na mga salita tulad ng adik, adisyon, kidnap, digri, at neutral bilang
mga patunay na hindi pure na Pilipinong ibinatay lamang sa mga salitang taal sa
Tagalog ang inilagay sa diksyunaryo. Maaaring sabihing nakadikit na rin ito sa panahong
kinabibilangan ng mga nagsasalitang Tagalog sa ngayon. Ang diksyunaryong
nabanggit ay para sa Pilipinong may alam sa wikang Tagalog at naghahanap ng
kahulugang-katumbas para sa mga malalalim na salitang kanilang hindi maunawaan.
Maaari rin itong magamit ng iba pang etnolingguwistikong grupong gamay na ang
wikang Filipino dahil hindi rin naman ganoong mailalayo ang malaking bahaging
kinabibilangan ng Tagalog sa tinaguriang wikang pambansa. Ngunit sa kabila ng
mga maaaring makagamit pa ng diksyunaryong nabanggit, ang Bagong Diksiyunaryong
Pilipino~Pilipino ay binuo para sa mga Pilipinong marunong mag-Tagalog, dahil
nga sa maaaring may mga salita nang matanda sila hindi maintindihan. Magagamit
ito nang maayos ng mga Tagalog sapagkat ang mga nakasulat na katumbas at
depinisyon ay nakasulat sa Tagalog.
Halimbawa ng mga lahok:
tubig,
png., anumang dumadaloy sa ilog,
batis, pansol, sibol o dagat at maaaring maalat o matabang; bagay na dala ng
ulan; likido; inumin.
(tubig) – matubigan, pd.,
matigilan, mapatda, mapahinto na nag-iisip.
takbo, png.,
sibad, yagyag; hakbang na mabilis at madalas.
ganda, png.,
dilag, dikit, dingal, inam, buti.
Ang
English-Bikol, Bikol-English Dictionary ay isang prescriptive na diksyunaryo
sapagkat ito ay isang bilingual dictionary. Makikita pa lamang sa pamagat na
English speakers na nais matuto ng wikang Bikol ang target na mambabasa ng
nasabing diksyunaryo. Prescriptive ito, hindi lamang dahil sa binanggit ni Sir
Schedar na walang bilingual dictionary na descriptive kundi dahil sa ang mga
inilagay na katumbas na mga salitang Bikol para sa mga lahok na Ingles ay maaaring
sa standard Bikol lamang ang ginagamit. Napag-uusapan na nga rin naman na
madalas ang tungkol sa pagkakaroon ng mga dayalek ng isang wika. Kung ilalagay
lahat ng varieties ng isang English word para sa lahat ng kanyang kadepinisyon
sa lahat ng wika ng Bikol, mahihirapang ilagay lahat o mamili ang
lexicographer. Mas mapapadali at ekonomikal ang pagkuha na lamang mula sa
variety ng standard ng isang wika dahil ito naman ang ginagamit sa sentro ng
lalawigang kinabibilangan ng wika. Ang diksyunaryo ay maaari ring magamit ng
mga Pilipinong marunong mag-Ingles at gustong matuto ng mga salita sa Bikol.
Halimbawa ng mga lahok:
WATER tubig; ...(said in anger), kal’ig;
cloudy or murky..., libog; distilled...,
agua; fresh..., ta’bang; hard or mineral..., (referring to the taste), tayam; holy..., bendita; ...buffalo, damulag;
bull...buffalo, mangsad; ...dipper, tabo; ...faucet, gripo; ...leech, linta; ...main,
tubo; ...pump, gripo; ...snake, kikig; WATERFALL
busay; WATERLOGGED tupok, lubag; WATERY tubig; ...(a
mixture), lasaw
WATER: to...(as plants), baribi, bubo; to come out of the..., hawas,
butwa; to cover with..., lantop; to dip for..., harok, tabo; to fetch..., sakdo,
saldok; to go under..., ladop, buso; to jump from the...(fish), pulag; to pull from the..., sapod,
hawas; to shake excess...from, wigwig; to slip or step into the..., lugbo; to spit out a mouthful of..., buga; ...(sound as it enters through a
large hole), awak-awak; WATERING
CAN, bubo; regadera
RUN: to..., dalagan; to...(colors), ulakit,
umaliw; to...(motors, machines), andar; to...(flow, as water), bulos; to...(the nose), nuno, tugno; to...(manage), bahala,
maneho; to...a business, dalagan, lakaw; to...run after, lapag,
lamag; to...aground, sangrad; to...away, dulag, layas, rabas; to...away
(sl-), litik, sibat; to...down (as liquids down the outside of a container, a
branch), dalhig, taluytoy; to...down (criticize), menos, ismol; to...for election, kandidato;
to..into (collide with), dulag; to...out
of (run short of), kulang; to...over,
ligis; to...a race, karera, pareha; to...short of, kulang;
a...run of good or bad luck, ratsada;
to have a...of shots or points in a game, takada;
always on the... (restless), pormal
BEAUTY gayon; BEAUTIFUL gayon; suabe; BEAUTIFY: to..., gayon
27 November 2012
Sa 'yo Lang Ba? Ikaw Lang Ba?
Napakaganda
ng konseptong tinalakay ni Legasto sa kanyang papel dahil sa hindi lamang ito
bago sa aking paningin kundi binabasag nitong muli ang panitikan at muling binubuo
sa isang mas malinaw at mas malawak na kaparaanan, gamit ang hindi biased na
mga lente, upang mas maunawaan kung bakit ganito ang nangyari at may
posibilidad pa kayang may mga hindi pa nangyayari. Binalikan, sinuri pang
malalim at dahil nga sa mas matinding pag-iisip tungkol sa mga nakalahok sa
panitikan at sa mga ikinonsidera ng iba na “bagong sibol” pa lamang na uri ng
literatura ay mismong nagwasak sa mga nangungunang anyo ng panitikan na bumaba
sa kani-kanilang mga puwesto at makihanay sa hindi naman talaga dapat
inihihiwalay na “marginalized” literature.
Nang umusbong ang ganitong muling
pagbasa sa panitikan, binalikan muna ang mga naging “sentro” at tiningnang
nangungunang mga panitikan. Ilan na sa mga ito ang kasarian, ang lahi, ang uri
sa lipunan, ang etnisidad at ang relihiyon. Sa unang lahok pa lamang, makikita
na dati-rati na hindi lamang sa panitikan mayroong diskriminasyon sa pagitan ng
mga lalaki at ng mga babae. Alam na ng marami na mas pinapaboran noon ang mga
lalaki at sadyang pambahay na lamang at tagaalaga ng kung sinu-sino ang
kababaihan. Ngunit nang nagkaroon na ng boses ang mga babae, bigla-bigla na
lamang nag-iba ang pagtingin sa “kanila” at binigyang-positibong pananaw para
makihanay sa kalalakihan bilang pagsasabing “kapantay rin naman namin kayo.” Mayroon
lamang akong katanungan: Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang? Sa itinagal-tagal
ng pamamalagi ng pamamalagi ng mga tao sa mundo, bakit ngayon lang nagkaroon ng
kapasidad, naging kapantay at naging tao ang mga babae? Saka lamang ba may
magsasalita kapag may naitutulak na pailalim? May direkta bang layunin ang
paggalaw na ito? Produkto ba ito ng ibang paniniwala o relihiyon, ng ibang
kathang-isip na nagpapalabo sa natural at dapat na pagbabasa sa mundo? O may
gustong namamahala at pinamamahalaan? Natural na lang ba sa mga tao, isang
grupo, sa isang lipunan na mayroong isang pinuno at mayroong mga alipin, o mas
nakabababang uri? Malamang, oo, natural na sa atin ito, para sa ikababalanse ng
pag-iral ng paglalamangan sa mundo, pero para sa akin, hindi naman sa lahat ng
aspeto ay mananatili na ang tao sa kanyang posisyon. Maaaring mataas ka sa
ibang bagay, ngunit nakababa naman sa iba – paiba-iba. Hindi lamang tayo
parating nakadikit sa kung anong mayroon ang iba kundi pagbalingan ng atensyon
ang mga bagay na gustung-gusto o kaya naman natin. May mga balakid, oo, katulad
ng pera, edukasyon, trabaho at pulitikal ngunit ang ating mga kakayahan lamang
ang makapagsasabi, at wala nang iba, kung hanggang saan ang limitasyon ng
kapasidad nating mag-isip para sa ikauunlad ng panitikan.
Dahil ano nga ba ang panitikan?
Madalas nga naman daw itong nakabase sa karanasan o nakikita ng mga tao. Malinaw
na binabanggit kanina pa ang salitang “tao”. Buksan na ang mga mata at huwag
nang paaapi pa. Lahat tayo ay tao, lahat tayo ay nag-iisip, lahat tayo ay may
mensaheng nais ipaabot o kahit mailabas man lang. Walang lalaki o babae, walang
uso o bakya, walang nagsuswimming sa pera at sa dagat ng basura, may respeto sa
ibang paniniwala at hindi dapat nagagalit sa walang pinaniniwalaan. Ang
panitikan ay para sa lahat at wala dapat itong pinagkakaitan.
Note: Hindi ito pambabara sa blog ni Denielle. Nagkataon lang na parang sinasagot ng title ko ang title nung kanya. Sana'y makuha ang essence ng title kapag nabasa na nang buo. Congrats sa nakatutuwang dami ng pageviews! Ituloy ang pagsusulat para sa kahit kaninong kumekembot!

23 November 2012
10 November 2012
Paksiw na Ayungin ni Jose F. Lacaba
Paksiw na Ayungin
ni Jose F. Lacaba
Ganito ang pagkain
ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matirang tinik),
at ilapat sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
Saka mo
umpisahan ang laman.
Unti-unti lang, dahan-
dahan, at simutin nang
husto--kakaunti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan.
ni Jose F. Lacaba
Ganito ang pagkain
ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matirang tinik),
at ilapat sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
Saka mo
umpisahan ang laman.
Unti-unti lang, dahan-
dahan, at simutin nang
husto--kakaunti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan.
Sanaysay sa Tula ni Alejandro G. Abadilla
Sanaysay sa Tula
ni Alejandro G. Abadilla
Ang tula ay sining,
Iisa ang kanilang daigdig:
Ang daigdig ng mga kaluluwa.
Iisa ang kanilang kaharian:
Ang kaharian ng kagandahang mulala at
walang malay
Sa kanilang sarili-
Sila na mga matang may pananaw sa dilim,
Sa karimlang mahiwaga,
Sa rurok-lalim ng karimlan.
Iisa ang kanilang kaharian:
Ang kaharian ng kagandahang mulala at
walang maliw-
Ang kapangyarihan ng Bathalang nasa tao.
Ang tula ay sining:
Ang katauhang nagbalik sa dati niyang sarili:
Sa sarili niyang dumarama lamang,
Sa sarili niyang nagmamatuwid,
Sa sarili niyang daigdig ng karurukan,
Sa kaharian ng Bathala.

Masuwerte ang mga Baka ni Romulo Baquiran
Masuwerte ang mga Baka
ni Romulo Baquiran
Mas'werte ang mga baka, kapiling nila ang parang
Na binubughan ng simoy ng langit ng bughaw.
Kalaro ng langgam, tipaklong, at paruparo;
Nasa lilim ng bituin ng tulog na mundo.
Ligtas sa buwis na kamkam ng estadong baka,
Ligtas sa tsismis ng pintasero't mahadera.
Di kailangang ang mga tainga'y magpanting
Sa walang kawawaang pag-unga o pasaring.
Di kailangang itong dugong baka'y dumanak
Kapag harapang nagtaksil ang sintang kabiyak.
Di kailangang makibaka sa pagtataguyod
Ng kamalayang hidwa ng nasa ibang bakod.
At kapag nadudumi o kapag naiihi
Wala nang kube-kubeta't paglalabas ng ari.
Higit sa lahat, sakaling kumulo ang tiyan
Puwede nang nguyain ang higaang damuhan.
Kaya sa timbang ng buhay na buntonghininga
Sadya... sadyang masuwerte ang mga baka.

Paghabol ng Dyip ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Paghabol ng Dyip
ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Muli'y sinusian akong tila relos
ng umaga--
kamay at paang humaplit
sa patak-patak na tubig,
walang pangalang pagsusuot
ng kaninumang damit,
saka kapeng iginigiit
sa pagitan ng suklay at lipistik.
Nagkakandado ako ng pinto
sa bawat pag-alis,
umaalpas ang gunita
kahit sa nakasarang bintana,
hindi pa ako nakalalayo'y
naniningil na ang kalendaryo.
Sinususian akong tila relos ng umaga:
isip at damdaming humahabol ng dyip
sa kanto ng mga saglit,
katawang tumatawad sa presyo
ng mga minuto--
sa pagitan ng mga tambutso,
walang kasarian si Bernardo Carpio.
ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Muli'y sinusian akong tila relos
ng umaga--
kamay at paang humaplit
sa patak-patak na tubig,
walang pangalang pagsusuot
ng kaninumang damit,
saka kapeng iginigiit
sa pagitan ng suklay at lipistik.
Nagkakandado ako ng pinto
sa bawat pag-alis,
umaalpas ang gunita
kahit sa nakasarang bintana,
hindi pa ako nakalalayo'y
naniningil na ang kalendaryo.
Sinususian akong tila relos ng umaga:
isip at damdaming humahabol ng dyip
sa kanto ng mga saglit,
katawang tumatawad sa presyo
ng mga minuto--
sa pagitan ng mga tambutso,
walang kasarian si Bernardo Carpio.
Kasunduan ni Vivian N. Limpin
Kasunduan
ni Vivian N. Limpin
Ang iyong package deal ay buo kong tinatanggap.
Kasama ng ina, yakap ko na pati anak.
Ang luto, linis, laba'y gagampanan kong lahat.
Kayo ang pamilya ko hanggang sa hinaharap.
Ayusin natin ang mga usapin ng pera,
Pag-usapan ang mga pambahay na pasiya.
Subaybayan natin ang pag-aaral ni Maya,
Ihahatid-sundo ko pa s'ya sa eskuwela.
Eestimahin ko'ng ama n'ya tuwing dadalaw.
Kapag humiling ang in-laws mo ay pagbibigyan.
Kahit isama ako sa mga pasyal-pasyal,
Ako ang kukuha ng iyong mga larawan.
Ako'ng iyong kasama, kaagapay, kakampi.
Ang katuwang mong ilaw, umaga hanggang gabi.

Sa Poetry ni Rolando Tinio
Sa Poetry
ni Rolando Tinio
Sa poetry, you let things take shape,
Para bang nagpapatulo ng isperma sa tubig,
You start siyempre with memories,
'Yung medyo malagkit, kahit mais,
Na mais: love lost, dead dreams,
Rotten silences, and all
Manner of mourning basta't murder.
Papatak 'yan sa papel, ano. Parang pait,
Kakagat ang typewriter keys.
You sit up like the mother of anxieties.
Worried na worried hanggang magsalakip
Ang odds and ends ng inamag mong pag-ibig.
Jigsaw puzzle. Kung minsan, everything fits.
Pero sige ang pasada ng images
Hanggang makuha perfectly ang trick.
At parang amateur magician kang bilib
Sa sleight-of-hand na pinapraktis:
Nagsilid ng hangin sa buslo, dumukot,
By golly, see what you've got -
Bouquet of African daisies,
Kabit-kabit na kerchief,
Kung suwerte pa, a couple of pigeons,
Huhulagpos, be-blend sa katernong horizon,
You can't say na kung saan hahapon.

08 November 2012
Skeyif
Konti
na lang. Tang ina konti na lang talaga. Kanina pa kami nakatutok kay boss. Kay
Boss Bilog. Si boss bilog lang naman talaga ang gusto kong sambahin dito.
Gustung-gusto ko siyang tinitingnan, ewan ko na naman kung bakit. Si Boss Bilog
ay magaling, maaasahan. Parang lahat ng tao rito sa amin e siya na lang parati.
Siya na lang parati ang tinitingnan, inaasahan, magaling. Ako rin naman. Hindi
naman ako nagseselos o naiinis kay Boss Biilog dahil sa ako rin ay isang
tagahanga. Parati ko siyang inaabangan, hinihintay, tinititigan,
inaantabayanan. Siya na ang parating tama. Hindi ako nadismaya kahit kailan sa
kanya. Siya na talaga. Konting-konti na lang Boss Bilog, at mapapasaya mo na
naman ako. Pero ang hirap pa rin kasi kapag may hinihintay, kapag naghihintay.
Huwag ko na lang munang kayang hintayin si Boss. Quiet lang muna. Shh.. Dapat e
hindi masyadong atat. Kailangang may ginagawa akong marami nang hindi ko siya
napapansin, kahit na gusto ko siyang pinapansin. Kahit na parang buong araw,
gabi, tanghali e parang parati ko na lang siyang hinihintay. Tapos na ang
umaga. Katatapos lang naman. Malapit na naman pumatak si Boss Bilog.
Sa
wakas. Bumuhos din. Sa bawat tuldok na pumipintig sa aking mga tenga e bumuhos
na rin sa wakas ang napakaraming dugo mula sa kanilang dalawa. Hindi lamang
dugo kundi pawis na rin. Dugo’s pawis. Syet. Parang kadiri naman. Pero kailan
nga ba ako huling nandiri? Siguro noong maliit pa lang ako. Alagang-alaga naman
kasi ako ng aking mga magulang. Parang kapagka nadumihan lang siguro nang
konti, ako pa yung pagagalitan at hindi yung kapaligirang nilalaruan ko. Pero
ngayong patay na silang dalawa, siyempre, mag-isa na lamang ako, malamang.
Hindi ko masasabing okay ako kasi walang kumupkop sa akin. Walang may gusto sa
akin. Ni hindi ko alam kung saan magsisimula, saan ako magtatapos. Mamamatay
din naman lahat tayo, at nakakatakot nga namang isipin iyon, pero bakit ko pa
iisipin ang hindi kayang isipin kung
puwede ko naman palang pag-isipan ang kakayanin ng aking isip? Maraming pader,
likuan, senyas, kulto, multo at kung kani-kaninong mga mata, hanggang sa umabot
ako sa lugar kung saan naroon nga si Boss Bilog. Pumasok ako, masaya, siyempre
kasi bago. Ako lang yung masaya, siyempre, kasi nga nakapasok ako. Pero yung
mga kasama ko, hindi naman sa galit sila sa akin o ayaw nila akong nakikitang
nakikipagtangahan sa kanila, pero ang tamlay-tamlay nila. Hindi ko na naman
alam kung bakit. O bakit ako lang ang masaya? Bakit nga ba? Dahil ba sa ako na
ang nakakikilalang tunay sa mga totoong kalakaran sa mundo? O matamlay sila
kasi sila mismo ang nakadiskubre ng mga totoong kalakaran sa mundo? Paano nga
bang malalaman? Nasa emosyon nga ba ang desisyong makikita sa ekspresyong
mailusyong misyong konsumisyon kaysa sa delusyon ng emisyon mula sa institusyon
ng mga kunwaring solusyon? Mahirap sigurong matukoy. Pero bakit hinahanap pa
rin ang totoo? Tapos alam namang mahihirapan kapag nalaman ang katotohanan,
pero bakit hinahabol pa rin? Gusto ba ng mga taong nalulungkot sa katotohanan o
natutuwa sa katotohanan? Marami nga bang katotohanan? Magkakaiba? May
magkakaibang katotohanan? Pagka nagkaganito, may katotohanan pa ba?
O
gutom na? Sumigaw na kasi si Boss Bilog, pero hindi isang bulyaw na nakakairita
at nakakatakot. Isang sigaw na parang humahaplos sa aming mga tenga, at
lalamuna’t sikmura, tulad nga ng nasabi ko kanina. Sige na, aalis na kami,
ginusto rin naman namin yung inihudyat mo. Ito na, YES! Pero kahit na
sabay-sabay kaming makikipag-espadahan sa mga uod at taeng puti, wala pa rin
akong kasama. Tulad nga ng sabi ko kanina, magkaiba ang katotohanang aming
nakita. Magkaiba talaga. Pagka ganoon e wala na talaga? Wala na ba talagang
gustong sumama sa akin? Nasaan na yung pagrespeto kanya-kanyang opinyon?
Opinyon tungkol sa katotohanan? May ganon kaya? Ito ang aking opinyon ukol sa
katotohanan – masakit kaya sa tenga? Pero kahit anong mangyari at isipin nitong
walang laman kong utak, hinding-hindi sasakit sa aking tenga ang bulyaw ni Boss
Bilog. Kahit na may mga taong sige sa pagsigaw sa pagtanaw nang tama sa mga
pananaw ng iba pero hindi pa rin maunawaan sa labo at hindi pagkakatugma ng
ginagalaw ng kanilang mga hangarin at isipan, parang ako, pero hindi ako, ipokrito?
Hindi siguro.
Ginulo,
binulalo, menudo. Ayoko na muna ng lutong-bahay. Baka kasi napapansin na ako ng
bantay. Hindi naman kasi ako nagbabayad. Bakit nga ba masaya pa rin ako kahit
hindi ako nagbabayad? Kinakain ko lang kasi yung mga tira-tira sa karindirya ni
Manang Malawlaw. Wala na kasi akong pera. Kasya lang pamasahe, at pangkain ko
sa gabi. Sa sobrang gutom ko, idinadaan ko na lamang sa mga multo at baril ang
aking tanghalian, dito sana sa lutong-bahay ni Manang Malawlaw. Pero baka nga
kasi nakakahalata na ang bantay. Minamata na ako rito, sa may entrance pa lang.
Kailangan ko na munang maghanap ng ibang makakainan. Subukan ko kaya sa isang
restaurant, na air-con, para malamig, para kunwari sosyal. Tsaka yung bantay
naman sa mga ganun, maraming pasikot sa loob ng restaurant na hindi napapansin.
Yung ibang trabahador naman, pulot nang pulot lamang ng ibang mga bagay. Putang
inang sikmura ‘to. Inaasar na nga ako sa sobrang gutom, paiisipin pa ako kung
paanong makakakain. Para kasing noong sinunod-sunod ko ang hindi pagkain ng
tanghalian, ikamamatay ko pa, ‘di kaya’y magkakasakit pa ako nang malala.
Parang masasayang lang din yung oras na paghanap at masuwertehan si Boss Bilog,
tapos maoospital lang ako, o magiging bangkay. Ayoko namang ng ganun. Sayang
naman kasi ‘di ba? E yung iba, okay lang sa kanila yun, pero sa’kin, hindi.
Matindi
na ang sakit ng sikmura ko. Baka mag-alboroto na si Boss Bilog nang hindi pa
ako naglalagay ng laman sa aking tiyan. Ang hirap magtrabaho na pati ang
sikmura e kasama sa pinoproblema. Game na. Game na talaga. Papasukin ko na ba ‘to?
Mapula naman e. Mapula na masyado. Masyado na akong natakam, kinuluan, nahilo,
baka mahilo pa ako lalo, papasok na nga ako. Air-con, yes. Anong sunod?
Titingnan ko muna yung mga upuan. Halos puno na pala, kailangan ko nang
pumuwesto. Busy namang silang lahat e. Busy ngumuya, dumaldal, magyabang,
maglakad, humingi ng order, ng dagdag, magbitbit, magpatahimik ng mga nagwawalang
bata, magtext sa syota, magtext sa syinosyota, magtext sa dalawang syota, at
magpapansin na lang din. Yung iba, pumupunta lang siguro rito para lang masabi
sa mga kaibigan nila na nakapunta nga sila rito. Yung iba naman, gusto lang
talagang malaman kung bakit nga ba pumupunta ang mga tao rito. Yung iba,
pumupunta lang rito para makipagkita sa sindikato o ex-housemates, ex-wife,
ex-yaya. Yung iba, pumupunta lang dito kasi ito yung pinakamalapit. Pero may
pumunta na kaya rito para mamulot ng pagkain? Hindi naman ako suot pulubi,
nagtratrabaho naman kasi ako, kasama ni Boss Bilog, kaya siguro ako pinapasok
at hindi pinagsuspetyahan ni Manong Guard. E pumupunta lang naman dapat yung
mga tao para kumain, kumain lang, kasi nga gutom, pero dapat may maayos na
porma? Dapat ba talaga sa porma? Kung sa bagay, yung ibang gusgusin, mukha
naman talagang walang pera. Ako siguro, mukhang may pera, kaya pinalampas. Buti
hindi na’ko sinundan nang tingin nang hindi na ako pumila para umorder, kasi
walang pang-order.
Pera. Teka. Bengga! May tumayo! Hindi ako naaatat sa pagtayo niya. Nasasabik na ako sa extra rice na iniwan niya pati sa pakpak na hindi niya inubos. Nakita ko na rin yung kuhanan ng sawsawan ng manok. Puwede na siguro yun. Umalis ka na! Yes! Teka, wala bang nakatingin? Maya-maya siguro. Isa... Dalawa... Tatlo... Teka, tatabihan ko na lang para hindi kunin. Hindi naman siguro ako tatandaan ng mga tao rito. Wala naman siguro akong kamag-anak dito, ba’t pa’ko mahihiya? Teka. ‘Di ba dapat sa mga kamag-anak ko nga ako pinakahuling mahihiya? Puta. Ang gulo, ang gulo na ng mundo, ang gulo na ng isip ko pero mas magulo na ang sikmura ko kaya ineenjoy ko na ang sawsawang isinabaw ko sa extra rice sabay papak ng pakpak. Putang ina. Ang sarap talaga kumain ‘pag sobrang gutom. Bibilisan ko ba? Wala naman yatang nakakaalam. May nakakaalam kaya? Wala naman sa batas ‘to. Ngayon lang naman ako nandito, hindi pa nila siguro mahahalata. Konti na lang, ubos na. Wala na’kong pakialam. Wala nang hiya-hiya ‘pag gutom, natatae, inaantok, galit, selos, at marami pang puwede palusot ng mga pulpol.
Gugol.
Sakto lang. Pabalik na naman ako sa paghihintay kay Boss Bilog. Saan naman kaya
ako bukas? Babalik pa ba sa dati? Mananatili? O mag-iisip na nang matino?
31 October 2012
FlipTop - BLKD vs Apekz
Round 1
BLKD
Ito na ang pagbabalik, at pagpapaumanhin kong matino. Ang labang 'to ay alay ko sa lahat ng aking nabigo. Marami pa 'kong ipagkakamali kasi nga bago lang. Minsan parang tanga lang kasi nga tao lang. Pero hindi ko ipinagluksa, pinag-aralan ko ang kahapon. Wala 'yan sa baba ng pagkadapa kundi sa taas ng pagbangon. Kaya naman sa labang 'to, alam niyong B stays high, parang first five letters lang ng apelido niya, yung C, A die.
Ano, Pekz, kaya pa? Baka napasubo ka lang. Chinecheck ko lang. Baka gusto niyang sumuko na lang kasi 'tong pagbigkas kong banayad, sa kanya, intense na 'to. Kahit magbench press pa, 'di na lalakas 'tong Pekz na 'to. Kung ano ka nung Ahon, ganyan ka pa rin sa battle ring. Ikaw lang ang Pekz, man, na hindi promising. Kaya sa paglalayag ng lirisismo sa FlipTop, ito ang best anchor dahil 'tong ape na 'to, kahit may KZ sa pangalan, walang X-Factor.
Natuto ka lang magfreestyle, feeling mo, singgaling mo na si Supernatural? E freestyle mo, aral, sa kanya, super natural. Ta's haharap ka sa tulad kong ang pagiging super, natural? Pagkatanggal ko ng kaluluwa mo, 'yon ang supernatural.

Palibhasa, kuntento ka na sa tsismis at kakornihan. Kalidad, hindi tumataas. Ako, kahit pilitin kong magpakacorny, teknikal ang lumalabas. Sample: Panshort time lang ba yung jowa mo, o siya na ba yung pangkasal? Sa dami mo kasing babae, parang bagsak presyo ng laman. Pilyo ka lang talaga, kalibuga'y inaksyon mo. Tuloy 'di mo mabanlawan ang mantsa sa relasyon niyo. Ano daw? Ang sabi ko: Panshort time lang ba yung jowa mo, o siya na ba yung pangkasal? Sa dami mo kasing babae, parang sale ng laman. Naughty ka lang talaga, kalibuga'y inaksyon mo. Tuloy 'di mo marinse ang mantsa sa relasyon niyo. Tamo, hanggang freestyle ka lang, lalim ko, karagatan 'to kaya kahit seaman ka pa, lulubog ka sa bar ko.
Kaya anong lamang ko sa 'yo? Huwag mo nang itanong 'pagkat walang nagbago sa istilo mong dekahon. Kaya pa'no tatama 'yang torpedo mo, e ang slow mo? 'Pag bars ko, nag-overdrive, iwan 'yang jokes mo. Kaya sige, kayo na humusga: Bars over jokes? O jokes over bars? Sa totoo lang, 'di dapat 'yan ang pagbanggain natin. May maganda't panget sa pareho, ang husgahan, pagkamalikhain. Hindi ako kontra sa komedyante, kontra ako sa komedyanteng pabaya. Hindi na nga seryoso ang banat, seryosohin mo naman ang pagkatha.
Dahil oo, ako'y natatawa sa 'stilo mong nakakatawa pero 'di ako natutuwa kasi nakakatanga. Napag-iwanan ka na, sadyang mabagal ang pag-usad. Napag-iwanan ka na, sa pag-angat, napakakupad. Napag-iwanan ka na, tila gumagapang paahon. Ito yata yung nabili ni Abrang kakuwentuhang pagong!
And speaking of Abra, balita ko, nagdevelop na'ng relasyon niyong dal'wa. Dati, contemporaries kayo, ngayon, groupie ka na lang niya? Kung makadikit ka kasi kay Abra, parang Stan lang. Tuloy, kahit 'di siya sharpshooter, natsitsismis na Mark's man. Pero ito, atin-atin lang, bukod sa sustento niya sa 'yong panghalaman mo, ilang punch lines ang binigay niya sa 'yo para sa labang 'to? Kung sa bagay, quits lang naman. Sa gigs kasi ni Abra, ito ang dakilang hype man. Gan'to siya o: "Itaas ang inyong gamit, sa 'kin niyo na ilapit, at gagawin kong topic. Itaas ang inyong gamit, sa 'kin-" Pwe!
Natuto ka lang magfreestyle, feeling mo, singgaling mo na si Supernatural? E freestyle mo, aral, sa kanya, super natural. Ta's haharap ka sa tulad kong ang pagiging super, natural? Pagkatanggal ko ng kaluluwa mo, 'yon ang supernatural.
Simpleng pangcontest ka lang naman dati na ngayon, sa EOW, nagkampyon. Ang ibig sabihin lang no'n, simpleng pangcontest ka pa rin ngayon. Kaya pasensiya, 'tol. Aking tagong galing, ngayong gabi, sa 'yo naikahon. Mga panira mo'y waring katol na inabo niya ring dragon. Purong gulo, ang dulot ng pagsugod nang lunod sa ethanol. Parang 'pag nag-abot ang hip hopper at rakista no'n sa Megamall. Gan'to ang tagpo 'pag nagpalaliman 'yong balde't balon. Parang nakilaban ng patigasan ang espasol kay Megatron.
Makapangyarihan at makatuwiran ang aming tahol sa megaphone. Kayang baliktarin ang tatsulok at ibagsak ang Pentagon. Alam kong titirahin niya'ng aktibismo ko, syempre, as if ito'y kapintasan. Pagtatawanan ang pagrarally, sabik naman sa pakinabang. Puwes, pasensiya ka na ha, kung hindi ako tulad mo na ang buong buhay, umiikot lang sa laughter at pikunan. Ang pangunahin ko kasing kabattle ay ang kanser ng lipunan. Kaya sa loob at labas ng FlipTop, alam niyo kung sino'ng tunay at palaban. Baon ang utak na mataba sa utak na malaman.
Kaya nga 'yong Panaginip ng Alikabok ay propesiya ni Aklas. Sa gabing 'tong inuunos kita. Kaya saktong dream match mo 'to, at pinupulbos kita. No'ng laban niyo, buong Batch 1, batung-bato sa mga linya mong sinuka. Daig pa namin ang naiputan ng Adarna habang katitigan si Medusa. Ako, mas madalas pa 'kong iquote sa tinitipid na canvass. 'Di ko na kailangang maging sintulin ni Smugglaz 'pagkat sadyang mabigat mga bara ng pantas. Tuwing ako'y nagrarap, nangangalay si Atlas.
Bumaba lang ako sa hanay niyo galing Olympus. Nag-introduce ng apoy, parang si Prometheus. Tapang at lakas, Hercules ang pakikipagbuno. Siniksik ko ang enerhiya ng uniberso sa 'king berso kaya mala-Big Bang ang kulo.
Markado na ang kalendaryo, handa na ang kapilya. Ngayon na ang burol ng ulo mong puno ng Marca Piña, at ang mga labi niya, markadong dugo lang sa ground. I made every diss count to bring Mark down. Hands down, ako'y guro na, ika'y mag-aaral pa. Binigyan kita ng palakol kaya bagsak na Mark ka.
FlipTop - Krack vs BLKD
Round 1
BLKD
Panget! Sa panget mong 'yan, alam ko, virgin ka pa rin. Kahit kabitan kita ng sidecar, single ka pa rin. Sa mga natuwa sa generic joke kong 'yon, paumanhin sa masasabi kong anghang. Ilan kayo sa mga dahilan kung ba't nakakalusot sa FlipTop ang mga tulad nitong mangmang. Panahon na ng mga tulad kong kung dumura, bara'y halang. Sa lakas ng punch lines ko, 'pag tumama, tanggal bagang.
Round 3
BLKD
Tinalo nga ako ni Loonie at ni Dello. At least, napahanay ako sa mahuhusay. Inggit ka lang kasi hindi mo sila makakapantay kahit mag-ensayo ka habambuhay. At nagchoke ako kay Loonie. Oo, nagchoke akong may paninindigan. Parang Gomburza nung ginarote sa Trece Martires. Ikaw idadagdag kong pangkatorse.
Naic, ito ba tal'ga ang gusto niyong representante ng talento? Salat sa pagkamalikhain, kung magrap, pakuwento? Kulang ang rhyme, panget ang flow, walang laman kung manlibak. Kaya nga Krack pangalan niyan, bawat berso, bitak-bitak.

Kaya kawawa 'tong batak, na hayop sa wack. Kanyang flow, kalat, lababong wasak. Lakas manghamon, ayan nalamon ng katha kong angat. Ako'ng dumurog sa Tectonics, ba't ako matatakot sa Krack? Mga panalo, sarat, walang duda, siya'y tsumamba. Nakinood lang ng patawang battle, nagpluma na't gumay. Aking bara, matalinghaga, para utak ay lumaya. Ikaw, mababaw ka pa sa isang patak na luha ng buwaya.
Ta's babattle, lango sa alak at cannabis sativa para 'pag natalo, palusot, 'pag nanalo, partida. Kawalan sa wisyo, dala ng bisyo, damhin mo ang sting. Ito'y rap match, 'di beer match, kain 'tong crackling. Kunsintidor lang ang crowd, basta't merong lasing, hyped. Wasak na wasak magperform, dapat 'di 'to nainvite. Kalat-kalat ang mga banat, ba't 'di mo gawing tight? Minakinilya ko mga linya mo, at 'di ko pa rin type.
Round 2
BLKD
E ano kung nagsulat? Ito ay modern fight. Hindi ka nagsulat kasi ikaw ay no read, no write. At hindi daw ako taga-Naic, hanggang paratang lang pala. Puwes, papatayin kita sa sindak, bawat bar, bara.

Singkitid ng pilapil ang isip, ngayon, ano'ng napapala mo? Hahalik ka ngayon sa lupa, parang nguso ng araro. Mga tulad mong naghahasik ng katangahang walang humpay, tinutulad ko sa binhi, binabaon ko nang buhay. Ako'y lahing magbubukid, katas-anak-pawis ang katayuan. Buong Pilipinas ang sinasakop pero nasa puso ang kanayunan. Ikaw, social climber, siyudad, sobrang dinadakila. Gustung-gusto maging urban, favorite show niya, Maynila.
Stuck ka dito sa Naic pero obsessed sa city life. Gangster kasi siya sa panaginip niya every night. Pusher 'to ng Coke, hindi yung drugs, yung inumin. Patago pang magdeliver, akala mo titimbugin. Naglalabas ng armas, agad-agad, 'pag napahamak. Patagilid pa 'tong tumira, tirador naman ang hawak. Bente-kuwatro oras magpatrol, nag-aabang lang ng aksyon. Pati bata pinapatulan. Alam mo ba yung reputasyon? Ilusyon mo ng thug life, sagad na sa buto mo. Lahat ng matignan mong salamin, nagkakacrack dahil ayaw mong magpakatotoo.
Round 3
BLKD
Tinalo nga ako ni Loonie at ni Dello. At least, napahanay ako sa mahuhusay. Inggit ka lang kasi hindi mo sila makakapantay kahit mag-ensayo ka habambuhay. At nagchoke ako kay Loonie. Oo, nagchoke akong may paninindigan. Parang Gomburza nung ginarote sa Trece Martires. Ikaw idadagdag kong pangkatorse.
Naic, ito ba tal'ga ang gusto niyong representante ng talento? Salat sa pagkamalikhain, kung magrap, pakuwento? Kulang ang rhyme, panget ang flow, walang laman kung manlibak. Kaya nga Krack pangalan niyan, bawat berso, bitak-bitak.
Pantas na matatas, gan'to dapat ang ehemplo niyo. Mga linya ko, pinag-uusapan, parang kable ng telepono. Mangmang rin ang aaming dapat 'tong hangaan. Nagpapatawa at nagkakalat, hindi naman 'to Bulagaan. Pero hindi ka rin puwede do'n, tanggihan man ang talent fee, dahil iuurong mo lang ang nasimulan nina Master Kiko't Michael V.
Kaya nga sa FlipTop, ikaw lang yata ang matatalino ang hater. At hindi ka pa pumuputi kakadikit mo sa Laser. Kakasipsip mo, itim na gilagid at nguso mo. Bugbugin ka sana ng mga magaling pang magrap sa 'yo na kagrupo mo.
At pagkatapos nito, babaliktad na ang CMD. Kay BLKD papanig 'pagkat ika'y 'di emcee. Ako'y Caviteñong malago na ang impluwesiyang lirikal. Batang gas ang laway, apoy ng dila'y kritikal. Mala-Rizal at Quezon ang pagmamahal sa wika. Akin ang Calabarzon, wala nang makababawi pa.
FlipTop - Loonie vs BLKD
Round 1
BLKD
Deretsahan na. Kung akala mo, welcome ka dito, nasobrahan ka na naman sa Valium. 'Di ba may sarili kang liga? Dun ka magpromote ng kanta't album dahil bumabalik ka lang naman dito para sa libreng publicity. Ngayon, ipapahiya kita sa harap ng mga tao ng Sony BMG.
Round 2
BLKD
Oo na, dehado ako, kasi yung experience mo, labis. Ako, underdog, ikaw ang vet, pero wala kang gamot sa 'king rabies.

Dahil alam mo man o hindi, may mga empleyado diyang nakatingala. Freestyle mo na lang ang free, yung kaluluwa mo, may tanikala, dahil alipin na ng mainstream 'tong dyinudiyos niyo. Baka hithitin mo lang sarili mo 'pag kita'y pinulbos ko.
'Wag kang magmaangat, high ka lang 'pag nakadoobie. At 'wag kang maghari-harian, hindi ka si Francis Magaloonie. Hanggang patikim ka lang naman kasi sa mga nakaimbak mong gimik. Ako, almusal ko araw-araw, malaimpaktong lyrics.
Kaya nag-iba ang direksyon nung ako na ang umaksyon. Lahat ng tao napanganga parang nagkokomunyon. Oo, baguhan, pero may angking kagalingan. I bring the house down parang katatapos lang na bayanihan. Kaya kutyain mo pagkamakabayan ko, at sa akin, wala nang makakaawat. Hindi ka na magagamot ng anumang medisina 'pag sinakal kita ng watawat.
Kaya easy ka lang, pare ko. You're too young para magwalang-bahala. Mas marami pang namatay kay BLKD kaysa sa maling akala.
Round 2
BLKD
Oo na, dehado ako, kasi yung experience mo, labis. Ako, underdog, ikaw ang vet, pero wala kang gamot sa 'king rabies.
Porke't galing kang street, tapos nasign, feeling mo na you're so NY? Anong tingin mo sa sarili mo, L, G? If so, then die. Dahil ang aking palaso't pana, sonic, ang pinupuntirya, eardrum. Sobrang sharp na mga salita, para ka na ring binaril ng Ingram.
At kung akala mo generic wordplay yun na wala sa 'yong kinalaman, hindi. Ganun ang turing mo sa mga kaibigan mo, kasangkapan, dahil user ka in more ways than one. Kaya ka lang nag-Barangay Tibay kasi kailangan mo ng kapitan. Hangga't may pakinabang, nambobolang husto. Pinapaikot mo lang ang mga tao sa paligid mo, Tropang Trumpo.
Round 3
BLKD
Talagang maraming gawain ang aktibista kaya nga napunta ako sa maraming gusot. Nagchoke na lang ako para yung pagkatalo ko, if ever, merong palusot. Dahil yung kagitingan namin, boy, wala kang ideya. Yung pulis, kaya naming harapin. Ikaw, takot na takot sa intel ng PDEA.

FlipTop - Dello vs BLKD
Round 1
BLKD
Sir, good evening. To be the best, sabi nila, you need to beat the best kaya nga kinalaban ko si Loonie. Makinig kang mabuti. Wala 'kong balak kumalaban ng Mongol, Shooli. Ngayon, tuturuan kita ng leksyon, tutal, ikaw ang nag-umpisa. Gusto mo, tutukan ng magkatropa parang nung kudeta? Puwes, cooldown na lang kita, pampatalas-focus din. Sa nag-aapoy kong galit, panggatong ka lang, Mokujin.
Rhymes mo, laging layered, pero still, your rapping, lamer. Binabagsakan ng beer, na parang tax evader. Kaya walang ligtas, kahit bigkasin ay gatigdas sa daming prayer. 'Di mo maiiwasan ang mga linya ko, parang piko sa graphing paper.
Round 3
BLKD
Istilo mong balik-sender, sagad sa kaladkad. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. 'Tong contender ko, tender ang bawat satsat. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. Nakita mo yun, umulit? Kasi yung utak ko, makulit.
Marunong ka ngang magmultis, talinghaga na may gasino. May diarrhea ka ng rhymes pero may constipation ng talino. Pagdating sa magagandang ideya, 'yang bumbilya mo pundido. Mababaw ka pa sa tubig ng basong babaran mo ng pustiso. May humor ka nga, pero konti lang ang wit na nakabangko. Kung may malupit ka mang linya, may basbas yun ng santo. Alam kong nagpapatulong ka sa ilang mga kagrupo mo, if not all. Pero pa'nong lulusot ang Mongol, kung ang balakid, Great Wall?

O 'di ba? Hindi naman gano'n kahirap ang ginagawa ni Dello. Konting jokes na may multis, basic ang disenyo. Tatak-BLKD ang mapapanganib na talatang teknikal. Aking asulto, laging may punto, na parang decimal. Aking bersikulo may simbolo, may lalim at bigat. Walang paliguy-ligoy, straight to the point, parang sibat. At hasang-hasa ang talim, may lason pa't may sima. Tanggalin mo gamit cheap mong rebuttals para lalo pang masira.
Round 2
BLKD
Siya daw ay iba nang Dello, I simply cannot see. Kung gusto ko ng nag-improve na Dello, papanoorin ko si Tipsy D.
Round 2
BLKD
Siya daw ay iba nang Dello, I simply cannot see. Kung gusto ko ng nag-improve na Dello, papanoorin ko si Tipsy D.
At sa mga natuwa sa rebuttals niya, talasan pang magsuri. Banat ko, bombang nukleyar, ganti niya, basang watusi. Hindi porke't nagantihan, talo na yung unang umattack. Ba't ko iindahin 'yang pitik mo, e kanina ka pa nasapak? Kanina pa kita winasak. Palibhasa, basta rebattle, agad kayong napapahanga kahit simpleng-simpleng sagot na pang-alitan lang ng bata.
At ikaw naman, sinasamantala mo ang kiliti ng crowd. Mas entertainer ka kaysa artist, 'wag ka masyadong proud. Magparami pa ng fans, 'yan lang ang kanyang hiling. Sobrang dami niya nang view, kaya niya nang bumattle nang nakapiring. Pero para ka lang namang kumanta nang nakaposas, o nagpiano nang nakabusal. May added challenge nga, wala namang katuturan.
Round 3
BLKD
Istilo mong balik-sender, sagad sa kaladkad. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. 'Tong contender ko, tender ang bawat satsat. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. Nakita mo yun, umulit? Kasi yung utak ko, makulit.
Marunong ka ngang magmultis, talinghaga na may gasino. May diarrhea ka ng rhymes pero may constipation ng talino. Pagdating sa magagandang ideya, 'yang bumbilya mo pundido. Mababaw ka pa sa tubig ng basong babaran mo ng pustiso. May humor ka nga, pero konti lang ang wit na nakabangko. Kung may malupit ka mang linya, may basbas yun ng santo. Alam kong nagpapatulong ka sa ilang mga kagrupo mo, if not all. Pero pa'nong lulusot ang Mongol, kung ang balakid, Great Wall?
Hatak-fans ka lang kasi, basta patok siyang istilo. Ako, 'di baleng 'di sumikat, basta't angat ang lirisismo. Kaya basta't barang BLKD, may deeper meaning 'yan. Tinataas ko ang standard, parang nagkakabit ng ceiling fan. Kaya ako ang mas magiting, manalo-matalo sa 'ting giyera. Parang nahimasmasang direktor, binago ko ang eksena.
FlipTop - Schizophrenia vs Them Sent (2011)
Round 1
BLKD
At ayoko sanang magyabang pero ang upgrade na naririnig niyo sa mga FlipTop battle emcees, ako ang salarin kaya pustahan ngayong gabi, gagaya na rin mga 'to. Tingnan niyo, ginaya na rin yung salamin.
Round 2
BLKD
Sige, sige, sa crowd ngayon, kayo na ang mas mabenta kasi kami 'pag nagrarap, hindi namin iniisip ang pera.
Kahanga-hanga ang mga aktibista, nakikibaka kahit haggard. Takot lang 'to sa mga raliyista kasi yung ilong, hugis placard. Rizal, Bonifacio, del Pilar, Sakay, mga aktibista ng kanilang panahon. Kung hindi dahil sa mga aktibista, Indio ka pa rin ngayon.
Oo na, sige na, nauna na kayo, huwag kayo masyadong magmalaki. Kayo ang uuwing wasak dahil sa amin ang gabi.
Overtime
BLKD
Ano ba naman 'yan, judges? Pa'no pa 'tong mga 'to ay nakalusot? Hindi kami nagpaplantsa ng mga linya kasi mga berso namin walang gusot.

Schizophrenia! Ang pinakahambog, feeling bantog na grupo sa ligang 'to. Bakit ba kayo nayayabangan kay Shehyee? E kahit lunukin niya ang bagyong Milenyo, mas mahangin pa rin ang dalawang 'to.
RRRRRRRRRRRRRRR, RRRRRRRRRRRRRRR. Harrrlem, pangalan mo pa lang, himod-tumbong na sa US. Kung kopyang Kano ang istilo, ang pagta-Tagalog mo, useless dahil kung kolonyal pa rin ang utak, ika'y sasamain. Kahit gamitin mo sarili nating wika, malansa ka pa rin. At nung Sabong Sumulong, ang kapal ng apog mong hamunin ng freestyle battle si sKarm. Ang sarap mong tanggalan ng L at E, just to cause you harm. At bago yung laban namin ni Mel Christ, ang lakas mong magparinig. Ako raw ang madadaig. E pa'no ba 'yon? Nilampaso ko yung lumampaso sa 'yo. Mas mababa ka pa sa sahig.

E 'di ayun na nga, isda ka, pero hindi mo kayang sisirin ang aking lalim. Tawagin niyo 'kong Big L dahil naghari ako sa Harlem.
Round 2
BLKD
Sige, sige, sa crowd ngayon, kayo na ang mas mabenta kasi kami 'pag nagrarap, hindi namin iniisip ang pera.
Kahanga-hanga ang mga aktibista, nakikibaka kahit haggard. Takot lang 'to sa mga raliyista kasi yung ilong, hugis placard. Rizal, Bonifacio, del Pilar, Sakay, mga aktibista ng kanilang panahon. Kung hindi dahil sa mga aktibista, Indio ka pa rin ngayon.
At kahapon, hanap 'to nang hanap ng marijuana. Kung nagkataon, ikaw ang tutugon sa iyong bisyo. Sapilitang pagtatanim ng ganja, polo y servicio. Pagkatapos, sasabihin niyo, kayo ang underdog. E nauna pa kayo sa 'min sa hip hop. Kami ang underdog dito sa ating fight. Kayo ang mga bitches, all bark, no bite.
Round 3
BLKD
Nagtsinelas ako sa laban natin kasi ayokong mamantsahan ang aking sapatos. Madumi ang labang 'to kasi babaha ng dugo niyo pagkatapos. At ang lakas niyong magdeny na kopyang Loonie ang inyong husay. Puwes, sentensyado na kayo ngayon kasi meron kaming patunay. Si Loonie at Juan Lazy, parehong punch line, ginamit.
Saksakan ng panget! At kahit gamitin niyo ang wika niya, hindi kayo magpapantay. Ginasgas niyo yung salitang puta-pete hanggang sa mawalan ng saysay. At huwag mo kaming gamiting palusot sa pagkatalo mo kay Andy G dahil ang pag-uunderestimate ay kasalanan sa kapwa emcee. At matuto kang gumalang ng iba't ibang genre, kahit iba-ibang flavor. At maghugas ka ng vocal cords dahil darating si Mayor.
Round 3
BLKD
Nagtsinelas ako sa laban natin kasi ayokong mamantsahan ang aking sapatos. Madumi ang labang 'to kasi babaha ng dugo niyo pagkatapos. At ang lakas niyong magdeny na kopyang Loonie ang inyong husay. Puwes, sentensyado na kayo ngayon kasi meron kaming patunay. Si Loonie at Juan Lazy, parehong punch line, ginamit.
Saksakan ng panget! At kahit gamitin niyo ang wika niya, hindi kayo magpapantay. Ginasgas niyo yung salitang puta-pete hanggang sa mawalan ng saysay. At huwag mo kaming gamiting palusot sa pagkatalo mo kay Andy G dahil ang pag-uunderestimate ay kasalanan sa kapwa emcee. At matuto kang gumalang ng iba't ibang genre, kahit iba-ibang flavor. At maghugas ka ng vocal cords dahil darating si Mayor.
Oo na, sige na, nauna na kayo, huwag kayo masyadong magmalaki. Kayo ang uuwing wasak dahil sa amin ang gabi.
Overtime
BLKD
Ano ba naman 'yan, judges? Pa'no pa 'tong mga 'to ay nakalusot? Hindi kami nagpaplantsa ng mga linya kasi mga berso namin walang gusot.
Disorganized speech, walang sense magsalita. Disorganized thinking, ang lohika, saliwa. At auditory hallucination, gandang-ganda sa sarili nilang wack na kanta. At delusions? Akala nila blooming yung career nilang lantang-lanta. Mga ulupong, 'wag magmarunong, wala kayong alam sa sikolohiya pero pasado kayo sa lahat ng sintomas, meron nga kayong schizophrenia.
A! E kung gano'n naman pala, mabuti pa, ihatid mo na 'to sa aquarium, o sa beach. Go home! At ang sarap mantiris. Bakit yung pisngi nito tadtad, tadtad ng galis 'to? So prone. 'Pag ako nainis, masusunog ang mga 'to sa diss ko, Ozone!

FlipTop - BLKD vs Shehyee
Round 1
BLKD
Oo nga, nakabag ako, walang pakialamanan. Mamaya-maya, dito ko isisilid 'yang utak mong walang laman.
Sumikat lang ang battle rap, bigla ka nang umextra. Siya raw ang FlipTop heartthrob, nagseselos naman kay Abra. Ako'y gutom na gutom kasi sa limelight, hindi mo mapigilan. Sa laki ng pride mo, 'pag nilunok mo, ika'y mahihirinan. Big boy na raw siya pero yung tipo ng boy na mama's. Pinapaliguan ng gatas, gumugulong sa tawas. Lumaking spoiled kaya amoy bulok na pasas. Ang pagkukulang niya sa rapping skills, dinadaan niya na lang sa angas.
Tapos, nung una kitang napanood, sabi ko, 'yang istilo mo, kilala mo, kilala ko. Kopyang Loonie, pati hand gestures niya, ginaya mo. Ganyan ang problema sa mga rappers na ang hanap lang ay fame. Yung nangongopya na lang sa mga sikat dahil sariling style ay lame. Kaya wala 'kong paghanga sa 'yo dahil magaling ka lang mag-imitate. Kaya nga lahat ng apir at handshake natin, boy, ikaw ang nag-initiate.
Dahil isang hambog na wannabe celebrity 'tong huling biktima ng BLKD killing spree. Ako'y literal na lumapa ng bunga ng Ongkiko family tree. Kaya uuwi ka ngayon sa iyong hometown nang baldado't gumugulong dahil hindi kailanman kayang pigilan ng isang man ang isang daluyong.
BLKD
Oo nga, nakabag ako, walang pakialamanan. Mamaya-maya, dito ko isisilid 'yang utak mong walang laman.
Ang lakas mong manghamon, wala ka namang panama. E yung rank mo sa ligang 'to, parang mukha mo, mababa. Kaya't babatutain, babaretahin ka ng ating mga kababayan 'pagkat babatikusin, babarahin ni BLKD ang iyong kababawan.
Sumikat lang ang battle rap, bigla ka nang umextra. Siya raw ang FlipTop heartthrob, nagseselos naman kay Abra. Ako'y gutom na gutom kasi sa limelight, hindi mo mapigilan. Sa laki ng pride mo, 'pag nilunok mo, ika'y mahihirinan. Big boy na raw siya pero yung tipo ng boy na mama's. Pinapaliguan ng gatas, gumugulong sa tawas. Lumaking spoiled kaya amoy bulok na pasas. Ang pagkukulang niya sa rapping skills, dinadaan niya na lang sa angas.
Oo na, mestizo ka na, huwag mo masyadong ipagmalaki. Malaki ang tsansang isa sa mga lola mo, nirape lang ng prayle. Ako'y dugo't kutis-Katipunero, at mapapaiyak ko na 'to. 'Pag tinadiyakan kita sa kidney, yun ang Biak-na-Bato.
Round 2
BLKD
Okay, kinutya mo ang aktibismo, lagot ka ngayon. 'Wag kang sisiga-siga sa Mendiola, kasi teritoryo namin 'yon. Ito'y labang mental, 'di pisikal, hindi to NCAA o UAAP. At sa lahat ng hip hop elements, talo ang Beda ng UP. Sa DJ-ing, meron kaming Kalif, sa graff, Hepe, sa beatbox, Pikoy. At kami ang reigning battle dance crew, runner-up lang kayo, boy. At sa rap, meron kaming BLKD, kaya wala kayong binatbat sa 'min. And just to rub it in, ang finals niyo, quiz lang namin.

Tinitingala mo kami, 'wag mo nang ipagkaila. Ipinagtanong kita sa Beda, hindi ka kilala. Bilang sa 'kin ng mga Bedista, iknock out ka. 'Pag napanood 'to ng Beda admin, sigurado, kick out ka. Kaya tawagan mo na ang mangilan-ngilan mong Bedan friends para meron kang shoulder to cry on. Sa talim ng tula ko, duguan ka, literal na Red Lion.
Pero paalala sa Beda, wala ako sa inyong damdaming masama. Tinuturuan ko lang ng leksyon itong estudyante niyong hinihila kayo pababa. At sa bagong UP admin, irollback niyo tuition namin dahil ang edukasyon ay karapatan. At para maoutnumber ulit ng mga dukhang matatalino ang mga tulad nitong conyong mangmang.
Round 3
BLKD
Napansin ko, kasama mo yung jowa mo, mukhang artista. Nakapula pa, mukhang mahilig sa aktibista. At artist ka? Masyado kang mahangad. E ikaw yung bayabas na dalawang beses nang nilamon ni Juan Tamad. At ang lakas ng loob mong magparinig kay Dello nung Sabong Sumulong. E nung kinulata ka niya sa Sunugan, hindi ba't 'yang yabang mo, umurong?
Round 3
BLKD
Napansin ko, kasama mo yung jowa mo, mukhang artista. Nakapula pa, mukhang mahilig sa aktibista. At artist ka? Masyado kang mahangad. E ikaw yung bayabas na dalawang beses nang nilamon ni Juan Tamad. At ang lakas ng loob mong magparinig kay Dello nung Sabong Sumulong. E nung kinulata ka niya sa Sunugan, hindi ba't 'yang yabang mo, umurong?
Tapos, nung una kitang napanood, sabi ko, 'yang istilo mo, kilala mo, kilala ko. Kopyang Loonie, pati hand gestures niya, ginaya mo. Ganyan ang problema sa mga rappers na ang hanap lang ay fame. Yung nangongopya na lang sa mga sikat dahil sariling style ay lame. Kaya wala 'kong paghanga sa 'yo dahil magaling ka lang mag-imitate. Kaya nga lahat ng apir at handshake natin, boy, ikaw ang nag-initiate.
Sikat lang 'to sa mga dalaga, laging tinitilian. Pero tanungin niyo kapwa namin rappers, walang nakikinig diyan. Gusto ko sanang ipagsigawan na insulto ka sa hip hop. Pero 'di lahat ng rapper, hip hopper dahil ang genre mo, pop. Mas sikat ka lang sa 'kin ngayon dahil 'di pa masyadong mature ang Pinoy hip hop culture. I'm ahead of our time, ikaw, isusuko ka ng rappers of the future.
Overtime
BLKD
Idol mo si Shady kaya ang pangalan mo, Shehyee. Wow, hanep sa creativity. At pa'no ka naging tunay na fan ni Eminem kung lately mo lang nalaman ang Infinity? At nakakatawa, ginawa ni Em yung Real Slim Shady, pandiss sa mga gaya-gaya sa kanya. Kaya tinamaan ka sana kung inintindi mo yung kanta, at 'di mo ibabase sa kanya ang alias mo kung tunay na fan ka.

At nung poster ng Sabong Sumulong, kulang daw ng H ang pangalan niya. Cinorrect lang ni Gnome ng Ampon 'yang jejemon mong spelling, pasalamat ka sa kanya. At nung Ahon, isinalita mo ang pagtetext ng mga jejemon. Pare, ang corny mo. Bago mo sila kutyain, basahin mo pangalan mo, ipokrito.
Dahil isang hambog na wannabe celebrity 'tong huling biktima ng BLKD killing spree. Ako'y literal na lumapa ng bunga ng Ongkiko family tree. Kaya uuwi ka ngayon sa iyong hometown nang baldado't gumugulong dahil hindi kailanman kayang pigilan ng isang man ang isang daluyong.
Ang pagbangga kay BLKD ay pagkayap sa peligro. Hindi ka magiging King of Rap porke't may kiko ka sa apelido. So, hindi ka magaling na rapper, hindi ka tunay na hip hopper, ano pa? Wala kang paglalagyan. Mabuti pang ilako mo na lang 'yang flawless, pero talentless mong katawan.
FlipTop - BLKD vs Mel Christ
Round 1
BLKD
Mas gugustuhin ko pang maging libag na nabuhay kaysa maging posero na ang mga punch line, walang kabuhay-buhay. At, Anygma, ang corny mo naman. Ang cliché naman nitong aking kalaban. Tingnan niyo nga naman, may Kristo sa sabungan.
Kaya parang Poncio Pilato, ang pandarahas sa iyo'y aking maiibigang balisong sa ngalangala, pangkaladkad sa iyo pauwing Iligan. At isusubsob ko sa turbine ng Maria Cristina Falls 'yang pagmumukha mo. Ta's diretso tayo sa Cotabato para barilin ka na ni Zaito.
Round 3
BLKD
Written generic diss, yung pinantalo mo kay Harlem, gagamitin mo pa sa 'kin? Medyo malupit pero kahit kaninong kabattle, puwedeng gamitin? Ilang taon mo 'yong sinulat at sinaulo sa bahay. Nag-iimagine ng kaaway, pinagpapraktisan ang nanay.

Ako'y magsisilbing John the Baptist dahil sa FlipTop, kita'y bibinyagan. Lulunurin kita sa ilog ng iyong kamangmangan. Ako'y magpapakaanti-Kristo, hindi dahil ako'y Satanista kundi dahil aking kokontrahin ang mga banat mong panis na.
Alam mo ba, kahit magpatulong ka sa mga apostol, it won't make a difference. Papaikut-ikutin ko lang kayong parang Trip to Jerusalem, Eraserheads reference. Kaya 'wag kang parang CBCP, huwag ka masyadong mapapel. Yung RH Bill, 'wag niyo nang idiskarel dahil hindi kami pro-abortion, pro-choice ang aming ipinagtatanggol. Magiging pro-abortion lang ako kung 'tong si Romel ang sanggol.
Dahil ang tula ko'y deadly, pumapatay, kumikitil, pumapaslang, three ways. Huwag ka nang umasang magreresurrect ka pa after three days dahil hindi ka na tatalino kahit sa three wise men sumabit. Mga linya mo, nakakaantok, parang three o'clock habit.
Kaya sa mga tulad mong banong rapper, dapat ipako sa krus para wala nang marinig na banong kanta kailanman si Juan dela Cruz.
Round 2
BLKD
'Yang cap mo, pekeng DC, palibhasa, doble cara. Rapper sa gabi, carnapper sa umaga. At tinawag mo 'kong kamukha ni Bentong, wala akong paki. Batangueñong duwag, ang matapang lang sa 'yo, kape. New Yorker ang swag, kung magrap, ala Jay. New Yorker pumorma, kung magsalita, ala ey.

At sa Baked mixtape, ikaw lang ang Baked na hindi umalsa. Mga beat sa Batangas, presko, ba't mga kanta mo malansa? At huwag mong ipagyabang na Bisaya ka dahil Bisaya pod ko. 'Di ko kasulti og maayo pero kasabot ko. Ikaw yung tipo ng Bisaya na pangmamata ng madla'y hindi matutulan. Baduy at bakyang stereotype, iyo lamang pinapatunayan dahil imbes na paunlarin ang kulturang sayo'y biyaya, ikaw pa ang isa sa mga dahilan kung ba't naging pang-insulto ang salitang Bisaya.
Kaya parang Poncio Pilato, ang pandarahas sa iyo'y aking maiibigang balisong sa ngalangala, pangkaladkad sa iyo pauwing Iligan. At isusubsob ko sa turbine ng Maria Cristina Falls 'yang pagmumukha mo. Ta's diretso tayo sa Cotabato para barilin ka na ni Zaito.
Round 3
BLKD
Written generic diss, yung pinantalo mo kay Harlem, gagamitin mo pa sa 'kin? Medyo malupit pero kahit kaninong kabattle, puwedeng gamitin? Ilang taon mo 'yong sinulat at sinaulo sa bahay. Nag-iimagine ng kaaway, pinagpapraktisan ang nanay.
Kaya yung mga tula mo, sobrang simple, mistulang rap-rapan. Lampas langit na'ng antas ko, nandiyan ka pa rin sa sabsaban. Kaya yung tala sa taas mo, ibabato ko sa 'yong parang kometa. Hindi ka tagapagligtas ng rap, isa kang bulaang propeta. Dahil kung Kristo ka nga, gumawa ka nga ng himala. Gamutin mo si Righteous One, patayuin mo bigla.
Dahil kung ang hip hop ay Kristiyanismo, Hudas ka, hindi Kristo dahil taksil ka sa kultura, at matagal ko nang nabisto. Ang hip hop ay kultura ng pagkakaisa't kagalingan pero ang tingin mo lang dito'y kultura na iyong pagkakakitaan.
Kaya naman ako ang tunay na malagim, at sa tagumpay, ako'y sakim. Son of God ka lang, ako ang Pinoy na Rakim. At kung hindi mo siya kilala, yung linya, hindi mo nakuha, huwag kang magpakahip hop, ignorante sa kultura.
FlipTop - BLKD vs 2Khelle
Round 1
BLKD
Aking tusung-tusong tutugisin 'tong tukmol na si 2Khelle. Tututulan kong tumugma para tumulala't tumigil. Tuwang-tuwa kong tutuligsain tuktok nitong tunaw. Tuturuan kong tumula 'tong tulalang tutang tungaw.
Round 2
BLKD
Nagsuot ako ng salamin para makita kita nang malinaw kaso tinanggal ko yung lens kasi yung talento mo, hindi nakakasilaw. Tapos, tinawag mo 'kong negrito. Wala akong pakialam. Pangalan mo, 2 kasi sa labang 'to, ako ang number 1.

Kilala ang bayan niyo bilang maunlad na bayan sa may kalayuan pero yung mga tulad mo, kumikita lang sa pagpapaalila sa dayuhan. Basta't puti at may pera, dyinudiyos mo? Pareho kayo ni Noynoy dahil Kano ang boss mo. Kaya naman hanggang porma't salita lang ang iyong katapangan. Wala kang ginawa nung nirape ng Kano ang iyong kababayan. Alam mo'ng gagawin ng tropa mo dahil ngayon, ika'y bano? Palalayasin ka nila parang base ng Kano.
Ito ang tunay na kargador sa barko, hindi si Target. Smuggler 'to ng ukay-ukay sa Subic Black Market. At sa tungga nitong sumasabit, alam niyo ba kung bakit? Siya yung natagpuan ni Andrew E nung humanap siya ng panget!
Round 2
BLKD
Nagsuot ako ng salamin para makita kita nang malinaw kaso tinanggal ko yung lens kasi yung talento mo, hindi nakakasilaw. Tapos, tinawag mo 'kong negrito. Wala akong pakialam. Pangalan mo, 2 kasi sa labang 'to, ako ang number 1.
At para lang alam niyo, nung tinanggap ko 'tong battle, Alpha Taktika ang pangalan ng aking kalaban. Pangalan pala 'yon ng rap group nito, huli ko lang nalaman. Natanga ka lang ba nung registration, o balak mong laban, 5 on 1? Kung nagkataon, limang jejemon ang ibinaon ko, live on cam.
At alam mo, hindi mo 'ko matatalo kahit magbitbit ka ng gabinete. Magmumukha pa rin 'tong laban ng kabayo at hinete dahil ito'y gabi ng garapalan, kami'y ganado at ganid. Gagapiin ang Gapo ng mga guwapong gago kung magalit.
At igagaya lang kita sa sikat na leader ng inyong lunan. Mukha ka nang dick, gagawin na lang kitang talunan. Tapos ang iyong kamatayan, igagaya ko sa inyong kasaysayan. Ulo mo'y aking pupugutin ta's tutuhugin ng kawayan.
Round 3
BLKD
Akala mo malupit yung freestyle mo, 'yan ang pagkakamali mo. Istilo mo, pangkanto, hindi pangmatalino. At mas marami pa 'kong fans sa 'yo kahit wala pa 'kong fan page. Maangas ka lang lumaban 'pag may home court advantage.

Kahit saan, kaya kong isagisag ang FlipTop na bandila. Ito, hindi makadayo sa Maynila, na para bang ang depensa mo ngayon sa isang unos ay marupok na bahay-kubo. E pa'no yan? Mas malakas pa 'ko magpasabog kaysa sa Mt. Pinatubo. Tatangayin, tatabunan ka lang ng liriko kong malalahar. Mapupuno ang langit ng abo 'pag pinulbos kita ng pang-aasar.
At written ang banat ko dahil hindi naman freestyle battle ang FlipTop. Ito ang modernong format ng rap battle sa mundo ng hip hop. Talentado ka, talentado ka, pero pandekada nobenta ang istilo mo. Hindi 'to pabilisan tumugma, pabigatan 'to ng liriko. Ano? Masakit na ba? Iiyak ka na? Aruy! Mag-Google ka, magresearch ka para matuto ka, baduy!
Overtime
BLKD
Susubukan ko magfreestyle. Tingnan niyo yung boxer ko, heaven. Hindi 'to makadayo sa Maynila, takot sa 187.
Overtime
BLKD
Susubukan ko magfreestyle. Tingnan niyo yung boxer ko, heaven. Hindi 'to makadayo sa Maynila, takot sa 187.
At wala namang premyo dito, alam ko kung bakit ka lumahok. Gusto mo kasing simutin ang kamandang ng aking tomahawk. Feeling wannabe Loonie at Dello, hindi naman nakakaaliw. Sa susunod, huwag kang tamad 'pag may haharapin kang baliw. Walang pinagkaiba ang freestyle mo kay Silencer. At dahil wannabe DC Clan ka, ikaw ang gagawin kong target ng aking caliber.
Dahil if you look harder, malawak ang gap sa ating talento. At may binanggit akong dalawang wack battlers na mas magaling pa sa 'yo kung 'di ka alerto. Dahil para 'kong batas ng datu, hindi mababali kahit ng buo mong crew. Tinanggap ko lang ang laban natin 'cause I had nothing else to do.
Kaya alam mo, freestyler ka, pero magpractice ka pa dahil sa FlipTop ngayon, wala kang puwang. Lahat ng binanggit kong battle rapper na tinitingala mo, kaliga ko lang.
FlipTop - Sayadd vs BLKD
Round 1
BLKD
Ako ay medyo kabado kaya titira nang kalmado. Ang ganda ng delivery mo, muntik na 'kong mainis kaso lang yung mga linya mo, puro generic diss.
Patunay lang ang labang 'to na hindi tayo patas. Umuwi ka na lang nang luhaan, at magtimpla ka na lang ng gatas.
Overtime
BLKD
Sayang, hindi ako naghanda ng OT kasi hindi na kailangan. Puwede pa ba mag-appeal? Hindi na 'to overtime. Ang tawag dito, overkill dahil Round 1 pa lang, tinalo na kita, tanungin mo sila. Ginawa kitang sahig, tinapakan lang kita. Ginawa kitang banig, tinulugan ka nila.
BLKD
Ako ay medyo kabado kaya titira nang kalmado. Ang ganda ng delivery mo, muntik na 'kong mainis kaso lang yung mga linya mo, puro generic diss.
Sayadd na double D? Wala ka namang say bilang battle rapper pero meron kang ADD, attention deficit disorder. Kaya ka lang naman nagrarap, alam mo kung bakit? Ika'y kulang sa pansin. Mga linya ko, sumasabog, sa 'yo, kumakalansing. Dahil pagdating sa wika, ako ang artisano. Garantisado, gisado si Mr. Lizano. Uuwing tinalo at paralisado.
Hindi ka true hip hop, homeboy, wala kang alam, boy. Isa kang wannabe Am-boy na Eminem fanboy. Lumaking mom's boy, at tuwing gabi, callboy. Estudyante ka pala ng accountancy pero katangahan mo sa math ay legendary. Yung rapping skills mo, square root of negative one, imaginary. Feeling guwapo, ipapahiya ko for everyone to see. Mestizong rapper, sino ka? Si Bobby Andrew E? O baka si Carlos Agassi?
Round 2
BLKD
Oo, tama ka, scholar ako. Scholar ako ng UP dahil hindi ako bobo like you. Kinulang na nga sa melanin, kinulang pa sa IQ.
Round 2
BLKD
Oo, tama ka, scholar ako. Scholar ako ng UP dahil hindi ako bobo like you. Kinulang na nga sa melanin, kinulang pa sa IQ.
Kapareho ka lang ng ating bagong administrasyon. Adik sa giyera at armas, binalewala ang edukasyon. Kung akala mong mananalo ka sa sindak, utak mo'y pilipit, dahil hindi porke't bayolente ang linya, ito ay malupit. At kung gusto mong magrap nang brutal at patok, magpatutor ka muna kay Plazma't Apoc. At kung puro angas ka lang, better shut your mouth. Magyabang ka sa QC, 'wag dito sa South.
Baka hiwain ko lang ang iyong neck line gamit kalawanging bread knife ta's bubudburan ko yung sugat ng tinadtad na lamang ng tahong, yung may red tide. Panis ka sa artistang mabangis pa kay Batista. Yung utak ko, makatao pero yung dila ko, pasista.
Nung 8 Mile ka lang naman kasi naging battle rap fan. Yung obsession mo kay Em, mas masahol pa kay Stan. Si Ralph daw si Marshall, at si Sayadd si Slim. Kahit 'di ka magdye ng buhok, gaya-gaya ka pa rin. Isang buwan kang naghanda, 'yan lang ang kaya mo, pare ko? 'Pag kinain ko kuwaderno mo,
mas malupit pa'ng lirikong itatae ko.
Round 3
BLKD
Aminin mo, Sayadd, erpats ka na. meron ka nang baby. Porke't idol mo si Shady, nagmadali kang gumawa ng Hailie. At hindi ka OG, isa kang padre de pamilya. Hindi ka nagpapaputok ng bala, nagpaputok ka ng semilya. At huwag mo kaming himbilugin na habulin ka ng parak. Hindi ka nagbibitbit ng baril, nagbibitbit ka ng anak.

Kung dismayado kang talo ka, maghamon ka na lang ulit. Huwag kang maghugas-kamay, tagahugas ka ng puwet. At magpakumbaba ka, huwag yung puro alibi. Kanta niya dito, gangsta rap. Kanta niya sa bahay, lullaby. Wala pang tiyak na hanapbuhay, gumawa na ng supling? Para lang makaraos, nagsasanla ka sa Tambunting? Pagdating sa family planning, marami naman sanang paraan. Huwag lang daw withdrawal, sabi ni misis, dahil mabilis siyang labasan.
Patunay lang ang labang 'to na hindi tayo patas. Umuwi ka na lang nang luhaan, at magtimpla ka na lang ng gatas.
Overtime
BLKD
Sayang, hindi ako naghanda ng OT kasi hindi na kailangan. Puwede pa ba mag-appeal? Hindi na 'to overtime. Ang tawag dito, overkill dahil Round 1 pa lang, tinalo na kita, tanungin mo sila. Ginawa kitang sahig, tinapakan lang kita. Ginawa kitang banig, tinulugan ka nila.
Dahil yung dila ko, si Saiha, matalim at nag-aapoy. Yung istilo mo, hindi ko maatim ang pangangamoy. Dahil yung istilo mong luma at bulok, mas mabaho pa sa burak. 'Pag ako nagrap, flip top, titiwarik ang iyong utak.
Pagdating sa talino, yung utak natin parehong Rico. Yung sa 'kin puno, kaso yung sa 'yo, blangko. At next Father's Day, remind me if I forget to say, dahil sa araw na 'yan, babatiin kita ng Happy Motherfucker's Day.
Ayan, wala na 'kong masabi dahil wala na 'kong maisip, at wala pa 'kong nakakain kaya kain na lang sa mga kaibigan ko sa Kaingin.
04 October 2012
Nilaga
Spolarium
by Eraserheads
Dumidilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba'pag nagsawa na ako
Bigla na lang ayoko na
At ngayon Di pa rin alam
Kung bat' tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Lumiwanag ang buwan
San Juan Di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang Sa 'king lalamunan
Ewan mo at ewan natin
Sinong may pakana?
At bakit ba Tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo?
At ngayon Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Umiyak ang umaga (hmm)
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa gintong salamin Di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura
Ewan mo at ewan natin
Sinong nagpakana?
At bakit ba tumilapon ang spolarium
Diyan sa paligid mo?
At ngayon Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
by Eraserheads
Dumidilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba'pag nagsawa na ako
Bigla na lang ayoko na
At ngayon Di pa rin alam
Kung bat' tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Lumiwanag ang buwan
San Juan Di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang Sa 'king lalamunan
Ewan mo at ewan natin
Sinong may pakana?
At bakit ba Tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo?
At ngayon Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Umiyak ang umaga (hmm)
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa gintong salamin Di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura
Ewan mo at ewan natin
Sinong nagpakana?
At bakit ba tumilapon ang spolarium
Diyan sa paligid mo?
At ngayon Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Subscribe to:
Posts (Atom)