June 14, 2014

Paano Ba Gumamit ng Gitling (Hyphen / Dash) sa Wika Natin?

Ganito gumamit ng gitling/hyphen/dash sa pagsusulat sa Filipino. Ang paggamit ng gitling/hyphen/dash sa Filipino ay madali lang naman.

At badtrip na ako e. Edi gagawan ko na naman (ulit) ng (sana naman) kumprehensibong mga instruction kung gaano nga naman ba kadali gumamit ng hyphen kapag nagsusulat (nagtatype) sa wikang Filipino. As in binibigyan ko na lahat ng mga tanga ng pagkakataong makatipid ng oras (sa pagpindot/sulat ng hyphen). Akong bahala sa inyo, kasi ako naman talaga ang nagpauso.

Libreng magcomment ang lahat kasi alam niyo namang hindi ako katiwa-tiwala sa mga sinasabi ko. Okay lang yun. Ang gusto ko lang e kapag sinagot ko kayo, asahan ninyong inaassume kong mas tanga ako sa inyo, kahit na kadalasa'y baligtad ang nangyayari. Pero baka rin naman kasi marami akong nakalimutan. Tulungan tayo rito.

Vowels & Consonants

Part 1. Pretty basic. Vowels at consonants. Vowels = mga patinig = A, E, I, O, at U. Consonants = mga katinig = B, C, D, F, G, H, J, K, L, M, N, Ñ, NG, P, Q, R, S, T, V, W, X, at Z. Alam na natin 'to, mga tsong. Hindi naman mahirap intindihin 'yan. Alam na natin kung bakit sila pinaghiwalay, sa paraan ng pagbigkas sa kanila. Yung tipong nakabuka lang bibig mo 'pag patinig, tapos kaunting variations lang ng dila. Kapag katinig e kasama na yung bibig, ngipin, ngala-ngala, kaluluwa, puta.

Pero sa bahaging ito, yung mga semi-vowel/consonant na W at Y, ituturing nating mga katinig. Bakit? Hindi ko rin alam e. Siguro kasi, kasama yung ngala-ngala at labi kahit na madali pa rin silang bigkasin at sundan ng tunog [ r ] o kung anumang katulad nito. Wala na rin naman tayong pakialam dun. Basta ang alamin mo, pagkakaiba ng vowel at ng katinig.

Malaki ang pakinabang sa pag-alala kung paano ba nating binibigkas ang maraming salita sa wika natin para sa talakayang ito.

Lapi (Affix)

Panlapi + Salitang Ugat. Alam mo na 'to! Halimbawa, pambayad sa naglaba - PANG (lapi) + BAYAD (salitang-ugat); NAG (lapi) + LABA (salitang-ugat).

Alam mo na rin 'to. Nung grade school, tinuro na rin yung tatlong basic, 'di ba? Unlapi - mag, nag, (minsan) um, basta yung nasa unahan? Mag + luto = magluto. Um + alis = umalis. Simple lang 'di ba? Gitlapi, nasa gitna. Um, in, 'yang mga 'yan. Alam mo na yun! Kain + um = kumain. Tanga + in = Tanga as in, tinanga. Tapos yung huling basic, hulapi, nasa dulo, dulong kanan, I mean. Han, an, at iba pa. Wala na akong maisip e! Pero alam mo na yun kapag narinig mo na! Agaw + an = The Legal Wife.

Ikinakabit ang mga lapi sa mga payak (main form) na salita at mga maylapi (affixed na rin). Alam mo na rin yun! 'Di ko na dapat ipaliwanag pero ewan ko na rin. Sintanga mo na rin kasi ako. Ganito yun 'di ba - Kain (payak) + um (lapi)  = kumain (busog ka na  maylapi). Simpleng-simple. Payak na payak.

Edi sa ngayon, narefresh na sa kukote mong itinuro nga pala yung ganitong mga bagay. Para saan nga ba ito? Para lang sa akin 'to. Para hindi na ako naaasar pati yung inner nazi sa akin. Para na rin nga (tulad ng sinabi ko kanina) makatipid ka sa oras ng pagtype/sulat ng -.

Syllable (Pantig)

Weh, Mart, 'kala ko ba consistency ang habol mo kaya mo itinuturo sa akin 'tong mga kalupitang 'to. Minsan kasi, guy/s, ginagamit ko yung mga salitang mas narinig/naencounter niyo na. Minsan lang naman. O e ano bang mas narinig mo sa kanilang dalawa? Hula ko lang naman 'yan 'syllable', tsaka 'wag mo nang pakialaman 'yan!

Alam mo na rin 'to 'di ba? Yung bilang ng hati sa pagbigkas ng isang salita, na kadalasa'y mayroong core na vowel (sound). Halimbawa, HINAYUPAK. Alam nating mayroong apat na vowel sound = [ i ], [ a ], [ u ], at [ a ] (ulit). Kung ilan ang nabilang nating tunog na vowel, yun din siguro sa malamang ang bilang ng syllable - hi (1) + na (2) + yu (3) + pak (4). Apat. Four. Isa pang halimbawa, RHYTHM. Mayroong [ i ], at [ u ]. (Pasintabi sa scholars talaga ng language at phonetics. Yung limang patinig lang na tinuro noong kinder ang gagamitin ko para mas mabilis at mas madali. Alam kong maraming vowels kasi aware ako sa international phonetic alphabet. Sana malaman niyo na hindi scholars yung mga tinitira tinuturuan ko sa ngayon. Salamat.) So bale, rhy (1) + thym (2). Dalawa ang syllable ng rhythm.

Gets mo na 'yan!
 
Game na, ready ka naman na e

Ngayon, gusto ko sanang magsimula sa pagpansin ng dalawang titik na pagtatabihin ninyong mga mokong kayo kapag gagamit na kayo ng lapi. Huwag mo ring isasantabi ang natutunan mo sa syllable ng mga salita. Okay game. Halimbawa, pagtatabihin mo ang salitang luto at panlaping mag-. Anong gagawin mo? Maglalagay ka ba ng hyphen?

Consonant (1) then Consonant (2). Example: mag + luto. Ang huling titik ng mag ay G at ang unang titik ng luto ay L. Kapag ganito, hindi na natin mo kailangang gumamit ng hyphen. Hindi na kailangan kasi pareho naman silang katinig at mas madaling bigkasin kapag ganoon. Tsaka wala na ring tunog na impit kapag consonant pero wala ka na rin namang pakialam sa detalyeng iyon! Magluto!

Consonant (1) then Vowel (2). Example: pag + asa. Ang huling titik ng pag ay G at ang unang titik ng asa ay A. Kapag ganito, kailangan mo nang lagyan ng hyphen. Again, pansinin kung paano bumigkas ng salita kapag vowel na ang kakabitan. Hindi ba't parang may pause/impit sa lalamunan? Pag-asa. Pagluto. Parang may naiipit sa lalamunan, right? Pag-asa. Pagluto. Gano'n ang kadalasang nangyayari sa maraming vowel na nauuna sa mga salita. Aso. Ewan. Itlog. Oppa Gangnam Style. Pag-asa!

And then you ask, paano naman, Mart, kapag um na yung ginamit na panlapi? E tanga ka pala e (joke lang! labyu!), kaya ko nga pinaalala at inunderline na mayroon tayong konsepto ng syllable. Ang syllable halimbawa ng salitang umalis ay tatlo (u + ma + lis). Pansining ang U ng UM ay hiwalayng pantig at magkasama sa isang pantig ang MA (M ng Um, at A ng Alis). Hindi na kailangan pang paghiwalayin gamit ang hyphen kasi nga, ganoon ang pagkakabigkas natin - U-MA-LIS, at hindi UM-A-LIS. Gets mo, girl?  Umalis!

Same with in + angkin. Hindi siya IN-ANG-KIN. Ang pagbigkas ay I-NANG-KIN so, hindi na kailangan ng hyphen.

Then you may ask this too, paano kung infix (gitlapi aka panlapi sa gitna)? Hindi na kailangan. Madulas na ang pagbigkas. Kinain. Kumain. Again, think about the pronunciation. Hindi siya KUM + A + IN, nor KIN + A + IN. It is ku + ma + in. Note na hinati sa magkaibang pantig ang ginamit na gitlapi (um). So no need for hyphen right there.

Vowel (1) then Consonant (2). Example: ma + lagkit. Ang huling titik ng ma ay A at ang unang titik ng lagkit ay L. Laging tatandaang kapag sa vowel nagtatapos ang kakabitan, HINDI NA TALAGA DAPAT AS IN HUWAG NA TALAGANG LAGYAN NG HYPHEN OMGWTFBBQ. Hindi na. Madulas ang mga susunod na bibigkasin sa lahat ng nagtatapos na vowel sound. Madaling sundan. Walang gaanong pause. Wala nang gitling. Malagkit!

Vowel (1) then Vowel (2). Example: na + inggit. Ang huling titik ng na ay A at ang unang titik ng inggit ay I, delas alas. Again, basahin ang nakacapslock sa paragraph bago 'tong talatang ito. Oo't mayroong impit na tunog pero hindi na kailangan dahil sa pareho namang vowel ang tunog na binibigkas. Nainggit!

Pag-uulit ng ilang bahagi ng unang pantig ng salitang-ugat. Example: nag + ti + tinda. Hindi na rin kailangan. Inulit mo lang naman yung ti ng tin mula sa tinda. Hindi malaki ang pause sa pagbigkas.

Foreign words na inangkin. Example: nag + facebook; paki + facebook. There was this idiot (ako 'to, I swear, that's why I'm cleaning this mess) na nagpasimulang gumamit ng hyphen kapag magkakabit ng foreign word. Hindi niya rin alam kung bakit. Walang nagturo sa kanya nito, siya lang ang nag-isip ng paraan kung paano niyang maihihiwalay ang mga salita kapag binibigkas sa isipan habang kanyang binabasa. Gusto niya lang talagang iemphasize (i-emphasize) na nag-iiba na ang pagbibigkas ng isang salita kapag inadapt na sa wikang Filipino ang salitang Ingles na 'emphasize'. Hindi siya tunog /iyemfasayz/ kundi /i-em-fa-size/ kapag tinype kong i-emphasize. Akala niya kasi, kapag iemphasize, /iyemfasayz/.

Inuulit na mga salita. Kapag ganito, isipin natin kung mayroon bang talagang salitang payak na nag-eexist kung hindi naman talaga inulit yung salita. Halimbawa, Tatanga-tanga. Gumamit ako ng hyphen kasi may salitang 'tanga' naman talaga. Same concept applies with paruparo (?). Ewan ko, isip kayo.

Tambalang mga salita. Ningas-kugon. Kapitbahay. Hanapbuhay. Wala ring malinaw na konsepto ukol dito pero ang hula ko e kapag isang salita na talaga, wala nang hyphen, pero kung parang figurative (?) at hindi ganoon kadalas gamitin e gagamitan ng gitling (?). Ewan ko, what are your thoughts about this?

Sa huli, wala na rin akong pakialam. Ayoko lang kasing kumakalat hanggang sa pinakamalalaking billboard sa Edsa ang paggamit ng hyphen kahit hindi naman talaga kailangan. Naiinis ang dugo ko (legit). Pinaaalala ko lang na mayroong "tama" dati. Pero dahil modern/post-modern na ang uptake sa grammar/language, tinatanggap na ang lahat ng uri ng grammar na "tama" at wala nang "mali" na grammar. Muli, sinasabi ko lamang na may mga rule na isinasantabi ng mga kupal na taong hindi marunong at napapalitan na ng mga MALI NAMAN TALAGA ang mga TAMA, at nagiging "tama" na ang mga "mali" na ito. Tama na, please.

-------------------------------------------------------

TL;DR 

1. Learn about vowels and consonants.
2. Learn about affixes.
3. Learn about syllables.
4. Pronunciation is important.
5. Ang hyphen sa pagtatabi ng iba't ibang titik/letter:
6. Consonant + Consonant = magluto (NO)
7. Consonant + Vowel (remembering syllable knowledge) =  umalis (NO)
7.1 Hindi siya um + a + lis (pronunciation) kundi u + ma + lis, kahit na um (lapi) + alis (salitang ugat).
7.2 Gitlapi (sample: kumain) NO (it is ku + ma + in, not kum + a + in)
8. Consonant + Vowel = pag-asa (YES)
9. Vowel + Consonant = malagkit (NO)
10. Vowel + Vowel = nainggit (NO)
11. Foreign words = OPEN FOR DEBATE
12. Inuulit na mga salita = kapag hindi ba inulit, salita pa rin ang natira? If YES, then YES.
12.1 Pag-uulit ng pantig (o bahagi lang) (NO) Hindi na kailangan dahil madulas pa rin ang pagbigkas = nagtitinda. Mali ang nagti-tinda, okay?
13. Tambalan = not sure, check what I've discussed above, under "Tambalan..."
14. Read the last paragraph. I'm too lazy to reconstruct.

June 12, 2014

Isa sa mga Paboritong Salita

Iba dapat title nito e. Dapat e, "Ang Paboritong Salita ng Matatalinong Tao." E kaso, inisip ko rin palang hindi pala ako matalino. "...ng mga Kritiko." E kaso, self-proclaimed lang naman ako. Minsan din, yung kabanuan ko, sineself-proclaim ko na rin. Minsan din, gusto ko rin naman yung mga ginagawa ko. Pero kahit ni minsan, hindi ko sila ipinagmamayabang. Ang tanong mo e, bakit ko nga ba sila iniaakyat sa internet? Para makita ng maraming tao? Oo. Siyempre, oo. Para kung may makakita, may magsasabi kung mali o kung tama. Naghahanap siguro ako ng napakaraming opinyon ukol sa mga kabalastugang pinagsasasabi ko. Para ano naman? Para siguro makahanp ng kausap? Ng rejection? Ng approval? Hindi ko na naman alam. Ang alam ko lang, matagal ko talagang pinag-isipan yung title nito. 

"...mga paborito kong salita." Okay rin naman. Mas maganda nga siguro iyon. E kaso, wala ka naman talagang pakialam sa akin. "...mga salitang dapat isipin at gamitin." Napakabaho naman ng mahahabang pamagat. Hindi ako makuntento. Para bang ang hirap kong makuntento sa mga bagay tapos napaglalaanan ko pa ng mahahabang panahon at pasensya yung pag-iisip para sa kanila, hanggang sa hindi pa rin ako makuntento sa kung ano na talaga yung huling napagdesisyunan ko. Parang ang dami kasing possibilities. Ang dami-daming maaaring mangyari. Ang dami ko masyadong iniisip. Paano kung ganito? Paano kung ganyan? Paano kung isipin ng mga tao hindi talaga ako matalino? Paano kung sabihin nila/mo na hindi naman ganito magcritique? Paano kung wala naman talagang pakialam ang mga tao sa salita, bilang mga random na tunog na lamang sila na tinetake for granted ng mga tao? Paano kung 'e ano naman kung may paborito kang salita?' Paano na lang 'di ba? Paano na lang? 

Mas madali kasing magsulat, para sa akin, kung nahihirapan ka kung sino ang sinusulatan mo. Or kahit sa maraming bagay na rin siguro, mas astig din ang pag-iisip ng kapakanan ng maraming bagay, pangyayari, panahon, lunan, at ng mararami pang salik na bumubuo sa buo o ganap/ginaganap na phenomena. Dapat, iniisip mo lahat ng bagay.

Mahirap, oo, hindi ko maitatanggi. Pero bakit kailangan kong mag-isip nang ganito? Para walang natatapakan? Para wala nang tanung-tanong pa pagkatapos? Tapos isasagot mo, "E bakit nga naghahanap ka ng opinyon? Paano kung yung opinyon e isang tanong?" May opinyon bang tanong? Maaari ka bang magtanong habang naiimpluwensiyahan ng iyong opinyon? Hindi ko rin masasabi. Paano na lang kung matalino yung kausap mo? Paano kung bobo pala? Paano kung mas marami siyang masasabi sa'yo tungkol sa pagluto ng meatball ng spaghetti? Paano mo masasabing magaling siyang magbadminton? Paano mo ba malalamang may gusto siya sa iyo? Madaling magstereotype ng mga tao base sa nakikita natin sa kanila, pero kadalasan, corny mang pakinggan e wala naman talagang naglalast na first impression.

Mas madali kasing mag-isip kung inaalala mong hindi mo naman talaga kilala ang tao, ang mundong kinatatayuan mo, ang sitwasyong kinakaharap mo, ang problemang nantitrip sa'yo. Maraming puwedeng mangyari, at marami ka pang hindi nakikita. Wala ka talaga kilala, at hindi mo naman talaga alam.

Minsan din, iniisip ko, paano kung paboritong parirala naman pala o bukambibig ang iniisip ko? Hindi ko naman puwede kasing sabihing 'paano' ang salitang tinutukoy ko kasi maaari rin siyang ipakahulugang 'how,' kahit na iniisip mong ang pagsasalin ng isang salita sa isa pang wika ay hindi pagpapakahulugan. Minsan din naman, sabay tayong walang pakialam. Pinansin ko yung ikalawang salita, 'kung'. Paano kung. Kung. Kangkung. Kungkang. Kung. Kapag. Parehong nag-iisip na mga salita, kahit na wala naman talaga silang kakayahang mag-isip. Paano kung oo? Maghahanap ka pa parati ng pruweba. Kung. Kapag. Ang sarap pag-isipan. Ang dami kasing maaaring mangyari kapag ginagamit mo sila at hindi yung paggamit ko sa pangungusap na ito. Maiging gamitin sila sa iba't ibang sitwasyon. Sa maraming bagay. Sa pag-aayos ng problema. Sa pagsusulat. Sa pagtingin ng maraming bagay sa paligid. Kung. Kapag. 

Kapag ganito, ganyan ang mangyayari. Kung ganito kaya, ano ang mangyayari. Kapag ganito ba, ganun ang kalalabasan? Paano kapag ganito naman ang ginawa ko?

Hindi pagsasayang ng oras ang inilalaang panahon sa pag-iisip at maagang pagpaplano sa mga bagay. Hindi ito malaking kawalan ngunit responsable at matalinong adbentahe kapag nakasanayan. Sa kabila ng lahat ng aking mga sinabi, wala ka pa ring naiintindihan. Baka hindi lang din talaga salita ni pahayag ang gusto kong matutunan mo. Baka naman kasi paraan na pala ng pamumuhay ang iniiwan ko sa iyo.

June 10, 2014

Kapag Nakadalawang Tasa Na

Gusto ko yung pinipiem mo ako e. Or kahit text lang. Kahit sa text lang. Isang text lang. Biruin mo, kahit isang text lang, sasagot na agad ako. Tinatamad nga ako minsang tumayo para magreply. Gusto kong sumasagot kasi para bang gusto kong nangungulit yung mga daliri ko. Tulad ng alam mong pangangalikot ng mga daliri ko. Sabay-sabay 'yon 'di ba? Paikut-ikot. Dahan-dahan muna, tapos, unti-unti nang bibilis. Pabilis nang pabilis, para bang nasa merry-go-round. Ferris Wheel sana yung sasabihin ko, kaso, hindi ko alam kung tama yung baybay. Teka check ko lang... Oo, tama. Ipinangalan siya sa isang tao, si Manong Ferris. Ang tanong ko ngayon, bakit hindi Ferris'? Kasi hindi siya madamot? Kasi mas okay na walang umaangkin? E bakit nga isinunod sa pangalan niya? Para sa kanya yung pagkakapatent? O kung anumang keme? Hindi ko na rin chineck kung bakit kasi mas mabilis lang naman din kasi kung spellcheck lang yung talagang gagawin ko.

Ano ba talagang chineck mo? Magpipiem ka, siyempre sasagot ako. Siyempre, madalas kong mamiss na makipag-usap. Miss ko rin parati maghanap ng kasama, kahit yung may pader lang ng internet ang namamagitan sa ating dalawa. O kahit lang din yung pader ng mga nagkakandarapang mga bara ng signal ng pekeng sim. Gusto ko naman yun. Feeling ko, okay lang din naman sa'yo.

Minsan, ikaw ang nauunang magpadala. Minsan naman, ako. Minsan din, hinihipan ko yung ice cream bago ko isubo. Minsan din, hinihipan ko yung cookie na dinip ko sa isang basong gatas. Yung gatas na tinimpla o kahit na gatas na galing sa dodo ng cow. Tapos itatanong kong muli sa sarili ko, anong gatas, o saan nanggagaling yung powder na mga gatas? Sa dodo pa rin ba ng kung anong mammal? Nakakatamad pa rin isipin. Baka ikaw, alam mo. Feeling ko naman, alam mo. Nakakatamad kasing mag-isip sa mga larang na wala naman talaga akong alam, kahit na napakasarap magtanong at magpakacurious. Ikaw, mahilig ka ba sa ganyan? Sana, oo. Minsan, mahilig ka sa maraming bagay. Minsan, kaunting bagay lang yung hilig ko sa isang araw. Minsan nga, wala. Minsan din, parang maraming bagay ang gustong gawin sa isang araw. Minsan, puro pagpaplano lang yung nagagawa ko. Minsan, yung mga plano ko, hindi na nangyayari, natutupad, kahit na inenjoy ko yung bawat minutong pagpaplano ng plano sa utak ko. Ewan ko ba? Ewan ko ba. Parang ang bilis-bilis kong madistract. Parang mabilis akong magsawa. Parang ang dali kong tamarin kapag ieexecute na talaga yung sobrang lupit na planong nalupitan talaga ako kaya ko pinursiging planuhin. Ano bang tawag dun? Ningas-kugon? Parang hindi yata, kasi, ang ningas-kugs 'di ba, kapag may nasimulan na? Para sa akin kasi, kapag plano pa lang sa utak, wala pang nasisimulan talaga yun.

Naisulat ko naman na sa notepad yung mga kailangan kong malaman. Iniisip ko na lamang kung bakit kailangang patayin ng bida yung binubuo kong mundo niya. Mahirap yun, pero sana, hindi ka rin nahihirapan sa akin. Simula pa kanina, hindi mo na nauunawaan lahat ng binabasa mo. Masuwerte na akong umabot ka sa bahaging ito nang hindi ka nandaraya. Madaya rin kasi yung sasabihin mong tapos ka nang magbasa kahit na wala ka namang naintindihan dun sa nabasa mo. Ang barbero mo nun. Tapos nabasa pa yung ginamit mong pandiwa, edi lalong wala ka ngang naunawaan.

Wala ka naman talagang maiintindihan. Huwag mo na ako minsan intindihin, I mean, yung mga ramble na ito. Natutuwa nga kasi ako sa pamimilatik na tunog ng keyboard ko kapag natutulinan na ako sa pinagsasasabi ng utak ko. Wala rin naman akong maintindihan kapag marami akong binabasa. Para bang, yung attention span ng utak ko kapag nagbabasa e hanggang 10 lines lang, kahit na gaano kahaba, English o Tagalog, wala nang pakialam yung mga mata ko, yung mga mata kong magaganda. Maganda naman mga mata ko, 'di ba, kahit na malabo na rin yung nakikita mo, kasi nga, nakasalamin ka. Minsan, iniisip ko kung ano kayang hitsura ko kung nakasalamin din ako. Malamang pangit no? Hehe. May mga salaming rectangle na curvy yung corners. Curvy corners, naks, as if legit na may ganung term. Mayroong half moon. Mayroong circle. Mayroong ginormously hipster. At mayroon nung sa'yo. Hiwalay na yung sa'yo. Sa'yo 'yan e. Kahiligan mo na. Yakapin mo na ang hitsura mo kapag may salamin. Huwag mo nang tatanggalin 'yan.