Hintaying mag-summer. Okay na? Magtimpla ng kape sa tumbler. Huwag gagamit ng mainit na tubig para sa buong tumbler na puno ngunit gumamit lamang ng mainit para tunawin ang kape. Saka lagyan ng malamig na tubig at timplahing mabuti. Ilagay sa ref. Hintaying dapuan ng antok na imposible nang labanan. Bago matulog, inumin ang kapeng inihanda sa ref. Ubusin. Magsipilyo bago magpakasarap sa lambot ng kumot at unan dahil sa ang pangit talaga ng feeling na matutulog nang kaiinom lamang ng kape. Kapag nagising nang madaling araw, iyong mararamdaman ang uhaw na gustung-gustong mapawi. Kumuha ng malamig na tubig mula sa ref at uminom. Siguraduhing wala kang naaalalang nakakatakot kapag nasa bahaging ito na ng pinakamasarap na feeling. Pero dahil tanga ang sumusulat ng instructions e maaalala mo ang isang babaeng nakatingin sa iyo habang unti-unti siyang lumalapit. Matapos uminom at makipagkuwentuhan sa white lady e bumalik na sa kama. Ulit-ulitin hanggang sa mapawi na nang lubusan ang uhaw. Enjoy.
April 30, 2012
Calweytabs
"Kalbo!" sigaw ni Miles, isang maliit na bata, matapos akong batuhin ng lupa. Halata naman na sigurong bagong gupit ako bago bumalik sa Gawad Kalinga (GK) site, para magpala ng lupa at mga bato mula sa likod-bahay ng binubuong tahanan nina Miles at ng kanyang pamilya, at dalhin ang mga nabungkal sa isa pang bakanteng lugar. Nginitian ko lamang siya at tinanong kung bakit niya kami binabato ng bato at lupa, lalung-lalo na sa akin, at kung bakit parati na lamang siyang galit sa lahat ng tao sa buong mundo. Hindi niya sinagot ang alinman sa aking mga katanungan. Madali niya lamang silang kinalilimutan, at agad-agad na babalik sa pambubully sa akin o kaya nama'y sa iba niyang mga kalaro kapag nagsawa na siyang dumihan ako at pagtripan. Habang ginugulo niya ako e tinawag na siya ng kanyang ina para magtanghalian. Napansin din kami ng kanyang ina kaya kami'y inimbita na rin. Siyempre nahiya naman kami kaya sinabi na lamang naming saka na kami kakain kapag marami na kaming nagawa at sobrang pagod na pagod na kami. Malapit lamang ang kusina at kainang kuwarto mula sa pinagbubungkalan naming lugar kaya dinig na dinig ko pa rin ang boses ni Miles na nakikipag-usap sa kanyang ina. "O magdadasal muna tayo", sabi ng kanyang ina. "Ako! Ako ang magli-lead!" - nang marinig ko ito mula kay Miles e napangiti talaga ako at napabulong sa sarili na hindi naman pala ganoon kapilyo ang bata. Iyon o gusto niya lang magpapansin sa aming nagtratrabaho roon dahil alam niyang naririnig namin sila. Pero siyempre yung una na lang yung inatupag kong itulak sa aking sarili, pampatanggal-pagod din.
Kapag tapos na akong magtanghalian nang mabilis para makausap at makasama sina Miles at Popoy, naghihintay ako sa labas ng aming tinutuluyang bahay roon na pahingahan. Minsan, niyayaya ko si Popoy na maglaro ng piko habang naghihintay pa ang iba kong kaklase na matapos sa kanilang tanghalian. Tae, hindi ako nanalo kailanman kay Popoy sa piko. Palipat-lipat na pagpapalit ng paa para pikunin at palumpuhin sa piko si Popoy pero parati na lang mapapatid at mapuputol ang papalapit na pintong pampaalis ng pagod. Kahit na hindi pa sila naliligo at magugulo silang mga bata, masaya pa rin akong kasama sila. Bata pa sila, ako rin naman. Dumaan din ako sa pagiging maliit, kinailangan ko rin naman ng mga bagong kaibigan, kinailangan ko rin naman ng mga kaibigan, kaya heto ako, sinusubukang maging kaibigan para sa kanila. Ginusto ko rin namang magkaroon ng mga bagong kaibigan. Lagi akong masaya sa tuwing nakikipag-usap ako sa kanila, kahit na minsan e pinagtitripan nila ako o ako ang nantitrip sa kanila nang hindi nila namamalayan agad.
Madalas iwasan ng mga tao ang mga lugar ng katulad ng kina Popoy at Miles dahil sa tingin nila e marurumi ang mga nakatira roon, maraming kriminal at puro pangit. Bakit nga ba naitutulak na agad sa mga ganitong lugar sa may hawak na salaming masasama silang mga tao. Parati namang mali ang sinasabi pero bakit ganoon pa rin mag-isip ang karamihan sa atin? May mukha nga ba talagang holdaper at bastos? Lahat ng nakasalamuha ko sa GK site na iyon ay mababait at masasayahing mga tao. Sa pinakamadaling paraan e sana'y nakikita sila ng marami pang tao bilang kapantay ng kagustuhan at pamamalakad sa buhay.
Sa tuwing aalis na kami mula sa site matapos magbungkal, magtulak, magbuhat, maghalo at magkung-anu-ano pa, parati kong nararamdaman at iniisip na mamimiss ko talaga ang mga araw na itinuloy at ipinanatili ko sa lugar nina Popoy at Miles. Ang mga araw na tumulong kami sa pagbuo ng mga bagong tahanan, ang mga araw na nagtatawanan kami sa bawat jokes na ibabato ng bawat kasama sa site, ang mga araw na nakipagkuwentuhan at nakipaglaro kami, ang mga araw na unti-unti kaming naging bahagi sa pagtataguyod at pagtulak paitaas ng kanilang tiwala sa sarili at pag-asa pang may ihaharap na ngiti sa araw-araw. Hindi ko lamang mamimiss ang mga pinaggagagawa namin sa GK site ngunit pati na rin ang mga taong nakasalamuha namin.
Si Miles, na hindi tumigil sa pampapower trip sa amin, na humihingi ng libreng isaw at softdrinks matapos kaming batuhin ng mga bato at lupa, na nakikipaglaro sa kanyang Kuya Rain, ay isang batang aking maaalala. Minsa'y nagdala ako ng PSP sa GK site. Nang makita niya itong nilalaro ko, nagpupumilit siyang pahiramin ko siya dahil magtatrabaho pa naman daw ako, kahit na kani-kanina lamang e kung anu-anong malulupit na mga bagay ang pinagsasasabi niya sa akin. Sinabi ko sa kanya na parati niya na lang akong pinagtitripan at hindi ko pinahihiram ng PSP ang mga batang pinagtitripan ako. Pero hindi siya kailanman nakinig; nagpatuloy lamang siya sa pagpilit sa akin na pahiramin ko na siya ng PSP. Naubos ang baterya ng aking PSP kaya inilabas ko na ang cellphone ko. Iyon naman ang nilaro ko, at iyon na rin lang ang pinagpupumilit ni Miles na hiramin sa akin. Napansin kong kailangan na naming bumalik sa trabaho noon kaya ibinigay ko na kay Miles ang aking cellphone. Pinahiram ko lang naman. Hindi ako nakatanggap ng pasasalamat mula sa musmos pero pinagbigyan ko na rin dahil sa nakita kong tuwang-tuwa naman siya sa kanyang bagong kinaaatupagan.
Si Popoy, ang aking mortal na kaaway sa piko, ay hindi na nawalan ng bakas ng kasiyahan sa kanyang mukha. Parati ko na lang siyang nakikitang nakangiti. Buo at tapos na ang kanilang bahay pero nakikita ko pa rin siyang tumutulong sa pag-aayos pa ng ibang mga bahay. Hindi niya alintana ang mga batang kaedad niya na naglalaro ng kani-kanilang mga bola at pogs habang siya's mas ninanais na tumulong sa mga nagtratrabaho. Ito ang gustung-gusto ko sa kanya. Ni hindi siya nagrereklamo sa init at duming kumakapit sa kanyang damit at katawan habang ang kanyang mga kaibigan ay laro lamang nang laro at siya'y trabaho lamang nang trabaho, tapos masaya pa siya sa kanyang ginagawa.
Si Kuya Ronnie, na parating nandoon para mag-back up sa mga joke ko at pagpapatawa, ay hindi naubusan ng enerhiyang magpasigla at magbigay lakas sa mga nagtratrabahong nais lumimot sa hirap at pagod na kanilang nararanasan. Nandiyan siya parati upang pawiin hindi lamang ang pagod, kundi ang katahimikang mas nakadaragdag pa sa hirap ng aming ginagawa. Siya ang nagpakita sa lahat na kailangan nating mag-enjoy, kailangan mag-enjoy ng lahat, nasaanmang hirap ang dinaranas, alinmang problema ang kinakaharap, ilanmang badtrip na prof at pesteng grades ang lalamutak sa ating kasiyahan.
Ang mga taong ito, kasama na rin ang ilan pang hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong alamin ang mga ngalan, dagdag na rin ang mga kuwela ko pang mga kaklase, ang nagpaalala sa aking kailangang parati tayong masaya. Huwag tayong magpatalo, parati naman sigurong may bukas, parating may mga kaibigan diyan, naghihintay lang na malapitan at makausap. Kahit na malaking oras ang kinakaltas ng kailangang kumpletohing oras sa CWTS mula sa oras ng aking masayang paglalaro, naging masaya pa rin ang aking pananatili sa GK site. Hindi lamang ang pagbubuhat, pagpapala at pagtutulak ang aking mamimiss, kundi pati na rin ang pagkain ng libreng mangga sabay sawsaw sa bagoong isda, o kaya nama'y simpleng paglalaro lang ng basketball o pakikipagkuwentuhan at tawanan kasama ang mga bagong kaibigan. Lahat ng ito'y nakagaganap, sulit at higit sa lahat, libre.

Subscribe to:
Posts (Atom)