Tanggap kayâ sa gilid ng mga párang at lipunan ang pagtitig, maligalig. Mukhang ayaw iwanan ng mga nakaw kong saglit, hinihingi mula sa iyo. Patawad, aking giliw, ‘pagkat mahina itong puso sa magayóng timpla, sa sirám ng hinahon ng iyong mukha, sa pagligpit sa akin ng mga panahon kong nawawala, nabibigla sa angkin mong hiwaga. Siya nga’t itong pusong mahina, tanggap mo rin kayâ?