Gusto ko sanang magrant doon sa babaeng nasa harapan ko kagabi sa simbahan. Sa relihiyon kasi namin, kapag nagsisimba, mayroong mga pagkakataon o bahagi ng misa kung saan kinakailangang lumuhod ng mga tao kapag pinaluluhod, tumayo kung pinatatayo, umupo kung pinauupo. Itong si Babae kasi, nung kailangan nang lumuhod, umupo siya. Ang alam ko, mayroong dalawang maaaring pagbibigay-galang sa misa, kung kailangan talagang magbigay-galang. Sobrang obvious naman kasi noong mga bagay na yun kung iisipiin at nagsisimba ka talaga nang maayos.
Tumatayo sa umpisa ng misa, tuwing entrance song, kasi nga, papasok yung iginagalang na pari pati holy scripture. Tumatayo rin kung babasahin yung banal na ebanghelyo. Pinaluluhod ang mga tao kapag consecration o kaya naman mga natatanging dasal. Hindi ganoon kahirap unawain kung bakit kinakailangang umupo, tumayo, at lumuhod. Sa pagkakataong ito, maaari ko nang iequate ang pagluhod sa pagtayo dahil sa mga inihaing halimbawa. Maaari naman kasing hindi medically advisable na lumuhod ang isang tao. Kung pupuwede siyang tumayo, edi go. Pagbibigay-galang pa rin iyon.
Bakit nga ba umuupo?
Kapag magpapahinga. Kapag makikinig sa lower forms of scriptures. Kapag homily. Kapag makikinig lamang. Hindi ito naghuhudyat ng pagbibigay-galang. Napakaobvious nang ibang-iba ang pag-upo sa pagtayo't pagluhod. Itong babaeng nasa harap ko, umupo noong pinaluhod kaming lahat. Badtrip talaga. Nakakainit ng dugo. Ang sarap sanang sigawan nung babae kaya lang, marami rin kasing taong nakaupo. Para tuloy ang sarap nilang sigawan lahat. O kaya nama'y agawin ang mic sa commentator at ipagsigawan sa lahat ng hindi marunong gumalang ang essence ng pagluhod at pagtayo.
Nagsisimba lamang ba sila para ano? Para lamang magpapansin? Para lamang pag-uwi sa bahay e rekta sa computer para lamang maipaalam sa madla na nakapagsimba sila? Kapag tinanong mo naman kung anong first o second reading ay hindi nila maalala. Nakupo. Nakaupo. Juskopo. Diyos ko po.
Tapos yung iba pa, nagsecellphone. Nakikipagkuwentuhan. Nagtatawanan. In short, hindi nakikinig. Puwede bang huwag na lang pumasok doon sa loob kung ganun din lang. Tapos sasabayan niyo pa nang hindi tamang paggalang o hindi talaga paggalang. Nagmumultiply yung hindi niyo paggalang. Hindi nakatutuwa yung ganun, at alam niyo naman sa sarili niyo yun. Ayaw ko rin naman kayong tingnang mga tanga pero minsan, mukha talaga kayong mga hindi nag-iisip.
Ano ba naman yung isang oras sa (24 x 6) + (1 x 23) hours na wala ka sa simbahan, 'di ba?