Ito, ginawa ko 'tong kababuyang 'to habang nagkaklase sa Arkiyoloji 1. 5:30 pm - 7 pm ang period tapos ang boring pa magsalita ng prof namin. Buti na lang talaga paminsan-minsan nagtatanong ako. Minsan kasi, sa buong period, ako lang yung nagtanong. Kung hindi ako nagtatanong malamang chinecheck ko ang phone ko kung may nag-text, nagdo-drawing ako ng Poring sa likod ng notebook ko o nagagawa ko na lang nang hindi inaasahan ang mga katulad ng pesteng composition na ito:
Ang sakit ng ulo ko. Ay, hindi, nahihilo lang pala ako. Pero kahit ano namang isigaw ko sa mga iyan e magmumukha lang akong nagpapapansin, naghahanap ng atensyon, jejemon. Jejemon. Putang ina. Hindi ko talaga tanggap na jejemon ako noon. Oo sa text, pati sa YM. Malayo na ito sa pagkakasingkahulugan ng jejemon at ng papansin. Direktang pagpapakahulugan na ito na ang jejemon ay papansin.
Papansin talaga ako. Minsan, iniisip ko, kaya ako nagsusulat ay dahil sa gusto kong mapansin ako. Hindi naman sa wala akong pakialam sa mambabasa pero kasi ako ang number 1 fan ko. Kaya ako nagsusulat kasi gusto kong may binabasa akong sinulat ko. Tapos matutuwa ako sa mga sinasabi ko. Masaya na ako para sa sarili ko kapag pinapatawa at pinapahiya ko ang sarili ko. Sunod ko na lang na priority yung mga mambabasa ko. Mas gusto kong sinusulat yung binabasa ko kaysa yung gustong mabasa ng iba. Okay nang walang pumapatok sa inyo, basta patok sa akin ang sinusulat ko. Hindi ko rin naman direktang sinasabing "Uy, basahin mo yung malupit na blog ko" kundi yung entry lamang na gusto kong ipabasa sa kanila. Pinapabasa ko lang sa taong gusto kong ipabasa kung para talaga sa kanya iyon. Masuwerte na siyang isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nagsulat. Yung mga binabasa niyong hindi niyo nagustuhan, wala na akong pakialam, dahil unang-una, hindi ako nagsusulat para sa inyo. Pero masaya rin naman kapag positive yung comments ng mga tao. Masarap sa pakiramdam kaya nakalagay sa lahat ng info tab ko ng mga sinalihan kong pagsasayang sa kuryente ang link ng blog ko.
0 (zero) ang gamit ko na letter O kapag nagte-text ako. Ewan ko. Ganoon kasi mag-text yung mga nauna kong ka-text. Dapat hindi pantay-pantay, walang konsepto ng pagka-flat at mukha talagang nagtatalunan at nagwawala ang bawat titik ng pagpapapansin ng iyong text message. Simula naman noong naadik na akong magsulat sa Filipino, itinino ko na rin ang sarili ko sa pagte-text. Ayoko na rin namang matulad sa mga kaklase ko noong elementary na nagpapasa ng mga sulating kulang-kulang sa vowels. Ayoko na ring magmukha akong nagpapapansin kahit na natural na sa akin ang pagpapapansin at kahit na galit na galit ako sa mga papansin. Isa akong malaking ipokrito. Maipagtatanggol ko pa ba ang sarili ko?
Ibang klase naman kasi ako magpapansin. Tumatawa o natutuwa naman siguro yung mga tao kapag nagpapapansin ako. Kadalasang tanggap ng mga tao ang panghihimasok ko sa mga buhay nila at feeling ko talaga ang lupit-lupit ko. Yung ibang kulangot sa pader, ayun, kulangot. Trying hard ang paglabas, malagkit magsalita, marumi ang pakay. Ako, kapag nagpapansin, napasaya ko na sarili ko, napasaya ko pa ang iba. Ang mga kulangot, gusto talaga nilang hinahawakan sila kahit na ang dumi-dumi nila. Ang pagbatikos na ito ay hindi para sa mga tulad namin, mga katulad kong naghahanap ng bago, kundi para sa mga nagre-recycle ng mga bagay para lamang mapansin. Mabahong-mabaho na ang istilo ng mga kulangot. Magkakasundo man sila kapag sila ay nagpaka-KSP sa isa't isa, hindi pa rin talaga sila nakatutuwa, boring na talaga ang dating nila, ang awkward masyadong pakinggan o makita at minsan, gusto ko talaga silang pasabugan ng RPG.
Sinama ako ni Kuya, noong 3rd year high school pa lang ako, sa UP Fair. Iyon ang kauna-unahan kong pagkakataong makatapak sa UP Diliman. Gabi magsisimula yung fair kaya gabi na rin kami pumila at dahil diyan e mas matagal kaming nakapasok. Sabi sa akin ni Kuya, halos lahat ng JJ (Jumping Jologs) ay naka-black. Tinanong ko siya kung ano yung Jumping Jologs - makikita ko raw maya-maya kapag nagko-concert na. Edi nag-concert na nga. Nung pumasok na yung bandang Hilera e lumuluwag na lang bigla yung space sa concert grounds, tapos nakita ko na lang yung mga JJ e nagtatalunan habang tumutugtog na ang nasabing banda. Wala silang pakialam sa mga nakapalibot sa kanila. Lahat ng tao binabangga nila. Itong mga JJ na ito nga pala ay hindi UP students kaya apparently, kahit sino puwedeng mag-UP Fair. Kung babalik tayo sa mga nagtatalunang tukmol na ito, yung iba sa kanila ay may mga dala pang bandila o telang nakalagay ang pangalan ng kanya-kanyang grupo. Wala kaming pakialam. Halos kalahati ng performance ng Hilera e nakatuon ang pansin ko sa kanilang mga baliw. Habang nangyayari pa ang kaguluhang iyon, may mga nagliliparang mga C2 bottles at makapal na usok ng yosi. Hindi namin alam yung mga kanta ng Hilera so nakatayo lang kami roon, hinihintay na matapos ang kalbaryo nang biglang.. may nahulog na C2 bottle sa harap ni Kuya. Kinuha ng kapatid ko ang bote sabay hanap ng target. Nang ma-acquire na niya ang kanyang target e binato niya nang pagkalakas-lakas sa ulo ng target yung bote. Umikot nang pagkabilis-bilis ang bote sa ere at tinamaan nga sa ulo ang pesteng target na JJ. Nahilo ang tanga. Kinabahan naman ako para sa kapatid ko kasi maraming back-up ang tukmol kung sakaling i-locate niya ang lugar na pinanggalingan ng bomba. Mabuti na lang hindi. Hinimas niya lang nang sandali ang tuktok na tinamaan ng bote sabay talon na ulit nang bonggang-bongga.
Nasa jeep naman kami noon ng aking mga kapatid, pinag-uusapan ang laro namin kagabi sa Dota. Hindi naman sa nagpapapansin pero malakas kaming mag-usap ng aking mga kapatid sa jeep. Ewan ko. Siguro iniisip namin kung makaka-relate ang ibang tao tapos papasok din sila. Ganun naman siguro tayong mga Pilipino, tsismoso. Nilalakasan para sa iba, nakikinig din sa iba. Tungkol naman sa pinag-usapan naming game kagabi, binanggit namin ang paggaya sa mga nakalaban naming may letter H kapag nagta-type. Dahil asar na asar kami sa pagpapapansin nila, ginagaya namin sila at ine-exaggerate namin ang paggamit ng pesteng titik na sumikat sa wikang Jejemon. Hindi pa nababanggit noon ang Jejemon, hindi pa naiimbento ang salita, hindi pa napapansin ng media para pagkakitaan at gawan ng mga mas nakaba-badtrip pang segments sa ere. Biruin mo, may sarili nang wika itong mga papansing ito, nai-feature pa sa TV at marami na ring gumagawa ng papers tungkol sa kanila, nire-research kumbaga. Masaya na kayo? Kung hindi siguro dahil sa malakas na pag-uusap naming magkakapatid, hindi maririnig ng kapwa naming mga pasahero sa jeep ang aming pinag-uusapan. Hindi sila mangingiti, mapapansin ang kabaluktutan at kakulangan sa atensyon ninyo kung hindi na lang kami nag-usap. Hindi sana kakalat at sisikat ang kababawan ninyo kung hindi namin kayo pinag-usapan.
So iyon, walang ending. Hindi ko na rin alam kung paano ko ito tatapusin. Sunud-sunod lang naman kasi yung pagpasok ng inis sa akin tapos biglang.. time na pala.