I mean, sariling mundo ko na ito. Ako na gumawa ng mundong ito. Dito ko na nga lang puwedeng ilabas lahat, kailangan pa ring may mag-edit? Kumbaga, akin ang blankong papel, ako nagsulat sa blankong papel, ako mage-edit ng mga sinulat ako, ako babasa, ako lahat! Hindi naman puwedeng may ibang taong kailangang magsabing baguhin yung mga bagay sa mundo ko. Take note: Mundo ko ito, bakit kailangang baguhin? E akin nga db? Wala na ba akong karapatang maghayag ng sarili kong damdamin? Wala na ba akong karapatan sa mundo ko? Sa papel kong ako mismo ang naghirap, sumulat, naglabas, umire, sumuka, umihi, tumae at dumura? Sa sarili kong mundo? Wala na ba akong karapatang sabihing 'ito ang gusto ko, akin naman ito di ba?' Wala na ba akong karapatang maging malaya, kahit sa sarili kong mundo lang? Wala ba?