Walang salitang nalang. Dalawang salita rin yun. Na at lang. May pa, ba, na, din/rin, lang, pala, nga, at naman tayo sa Tagalog.
Din/Rin, Dito/Rito, etc.
Kahit ano ang puwedeng gamitin actually. Mas madulas lang sa pagbigkas kapag /r/ sound yung gagamitin after a vowel/semi-vowel (/y/ or /w/) sound.
e.g.
ako rito
bahay riyan
lugaw rin
Hindi rin naman mali kung /d/ ang gagamitin.
ako dito
bahay diyan
lugaw din
Maylapi
Laging nakakabit ang panlapi sa salitang ugat, maging sa maylapi, o sa kahit na ano. Hindi puwedeng hindi nakakabit ang isang panlapi.
May hyphen 'pag nagtapos sa consonant ang prefix tapos nag-umpisa sa vowel ang root word.
pag-asa
pagtulong
nag-isip
nagtanan
mang-away
manggulo
'Pag nagtapos sa vowel yung prefix, walang hyphen sa kahit na ano.
paayos
pagamit
maayos
mataray
naiyak
natapon
napaiyak
napasulat
iayos
ibigay
pakiiwan
pakibigay
pakibigay
nakiisa
nakitulog
kauhaw
kabusog
tagaigib
tagakuha
pinakaayaw
pinakamapagkakatiwalaan
Exception yung um- at in- dahil sa pagpapantig/syllabication.
umasa
inisip
Exception din yung mga hiram na salita or pantanging pangngalan.
nag-Japan
ka-ML
ka-college
taga-Japan
Pero minsan, may ibang writers na sinusunod pa rin yung consonant-to-consonant rule 'pag hindi pantangi.
nag-Japan
kacollege
Disrupted kasi yung pagbasa kapag gitlapi sa hiram na salita.
chinarge
ch-in-arge (?)
Pangkasalukuyan / Panghinaharap
umaasa / aasa
iniisip / iisipin
nakikiisa / makikiisa
nakikitulog / makikitulog
nag-iisip / mag-iisip
nagbibigay / magbibigay
NG at NANG
Basta kapag noun yung tutukuyin, ng.
e.g.
Kumain ng masarap. (noun; Hindi pang-uri kasi walang salitang inilarawan.)
Kumain nang masarap. (adverb; paraan ng pagkain)
Kumain ng masarap na pagkain. (Pagkain yung tinukoy rito at hindi yung masarap.)
Pumasok ng lasing. (As in taong lasing yung pinasok.)
Pumasok nang lasing. (Lasing nang pumasok.)
Lasing nang pumasok. (Pumasok nang lasing.)
Lasing ng pumasok. (Pagmamay-ari ng pumasok ang lasing.)
What if 'di mukhang noun ang noun?
Madalas ay receiver/doer ito ng action, or may naglalarawan sa kanya na adjective.
Mukhang Verb
ex. Naghanap ng tuturuan.
Noun ang tuturuan dito. Imposibleng receiver ng action ang isa pang verb.
ex. Natuwa siya nang turuan ng guro.
Verb na ang turuan dito. Hindi na siya noun.
Mukhang Adjective o Adverb
ex. Kumain ng marami.
Hindi puwedeng tumanggap ng action ang adjective. Ang puwede lang maging ang marami rito ay isang noun.
ex. Kumain nang marami.
Paraan ng pagkain ang gustong ipabatid, kaiba ng nasa taas na ano naman ang kakainin.
ex. Kumain ng maraming pagkain.
Pagkain ang tinutukoy ng ng dito, hindi ang marami.
Iba pang Anyo o Parirala
ex. Kinain ang spaghetti ng nasa restaurant.
Doer ng action ang nasa restaurant.
ex. Kinain ang spaghetti nang nasa restaurant.
Bahagi ng adverb ang nasa restaurant, hindi doer ng kinain.
Alalahaning maaaring possession ang indikasyon ng ng depende sa mga salita/konteksto na nakapalibot dito.
e.g.
tae ng tae - pagmamay-ari ng tae ang tae
tae nang tae - sunud-sunod o maraming pagtae
wala ng pakialam - pagmamay-ari ng pakialam ang wala
wala nang pakialam - pagkawala ng pakialam
Iba rin ang wala na'ng pakialam (kung wala na ang pakialam ang nais ipabatid). Iba ito sa wala nang pakialam.
Mapapansing depende sa kung ano ang gustong ipabatid ang paggamit ng ng at nang. Iba rin ang na'ng (na + ang) sa nang.
O at U, Inuulit na Salita
Nagkaroon ng pagbabago sa rules pero dati, nagiging U yung O kapag nagkakaroon ng pag-uulit sa salita.
nagtulung-tulong
Ngayon, binago na yung rule. Kahit 'di na gawing U ang O.
nagtulong-tulong
Maliban sa payak at maylaping mga salita, mayroon din tayong inuulit na salita. Ginagamitan ng hyphen ito kapag inuulit ang isang payak na salita.
tulung-tulong
tulong-tulong
Ngunit kung walang nag-eexist na salitang payak kung 'di ulitin ang tunog, payak lamang itong salita.
paroparo
alaala
Walang mga salitang paro at ala.
magandang maganda - maganda na maganda
magandang-maganda - sobrang ganda
maganda-ganda - medyo maganda
ang ganda-ganda - sobrang ganda
Mayroon ding nangyayaring pagbabago sa baybay sa tuwing kakabitan na ng hulapi ang salitang ugat na nagtatapos sa U, o mayroong U bilang patinig ng dulong pantig.
upo + an = upuan
putok + an = putukan
Paki- at Paki
Iba ang paki mula sa pakialam, at iba rin ang paki- na prefix.
e.g. Pakihanap naman ng paki ko sa mga sinasabi mo.
Pagka- at Pagka, Pag- at 'Pag
Iba ang pagka- na prefix sa pagka na pangatnig. Ang pagka ay singkahulugan ng kapag.
e.g. Pagka ginaya mo ang pagkatao niya, sino ka na?
Iba rin ang 'pag mula sa kapag, at iba rin ang pag- na prefix.
e.g. 'Pag iisipin mo ang pag-iisip niya, mahirap isipin.
Pa- na Prefix at Pa na Enclitic Particle
Iba ang pa- na unlapi sa pa na particle sa Tagalog.
e.g. Pakuha naman ng walis at magwawalis pa ako.
Na- na Prefix at Na na Enclitic Particle
Iba ang na- na unlapi sa na na particle sa Tagalog.
e.g. Nakuha mo na ba ang sinasabi ko?
Pang- at ang Katinig na NG
Ang prefix na pang- ay somehow nagsasaad ng function, o iba pang action. Nagbabago ang tunog ng katinig na ng na bahagi nito depende sa puwesto ng dila, at puwede pang umabot sa antas na spelling.
pang + kuha = pangkuha
Nagiging panguha rin ito kung minsan.
P at B
pang + pusta = pangpusta = pampusta = pamusta
pang + baboy = pangbaboy = pambaboy
D, L, R, S, at T
pang + dinuguan = pandinuguan
pang + ligo = panligo
pang + sigang = pansigang
And so on, and so forth.
Pinaka- at Napaka-
Prefixes ang pinaka- at napaka-.
pinakamapagkakatiwalaan (root word: tiwala)
napakamatulungin (root word: tulong)
'ng vs. -ng
anong = ano + na
ano'ng = ano + ang
English vs. Tagalog
Mas okay kung grammar lang ng isang wika ang gagamitin at hindi yung pinagsasabay.
e.g.
mga chair
chairs
Mali ang mga chairs.
nabore
got bored
Mali ang nabored.
May kakayahang manghiram ng salita ang lahat ng wika. Kung nasa grammar pa rin nito ang ginamit, nasa ganoong wika pa rin ito at hindi sa Taglish.
e.g.
Kumain ako ng rice.
Hiram na salita ang rice pero hindi Taglish ang pangungusap kundi sa Tagalog pa rin.
I ate kanin.
Hiniram ng English ang kanin ngunit wala rin ito sa Taglish. Nasa English ang grammar kung kaya't wikang English lamang ang ginamit dito.
'Tang Ina
Walang salitang tangina. Dalawang salita ang 'tang ina mula sa putang ina. Ito ay murang may strukturang putang (puta + na) at ina.
Ang puta ay nangangahulugang prostitute sa wikang Espanyol.
Kung murahin man ang ina ay maaaring dahil sa ang isang ina ang isa sa mga pinakainiaangat na nilalang sa maraming kultura. Siguro ay dahil sa may kakayahan siyang magdala at magluwal ng panibagong buhay na lalang sa mundo.
May mga kultural ding pagtingin sa isang taong marami nang nakasalamuhang sekswal kung kaya't ang pangmamatang ganito ay naisasambit bilang pagmumura sa kapuwa.
Payo ko lamang ay huwag mumurahin ng putang ina mo ang iyong kapatid dahil pareho kayo ng nanay.