Ayos minsan sa akin yung mga napasubo na lang ako bigla. Hinahanap-hanap minsan yung mga kaba at takot. Hindi mapigil na mga pagkapa sa bulsa at ginagantso lamang akong paghintay ng tilaok. Hindi matapus-tapos na pagmamadali, paglingon, pagtingala, pagsamba sa tubig at halina, kumot, unan, lihim, tulin, at pagod.
May init sa ginaw, may kilig sa dilim. At ilang beses mang paalalahanan ang sarili, umaanino pa rin ang walang may balak na pumaslang. Ako lang naman ang may sagot sa sarili ko, kahit kontrolado ng iba ang aking isip. Nagyuyumi ang angas sa tuwing magbubukas na ang uwian. Wala rin namang masigawan. Mas masahol pa sa burot. May pagtrato ng kunwari. Iba naman talaga ang salamingang papansinin. Takot sa kanal dahil nauna ang tsismis. Minsan, gusto. Minsan, ayaw. Minsan, matapang ang gatiyan. Nasa taas man o sa ibaba, hindi kailanman sumayad sa pagpapanggap.
Manggaling man sa sukal at lubak ng pagtatago, hindi na ineetsa-puwera pa ang buwisit na danas. Wala namang nagsabing hindi lasa ang pait. May kabisa sa kalikot. Huwag maliitin ang paglawak ng pananaw. Ayos minsan ang personal na pagkilala sa mga goyo.