Araw na naman ng kakornihan. Pero okay lang, para pasok pa rin 'tong korni kong post. Ano nga bang sasabihin ko pa, e lahat naman na yata ng kakornihan e alam na ng lahat ng mga jejelogs. Bakit ba kasi ang lalaki ng mga sapatos at sumbrero nila? May ilan din namang hindi sa panlabas na kaanyuan nagpapapansin, katulad ko. Mga pamimilosopong pagpapapansin. Kilala mo sila? Kilala mo yang mga yan. Nagkalat sila dati sa GMs sa texts, ngayon, sa internet. May isa lang talagang nakairita sa akin. Sabi niya kasi, bakit pa raw may Valentine's Day, e maaari naman daw magpahayag ng dinaramdam sa taong ninanais sa kahit na anong mga araw. Sabi ko sa isip ko, e tang ina mo ba? Mahirap nang sumira ng binuong kultura (kahit na hindi naman sa'tin originally nanggaling ang konseptong ito). Halatang ampalaya ang peg ng mangmang na ito. Alam mo kung bakit? Alam mo yan. Alam kong alam niya rin ito. Bakit? Kapag Pasko lang ba puwedeng magregalo? Kapag Undas lang ba puwedeng pumunta sa patay? Nakasisira kayo ng ulo. Puwede ba, huwag kayong hungkag masyado? Mahirap nang bumasag ng nakagisnang kalinangan. Hindi rin madaling bumuwag ng nakasanayan. Huwag KJ para lang mapansin. Minsan, yung pamimilosopo natin, itago na lang sa sarili muna kung 'di naman talaga gano'n katibay. Nababasag kayo e. Maraming espesyal na araw na puwede namang sa iba. Maraming nakaugaliang gawaing maaari rin naman sa ibang araw. Mahalaga na ring mayroong mga pagpapaalala, katulad ng Valensayns Dei, na may iba't ibang bagay pa ring pupuwedeng makapagpagunita sa isang tao. At isa na ro'n ang paghahanap ng taong walang tigil niyang ililibre hangga't sila pa.