April 26, 2010

Just a Smile

Vice Ganda, namatayan ng ama
Vice: (umiiyak. as in.)
Friend: Okay ka lang ba?
Vice: (titig) Ay oo ok na ok ako. Sobra. Matagal kong hinintay to e. Ayan tigok na. Oo, ok na ok ako. Patayin ko rin tatay mo para OK KA RIN! Gusto mo? Para OK TAYONG LAHAT?!

lol

Naaalala Mo 'To?

Another repost.
!Nollaine: Buwahahhahahahahahah!!
!Pai: Easy lang.

Gusto ko tuluy-tuloy, isang paragraph lang. Game. >:) So aun...

Wala lang. Ganito kasi yun. Ayun. May review kasi kami di ba sa Nucleus? Haha.Muntik na ako ma-chorba. Haha. Edi lunch na. Haha. Niyaya ko si Pai mag-lunch. Ayun, payag naman siya. Wala kaming maisip. Ay, ako pala. So ako dapat mag-isip kung saan kakain. Sabi ko, KFC. Lakad naman kami papuntang KFC. Haha. Waw, haba ng pila. Siymepre tanghali. E ang haba. Baka matagalan. Sabi ko, Jollibee na lang. Oo na lang si Pai. Feeling ko nga magagalit siya eh. XD Buti hindi. Ayun. Lakad kami papuntang Jollibee. Hanglayoo. Joke. Isang tawid lang naman. Pagpasok namin.. WTF?! Mas mahaba yung mga pila kaysa sa KFC. Ayun. Tapos umakyat kami sa level 2. WTFF?! Walang bakanteng upuan. Ayun. Sabi ko kay pai, KFC na lang. Feeling ko magagalit siya. Wee. Hindi pa rin. Bait nomon. Haha. Edi yun, tatawid ulit. Pagtawid, ewan ko, bigla kasing may bus na papunta sa kanila, sabi ko uwi na lang kami. Haha. Edi yun. Ang saya sa bus. Kuwentuhan. Haha. Siyempre di mawawala si Miguel sa usapan. XD Kaya lang, medyo inaantok si Pai. =) Basta may sinabi sa akin si Pai na hindi ko naintindihan. XD Ayun. Pareho kaming bumaba ng Southmall. Tapos babay na ~ Pupunta pa akong Festival. Magmi-meet kami ni Lei! Wee. Classmate ko dati noong elementary. Wala lang. Niyaya niya ako e. Tinanong ko nga kung anong gagawin sa Festival e. Sabi niya gagalawa lang daw. Maglalakad? Oo, maglalakad lang. So ayun. Pagsakay ko ng jeep, eh naghihingalo na yung cellphone ko. Globe pa si Lei. Haha. Wee ~ Nawalan na ng battery. Buti nasabi ko sa kanya na punta siyang Festival mga 2:00. Haha. Ayun. Napaaga ako. Tapos may bandang tumutugtog sa may Jollibee yata yun. Pinuntahahan ko naman. Haha. Insonente ako e. E nadaanan ko ung Spoofs Ltd. Ooooh. T-shirts. Haha. So nabalewala ang banda, pero ang ingay pa rin nila. So mga 5 mins ako naghintay sa lugar na yun. Boom! Haha. Napunta sa likod ko si Lei. Ginulat pa nga ako e. At nagulat ako. Haha. Edi yun. Sabi ko saan pupunta? Sabi niya hindi niya alam. Haha. Edi yun. Lakad-lakad. Tama sinabi niya! Maglalakad lang kami. Ayun. Lakad-lakad. Maya-maya, pinakita niya sa akin ung binili niyang L na ewan, stuffed toy yata. Haha. Tapos biglang ewan, napunta kami kay Remu. Haha. Sabi niya lalaki raw yun. Sabi ko babae un. Sabi niya lalaki. Babae! So in-explain ko sa kanya na sineduce dati ni Misa-Misa si Remu nang malaman niyang (Misa) pag nainlab yung shinigami sa kanya e kapag pinahaba pa nito ang buhay niya ay mamamatay ang shinigami. So nung sineduce na ni Misa si Remu, sabi niya (Remu) babae siya. Ayun. Yun yung sinabi ko sa kanya pero feeling ko di niya naintindihan. So patuloy pa rin sa paglakad. Haha. Nung Grade Six nga pala, halos sintangkad ko lang si Lei. Haha. Pagkakita ko sa kanya, parang nasa balikat ko lang. Waa. Di ako mayabang. Napansin ko lang. => So ayun. Sabi niya, nag-iba raw boses ko. Puwes, yung sa kanya lumiit. XD Habang naglalakad kami, may lumapit sa kanya. Nag-aabot ng sample ng pabango. Haha. sabi niya sa akin naabutan na raw siya nun bago pa man ako dumating. Haha. Nakakaveliw. So sabi ko, habang naglalakad, oo siyempre yun lang naman gagawin namin dun e, kung gusto niyang kumain. Haha. Sabi niya, gusto niyang ice cream. Wenk. Parang si Miguel naman 'to eh. Ice cream. Haha. So ayun. Sabi ko, saan. Sabi niya, sundae na lang. Punta kaming Mcdo. Haha. Kumain kami ng sundae. Libre ko. Siya oorder. DEAL. Haha. So siya nga umorder. Sabi niya kasi, hindi siya marunong. Hindi raw. Haha. So ayun, usap-usap sa table. Tapos lakad na naman, haha. Nilibot namin ung buong level 4 tapos bumaba sa level 1. Dadaan daw siya sa National. Bibili yata nung magazine na tungkol sa anime. Haha. Otaku (?) - chuchu. Haha. Wala pa ung National ng issue ng May pero may nakita kaming poster. Nakakalat. Haha. Aba kunin ba naman at itago sa bag. So ayun. Umuwi na kami. Kuwentuhan sa jeep. Ayun, nagulat nga ako Mandarin na e. May sumakay pala sa may Carmona, edi ayun, nag-abot siya ng bayad. Tinanong nung driver kung saan bababa. Sabi nung sumakay, sa taas daw. lol. Tawanan kami ni Lei. Yun pala sa may San Jose. Mayghad. Sa taas. XD Ayun Mandarin. Di ko na namalayan. Basta. Laftrep. Enjoy. Ang liit mo na!

Harumonia

Natutuwa ako. Matagal ko na itong isinulat. Repost na lang.
Sa awa ng Diyos, pumasa ako. :-O

..

Lipad. Bumibilis ung tibok ng puso ko. Habang papalapit nang papalapit sa aking testing room eh kinakabahan ako. Huminga nang malalim, iniwan ang cellphone sa kuya ko at dala ang mga pangarap sa buhay, lapis, pambura at test permit, pumasok na ako sa room namin kasama ang ibang magu-UPCAT ding mga tao. Chekwa. Ano yung chekwa?

1. Lahat ng left-handed ay ihihiwalay ng pila, di ko mawari kumbakit.
2. Kung may kasama kang kakilala mo sa isang testing room, HUWAG kayong mag-uusap. Paghihiwalayin kasi kayo, nasa pila pa lang. Nako, kung crush mo ung katabi mo paalisin mo pa ba? XD Nasa sa inyo na rin, 'pag nag-usap kayo, idi-disqualify kayo, patatawag magulang niyo at mamarkahan ang pangalan niyo sa listahan nila.
3. Pauso ko lang ung number 2. Titingnan ung test permit ninyo, 'pag pareho kayong school, paghihiwalayin kayo, two seats apart. Sayang talaga kung crush mo katabi mo.
4. Third year pa lang isipin na ang course na kukuhanin, mas maigi kung second, puwede ring first year. XD Matititigan niyo nang sobrang tagal yung application form pag mga bakasyon pa kayo nag-isip. promise. =D
5. Huwag magbaon ng sandwich na may hati sa gitna. Tae, ang kalat.
6. Manghula kung kinakailangan. XD Right minus 0.25 wrong. Kung marami kang blanks, effective ang manghula, isang tama kasi bawi na agad ung 4 mistakes, feeling ko lang.
7. Huwag isipin na mahaba ang 50 mins para sa English Test, nagkakamali ka.
8. 'Pag nilapitan ng frat sa daan, ibang pangalan ang isulat sa registration form.
9. Huwag ngitian ang katabi.
10. Feeling ko walang sense ung number 9.
11. Pati ung number 10.
12. Huwag mag-aral habang papuntang testing center o the day before pumuntang testing center, walang papasok sa utak mo.
13. Huwag mag-aral sa school, nagpapapansin ka lang. Joke. XD
14. Mabisang mag-aral mga 1 week to 2 days before. Huwag ka mag-aral sa English at Science. Word problems ang aralin. XD
15. magdasal bago mag-test.

Paglabas ko ng room namin, nandun sina Kuya at Ate Michaelle. XD Ayun, tapos tinuruan ako sumakay ng jeep patungong LRT 2. Solb. Tapos ang UPCAT. Hinga maluwag. Sana pumasa. =)

Bam Bam

Hindi mo alam kung kailan ka mamamatay.
Unless may cancer ka,
at naagapan.
at may pera ka,
at alam mo.

Pero paano kung..

hindi mo naagapan,
at wala kang pera,
at hindi mo alam?