Nawiwirduhan, or naiilang yung isa kong kaibigan kapag pinapanood siyang maglaro ng kanyang magulang. Inisip ko naman yung sarili kong karanasan ukol sa isinalaysay na kairitahan, at napagtanto kong okay lang naman sa akin kung sa akin nangyayari iyon.
Sabi ko sa kanya e okay lang naman sa'king nanonood yung magulang ko sa akin habang naglalaro. Unang-una, at least napapanood na nila ako sa kahit isang bagay lang na mahusay ako, kahit na hindi naman nila naiintindihan yung mga pinaggagagawa ko sa screen na pinapanood nila. Sumunod, ang sarap kaya ng feeling na nasa itaas naman yung lupa at natatapakan-talunan na ang mga ulap. Yung tipong magtatanong sila, "Ano 'yan?", "Sino ka diyan?", o "O, bakit mo pinatay yun?" Yung tipong mga tanong na tinatanong ko sa kanila noong musmos pa lamang ako tulad ng sino, ano, bakit, e sila naman ngayon ang nagtatanong sa akin. Nakakatuwa kung iisipin, hindi ba?
Ikaw, kailan ba nagtanong-inosente sa'yo ang magulang mo?