Gustung-gusto
kita. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam, okay. Hindi ko maipaliwanag nang maayos.
Basta ang importante, mahalaga. Paumanhin. Maging itong pakiramdam ko sa’yo na
hinding-hindi ako pinatutulog paminsan kung gabi. Halos asarin na ako katatawa
ng buwan sapagkat nang maipasa niya na lamang sa akin ang hindi niya dapat
sinasariling mahusay ngunit makulang na pagkakakahon. Sa akin na lang muna
iyon, ngunit huwag kang matakot. Hindi naman ako kagaya niya. Hindi naman ako
kagaya nila. Wala naman silang pakialam sa akin at wala rin naman akong
pakialam sa kanila. Sa iyo na lang muna ako may pakialam. Sa gabing ito. Sa
gabing itong pilit kong iisipin kung saan na nga ba ulit manggagaling. Sa
pagkakaalala ko, ninais kong mag-umpisa kanina pa, na mag-umpisa sa kung anong
palusot ang kaya kong ibulong sa sarili na taal na magpapaliwanag sa akin kung
sino ka nga bang talaga. Ikaw na bigla na lamang tumambad sa harapan ko, na
pilit din akong ibinabalik sa aking pinakapayak na anyo. Kaya siguro ganito.
Kaya siguro ganito ako. Sa’yo. Sa iyo na paminsang hinding-hindi ako mawawalan
ng mararamdaman, na iyon nga, paumanhing muli, gusto kita.