February 3, 2019

Ang laki na naman ng kunwaring problema ko. Pakiramdam ko, dala-dala ko na naman ang buong mundo. Ako na naman ang mundo ko. Sarili ko na lamang ang may pakialam ako. Sa pag-iisip kung bakit ba sisirkulo ang lupa sa aking mga pagyakap, kahit paulit-ulit pa akong magpakamatay, siyang kailangan kong magpakatatag tungo sa bagong ako matapos kong tanggapin ang aking tunay na pagkakamali.

Sasakay akong may kunwaring galit sa kahelang rosas. Santo man o may dala-ralang mani, kakagyat akong kaunti kung maaari pa ba akong bumakya ng dalawampung malamig. Iisipin ko pa kung kakailanganin ko bang mamitas din ng kaalatang usbong, o bahala na dahil mukhang nag-aabang na rin ang dilim na hindi ko sigurado kung kaibigan ko ba o minsan lamang.

At iyon na nga, sasabay na ang kunwaring lungkot sa pagdilim ng kalangitan. Babanat na ako mula sa buhol ng pagmamadali, at mapagtatanto kong babagal nang muli ang bawat sandali. Unti-unti kong ibababa ang bintana, paminsa'y hindi ako ang nasusunod. Kikilitan ko pa ang bawat sulok hanggang sa maintindihang galit na naman sa akin ang mundo. Isasaksak ko na lamang ang pamaligirang paraiso hanggang sa kumagat na ang pagmamahal ko sa mundong ayaw ko.

Tilamsikang hindi sadya, malalaman kong alam kong kunwari lamang ang mga problema ko. Hindi naman ako nabuhay para tutukan ang mga bagay na ayaw ako at ayaw ko. Aanyaya sa aking talinga ang himyos ng kahapong paulit-ulit kong inaabangan. Magugulat na lamang ako't alam ko pa rin pala lahat. Mauunawaan kong kunwari lamang ang aking mga galit, dahil kung saan pa man, kunwari lang din naman ako sa mundong ayaw ako.