November 19, 2017

FlipTop - Kregga vs BLKD

Round 1

BLKD

May makukulay na linya pero para lang cartoon 'to. Lahat ng mga paratang niya sa aktibismo ko, nasagot ko na sa album ko.

Kaya wala nang intro-intro, ba't ito lang? Ito'y titulado, laban sa tito lang. Nagtangkang mang-ano, ayan, kinuwan. Nagtangkang magsiga, ayan, inulan. Seryoso na 'ko, tapos na 'kong makipagbiruan. Gusto niyo ng puro mura? Bangkerohan!

Pero seryoso, Kregga, aka J Boy, aka Goryo, kumusta? Para mas masaya 'tong laban natin, lagyan natin ng pusta. Sa 'yo na ang panalo, handa akong sumalangit. Basta mairaos mo ang labang 'to nang 'di ka gumagamit ng alinman sa mga sumusunod na termino: Katawang-lupa, lakas-espirituwal, ibang dimensyon, berbal, mundo ng mga halimaw, Class S, BLKD. Game?

Davao, game?

Ikaw yung abandonadong anak ni Sayadd kay Aklas. Nagmana ng potensyal kaso 'di na nakalampas Maging kakaiba, 'yan ang taktika mo. Kaso ang dami nang kakaiba, ano'ng pinagkaiba mo?

Oo, may husay ngang gumuhit, mga tumatak nang letra. Kaso mababaw lang ang ukit, kayang-kaya ng lanseta. Anumang husay, o ganda, nakakasawa 'pag nababad. 'Yang 'stilo mo, gasgas na, gasgas na sa kakasayad. 

Kaya anong unorthodox? Style mo, bulok. Style ko, pambihira, parang Zaitong tulog. Rhymes mo, supot, akin, Big Bang kusog. Anumang tamaan, natutulad sa 'king kilay, sunog. Abo ang labas mo matapos iwang tupok. Ultimo first cousins mo, tatawagin kang pinsang durog. Lubog!

Round 2

BLKD

Kanina, meron siyang iskema tungkol sa pangingisda. Humanga kayo pero para sa 'kin, hindi yun insane. Wala lang sa 'kin sumira ng pain kasi sanay ako sa pain. Kapag ako, nasiraan ng bait, sumisira ako ng bait. Tulad ng baitlog mo.

Davao, mag-ingay kasi Uprising na si Kregga, palakpakan. Nakikihati na sa karangalan, wala pa namang intrega. Pero hindi ito intriga dahil bawas aking intimidation. Kasi para sa 'kin, hindi 'to battle, bay, ito'y Uprising initiation. Alam niyo ba kung paano naging Uprising 'to? Kasi pagdating sa battles, solid 'to, at dahil late naming napakinggan yung baduy na music mo. Alam mo ba yung nangyari kay Aric nang narinig yung kanta? Parang naglivestream si Shehyee, nagtwitch yung mata.

Naging mahina rin ako bago umangat ng echelon pero hindi ako tulad mong dumaan sa pagkajejemon. Pasalamat ka, tanggap ka namin nang buong-buo. Ikaw lang naman 'tong hamon nang hamon sa mga kagrupo mo. 'Wag ganun, bro!

Pa'no mo tatalunin yung Batas? Kulang ka sa skills, J. 'Di ka pa nga heavyweight sa South, hindi ka ill, J. Saka na 'ko maniniwalang may tsansa ka na kung kaya mo nang harapin si Zero nang mata sa mata. Silent killer daw ng Mindanao, feeling DDS na. Ba't nakiki-Uprising ka na ngayon? 'Di ba 3GS ka? Ops, issue. May pinapangasabi nga pala si Lil John, "Miss you."

Pero seryoso na. 'Yang dila mong matabil, forced yung angas. Kaya spade na matalim yung dala kong pantabas. Literal kong ipapatikim kay Goryo'ng talas. Sabay hiwa pababa, at marahas na buklat. Kaladkad sa initan hanggang balat, matuklap. Bangkay mo'y ipaparada ko sa buo ninyong siyudad. Ito ba yung isdang oro? Ginawa ko lang bulad.

Kaya pa'no mo kakayanin ang aking lalim sa bangayan? E hirap na hirap ka na nga 'pag baha dun sa Cagayan. Bangkerohan!

Round 3

BLKD

Maangas daw siya pero nagtap pa ng kagrupo niya. Oo, medyo hanga 'ko sa 'yo pero para ka lang presidente natin utak-pulbura. Hirap na daw kumain yung maestro, 'yan ang sabi mo sa 'yong bara. E kaya ka pala nanalo, yung kalaban, walang gana. Puwes, ibang maestro 'to, laging gutom. Puwes, ibang maestro 'to, laging gutom sa killing spree. Sobrang husay kong magturo, TF sa 'kin, tuition fee.

Nung pinuna mo yung bigkas ni Asser, hinamak pa intelligence. E nung laban niyo nga ni M Zhayt, puro ka riference. Riference? Maraming namamali ng bigkas pero alam mo ang iyong difference? Ikaw, ipokrito, bars mo mismo, ividence. Ako'y walang kontra sa 'yong diction. Ako'y kontra lamang sa 'yong kontradiksyon. 

Hindi ako magpapanggap, may husay ka't ambag. Ika'y mandirigmang may tapang na dumayo't maglayag pero ano nga ba ang laban ng mga katig-pambalanse ng mga kargadang bala, at armas-pang-atake kung binabaybay na karagatan ng bangkang pandigma ako ang nagpalalim, nagpalawak, at siyang may likha? Ako ang nagpasalang, ako ang nagpasulong. Aking simpleng daloy, kaya kong gawing daluyong. Lalamunin ka ng alon, lulunurin ka sa gulpi habang yung tubig ay nagiging kumukulong asupre. Lason, pre!

Bibigyan ka ng hiwa ng mga bibig na walang tikom. Mga sugat na sumisigaw sa sakit, walang hilom. Ako'y kontradiksyong hindi mo kayang sundan. Ika'y iiwang bugbog-sarado para lang isip mo, buksan. Kaya ko ring manakit, kaya mo bang maglunas? Kung sumisira ka ng araw, ako, sumisira ng bukas. Ako'y banta sa tayog ng mga huwad na bantayog. Ako ang buhay na patunay na bano ka pa sa Tagalog.

Natae ka na sa takot, ako, naaliw lang pero para sa mga bisdak, pareho lang tayong nalibang. Bangkerohan!