Ang pagsulat ay pag-alala, muli't muling pagbabalik sa dati. Hindi ito kumakapit kung hindi kusang kakalansing. Ang hindi magpaasa ay lalong kakalamuyin. Hindi sinasadya ang lahat ngunit sasampal na lang nang malumanay. Ang muling paghawak sa iyong kapalaran ay tatag ng hindi na maaawat pang paulit-ulit na muling mga linya.
Ang paggunita ay minsang maiiba. Hindi lahat ng iyo ay sa ganang sarili (lamang). Magiging maingat sa lahat ng maiaatas sa lahat ng susunod na pagkilates. Sarili ang uunahin sa kapakanan ng iba. Maaaring hindi makuha, at wala nang mabibigyan pa ng pakialam. Ang pagsusuri ng sarili ay maigi upang maialay nang malaya ang muling paghubog.
Ang pagbabago ay pangangailangan. Hindi lahat ng iyo ay ikaw, at lahat ng hindi ikaw ay mapapasaiyo. Tanga lang ang takot at naniniwala sa malas. Kung kuyugin man ng langit, karampot lamang itong kikirot ng kurot. Matagal nang kinilala ang kapalaran, at matagal nang binitawan ang pagkapit. Siyang pagsulat na lamang ang aalala.