Noong nasa elementary pa lang ako, inisip ko, iniisip ko talaga paglaki ko e yung trabaho ng mga magulang ko yung trabaho ko. Yung tipong nakaupo lang sa swiveling chair, pa-type-type kunwari sa keyboard, pag-click ng kung anu-ano, pag-drag, pagsagot ng telepono at pakikipag-usap sa mga tao. Pag-check ng mail, pagtingin ng cellphone sa bawat oras, pakikinig sa paborito kong mga banda kapag siesta hours, pagtulog kapag wala nang baterya, pagbati sa mga officemates kong hindi ko alam kung pinaplastikan ako o tunay kong mga kaibigan, naghihintay ng mga meetings na pakana ng mga boss, mga engrandeng meetings ng mga boss na minsa'y kailangan pang mag-eroplano para lang makapunta sa destinasyon, maghihintay na lang ng utos sa mga boss, mag-uutos sa nakakababa at mga baguhan, maghihintay na lang dumating ang lunch break, ang oras ng pag-uwi, minsan mago-overtime, darating sa bahay nang minsa'y may dala-dalang pasalubong na Yakult at Smarties, Oreo, tinapay, leche flan, bigay ng officemate, matutulog, maghihintay na lang para ulit pumasok nang maaga kinabukasan, maghihintay na lang ulit, paulit-ulit, naghihintay na lang, kahit parang wala nang bagong mangyayari. Wala na akong pakialam kung paniwalaan man ng marami na gusto kong kunwaring maging dentista sa kadahilanang malupit talaga yung trabaho nila, trabaho talaga ng mga magulang ko yung gusto kong pasukan. Hindi ko alam kung bagay sa akin iyon kasi mabilis lang akong tamarin kapag paulit-ulit na lang yung ginagawa ko. Pero kung iisipin ko rin man lang yung suweldong makukuha ko, edi gagawin ko na rin nang maayos yung trabaho ko. Maraming nagsasabing hindi naman talaga suweldo ang dapat na pinag-uusapan sa buhay, kundi kung gusto mo yung ginagawa mo sa buhay. Sabi nga nung isa kong professor, "Hindi ka talaga nagtratrabaho kapag masaya ka sa ginagawa mo, naglalaro ka lang." Sabihin na nating ganun, sabihin na nating gusto mong naglalaro lang ng MMORPG's at OSG's buong araw, adik ka kasi at lubhang magaling at talentado ka talaga sa larangang nasabi, hindi natin alam na maaari kang kuning Game Master ng mga nasabing laro, o developer, pero nakasisiguro ka ba? Nakasisiguro ka bang magiging maganda ang trabaho mo paglaki mo? Siguro sa para sa mga walangyang napakatalentadong tao oo, e tayo? Tayong mga taong katamtaman lang ang pag-iisip, normal lang ang kayang aralin, sipag at tiyaga lang ang puhunan, mahirap, walang pangalan, nakasisiguro naman kaya tayo sa trabahong mapapasukan natin? Kung makakuha man tayo, masaya naman ba tayo? Siguro iisipin na lang ng marami sa atin, na oo, masaya ako, medyo.
Pero noong nasa elementarya talaga ako, siguradong-sigurado na talaga akong umupo sa harap ng computer para magtrabaho habang kampanteng sinasabi sa aking mga magulang at kaibigan na gusto kong maging dentista o kung ano pa mang astig o malupit na ibigay na trabaho. Tapos biglang dumating ang 3rd Year High School. Noong ikatlong taon namin noong high school, magfi-fill-up kami ng UPCAT Form. Pipili ka na agad ng kurso mo para sa gusto mo sanang makuhang trabaho, gusto mong gagawin at ginagawa sa buhay mo paglaki mo. Kinakabahan talaga ako. As in, what the fuck, paulit-ulit na sumisigaw sa harapan ko yung form na kinabukasan at buhay ko ang nakasalalay sa kung anong course ang papatulan ng malupit kong ballpen. Inisip ko, bano ako sa Math at Science, medyo okay naman ako sa English, pro naman ako mag-memorize pero nakatatamad talaga, pero hindi pumasok sa isipan ko, ni hindi nasulyapan ng mga mata ko yung BA Filipino, kaya BA English Studies ang sinulatan ko. Tapos kailangan pa pala ng second choice, hinugot ko ang tapang at bawat sipag at tiyagang maikakalat ko sa buong katawan ko para lang piliin ang BS Computer Science sa form. Sapilitan man, sobrang nakakaadik ngumiti nung nagkaalaman na ng mga pumasa sa UPCAT, habang si Buhay, nakangiti lang sa ilalim niya, nakatingin sa akin, "Sige, pakasaya ka, pagyabang mo pa! Sige lang, matatanga ka lang talaga pagpasok mo sa UP. Ano ba talagang ibibigay ko sa'yo? Wala ka namang ibang alam kundi magsulat, pwe!"
Hindi ko man narinig at halatang katangahan ko na lang ang nagsasabi sa akin ng mga ganoon, masaya kong sinundan ang curriculum ng EngStud for two whole sems. Noong second sem ko lang naisipan mag-shift sa Filipino.
Ngayong college, okay lang. Ito, walang ginagawa, medyo may mga requirements at parating maraming libreng oras para sa kung anu-anong mga bagay. Pero ang ikinaiinis ko lang, kapag nanonood ako ng kahit na anong palabas, mapa-series man o movie, walang tigil at hindi talaga nagsasawa ang utak kong isiping, "Buti pa yung bida, may magandang trabaho. Ang suwerte naman niya matalino siya, maganda trabaho niya. Ang suwerte naman nito, niligawan lang ng boss niya yung nanay niya, Assistant Manager na agad siya. Wow, maganda, puwede nang model, o artista. Ginagawa nga niya yung gusto niya, natupad mga pangarap niya, ang ganda ng trabaho niya. Ang galing niya sa trabaho niya. Ay, talentado, sure na may trabaho 'to. Walang'ya, e ako, paano na ako?"