Hinahabol mo na naman ba ako? Wala ka naman kanina. Kaninang mag-isa ako't inaabangan ka kung sasalimuyak sa aking pagpapakapighati. Sinusundan mo ba ako dahil hinahanap kita ngayon? O nandiyan ka lang para mang-asar? Hindi ko alam kung magagalit ako nang todo sa'yo kasi hindi na kita kailangan ngayon, o kinikilala mo ngayon akong totoo kung kaya't hanggang susubukan ko na lamang ang lahat.
Hindi ko pinilit tumakbo, tinawanan din ako ng mga mapanlibak na paborito ng hanggang ngiti lamang ako bale. Sabay kaming magpausok noon, at pilit naming pinahihintulutang pagbawalan ang isa't isa. Tatanungin niya ako kung kumain na ba ako, sabay hithit, tapos buga. Hihithit din ako sabay turing na putang ina naman, bakit ganito na naman ako. Pinsan mo lang yata yung naroon kung kaya't may kung anong pag-akap sa dilim ang nakikikislap sa pabating binyahang aginaldo.
Gusto kita, totoo iyon, at hindi sa lahat ng iyong aspeto. Naging palagi na kitang paborito dahil iisa lamang na minsan. Minsan kang nagpatikas ng timpla, sa ihip ng pamamaalam sa tunay nang may akibat ng lamigang asubiyo. Dumagdag nang humalo ang lahat hanggang sa hindi ko na mapigilan pang ngumiti't may pagsilip pa ng luha.
Hindi ko pinilit tumakbo, tinawanan lamang din kita't sinalubong ng putang ina mo, sapagkat hindi naman kita iiwan.