October 31, 2012

FlipTop - BLKD vs Apekz

Round 1

BLKD

Ito na ang pagbabalik, at pagpapaumanhin kong matino. Ang labang 'to ay alay ko sa lahat ng aking nabigo. Marami pa 'kong ipagkakamali kasi nga bago lang. Minsan parang tanga lang kasi nga tao lang. Pero hindi ko ipinagluksa, pinag-aralan ko ang kahapon. Wala 'yan sa baba ng pagkadapa kundi sa taas ng pagbangon. Kaya naman sa labang 'to, alam niyong B stays high, parang first five letters lang ng apelido niya, yung C, A die.

Ano, Pekz, kaya pa? Baka napasubo ka lang. Chinecheck ko lang. Baka gusto niyang sumuko na lang kasi 'tong pagbigkas kong banayad, sa kanya, intense na 'to. Kahit magbench press pa, 'di na lalakas 'tong Pekz na 'to. Kung ano ka nung Ahon, ganyan ka pa rin sa battle ring. Ikaw lang ang Pekz, man, na hindi promising. Kaya sa paglalayag ng lirisismo sa FlipTop, ito ang best anchor dahil 'tong ape na 'to, kahit may KZ sa pangalan, walang X-Factor.

Palibhasa, kuntento ka na sa tsismis at kakornihan. Kalidad, hindi tumataas. Ako, kahit pilitin kong magpakacorny, teknikal ang lumalabas. Sample: Panshort time lang ba yung jowa mo, o siya na ba yung pangkasal? Sa dami mo kasing babae, parang bagsak presyo ng laman. Pilyo ka lang talaga, kalibuga'y inaksyon mo. Tuloy 'di mo mabanlawan ang mantsa sa relasyon niyo. Ano daw? Ang sabi ko: Panshort time lang ba yung jowa mo, o siya na ba yung pangkasal? Sa dami mo kasing babae, parang sale ng laman. Naughty ka lang talaga, kalibuga'y inaksyon mo. Tuloy 'di mo marinse ang mantsa sa relasyon niyo. Tamo, hanggang freestyle ka lang, lalim ko, karagatan 'to kaya kahit seaman ka pa, lulubog ka sa bar ko. 

Kaya anong lamang ko sa 'yo? Huwag mo nang itanong 'pagkat walang nagbago sa istilo mong dekahon. Kaya pa'no tatama 'yang torpedo mo, e ang slow mo? 'Pag bars ko, nag-overdrive, iwan 'yang jokes mo. Kaya sige, kayo na humusga: Bars over jokes? O jokes over bars? Sa totoo lang, 'di dapat 'yan ang pagbanggain natin. May maganda't panget sa pareho, ang husgahan, pagkamalikhain. Hindi ako kontra sa komedyante, kontra ako sa komedyanteng pabaya. Hindi na nga seryoso ang banat, seryosohin mo naman ang pagkatha.

Dahil oo, ako'y natatawa sa 'stilo mong nakakatawa pero 'di ako natutuwa kasi nakakatanga. Napag-iwanan ka na, sadyang mabagal ang pag-usad. Napag-iwanan ka na, sa pag-angat, napakakupad. Napag-iwanan ka na, tila gumagapang paahon. Ito yata yung nabili ni Abrang kakuwentuhang pagong!

And speaking of Abra, balita ko, nagdevelop na'ng relasyon niyong dal'wa. Dati, contemporaries kayo, ngayon, groupie ka na lang niya? Kung makadikit ka kasi kay Abra, parang Stan lang. Tuloy, kahit 'di siya sharpshooter, natsitsismis na Mark's man. Pero ito, atin-atin lang, bukod sa sustento niya sa 'yong
panghalaman mo, ilang punch lines ang binigay niya sa 'yo para sa labang 'to? Kung sa bagay, quits lang naman. Sa gigs kasi ni Abra, ito ang dakilang hype man. Gan'to siya o: "Itaas ang inyong gamit, sa 'kin niyo na ilapit, at gagawin kong topic. Itaas ang inyong gamit, sa 'kin-" Pwe!
 
Natuto ka lang magfreestyle, feeling mo, singgaling mo na si Supernatural? E freestyle mo, aral, sa kanya, super natural. Ta's haharap ka sa tulad kong ang pagiging super, natural? Pagkatanggal ko ng kaluluwa mo, 'yon ang supernatural.

Simpleng pangcontest ka lang naman dati na ngayon, sa EOW, nagkampyon. Ang ibig sabihin lang no'n, simpleng pangcontest ka pa rin ngayon. Kaya pasensiya, 'tol. Aking tagong galing, ngayong gabi, sa 'yo naikahon. Mga panira mo'y waring katol na inabo niya ring dragon. Purong gulo, ang dulot ng pagsugod nang lunod sa ethanol. Parang 'pag nag-abot ang hip hopper at rakista no'n sa Megamall. Gan'to ang tagpo 'pag nagpalaliman 'yong balde't balon. Parang nakilaban ng patigasan ang espasol kay Megatron. 

Makapangyarihan at makatuwiran ang aming tahol sa megaphone. Kayang baliktarin ang tatsulok at ibagsak ang Pentagon. Alam kong titirahin niya'ng aktibismo ko, syempre, as if ito'y kapintasan. Pagtatawanan ang pagrarally, sabik naman sa pakinabang. Puwes, pasensiya ka na ha, kung hindi ako tulad mo na ang buong buhay, umiikot lang sa laughter at pikunan. Ang pangunahin ko kasing kabattle ay ang kanser ng lipunan. Kaya sa loob at labas ng FlipTop, alam niyo kung sino'ng tunay at palaban. Baon ang utak na mataba sa utak na malaman.

Kaya nga 'yong Panaginip ng Alikabok ay propesiya ni Aklas. Sa gabing 'tong inuunos kita. Kaya saktong dream match mo 'to, at pinupulbos kita. No'ng laban niyo, buong Batch 1, batung-bato sa mga linya mong sinuka. Daig pa namin ang naiputan ng Adarna habang katitigan si Medusa. Ako, mas madalas pa 'kong iquote sa tinitipid na canvass. 'Di ko na kailangang maging sintulin ni Smugglaz 'pagkat sadyang mabigat mga bara ng pantas. Tuwing ako'y nagrarap, nangangalay si Atlas.

Bumaba lang ako sa hanay niyo galing Olympus. Nag-introduce ng apoy, parang si Prometheus. Tapang at lakas, Hercules ang pakikipagbuno. Siniksik ko ang enerhiya ng uniberso sa 'king berso kaya mala-Big Bang ang kulo.

Markado na ang kalendaryo, handa na ang kapilya. Ngayon na ang burol ng ulo mong puno ng Marca Piña, at ang mga labi niya, markadong dugo lang sa ground. I made every diss count to bring Mark down. Hands down, ako'y guro na, ika'y mag-aaral pa. Binigyan kita ng palakol kaya bagsak na Mark ka.

FlipTop - Krack vs BLKD

Round 1

BLKD

Panget! Sa panget mong 'yan, alam ko, virgin ka pa rin. Kahit kabitan kita ng sidecar, single ka pa rin. Sa mga natuwa sa generic joke kong 'yon, paumanhin sa masasabi kong anghang. Ilan kayo sa mga dahilan kung ba't nakakalusot sa FlipTop ang mga tulad nitong mangmang. Panahon na ng mga tulad kong kung dumura, bara'y halang. Sa lakas ng punch lines ko, 'pag tumama, tanggal bagang.

Kaya kawawa 'tong batak, na hayop sa wack. Kanyang flow, kalat, lababong wasak. Lakas manghamon, ayan nalamon ng katha kong angat. Ako'ng dumurog sa Tectonics, ba't ako matatakot sa Krack? Mga panalo, sarat, walang duda, siya'y tsumamba. Nakinood lang ng patawang battle, nagpluma na't gumay. Aking bara, matalinghaga, para utak ay lumaya. Ikaw, mababaw ka pa sa isang patak na luha ng buwaya.

Ta's babattle, lango sa alak at cannabis sativa para 'pag natalo, palusot, 'pag nanalo, partida. Kawalan sa wisyo, dala ng bisyo, damhin mo ang sting. Ito'y rap match, 'di beer match, kain 'tong crackling. Kunsintidor lang ang crowd, basta't merong lasing, hyped. Wasak na wasak magperform, dapat 'di 'to nainvite. Kalat-kalat ang mga banat, ba't 'di mo gawing tight? Minakinilya ko mga linya mo, at 'di ko pa rin type.

Round 2

BLKD

E ano kung nagsulat? Ito ay modern fight. Hindi ka nagsulat kasi ikaw ay no read, no write. At hindi daw ako taga-Naic, hanggang paratang lang pala. Puwes, papatayin kita sa sindak, bawat bar, bara. 

Singkitid ng pilapil ang isip, ngayon, ano'ng napapala mo? Hahalik ka ngayon sa lupa, parang nguso ng araro. Mga tulad mong naghahasik ng katangahang walang humpay, tinutulad ko sa binhi, binabaon ko nang buhay. Ako'y lahing magbubukid, katas-anak-pawis ang katayuan. Buong Pilipinas ang sinasakop pero nasa puso ang kanayunan. Ikaw, social climber, siyudad, sobrang dinadakila. Gustung-gusto maging urban, favorite show niya, Maynila. 

Stuck ka dito sa Naic pero obsessed sa city life. Gangster kasi siya sa panaginip niya every night. Pusher 'to ng Coke, hindi yung drugs, yung inumin. Patago pang magdeliver, akala mo titimbugin. Naglalabas ng armas, agad-agad, 'pag napahamak. Patagilid pa 'tong tumira, tirador naman ang hawak. Bente-kuwatro oras magpatrol, nag-aabang lang ng aksyon. Pati bata pinapatulan. Alam mo ba yung reputasyon? Ilusyon mo ng thug life, sagad na sa buto mo. Lahat ng matignan mong salamin, nagkakacrack dahil ayaw mong magpakatotoo.

Round 3

BLKD

Tinalo nga ako ni Loonie at ni Dello. At least, napahanay ako sa mahuhusay. Inggit ka lang kasi hindi mo sila makakapantay kahit mag-ensayo ka habambuhay. At nagchoke ako kay Loonie. Oo, nagchoke akong may paninindigan. Parang Gomburza nung ginarote sa Trece Martires. Ikaw idadagdag kong pangkatorse.

Naic, ito ba tal'ga ang gusto niyong representante ng talento? Salat sa pagkamalikhain, kung magrap, pakuwento? Kulang ang rhyme, panget ang flow, walang laman kung manlibak. Kaya nga Krack pangalan niyan, bawat berso, bitak-bitak. 

Pantas na matatas, gan'to dapat ang ehemplo niyo. Mga linya ko, pinag-uusapan, parang kable ng telepono. Mangmang rin ang aaming dapat 'tong hangaan. Nagpapatawa at nagkakalat, hindi naman 'to Bulagaan. Pero hindi ka rin puwede do'n, tanggihan man ang talent fee, dahil iuurong mo lang ang nasimulan nina Master Kiko't Michael V.

Kaya nga sa FlipTop, ikaw lang yata ang matatalino ang hater. At hindi ka pa pumuputi kakadikit mo sa Laser. Kakasipsip mo, itim na gilagid at nguso mo. Bugbugin ka sana ng mga magaling pang magrap sa 'yo na kagrupo mo.

At pagkatapos nito, babaliktad na ang CMD. Kay BLKD papanig 'pagkat ika'y 'di emcee. Ako'y Caviteñong malago na ang impluwesiyang lirikal. Batang gas ang laway, apoy ng dila'y kritikal. Mala-Rizal at Quezon ang pagmamahal sa wika. Akin ang Calabarzon, wala nang makababawi pa.

FlipTop - Loonie vs BLKD

Round 1

BLKD

Deretsahan na. Kung akala mo, welcome ka dito, nasobrahan ka na naman sa Valium. 'Di ba may sarili kang liga? Dun ka magpromote ng kanta't album dahil bumabalik ka lang naman dito para sa libreng publicity. Ngayon, ipapahiya kita sa harap ng mga tao ng Sony BMG.

Dahil alam mo man o hindi, may mga empleyado diyang nakatingala. Freestyle mo na lang ang free, yung kaluluwa mo, may tanikala, dahil alipin na ng mainstream 'tong dyinudiyos niyo. Baka hithitin mo lang sarili mo 'pag kita'y pinulbos ko.

'Wag kang magmaangat, high ka lang 'pag nakadoobie. At 'wag kang maghari-harian, hindi ka si Francis Magaloonie. Hanggang patikim ka lang naman kasi sa mga nakaimbak mong gimik. Ako, almusal ko araw-araw, malaimpaktong lyrics. 

Kaya nag-iba ang direksyon nung ako na ang umaksyon. Lahat ng tao napanganga parang nagkokomunyon. Oo, baguhan, pero may angking kagalingan. I bring the house down parang katatapos lang na bayanihan. Kaya kutyain mo pagkamakabayan ko, at sa akin, wala nang makakaawat. Hindi ka na magagamot ng anumang medisina 'pag sinakal kita ng watawat.

Kaya easy ka lang, pare ko. You're too young para magwalang-bahala. Mas marami pang namatay kay BLKD kaysa sa maling akala.

Round 2

BLKD

Oo na, dehado ako, kasi yung experience mo, labis. Ako, underdog, ikaw ang vet, pero wala kang gamot sa 'king rabies.

Porke't galing kang street, tapos nasign, feeling mo na you're so NY? Anong tingin mo sa sarili mo, L, G? If so, then die. Dahil ang aking palaso't pana, sonic, ang pinupuntirya, eardrum. Sobrang sharp na mga salita, para ka na ring binaril ng Ingram. 

At kung akala mo generic wordplay yun na wala sa 'yong kinalaman, hindi. Ganun ang turing mo sa mga kaibigan mo, kasangkapan, dahil user ka in more ways than one. Kaya ka lang nag-Barangay Tibay kasi kailangan mo ng kapitan. Hangga't may pakinabang, nambobolang husto. Pinapaikot mo lang ang mga tao sa paligid mo, Tropang Trumpo.

Round 3

BLKD

Talagang maraming gawain ang aktibista kaya nga napunta ako sa maraming gusot. Nagchoke na lang ako para yung pagkatalo ko, if ever, merong palusot. Dahil yung kagitingan namin, boy, wala kang ideya. Yung pulis, kaya naming harapin. Ikaw, takot na takot sa intel ng PDEA.

FlipTop - Dello vs BLKD

Round 1

BLKD

Sir, good evening. To be the best, sabi nila, you need to beat the best kaya nga kinalaban ko si Loonie. Makinig kang mabuti. Wala 'kong balak kumalaban ng Mongol, Shooli. Ngayon, tuturuan kita ng leksyon, tutal, ikaw ang nag-umpisa. Gusto mo, tutukan ng magkatropa parang nung kudeta? Puwes, cooldown na lang kita, pampatalas-focus din. Sa nag-aapoy kong galit, panggatong ka lang, Mokujin.

Rhymes mo, laging layered, pero still, your rapping, lamer. Binabagsakan ng beer, na parang tax evader. Kaya walang ligtas, kahit bigkasin ay gatigdas sa daming prayer. 'Di mo maiiwasan ang mga linya ko, parang piko sa graphing paper.

O 'di ba? Hindi naman gano'n kahirap ang ginagawa ni Dello. Konting jokes na may multis, basic ang disenyo. Tatak-BLKD ang mapapanganib na talatang teknikal. Aking asulto, laging may punto, na parang decimal. Aking bersikulo may simbolo, may lalim at bigat. Walang paliguy-ligoy, straight to the point, parang sibat. At hasang-hasa ang talim, may lason pa't may sima. Tanggalin mo gamit cheap mong rebuttals para lalo pang masira.

Round 2

BLKD

Siya daw ay iba nang Dello, I simply cannot see. Kung gusto ko ng nag-improve na Dello, papanoorin ko si Tipsy D.

At sa mga natuwa sa rebuttals niya, talasan pang magsuri. Banat ko, bombang nukleyar, ganti niya, basang watusi. Hindi porke't nagantihan, talo na yung unang umattack. Ba't ko iindahin 'yang pitik mo, e kanina ka pa nasapak? Kanina pa kita winasak. Palibhasa, basta rebattle, agad kayong napapahanga kahit simpleng-simpleng sagot na pang-alitan lang ng bata.

At ikaw naman, sinasamantala mo ang kiliti ng crowd. Mas entertainer ka kaysa artist, 'wag ka masyadong proud. Magparami pa ng fans, 'yan lang ang kanyang hiling. Sobrang dami niya nang view, kaya niya nang bumattle nang nakapiring. Pero para ka lang namang kumanta nang nakaposas, o nagpiano nang nakabusal. May added challenge nga, wala namang katuturan.

Round 3

BLKD

Istilo mong balik-sender, sagad sa kaladkad. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. 'Tong contender ko, tender ang bawat satsat. Mga linya ko, panghati ng neck, fret ng fender, tadtad. Nakita mo yun, umulit? Kasi yung utak ko, makulit.

Marunong ka ngang magmultis, talinghaga na may gasino. May diarrhea ka ng rhymes pero may constipation ng talino. Pagdating sa magagandang ideya, 'yang bumbilya mo pundido. Mababaw ka pa sa tubig ng basong babaran mo ng pustiso. May humor ka nga, pero konti lang ang wit na nakabangko. Kung may malupit ka mang linya, may basbas yun ng santo. Alam kong nagpapatulong ka sa ilang mga kagrupo mo, if not all. Pero pa'nong lulusot ang Mongol, kung ang balakid, Great Wall?

Hatak-fans ka lang kasi, basta patok siyang istilo. Ako, 'di baleng 'di sumikat, basta't angat ang lirisismo. Kaya basta't barang BLKD, may deeper meaning 'yan. Tinataas ko ang standard, parang nagkakabit ng ceiling fan. Kaya ako ang mas magiting, manalo-matalo sa 'ting giyera. Parang nahimasmasang direktor, binago ko ang eksena.

FlipTop - Schizophrenia vs Them Sent (2011)

Round 1

BLKD

At ayoko sanang magyabang pero ang upgrade na naririnig niyo sa mga FlipTop battle emcees, ako ang salarin kaya pustahan ngayong gabi, gagaya na rin mga 'to. Tingnan niyo, ginaya na rin yung salamin. 

Schizophrenia! Ang pinakahambog, feeling bantog na grupo sa ligang 'to. Bakit ba kayo nayayabangan kay Shehyee? E kahit lunukin niya ang bagyong Milenyo, mas mahangin pa rin ang dalawang 'to.

RRRRRRRRRRRRRRR, RRRRRRRRRRRRRRR. Harrrlem, pangalan mo pa lang, himod-tumbong na sa US. Kung kopyang Kano ang istilo, ang pagta-Tagalog mo, useless dahil kung kolonyal pa rin ang utak, ika'y sasamain. Kahit gamitin mo sarili nating wika, malansa ka pa rin. At nung Sabong Sumulong, ang kapal ng apog mong hamunin ng freestyle battle si sKarm. Ang sarap mong tanggalan ng L at E, just to cause you harm. At bago yung laban namin ni Mel Christ, ang lakas mong magparinig. Ako raw ang madadaig. E pa'no ba 'yon? Nilampaso ko yung lumampaso sa 'yo. Mas mababa ka pa sa sahig. 

E 'di ayun na nga, isda ka, pero hindi mo kayang sisirin ang aking lalim. Tawagin niyo 'kong Big L dahil naghari ako sa Harlem.

Round 2

BLKD

Sige, sige, sa crowd ngayon, kayo na ang mas mabenta kasi kami 'pag nagrarap, hindi namin iniisip ang pera.

Kahanga-hanga ang mga aktibista, nakikibaka kahit haggard. Takot lang 'to sa mga raliyista kasi yung ilong, hugis placard. Rizal, Bonifacio, del Pilar, Sakay, mga aktibista ng kanilang panahon. Kung hindi dahil sa mga aktibista, Indio ka pa rin ngayon.

At kahapon, hanap 'to nang hanap ng marijuana. Kung nagkataon, ikaw ang tutugon sa iyong bisyo. Sapilitang pagtatanim ng ganja, polo y servicio. Pagkatapos, sasabihin niyo, kayo ang underdog. E nauna pa kayo sa 'min sa hip hop. Kami ang underdog dito sa ating fight. Kayo ang mga bitches, all bark, no bite.

Round 3

BLKD

Nagtsinelas ako sa laban natin kasi ayokong mamantsahan ang aking sapatos. Madumi ang labang 'to kasi babaha ng dugo niyo pagkatapos. At ang lakas niyong magdeny na kopyang Loonie ang inyong husay. Puwes, sentensyado na kayo ngayon kasi meron kaming patunay. Si Loonie at Juan Lazy, parehong punch line, ginamit.

Saksakan ng panget! At kahit gamitin niyo ang wika niya, hindi kayo magpapantay. Ginasgas niyo yung salitang puta-pete hanggang sa mawalan ng saysay. At huwag mo kaming gamiting palusot sa pagkatalo mo kay Andy G dahil ang pag-uunderestimate ay kasalanan sa kapwa emcee. At matuto kang gumalang ng iba't ibang genre, kahit iba-ibang flavor. At maghugas ka ng vocal cords dahil darating si Mayor.

Oo na, sige na, nauna na kayo, huwag kayo masyadong magmalaki. Kayo ang uuwing wasak dahil sa amin ang gabi.

Overtime

BLKD

Ano ba naman 'yan, judges? Pa'no pa 'tong mga 'to ay nakalusot? Hindi kami nagpaplantsa ng mga linya kasi mga berso namin walang gusot.

Disorganized speech, walang sense magsalita. Disorganized thinking, ang lohika, saliwa. At auditory hallucination, gandang-ganda sa sarili nilang wack na kanta. At delusions? Akala nila blooming yung career nilang lantang-lanta. Mga ulupong, 'wag magmarunong, wala kayong alam sa sikolohiya pero pasado kayo sa lahat ng sintomas, meron nga kayong schizophrenia.

A! E kung gano'n naman pala, mabuti pa, ihatid mo na 'to sa aquarium, o sa beach. Go home! At ang sarap mantiris. Bakit yung pisngi nito tadtad, tadtad ng galis 'to? So prone. 'Pag ako nainis, masusunog ang mga 'to sa diss ko, Ozone!

FlipTop - BLKD vs Shehyee

Round 1

BLKD

Oo nga, nakabag ako, walang pakialamanan. Mamaya-maya, dito ko isisilid 'yang utak mong walang laman.

Ang lakas mong manghamon, wala ka namang panama. E yung rank mo sa ligang 'to, parang mukha mo, mababa. Kaya't babatutain, babaretahin ka ng ating mga kababayan 'pagkat babatikusin, babarahin ni BLKD ang iyong kababawan.

Sumikat lang ang battle rap, bigla ka nang umextra. Siya raw ang FlipTop heartthrob, nagseselos naman kay Abra. Ako'y gutom na gutom kasi sa limelight, hindi mo mapigilan. Sa laki ng pride mo, 'pag nilunok mo, ika'y mahihirinan. Big boy na raw siya pero yung tipo ng boy na mama's. Pinapaliguan ng gatas, gumugulong sa tawas. Lumaking spoiled kaya amoy bulok na pasas. Ang pagkukulang niya sa rapping skills, dinadaan niya na lang sa angas.

Oo na, mestizo ka na, huwag mo masyadong ipagmalaki. Malaki ang tsansang isa sa mga lola mo, nirape lang ng prayle. Ako'y dugo't kutis-Katipunero, at mapapaiyak ko na 'to. 'Pag tinadiyakan kita sa kidney, yun ang Biak-na-Bato.

Round 2

BLKD

Okay, kinutya mo ang aktibismo, lagot ka ngayon. 'Wag kang sisiga-siga sa Mendiola, kasi teritoryo namin 'yon. Ito'y labang mental, 'di pisikal, hindi to NCAA o UAAP. At sa lahat ng hip hop elements, talo ang Beda ng UP. Sa DJ-ing, meron kaming Kalif, sa graff, Hepe, sa beatbox, Pikoy. At kami ang reigning battle dance crew, runner-up lang kayo, boy. At sa rap, meron kaming BLKD, kaya wala kayong binatbat sa 'min. And just to rub it in, ang finals niyo, quiz lang namin.

Tinitingala mo kami, 'wag mo nang ipagkaila. Ipinagtanong kita sa Beda, hindi ka kilala. Bilang sa 'kin ng mga Bedista, iknock out ka. 'Pag napanood 'to ng Beda admin, sigurado, kick out ka. Kaya tawagan mo na ang mangilan-ngilan mong Bedan friends para meron kang shoulder to cry on. Sa talim ng tula ko, duguan ka, literal na Red Lion.

Pero paalala sa Beda, wala ako sa inyong damdaming masama. Tinuturuan ko lang ng leksyon itong estudyante niyong hinihila kayo pababa. At sa bagong UP admin, irollback niyo tuition namin dahil ang edukasyon ay karapatan. At para maoutnumber ulit ng mga dukhang matatalino ang mga tulad nitong conyong mangmang.

Round 3

BLKD

Napansin ko, kasama mo yung jowa mo, mukhang artista. Nakapula pa, mukhang mahilig sa aktibista. At artist ka? Masyado kang mahangad. E ikaw yung bayabas na dalawang beses nang nilamon ni Juan Tamad. At ang lakas ng loob mong magparinig kay Dello nung Sabong Sumulong. E nung kinulata ka niya sa Sunugan, hindi ba't 'yang yabang mo, umurong?
 
Tapos, nung una kitang napanood, sabi ko, 'yang istilo mo, kilala mo, kilala ko. Kopyang Loonie, pati hand gestures niya, ginaya mo. Ganyan ang problema sa mga rappers na ang hanap lang ay fame. Yung nangongopya na lang sa mga sikat dahil sariling style ay lame. Kaya wala 'kong paghanga sa 'yo dahil magaling ka lang mag-imitate. Kaya nga lahat ng apir at handshake natin, boy, ikaw ang nag-initiate.

Sikat lang 'to sa mga dalaga, laging tinitilian. Pero tanungin niyo kapwa namin rappers, walang nakikinig diyan. Gusto ko sanang ipagsigawan na insulto ka sa hip hop. Pero 'di lahat ng rapper, hip hopper dahil ang genre mo, pop. Mas sikat ka lang sa 'kin ngayon dahil 'di pa masyadong mature ang Pinoy hip hop culture. I'm ahead of our time, ikaw, isusuko ka ng rappers of the future.

Overtime

BLKD

Idol mo si Shady kaya ang pangalan mo, Shehyee. Wow, hanep sa creativity. At pa'no ka naging tunay na fan ni Eminem kung lately mo lang nalaman ang Infinity? At nakakatawa, ginawa ni Em yung Real Slim Shady, pandiss sa mga gaya-gaya sa kanya. Kaya tinamaan ka sana kung inintindi mo yung kanta, at 'di mo ibabase sa kanya ang alias mo kung tunay na fan ka.

At nung poster ng Sabong Sumulong, kulang daw ng H ang pangalan niya. Cinorrect lang ni Gnome ng Ampon 'yang jejemon mong spelling, pasalamat ka sa kanya. At nung Ahon, isinalita mo ang pagtetext ng mga jejemon. Pare, ang corny mo. Bago mo sila kutyain, basahin mo pangalan mo, ipokrito.

Dahil isang hambog na wannabe celebrity 'tong huling biktima ng BLKD killing spree. Ako'y literal na lumapa ng bunga ng Ongkiko family tree. Kaya uuwi ka ngayon sa iyong hometown nang baldado't gumugulong dahil hindi kailanman kayang pigilan ng isang man ang isang daluyong. 

Ang pagbangga kay BLKD ay pagkayap sa peligro. Hindi ka magiging King of Rap porke't may kiko ka sa apelido. So, hindi ka magaling na rapper, hindi ka tunay na hip hopper, ano pa? Wala kang paglalagyan. Mabuti pang ilako mo na lang 'yang flawless, pero talentless mong katawan.

FlipTop - BLKD vs Mel Christ

Round 1

BLKD

Mas gugustuhin ko pang maging libag na nabuhay kaysa maging posero na ang mga punch line, walang kabuhay-buhay. At, Anygma, ang corny mo naman. Ang cliché naman nitong aking kalaban. Tingnan niyo nga naman, may Kristo sa sabungan.

Ako'y magsisilbing John the Baptist dahil sa FlipTop, kita'y bibinyagan. Lulunurin kita sa ilog ng iyong kamangmangan. Ako'y magpapakaanti-Kristo, hindi dahil ako'y Satanista kundi dahil aking kokontrahin ang mga banat mong panis na.

Alam mo ba, kahit magpatulong ka sa mga apostol, it won't make a difference. Papaikut-ikutin ko lang kayong parang Trip to Jerusalem, Eraserheads reference. Kaya 'wag kang parang CBCP, huwag ka masyadong mapapel. Yung RH Bill, 'wag niyo nang idiskarel dahil hindi kami pro-abortion, pro-choice ang aming ipinagtatanggol. Magiging pro-abortion lang ako kung 'tong si Romel ang sanggol.

Dahil ang tula ko'y deadly, pumapatay, kumikitil, pumapaslang, three ways. Huwag ka nang umasang magreresurrect ka pa after three days dahil hindi ka na tatalino kahit sa three wise men sumabit. Mga linya mo, nakakaantok, parang three o'clock habit.

Kaya sa mga tulad mong banong rapper, dapat ipako sa krus para wala nang marinig na banong kanta kailanman si Juan dela Cruz.

Round 2

BLKD

'Yang cap mo, pekeng DC, palibhasa, doble cara. Rapper sa gabi, carnapper sa umaga. At tinawag mo 'kong kamukha ni Bentong, wala akong paki. Batangueñong duwag, ang matapang lang sa 'yo, kape. New Yorker ang swag, kung magrap, ala Jay. New Yorker pumorma, kung magsalita, ala ey.

At sa Baked mixtape, ikaw lang ang Baked na hindi umalsa. Mga beat sa Batangas, presko, ba't mga kanta mo malansa? At huwag mong ipagyabang na Bisaya ka dahil Bisaya pod ko. 'Di ko kasulti og maayo pero kasabot ko. Ikaw yung tipo ng Bisaya na pangmamata ng madla'y hindi matutulan. Baduy at bakyang stereotype, iyo lamang pinapatunayan dahil imbes na paunlarin ang kulturang sayo'y biyaya, ikaw pa ang isa sa mga dahilan kung ba't naging pang-insulto ang salitang Bisaya.

Kaya parang Poncio Pilato, ang pandarahas sa iyo'y aking maiibigang balisong sa ngalangala, pangkaladkad sa iyo pauwing Iligan. At isusubsob ko sa turbine ng Maria Cristina Falls 'yang pagmumukha mo. Ta's diretso tayo sa Cotabato para barilin ka na ni Zaito.

Round 3

BLKD

Written generic diss, yung pinantalo mo kay Harlem, gagamitin mo pa sa 'kin? Medyo malupit pero kahit kaninong kabattle, puwedeng gamitin? Ilang taon mo 'yong sinulat at sinaulo sa bahay. Nag-iimagine ng kaaway, pinagpapraktisan ang nanay.

Kaya yung mga tula mo, sobrang simple, mistulang rap-rapan. Lampas langit na'ng antas ko, nandiyan ka pa rin sa sabsaban. Kaya yung tala sa taas mo, ibabato ko sa 'yong parang kometa. Hindi ka tagapagligtas ng rap, isa kang bulaang propeta. Dahil kung Kristo ka nga, gumawa ka nga ng himala. Gamutin mo si Righteous One, patayuin mo bigla.

Dahil kung ang hip hop ay Kristiyanismo, Hudas ka, hindi Kristo dahil taksil ka sa kultura, at matagal ko nang nabisto. Ang hip hop ay kultura ng pagkakaisa't kagalingan pero ang tingin mo lang dito'y kultura na iyong pagkakakitaan. 

Kaya naman ako ang tunay na malagim, at sa tagumpay, ako'y sakim. Son of God ka lang, ako ang Pinoy na Rakim. At kung hindi mo siya kilala, yung linya, hindi mo nakuha, huwag kang magpakahip hop, ignorante sa kultura.

FlipTop - BLKD vs 2Khelle

Round 1

BLKD

Aking tusung-tusong tutugisin 'tong tukmol na si 2Khelle. Tututulan kong tumugma para tumulala't tumigil. Tuwang-tuwa kong tutuligsain tuktok nitong tunaw. Tuturuan kong tumula 'tong tulalang tutang tungaw.

Kilala ang bayan niyo bilang maunlad na bayan sa may kalayuan pero yung mga tulad mo, kumikita lang sa pagpapaalila sa dayuhan. Basta't puti at may pera, dyinudiyos mo? Pareho kayo ni Noynoy dahil Kano ang boss mo. Kaya naman hanggang porma't salita lang ang iyong katapangan. Wala kang ginawa nung nirape ng Kano ang iyong kababayan. Alam mo'ng gagawin ng tropa mo dahil ngayon, ika'y bano? Palalayasin ka nila parang base ng Kano. 

Ito ang tunay na kargador sa barko, hindi si Target. Smuggler 'to ng ukay-ukay sa Subic Black Market. At sa tungga nitong sumasabit, alam niyo ba kung bakit? Siya yung natagpuan ni Andrew E nung humanap siya ng panget!

Round 2

BLKD

Nagsuot ako ng salamin para makita kita nang malinaw kaso tinanggal ko yung lens kasi yung talento mo, hindi nakakasilaw. Tapos, tinawag mo 'kong negrito. Wala akong pakialam. Pangalan mo, 2 kasi sa labang 'to, ako ang number 1.

At para lang alam niyo, nung tinanggap ko 'tong battle, Alpha Taktika ang pangalan ng aking kalaban. Pangalan pala 'yon ng rap group nito, huli ko lang nalaman. Natanga ka lang ba nung registration, o balak mong laban, 5 on 1? Kung nagkataon, limang jejemon ang ibinaon ko, live on cam.

At alam mo, hindi mo 'ko matatalo kahit magbitbit ka ng gabinete. Magmumukha pa rin 'tong laban ng kabayo at hinete dahil ito'y gabi ng garapalan, kami'y ganado at ganid. Gagapiin ang Gapo ng mga guwapong gago kung magalit.

At igagaya lang kita sa sikat na leader ng inyong lunan. Mukha ka nang dick, gagawin na lang kitang talunan. Tapos ang iyong kamatayan, igagaya ko sa inyong kasaysayan. Ulo mo'y aking pupugutin ta's tutuhugin ng kawayan.

Round 3

BLKD

Akala mo malupit yung freestyle mo, 'yan ang pagkakamali mo. Istilo mo, pangkanto, hindi pangmatalino. At mas marami pa 'kong fans sa 'yo kahit wala pa 'kong fan page. Maangas ka lang lumaban 'pag may home court advantage.

Kahit saan, kaya kong isagisag ang FlipTop na bandila. Ito, hindi makadayo sa Maynila, na para bang ang depensa mo ngayon sa isang unos ay marupok na bahay-kubo. E pa'no yan? Mas malakas pa 'ko magpasabog kaysa sa Mt. Pinatubo. Tatangayin, tatabunan ka lang ng liriko kong malalahar. Mapupuno ang langit ng abo 'pag pinulbos kita ng pang-aasar.

At written ang banat ko dahil hindi naman freestyle battle ang FlipTop. Ito ang modernong format ng rap battle sa mundo ng hip hop. Talentado ka, talentado ka, pero pandekada nobenta ang istilo mo. Hindi 'to pabilisan tumugma, pabigatan 'to ng liriko. Ano? Masakit na ba? Iiyak ka na? Aruy! Mag-Google ka, magresearch ka para matuto ka, baduy!

Overtime

BLKD

Susubukan ko magfreestyle. Tingnan niyo yung boxer ko, heaven. Hindi 'to makadayo sa Maynila, takot sa 187. 

At wala namang premyo dito, alam ko kung bakit ka lumahok. Gusto mo kasing simutin ang kamandang ng aking tomahawk. Feeling wannabe Loonie at Dello, hindi naman nakakaaliw. Sa susunod, huwag kang tamad 'pag may haharapin kang baliw. Walang pinagkaiba ang freestyle mo kay Silencer. At dahil wannabe DC Clan ka, ikaw ang gagawin kong target ng aking caliber.

Dahil if you look harder, malawak ang gap sa ating talento. At may binanggit akong dalawang wack battlers na mas magaling pa sa 'yo kung 'di ka alerto. Dahil para 'kong batas ng datu, hindi mababali kahit ng buo mong crew. Tinanggap ko lang ang laban natin 'cause I had nothing else to do.

Kaya alam mo, freestyler ka, pero magpractice ka pa dahil sa FlipTop ngayon, wala kang puwang. Lahat ng binanggit kong battle rapper na tinitingala mo, kaliga ko lang.

FlipTop - Sayadd vs BLKD

Round 1

BLKD

Ako ay medyo kabado kaya titira nang kalmado. Ang ganda ng delivery mo, muntik na 'kong mainis kaso lang yung mga linya mo, puro generic diss.

Sayadd na double D? Wala ka namang say bilang battle rapper pero meron kang ADD, attention deficit disorder. Kaya ka lang naman nagrarap, alam mo kung bakit? Ika'y kulang sa pansin. Mga linya ko, sumasabog, sa 'yo, kumakalansing. Dahil pagdating sa wika, ako ang artisano. Garantisado, gisado si Mr. Lizano. Uuwing tinalo at paralisado.

Hindi ka true hip hop, homeboy, wala kang alam, boy. Isa kang wannabe Am-boy na Eminem fanboy. Lumaking mom's boy, at tuwing gabi, callboy. Estudyante ka pala ng accountancy pero katangahan mo sa math ay legendary. Yung rapping skills mo, square root of negative one, imaginary. Feeling guwapo, ipapahiya ko for everyone to see. Mestizong rapper, sino ka? Si Bobby Andrew E? O baka si Carlos Agassi?

Round 2

BLKD

Oo, tama ka, scholar ako. Scholar ako ng UP dahil hindi ako bobo like you. Kinulang na nga sa melanin, kinulang pa sa IQ.

Kapareho ka lang ng ating bagong administrasyon. Adik sa giyera at armas, binalewala ang edukasyon. Kung akala mong mananalo ka sa sindak, utak mo'y pilipit, dahil hindi porke't bayolente ang linya, ito ay malupit. At kung gusto mong magrap nang brutal at patok, magpatutor ka muna kay Plazma't Apoc. At kung puro angas ka lang, better shut your mouth. Magyabang ka sa QC, 'wag dito sa South.

Baka hiwain ko lang ang iyong neck line gamit kalawanging bread knife ta's bubudburan ko yung sugat
ng tinadtad na lamang ng tahong, yung may red tide. Panis ka sa artistang mabangis pa kay Batista. Yung utak ko, makatao pero yung dila ko, pasista. 

Nung 8 Mile ka lang naman kasi naging battle rap fan. Yung obsession mo kay Em, mas masahol pa kay Stan. Si Ralph daw si Marshall, at si Sayadd si Slim. Kahit 'di ka magdye ng buhok, gaya-gaya ka pa rin. Isang buwan kang naghanda, 'yan lang ang kaya mo, pare ko? 'Pag kinain ko kuwaderno mo,
mas malupit pa'ng lirikong itatae ko.

Round 3

BLKD

Aminin mo, Sayadd, erpats ka na. meron ka nang baby. Porke't idol mo si Shady, nagmadali kang gumawa ng Hailie. At hindi ka OG, isa kang padre de pamilya. Hindi ka nagpapaputok ng bala, nagpaputok ka ng semilya. At huwag mo kaming himbilugin na habulin ka ng parak. Hindi ka nagbibitbit ng baril, nagbibitbit ka ng anak. 

Kung dismayado kang talo ka, maghamon ka na lang ulit. Huwag kang maghugas-kamay, tagahugas ka ng puwet. At magpakumbaba ka, huwag yung puro alibi. Kanta niya dito, gangsta rap. Kanta niya sa bahay, lullaby. Wala pang tiyak na hanapbuhay, gumawa na ng supling? Para lang makaraos, nagsasanla ka sa Tambunting? Pagdating sa family planning, marami naman sanang paraan. Huwag lang daw withdrawal, sabi ni misis, dahil mabilis siyang labasan.

Patunay lang ang labang 'to na hindi tayo patas. Umuwi ka na lang nang luhaan, at magtimpla ka na lang ng gatas.

Overtime

BLKD


Sayang, hindi ako naghanda ng OT kasi hindi na kailangan. Puwede pa ba mag-appeal? Hindi na 'to overtime. Ang tawag dito, overkill dahil Round 1 pa lang, tinalo na kita, tanungin mo sila. Ginawa kitang sahig, tinapakan lang kita. Ginawa kitang banig, tinulugan ka nila.

Dahil yung dila ko, si Saiha, matalim at nag-aapoy. Yung istilo mo, hindi ko maatim ang pangangamoy. Dahil yung istilo mong luma at bulok, mas mabaho pa sa burak. 'Pag ako nagrap, flip top, titiwarik ang iyong utak. 

Pagdating sa talino, yung utak natin parehong Rico. Yung sa 'kin puno, kaso yung sa 'yo, blangko. At next Father's Day, remind me if I forget to say, dahil sa araw na 'yan, babatiin kita ng Happy Motherfucker's Day.

Ayan, wala na 'kong masabi dahil wala na 'kong maisip, at wala pa 'kong nakakain kaya kain na lang sa mga kaibigan ko sa Kaingin.