October 4, 2012

Nilaga

Spolarium
by Eraserheads

Dumidilim ang paligid

May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba'pag nagsawa na ako
Bigla na lang ayoko na

At ngayon Di pa rin alam
Kung bat' tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Lumiwanag ang buwan
San Juan Di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang Sa 'king lalamunan

Ewan mo at ewan natin
Sinong may pakana?
At bakit ba Tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo?

At ngayon Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Umiyak ang umaga (hmm)
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa gintong salamin Di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura

Ewan mo at ewan natin
Sinong nagpakana?
At bakit ba tumilapon ang spolarium
Diyan sa paligid mo?

At ngayon Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Phil Games Journal 2

Nagustuhan ko ang Dr. Kwak-kwak
Hindi lang dahil sa ito’y masayang laruin
Namiss ko yung ganong paghawak
Sabay pilit kaming pagpuluputin
Hindi naman sa gusto mong mahawakan
Ang kamay ng cute sa klase
Pero hindi mo rin naman itatangging
Nangarap kang siya’y maging kakampi
Kahit nga pala dinamihan na namin ang pagsuot,
Paglundag, pagkapit at pagpulupot
Hindi ko pa rin mawari kung bakit
Parang sobrang daling sinagutan lang ang pagsusulit
Na aming inihanda sa nagvolunteer na mga taya
Kung ika’y sumubok, mahihirapan kaya?
Kung sa bagay okay na rin yun
Baka sakaling makapartner ka pa niya dahil dun
Namiss ko nga pala, kung aking babalikan
Ang mga naunang linya kanina
Noong bata ako’y nilaro sa aming palaruan
Kahit mataas ang araw, kahit pawis na pawis na
Sana’y malaro pa ito ng ibang klase,
Ng ibang bata, sa ibang panahon
Huwag sanang mamatay ang mga lumang laro
Nang ang kultura’y maiahon
Sa bawat tulak ng kasaysayan sa atin
Mamahalin at mamahalin pa rin ang orig sa atin

Nung Night and Day na ang binanggit ni Ma’am
Wala akong ideya sa kung anong mangyayari
Naglabas na siya ng tsinelas
Ang mangyayari’y di pa rin mawari
Hanggang sa inexplain na niya ang instructions
Na para bang matutuwa sa amin
Meron lang pala kaming dalawang options
Sa kung maisasalba ba ang buhay namin
At sa nalaman na nga namin ang gagawin
At ako’y hindi na mapakali
Sobrang nagtatalon ang puso ko
Para bang ang oras noo’y umikli
Hindi pa nga ibinabato’y nakababaliw na
Ano pa kaya kung bumagsak ang tsinelas?
Hala! Kami’y nagsitakbuhan na
Akala  mo’y hinahabol ng malas
Sobrang nakasisira talaga sa ulo
Ang ganitong uri ng mga laro
Kahit na anong gawin mong hula
Ang mata mo pa rin ang bahala
Kung aling direksyon ka tatakbo
Kung aling direksyon ka mabubuhay
Sakay ng tadhanang mapanghilakbot
Maabot ng bahagdan, ika’y mamamatay
Hinding-hindi ko makalilimutan ang larong ito
Nakahihilo, nakatutuliro, nakalilito

May I Touch Your Hand daw ang tawag
E iba naman talaga ang gusto naming
Ngalan ng larong nakabibihag
Ng atensyon, diwa at damdamin
Ang You and Me Against the World
Ay napagkasunduan ng marami
Kahit ano pang ipilit ni Ma’am
Iyon ang itatawag namin
Hindi lang dahil sa sobrang bagay talaga niya
Kundi dahil sa bagay talaga siya
At dahil bagay nga talaga siya
Edi ibinigay na namin sa kanya
Magkakahawak kamay ulit kami rito
Syempre, alam na naman ang agenda ng marami
Kikiligin na naman kapag natsambahan
Kapag kamay ng cute ang nahuli
Sa dalawang mundong binuo
Ng dalawang bilog; maliit at malaki
Simpleng bagay ang aming nilaro
Ngunit walang KJ ang namukod tangi
Pilit pa ngang halik na lang ang gawin
Instead of just reaching for each other’s hand
Ba’t di nagvolunteer? Halatang inggit
Edi sana’y kamay niya’y nahawakan
Kahit yung imahe lang na nag-aabutan kayo
Pangarap mo sana’y nagkatotoo


Kung Basket ng Prutas naman ang pag-uusapan
Baka wala na akong masabi
E pano ba naman, kahit na naintindihan
Mo na ang instructions na sinabi
Mababagalan pa rin ang utak mo
Kahit na nag-aaral pa kamo sa UP
Pagka nasa gitna ka na ng laro
Ang utak mo’y parang mayuyupi
Sa sobrang lag talaga ng dating niya sa amin
Para bang matataya ka nang walang alam
Kaya nga okay lang na natangang umamin
Mapatatawad ka naman ng karamihan
Dahil nga sa sobrang nakalilito
Ng larong ipinasok sa amin
Ngunit sa tuloy na pagdaloy naman nito
Unti-unti na kaming nagising
Sa katotohanang okay naman pala
Ang instructions ng Basket ng Prutas
Nabura na nang tuluyan ang akala
Na baka di na malaro at maubusan ng oras
Hanggang sa tuluy-tuloy na nga
Ang paglalaro namin
Wala nang natutulala’t nakanganga
Hindi na mataya ang layunin
Mabagal man sa simula
Kinakailangan pa ring humabol talaga

Piring Pair Pair ang nireport namin
At ilalagay ko rito sa journal
Hindi dahil sa ito ang report namin
Kundi dahil sa inenjoy ko naman ito nang walang utal
Tutal, astig naman talaga yung game
Na naisip ng aming kagrupo
Lois nga pala ang kanyang name
Naku, lagot kami kundi siya matalino
Creative, magaling, ang ganda ng kanyang naisip
Gamit lamang ang simpleng blindfold
Isang kakamping kailangang sumagip
Sa kakamping hindi niya maaaring ihold
Gamit ang kamay, no. Dapat boses
Challenge nga ng aming Piring Pair Pair
Magturo, sumigaw, tumulong nang ilang beses
Mahawakan na lahat, kamay, ulo, katawan, pati hair!
Suwerteng nagkaroon ako ng pagkakataon
Na malaro dahil sa kinulang
Ayaw ko pa noong masama sa mga kampon
Na kapwa pagtatawanan lamang
Ng mga reporter habang nanonood
Sa aming mga zombie na nalulunod
Sa kadilimang dulot ng blindfold
Masaya pa rin naman ang aming naihandog
Na laro sa aming mga kaklase
Naging okay naman ang aming huling pagbati

Salamat sa napakasayang sem Ma’am!!