Sampung minuto. May diyos, may halo. Ito na naman. Sandaling kakagyat, antabay lang sa tabi. Rakenrol ulit. Walang magulo. Malapit nang sumabog ang aking kalamnan, ang aking diwa. Saglit. Mukhang may mga gusto pang tumirada ng patibong pero bahala na, bahala na talaga.
Bathaluman ang tindig, sadyang ayaw patinag. Ako ang dakilang impostor na magpapakilalang malupit, walang patawad, at makailang ulit na magpapaalam. Hinding-hindi mo ako makikilala sa mga anyong aking ipakikita. Pumikit ka man upang duminig, kumulimlim man ang langit bilang gabay sa iyong mga walang hunos na pamamalakad. Ako lamang ang makikilala sa akin, ako lamang ang may kilala sa mundong iyong winawalang pasensya.
Sa alon ako'y tagumpay, sa agos, ako'y hindi may bisang pananggulo. Tuluy-tuloy ang tipo sa dulo ng mga alulod ng sikap at tadyak, sa mga walang bayag na biro ng tadhana. May tikling na naman ang aking pantabig, saka mo na haluin iyang pangalawa. Bukas pa kaya si Tiya? Ay siya. Mayroon pa akong baong ekstrang panggilid. Hayaan mong ako naman ang sumagot sa mga tanong mong kahapon mo pa dapat pinag-isipan.
Tagay ka pa.