Saan nga ba huling naipatong yung kuwaderno nating dalawa? Ngayon ko lamang siyang muling naalala. Ang tagal na noon ah? Marami-rami rin akong ibinakat na mga sipa ng ula't kubo roon. Nais ko sana siyang makitang muli, tulad ng napipinto kong pagbabalik sa lahat ng aking iminarka sa mapa ng kababawan.
Nakakainis at mukhang malabo nang luminaw ang lahat sa aking kitid. Malubhang malalim na't hindi na siguro kaya pang maibalik. Hinahanap ko rin yung malakas magpahanging manggas ng kapalaran. Hindi na rin iyon naibalik sa akin. Ipinapasilay ko lamang iyon sa tuwing aapuhap ang aya ng gantso at paghiga sa malamig na kalye.
Yung mga itinuring din sa iyo, naglaho na lamang na parang nilipat na malay. Hindi ko mapapansin hangga't walang sisimple ng banat. Maya-maya'y hindi na lamang iyon ang aking inaalala't hinihintay.
Mangyaring hindi ako marunong magpaalam sa mga bagay na walang pangalan. Kailan ba ako huling nakipagkaibigan? Hindi naman iyon madaling maisip para sa akin. Ako ma'y mahirap ding unawain, dalhin, at maalala. Kung sakali mang mawala ako sa isip ng bawat isa, sapat nang naipatong nang malabo ang aking pagturing na mamaalam.