Ako ma'y nagbibigay rin ng panahon kahit hindi hinahanapan. Kung magpumiglas pa'y dadako magpahanggang sa bahala na ang hangin sa akin, sa atin. Maraming tanong ang bigla na lamang sumipat nang hindi ka pa nakipagkataon sa akin. Ano pa nga ba't namamalagi pa rin ako sa daigdig na ito? Saka mo na lang ako tapatin kung kilala mo nang magpaalam sa iyong sarili.
Oo, oo na nga, ako rin ay nabubuhay sa mga palusot na araw-araw kong ibinubulong sa aking pamamayapa. Kung magkaroon man ng tutuligsa sa payapang nais na nais humalintulad sa'king mga tambad, pasya ko na rin sana ang parangal sa mga hindi iyo. Muli, paalam sa iyong sarili.
Sulit ang yumuko at humingi ng panibagong hangad. Hindi naman sinabing magaan sa pakiramdam ang mag-imbak ng bahong sumasampal din naman sa iyong araw-araw na pagbangon. Suwerte ang mga tunay na umiibig, maging nang kahit hindi sa sinisintang sinuyo, tungo rin sa mga kulay na madalang magbalik ng malasakit. Magbalik at patunayan, subukan nang magbukas. Paalam na, pakiusap, magpaalam ka na sa iyong sarili.