Paksiw na Ayungin
ni Jose F. Lacaba
Ganito ang pagkain
ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matirang tinik),
at ilapat sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
Saka mo
umpisahan ang laman.
Unti-unti lang, dahan-
dahan, at simutin nang
husto--kakaunti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan.
November 10, 2012
Sanaysay sa Tula ni Alejandro G. Abadilla
Sanaysay sa Tula
ni Alejandro G. Abadilla
Ang tula ay sining,
Iisa ang kanilang daigdig:
Ang daigdig ng mga kaluluwa.
Iisa ang kanilang kaharian:
Ang kaharian ng kagandahang mulala at
walang malay
Sa kanilang sarili-
Sila na mga matang may pananaw sa dilim,
Sa karimlang mahiwaga,
Sa rurok-lalim ng karimlan.
Iisa ang kanilang kaharian:
Ang kaharian ng kagandahang mulala at
walang maliw-
Ang kapangyarihan ng Bathalang nasa tao.
Ang tula ay sining:
Ang katauhang nagbalik sa dati niyang sarili:
Sa sarili niyang dumarama lamang,
Sa sarili niyang nagmamatuwid,
Sa sarili niyang daigdig ng karurukan,
Sa kaharian ng Bathala.

Masuwerte ang mga Baka ni Romulo Baquiran
Masuwerte ang mga Baka
ni Romulo Baquiran
Mas'werte ang mga baka, kapiling nila ang parang
Na binubughan ng simoy ng langit ng bughaw.
Kalaro ng langgam, tipaklong, at paruparo;
Nasa lilim ng bituin ng tulog na mundo.
Ligtas sa buwis na kamkam ng estadong baka,
Ligtas sa tsismis ng pintasero't mahadera.
Di kailangang ang mga tainga'y magpanting
Sa walang kawawaang pag-unga o pasaring.
Di kailangang itong dugong baka'y dumanak
Kapag harapang nagtaksil ang sintang kabiyak.
Di kailangang makibaka sa pagtataguyod
Ng kamalayang hidwa ng nasa ibang bakod.
At kapag nadudumi o kapag naiihi
Wala nang kube-kubeta't paglalabas ng ari.
Higit sa lahat, sakaling kumulo ang tiyan
Puwede nang nguyain ang higaang damuhan.
Kaya sa timbang ng buhay na buntonghininga
Sadya... sadyang masuwerte ang mga baka.

Paghabol ng Dyip ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Paghabol ng Dyip
ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Muli'y sinusian akong tila relos
ng umaga--
kamay at paang humaplit
sa patak-patak na tubig,
walang pangalang pagsusuot
ng kaninumang damit,
saka kapeng iginigiit
sa pagitan ng suklay at lipistik.
Nagkakandado ako ng pinto
sa bawat pag-alis,
umaalpas ang gunita
kahit sa nakasarang bintana,
hindi pa ako nakalalayo'y
naniningil na ang kalendaryo.
Sinususian akong tila relos ng umaga:
isip at damdaming humahabol ng dyip
sa kanto ng mga saglit,
katawang tumatawad sa presyo
ng mga minuto--
sa pagitan ng mga tambutso,
walang kasarian si Bernardo Carpio.
ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Muli'y sinusian akong tila relos
ng umaga--
kamay at paang humaplit
sa patak-patak na tubig,
walang pangalang pagsusuot
ng kaninumang damit,
saka kapeng iginigiit
sa pagitan ng suklay at lipistik.
Nagkakandado ako ng pinto
sa bawat pag-alis,
umaalpas ang gunita
kahit sa nakasarang bintana,
hindi pa ako nakalalayo'y
naniningil na ang kalendaryo.
Sinususian akong tila relos ng umaga:
isip at damdaming humahabol ng dyip
sa kanto ng mga saglit,
katawang tumatawad sa presyo
ng mga minuto--
sa pagitan ng mga tambutso,
walang kasarian si Bernardo Carpio.
Kasunduan ni Vivian N. Limpin
Kasunduan
ni Vivian N. Limpin
Ang iyong package deal ay buo kong tinatanggap.
Kasama ng ina, yakap ko na pati anak.
Ang luto, linis, laba'y gagampanan kong lahat.
Kayo ang pamilya ko hanggang sa hinaharap.
Ayusin natin ang mga usapin ng pera,
Pag-usapan ang mga pambahay na pasiya.
Subaybayan natin ang pag-aaral ni Maya,
Ihahatid-sundo ko pa s'ya sa eskuwela.
Eestimahin ko'ng ama n'ya tuwing dadalaw.
Kapag humiling ang in-laws mo ay pagbibigyan.
Kahit isama ako sa mga pasyal-pasyal,
Ako ang kukuha ng iyong mga larawan.
Ako'ng iyong kasama, kaagapay, kakampi.
Ang katuwang mong ilaw, umaga hanggang gabi.

Sa Poetry ni Rolando Tinio
Sa Poetry
ni Rolando Tinio
Sa poetry, you let things take shape,
Para bang nagpapatulo ng isperma sa tubig,
You start siyempre with memories,
'Yung medyo malagkit, kahit mais,
Na mais: love lost, dead dreams,
Rotten silences, and all
Manner of mourning basta't murder.
Papatak 'yan sa papel, ano. Parang pait,
Kakagat ang typewriter keys.
You sit up like the mother of anxieties.
Worried na worried hanggang magsalakip
Ang odds and ends ng inamag mong pag-ibig.
Jigsaw puzzle. Kung minsan, everything fits.
Pero sige ang pasada ng images
Hanggang makuha perfectly ang trick.
At parang amateur magician kang bilib
Sa sleight-of-hand na pinapraktis:
Nagsilid ng hangin sa buslo, dumukot,
By golly, see what you've got -
Bouquet of African daisies,
Kabit-kabit na kerchief,
Kung suwerte pa, a couple of pigeons,
Huhulagpos, be-blend sa katernong horizon,
You can't say na kung saan hahapon.

Subscribe to:
Posts (Atom)