Showing posts with label no erasures. Show all posts
Showing posts with label no erasures. Show all posts

27 December 2024

thuds

i should just die on a table
working my ass off as always
on something not important
yet isn't a waste of time for me.
my heart would stop ticking,
i'd just collapse just then and there.
no one would be the sole suspect
but my own selfish habits.

it's not that i don't care at all,
but it would be pleasant for me
if i should just die on a table
and let me rest my deeds.

deathbed

kung gusto ko talagang maramdaman
ang labis-labis na kalungkutan,
ipadadama ko itong may pagdamay
kahit hindi ko inaasahan.
matatakot ang lahat sa aking lagay,
matagal ko na ring inasahan.
iibigin ko na lamang mamatay
nang matapos na ang aking laban

sa sarili, sa hinaharap,
sa mga kulay at nalalanghap,
sa mga paborito kong ulam at tv,
sa mga araw at mga ulap,
sa ulan, sa bagyo,
sa matinding sakit ng ulo.
lahat-lahat ay aking maaalala
ngunit hindi ni isang kuwento.

kung gusto ko talagang maramdaman
ang lahat-lahat ng kalungkutan,
ibigay niyo na lang sa akin
ang natitira kong kahilingan.

oh please!

ang ulan ay dumadating
gaya ng paso ng sabaw na higop.
hindi mo pa rin akalain
maski pang pansin ang pag-usok.
ayaw pauto sa kulimlim,
umaasang sa tsamba pa rin ang palad.
magagalit 'pag niyanig,
matutuwa 'pag tinupad.

hindi pansin ang pagmanipula
sa sariling pinapansin
ang pagmamanipula.
hindi na mamanipula ang sariling
minamanipula lamang ng pansin.

darating pa rin ang ulan,
manipulahin man o hindi.
ang tsamba ay traydor,
walang-wala kang ganti.

rotting

umiiksing lalo
ang kalsadang dinaraanan.
bawat ilang ulit na pagsaidsid,
ilang hibla rin ang napaparam.
tila may nabuburang landas
kahit pa hindi naman nabawasan.
biglang may nawawalang oras
kahit mga sasakya'y dagdagan.

babalik at uuwi,
aalis nang walang paalam.
umiksi nang lalo
ang kalsadang dinaanan.

sapot-sari

sino ba ang unang nagsabi ng tama,
at sino ang kanyang unang kausap?
saan sila unang nanahimik
nang matapyasan ang bawat ulat
bago pa sumambulat sa mga kalbo
na walang ibang ginawa
kundi alatan ang tiwala?

ano ang kanilang ibig,
maging mga ayaw?
paanong sumayad ng pagtahi
ng mga kurong 'di paagaw?

bakit kailangang magtimpi't
isukdol ang paghihintay
ng kung gaanong kawalang saysay
mga tinipid at pilipit na pangulay?

kailan ba silang titigil,
kailan ba 'kong matatakot?
kailan bang magsisilbing agiw
aking mga panggap na sapot?

amazed

i saw you
in my dreams last night,
but you didn't know
who i was.
i tried to yell out
your name,
but nothing ever came out.
i never tried to shift my gaze,
nor looked at remaining seconds.
walking slowly seemed pointless
but when did i ever have choices?

the pit walls grew steady,
hinting of no escape.
but all i ever wanted to
was never be too late.

as i succumbed my tomorrow
towards something older than time,
spider strings pulled us closer
like we've got nowhere else to hide.

i yelled, once again,
your breath out my lungs.
the moment you saw my tear
was the moment you were gone.

let them come

just let it go,
and see where it goes.

let your mind flow,
fake endless shows,
make moments grow
into something
that no one knows.

you owe no one
no nothing,
don't mind them.
you've got no other
lame faces, don't bother.
these races don't seem
no nothing but simpler
and simpler sane cases.

but you don't wanna style
with that, do ya?

make your heart speak
right through you.
do nothing and panic.
'di mo makakabig
nang agaran ang himig
'pagkat ang ibig mo'y halang,
wala kang ibig sa iwang
pilit na sinalansan
at binalik-balikan.

siyang pagdaloy ng diwa
saka na abutang may hiwa,
baka lumutang nang 'di na
makabawi pang linya.

it's on you, siyang bida.
tingnan mo't pakawalan na.

happy birthday

ang aking kaarawan
ay siya ring kamatayan
na ikaw lamang ang tanging
ikinamumuhi, bilang ganti siguro
sa akin ng kung sino na naman,
nagmula pa rin sa iyo.

sa akala mo'y
nanggagaling lang talaga
sa iyo ang lahat,
pati aking mga panabla,
pati aking mga akala,
hanggang laging mawala na
nang padaplis-daplis,

iyong muli pang sisindihan,
titindihan; sasandali
saka biglang hihigitan,
mas bibigatan
mga pagkukumpisal.

iba ang dapat manapos
na panambitan.

magliliwanag muli sa dilim
habang nalilimot ang awit
galing sa kimkim.

nauna nang mamanaw
pagsikat pang isa ng araw.

01 November 2024

palebound

kumaway akong pabalik
habang naglalakad palapit.
nang malapit nang tumagpo,
napansing sa iba pala
ang salubong na baling.
ibinabang kaagad ang kaway
bago pa tumagos sa kabila,

at paglampas ay kumumpas
ng aking baling pabalik.

mag-isa lang pala ako.

05 July 2024

maybe next time

nagwawalis ako bago magsulat.
ganun ka rin ba? may kung ano
na hindi makapagpigil sa aking
pumipigil sa akin, pigilan man.

uumpisahan ko 'yan, mula pa
sa kaliwa patungong kanan,
habang paisa-isa ring namumulot
ng mga hindi nasasalo ng tambo.
hindi naman sa pagtatampo pero
ganun lang talaga siguro sa 'pag
inasahang pagkaisang dakot ko,
dapat ay matapos na, may ilang
din kasi ako sa ilang paulit-ulit
na pagbalik pa. kung babalik na,
'wag sanang babalik pa, kahit
kung baliktarin ko pa, tadtad
sa 'king may asar sa bakit hindi
pa rin tsumamba,

'pagkat kung sa bilog ng pagbalik,
may libog na nauulit, sambuwang
makapagpigil ang sambuwang 'di
makapagpigil sa bilugang pag-ibig,

at kung ibig pa na manumbalik,
ibig ko ring walang sabit, kung
sa pagbalik ko sa pagsulat, 'pag
bumalik ay sambit na wala nang
pagsabit. isang bitaw sa walis,
at sa isang buwan na mag-uulit.

04 July 2024

eepy

this coffee smells like popcorn,
a setup reminding me of home.
i could just express less, not
as logical, but kinda, too. I can
never escape, not too eternity,
though, 'cause i eager too fast,
which won't ever last still, still,
i'd rather say something poetic,
than say something unreal. we
should all just be honest, untake
glamours of past deals. pretend
nothing is utterly wasted, no-
thing is entirely sealed.

this coffee might smell like pop-
corn, or rather a taste somewhere
special. i've never, ever wasted
such, for every infinite's sake,
and until the end of forever, i
shall make all my mind breaks.

30 June 2024

unreleased

we're not really having this
conversation, these thoughts.
everything is just merely
floating through territorial
space as letters, as symbols,
as sounds never truly having
meant anything. it is still
a wonder how violence and
chaos can actually feel calm,
normal, and at their very best
state, underwhelming.

preparing for something big
isn't anything we've all
hoped for. every day doesn't
have to be always at stake.
coffee burns your tongue
while making uneven pale
pancakes for trying to wake
your sorry-ass self up, on
every sunset, making up
the tiniest excuses to not
recognize important any
longer, 'cause there simply
is not. nothing. at all.

once acceptance of lazy
is as needed as it does not
matter whether milk or water
gets set up by chance,

we're not really having this
conversation, try to wake up
your sorry ass.

29 June 2024

chesterfield

magmamadaling-araw na't
malapit nang matapos
ang siya na pagsasadula
ng paboritong pelikula.
hindi naman talaga sinadya,
kahit may pasundut-sundot
ng subtitles na maaaring
iwanang screenshot kapag
nagkataon, ipinapalusot
na lamang na nagkapareho
lang naman talaga ng inibig.

magsasabay ang iba, sabay
rin sa isa. ang padilim ay
pagkikita-kita, mula pang
hapon hanggang sa umaga.

hindi naman problema
sakali ang pagpapahiram
ng mga amoy. mahalaga'y
'di nag-uulit, papayagan
lamang ang mga umano'y
nagbibigkis sa ating lahat,

pagsasayang pagsasayang,
unti-unti nang bumabakat.

28 June 2024

go ahead

sino ba ang nagdikta na ang paghilig
ay iisa laban sa nag-iisa, na kung 
bakit ipinupursigi pang nanganga-
ilangan munang mayroong mahinto't
magmura mula pa sa kaibuturan niya,
na kung hindi niya pa maipagtanggol
ang lahat ng kanyang kinabisa, mag-
mimistula siyang tanga, napag-isip-
isip niya. napag-isip-isip mo ba?

na ang tunay na halimuyak ay hihigit
pa sa isang heated na hidwaan, heavy
machine guns, helly sharingans, hail
mary, forgive us, for we still do not
understand we can always understand,

na ang pait ay rekadong panlinamnam
nga naman sa danas, pero 'wag naman
sanang sigurado na natatangi lamang
ang 'yong wild ass 'cause the truth 
of letting everyone enjoy as much as
how painful one can over-bear, may
matitira pa ring nagpapayong every-
thing else shall fail,

never na siyang makikitapak ng base.

27 June 2024

do not wake me up

sobrang sinadya yatang tagalan
na mag-adjust para lang masabi
talaga na gising na gising. may
umagaw na naman siguro, kahit
hindi naman sinadya, ng tuma-
takbong pampalipas-oras, ubod
ng kupad sa umpisa kaya't

madali ring nalilimot kung sa'n
pa nga bang nanggaling, sunod
sa paroonan. bakit lagi na lang
balot ng kaba at pigilan ng
mga babawal kung saan punung-
puno ng mga pupuwede, pero
depende pa rin pala

kung sanay mailagi sa tahimik.

pipiliin bang hayaan na lang
ang may mamili, o hahayaang
'di mamilit, piliting muli na
managinip?

26 June 2024

paumanhing panauhin

mayroong pangunang pagkapang
walang makakaalam maski ang
bagong-gising. sa pangalawa'y
may pagdududa na't kukurot,
pipigaan, maghahanap na ng
tubig, kape, milo, at ipanghahalo
na sachet sa mainit na tubig.

hindi nawa makakamit ang langit
nang hindi nakaibabaw ang isa
sa mga kalbong pinagpatungan
ng tugtugan kinagabihan, sa pag-
pang-abot ng mga hindi kinilalang
mga magulang, bakit kami yung
magkukulang? hindi naman kami
yung nagpalaki sa amin? tsaka,
isa pa, bakit sa isang tuldok na
pangnakalipas, iyon at iyon lang
ang tanging sambit at siwalat, 

na para bang kahit makauwi nang
muli sa tahanan, sa naiwang bakas
ng pagpaalam, ilang ulit man na
magkunwaring hindi hibang,
sa pagkamata'y iba na lang, kung
magsisimula, pasensya na lang,
at walang pasensyang pakialam.

25 June 2024

tsaa

pauso'y nag-aabang, tila bunsong
kasisilang lang. wala nang natitira
pang kakilala, iisa lang. walang 'ya,
puro tapon, puro sermong hindi
naipapasok, at paulit-ulit na gabi-
gabing paglabas-masok hanggang
sa, at some point, mapapatanong
na lang talaga agad-agaran sa sarili,

isa pa ba? bakit umisa pa kasi?
mabilis lang, mabilis lang, mag-
ooras na pati malapit nang may
kumulo't kumidlat, kumulog sa
badyang pagkaiglap ng binubuo
na palang mga alaala. hindi pala
dapat na nakapagtataka.

umisa pa. umisa na. umisa pa kasi.

24 June 2024

taympers

biglang hindi ko na pala
alam ang nangyayari. bakit
nga ba pa kasi ako ulit naan-
dirito? 'tang inang 'yan.
putang ina kasi. fucking shit.

wala na, wala na naman.
sobrang bilis lang pala no'n?

ano ba dapat ang una ko
nang gagawin? e, nandun na
ang lahat ng mga una kong
gagawin. ngayon lang ako
nagkaganito na naubusan
ng gagawin, at sino ba sila?

nakikilala raw ng isa. alam
niya kaya ang gagawin? sa'n
ka pupunta? dapat ba akong
sumunod? masunod? never
mind. wala na rin pala akong
nakabisado. bobo talaga.

kailangan ko na lang muna
sigurong tumanggap ng talo,
alam ko, alam ko. kabisado
ko na pala 'to. isang buntong-
hininga ko lang, pipikit, isang
saglit, iiwanan ang mundo.

23 June 2024

do your job

kahit pa sa dulo maipuwesto,
yari 'yang tanong mong
sinadya lang namang pag-
isipan pa kagabi, or kanina,
or baka ilang taon mo nang
ginagamit, nagagamit, dahil
hindi nauunawaang umiikot
naman talaga ang mundo,
at hindi sa 'yo, kahit ano pa
ang sabihin nila, sa iba't iba
na mga kuwento nila, sino
ba sila sa sino ka rin ba?

yari 'yang galit mong
walang pinagbabasehan
kung hindi kawalan lang
ng totoong pagtigil at paki-
kinig — lahat ng malabo'y
hindi dapat ismid at patabi
ang panunghay. e, kaya nga't

kahit pa sa dulo maipuwesto,
yari ang hinahanap ng lahat.

22 June 2024

storm

sige, paalam. salamat, salamat.
walang anuman, haha. 'la 'yon,
sus. 'wag mo nang isipin 'yon.
ako na, sige. sige, sige, sige.

oh, yeah, right. i should do that.
i'll work on it later. i will, yes.
i'm already working on it right
now. ako bahala. mamaya na.

gutom na 'ko. anong masarap?
jollibee? two-piece chickenjoy.
malutong na balat, yung medyo
nagmamantika pa. ganun din
miminsan sa ministop, sa uncle
john's. sa dixie's, may tofu sisig.
wala na yung chef na maraming
maglagay ng mayonnaise. saan
na kaya siya? saan na kaya siya
nagluluto?

gusto ko nang mag-aral magluto.
kaso parang nakakatamad lang
din pala. tsaka baka mas mahal?
baka hindi na naman ako maka-
ipon. may mga gusto pa akong
bilhin, at pagkagastusan. kung 
nabibili lang din sana ang oras.
ilang oras na ba ang nakalipas?

ilang minuto, ilang segundo,
ilang araw ko bang kakayanin
na manatili pa rito? palagi ko
palang hinahanap na ang mga
minsan. kailan ba silang muli
na dadalas? anong oras na, at
anong oras na naman ako
maaalimpungatan mamaya?

magkukumot na lang ako,
tapos pagpapawisan na naman.
nakatutok naman sa akin lagi
ang electric fan. bukas na ako
magwawalis. mamaya na,
mga, siguro, ten thirty, para
sakto maski papa'no. merong
bubuksan, isasara. bubuksan
ulit, magsasara. bubukas,
makakalimot, magtataka,
matatakot, mabubugnot,
magbubukas, magsasara,
bubuksan ulit, magbubukas
ulit, may bubuksan pa, ipag-
papabukas ko na. bukas na.
may bukas pa. may bukas
pa naman. may bukas pa
naman 'di ba? bukas niya
pa naman kailangan, 'di ba?

10:39.

mamayang 10:45, pramis.