BLKD
Unang round mo pa lang, alam ko nang akin ang panalo. Ba't hinahanapan mo 'ko ng kanta, nasa song writing contest ba tayo?
Isang buwan kang naghanda para sa araw na 'to pero isang buwan ka lang naman para sa araw na 'to dahil sisikat ka lang naman dahil sa 'king liwanag na humawa. Puwes, lalamunin ko lang 'yang isang buwan mo, bakunawa. Kaya takbo, takbo! Kapag may topak 'to, tiyak lahat, paplakda. Parang Machiavelli, hindi ako weak, kahit isang linggo lang maghanda.
Ano, Gin, kaya pa? Baka napasubo ka lang. Chinecheck ko lang. Baka gusto niyang sumuko na lang kasi nakapagtataka, ano nga kayang tinira nitong bagets na 'to, at naisipan niyang may tsansa siya sa tournament na 'to? Nang ako agad ang makatapat, siya'y napamurang gigil. Ano ba 'yang balat mo sa puwet, korteng pusang itim?
Kasi ang malas mo, ang malas-malas-malas mo dahil hindi ka lang bagito, isang kang bobong batukan. Ni hindi ka tatapat sa mga tinalo ko nung ako yung baguhan. Si Shehyee? Pandidilatan ka lang no'n, at tatarayan nang bongga. Idadamay iyong nanay, at imaginary mong nobya. Si Mel Christ? Raratratin ka lang no'n ng panlalait para mapasama ka. Sisigaw-sigawan ka, may piyok pang kasama. Si Sayadd naman, balang wika'y halang. Tangkaing palagan, mabibitay ka lang. Ganito ang flow, ang tanong, why naman? Kasi 'yang sulat mo ay pangfreestyle niya lang.
At ako? Ako ang pantas na matatas kaya 'wag mo 'kong susubukan. Ako ang bangungot ni Freddy Krueger kaya 'wag niyo 'kong tutulugan. Ako'y walang kapares parang guwantes ni MJ. Hindi mo 'ko maaabot parang fade away ni MJ. Bukambibig, nakamamatay, daig ko pa ang nagka-SARS. Nakakatawang ikaw 'tong Gin pero ako ang mas kilala sa bars.
Kaya sa lugar na 'to, at sa istilong 'to, dayuhan ka pa, Gin. 'Wag kang mag-astang mayor sa Maynila, 'wag kang maglalim. Sabi ko, 'wag kang mag-astang mayor sa Maynila, 'wag kang magla-Lim!
Round 2
BLKD
Lahat ng lait niya sa aktibismo, gasgas nang banggitin. Nakakatawang may gin sa originality pero walang originality si Gin. Puwede namang mag-ulit ng anggulo, basta yung bars, hindi basic. Yung sa 'yo kasi sobrang predictable, ano bang apelido mo, Gin? Neric?
Round 2
BLKD
Lahat ng lait niya sa aktibismo, gasgas nang banggitin. Nakakatawang may gin sa originality pero walang originality si Gin. Puwede namang mag-ulit ng anggulo, basta yung bars, hindi basic. Yung sa 'yo kasi sobrang predictable, ano bang apelido mo, Gin? Neric?
I don't judge books by their covers kaso minsan, covers don't lie. Ikaw, literally, figuratively, hindi mo 'ko abot, go try. 'Di ka na lalampas sa basic, kahit mag-aral ng ComSci. Sa liit mong 'yan, obvious nang family tree niyo, bonsai. Pero siyempre, joke lang 'yon, katuwaang pantusta. Sabihin nating giveaway sa ibang judge na baka hirap sa paghusga.
Hindi ako gano'n kajudgmental. In fact, I never underestimate. Buti pa kuwentuhan ko na lang kayo ng pangmamatang dapat ihate. Alam niyo ba kung ba't isa lang ang laban niyan? Sa Manila pa? Kasi 'ika niya, heavyweights lang ng Maynila ang kaliga niya. Iniwan niya raw ang Mindanao 'cause he can't make a name there. Hindi daw siya swak sa kanyang division so he didn't want to remain there.
Totoo? Feeling mo, magaling ka pa kina Blackleaf, Rudic, G-Spot, at Maxford? Mahiya ka sa balat mo! Tumingin ka sa salamin, face the truth, literal na mahiya ka sa balat mo! Ang kapal mo, at hindi lang sa pagiging artist. Literal na makapal 'yang mukhang mong kutis-Marty's. At eto pa, ultimo mga kagrupo niya, iniwan niya. Hindi na niya binibigyang-pansin, kahit konti. Iniisnob na niya ang Speech kasi hindi daw dope e. You're so wrong, pre.
Kaya may basbas nila ang pagbangga ko sa 'yo, pagbody bag, at pagbaon. Wala akong paki kung sa'n ka nagmula, at kung tagasaan ka na ngayon. Taga-QC na raw siya! Welcome home, bulol. Taga-QC rin ako! Tagaquality control. Sanay ka naman sa ganyang feeling, 'di ba? 'Yang pamatay excitement? Isipin mo na lang, roller coaster 'tong may height requirement kasi ito'y tournament ng mga deserving, tumabi ka muna, at bago ka mangmaliit, lumaki ka muna.
Round 3
BLKD
Kailanma'y 'di ko inangking ako ang future of hip hop. You have NothingElse to blame. Hindi kasi ako katulad ng mga idolo niyong lahat ng titulo, self-proclaimed. Pero guilty rin naman ako, sa pagkukumpara sa 'king sarili sa mga mahuhusay pero tinitiyak kong merong kahit bakas ng pagkatunay. Hindi ako kasinggaling ni Rakim pero pareho kaming naninindigan sa pag-aangat ng hip hop, lampas pa sa paastigan.
E eto? Siya daw ang Filipino version ni Pat Stay, palakpakan. Ang tanong: Saan banda? Nacucurious ako kasi bilang long time Pat Stay fan, naiinsulto ako. 'Di tulad ng kanya, yung content mo, walang structure. Walang hugis, bro. Yung flow at delivery mo, hindi smooth, parang kutis mo. At 'yang boses mo, makabasag-eardrums. Hindi ka mukhang Pat Stay, mukha kang patweetums.
Kaya nga hindi ako bumilib nung unang laban ni punggok. Puro litanya, puro sermon, nakalimutan nang sumuntok. Nagpapakaconscious. Ako pa nga yata ang balak niyang iplease. Feeling mo, hindi ka kabilang sa mga inirereklamo mong wack emcees? Nagger, please!
Ang panata ng tunay na conscious: isip, salita, galaw. Kaya kung hanggang salita ka lang, you can't rep Davao. Kaya 'wag mo 'kong simulan ng beef, chicken lang sa 'kin ang mambaboy. Sanay akong mangaso ng mga tulad mong tupang palaboy. 'Tong mga saling-pusa sa liga, puwede bang pakiban? Walang lugar ang alagang bakuran sa gubat kong kaharian. In other words, sa vet ka lang. Nakakatawang ikaw ang Gin, pero battles ko ang pambasag, pet ka lang. Ako'y may braso ng oso, panga ng pating, at kamandag ng viper. Sa malapitan, ako'y tesla coil, sa malayua'y, ripleng sniper. Ako'y may liksi ng cheetah, sipag ng kalabaw, at asinta ng lawin. Supercomputer aking isip, black box ang damdamin. Kaya ang panonood sa 'king bumattle, ibang thrill 'yon. Ako'y halong halimaw at makina, Evangelion.
Pero 'wag na kayong magtaka kung atake ko, parang iba. Pang-FlipTop ang stratehiya ko, sa Isabuhay, taktika. Kaya kung napasobra sa physical jokes ang aking pagbira, gusto ko lang ipamukha sa 'yong
shortcut lang kita.
shortcut lang kita.