Sa puhunan mong alaala, panay pa rin ang pagtatago ng iyong pagdidiing marapat lamang na hindi o sana'y makilala. Galit na galit sa mga huwad na tumitipa lang naman kung makarinig ng distansyang alok na hindi matatanggihan. Hindi maitatanggi mula sa kanilang mga sarili, hindi rin maitatanggi maging ng kanilang mga iniidolong kaaway. Muling magpapakilala sa anyong hindi gamay ang wika ng mga rebultong hindi naman sila binibigyang-imik. Kung sa bagay, ano ba sa tigre ang mapagkubling bubwit?
Sa mga sulok ng mga kinakalawang na alambre at basag na mga salamin, mangangamoy de rima ang ipinagkakaloob sa makakaaninag. Kakaunti lamang ang makakikita ng totoo 'pagkat ang paumpisa'y may hilig pa ring sumisid. Mas madaling palakpakan ang bawat sambit na nakapagpaparaya ng damdamin. Doon na lamang tumitigil, umiikot, tumitili, nagpapatihulog ang malalakas sumamba sa mga tumitirang hindi pa nalalaman nang wasto ang pinapasinayaang larawan.
Sa hiya, hindi nauubusan ang mga siyang nagpapahinga rin. Atat na mag-iipon ng mahahalagang kuno, at magtatago dahil sa kamalayang ukol sa balyahang pandigmaan dahil sa pagkakataong mag-umpisa nang biglaan ang sigawan ng mga palasak at gumaganti, lahat ng mga itinapong makabuluhan ay kusang magbabalik, iaangat, at lilitaw. Makikilala ng mga makina ang pagkagaspang muli ng kanilang mga ulirat, magkakaroon nang muli ng liwanag sa kadiliman ng usok at tanso, at makakikita nang muli ang mga isinasaisip lamang ng mga nasa tuktok.