Para sa'yo yung image. Wala lang. Kababasa ko lang ng 485. Nagkabanggaan na naman ang Chidori ni Sasuke at Rasengan ni Naruto. Hindi mabagu-bago ni Naruto ang kagustuhang paghihiganti ni Sasuke sa Konoha, para raw masabing nabuhay na ulit ang angkan nila. Bakla talaga.
~
5:30 ako dumating sa aking pagkalupit-lupit na puwesto. Umupo na ako at ibinaba na aking bag na may lamang laptop, PSP, dalawang wallet na naglalaman ng pamasahe ko, notebook sa Finite, mouse, mousepad, charger ng laptop at project namin sa Humanities. Hindi ko alam kung bakit kinaya kong dalhin ang bag kong iyon habang naglalakad sa kadiliman ng madaling araw sa Taft Avenue, alam kong madali akong manakawan dahil sa backpack ang dala ko at wala akong ibang gamit sa bulsa kundi itim na ballpen at puting panyo. Siguro sobrang suwerte ko lang talaga at hindi na ako nanakawan. 5:56 ka nang dumating pero hindi naman ako nainip sa paghihintay sa pagtapak mo sa hagdanan dahil sa may ginagawa akong kakaiba, biro lang, nagbabasa lang ako ng Book 1. Pagdating mo, pinatay ko na ang ilaw at nagsimula na ang kasiyahan. Siyempre una nating ginawa ang pumunta sa maliwanag na lugar, sa tapat ng mga bintanang nasa harap ng ating homeroom. Pag-upo natin, nag-usap lang tayo nang nag-usap hanggang sa dumating na ang iba nating mga kaklase, hanggang sa dumating na rin ang susi ng kuwarto, hanggang sa pumasok na tayo sa homeroom. Masaya na akong nasolo kita sa pag-uusap kahit na alam kong hindi ako kadalasang nagsasalita, alam mo na siguro yon. Nauna nga pala akong pumasok sa homeroom at inisip na ipikit ang aking mga mata. Paggising ko, akala ko'y magsisimula na ng test sapagkat labinlimang minuto na ang nakalipas ngunit kakaunti pa rin ang mga tao sa silid. Inisip ko na lamang na siguro'y hinihintay pa nila si Ma'am. Ipinatong kong muli ang aking ulo sa aking lamesa at ipinikit ulit ang aking mga mata. Paggising ko'y kakaunti pa rin ang mga tao at hindi pa rin nagsisimula ang aming huling pagsusulit sa Masci. Aba, mukhang pinapabagal pa ng panahon, inisip ko na lamang na um-attend sila ng mass dahil sinabi mo kaninang nakita mo ang pari. Sa wakas, sa aking ikatlong paggising, nakita ko ang isang gurong hindi kami pinanghahawakan nang taong (year) iyon, ipinahihiwatig lamang na may malubhang sakit si Ma'am, tinatamad pumasok o kaya ay may pinuntahang meeting. Sa tingin ko ay yung pangalawa, joke lang. Hindi naman naging ganoon kahirap ang aming test sa Finite Math. Hindi ko nga lang sinagutan ang huling problema pero alam kong sigurado ako sa lahat ng mga naunang problema. Sumunod na mga tests ay Humanities na sa tingin ko nama'y aabot ako sa kalahati at Adchem na sa tingin ko'y hindi ko nasagutan hanggang kalahati. Pinakamalupit na pagsusulit namin kanina ay yung sa French. Alam kong nasabi ko na ito dating pati ang instructions namin sa test na iyon ay nasa language na French. Himala pa ngang may mga nasagutan akong parte ng papel at hindi na rin siguro ako magtataka sa mga blanko kong mga sagot, hindi rin kasi maintindihan ng mga kaklase ko ang ibang mga panuto at tinatamad na kaming puntahan si ma'am pineda para magtanong, ganoon talaga ang feeling pag huling test mo na. Pagkatapos ng lahat ng test, naghintay kami sa magiging desisyon ni Malou, ni Bernadyn at ng iba pang mga tao. Alam kong kailangan mong umuwi nang maaga, hindi na tayo makakapag-enjoy pero makakapagsabay pa rin tayo pauwi - iyon ang inakala natin. Hindi pa man natatapos ang shooting ng project natin sa English, nauna na tayong pumunta sa SM. Matapos ang sobrang maikling pagpapasya, napag-isipan na lamang ng grupong kumain sa food court. Alam kong libre ni Bernadyn girl ang lunch namin para sa araw na iyon kaya medyo nilubos ko na. Nakakain naman tayo ng masarap na mga pagkain at nakapagbiruan, tawanan pa sa hapag. Pagkatapos uminom ng royal + coke zero (lasang royal pa rin siya, swear) at makapagpasalamat kay Bernadyn girl, nauna na tayong dalawa pabalik ng school. Pagdating ng paaralan, sinabi mong hindi na tayo makakapagsabay. Nalungkot naman ako sa aking narinig pero wala rin akong magagawa, hindi ka na maagang makakauwi pag nagsabay pa tayo at kailangan ka nang makasama ng iyong ina. Matapos nating yakaping pagkahigpit-higpit ang isa't isa, nagsabay na tayong naglakad hanggang pagtawid. Sinabi kong mag-LRT ka na para hindi ka ma-traffic. Umuwi akong hindi ka katabi ng araw na ito.
uhm, ganito magkuwento pag gusto mong walang naiintindihan ang mambabasa. madali lamang makapagsusulat sa ganitong paraan kapag bangag ka at katatapos mo lamang kumain ng dalawang sugo at hindi mainit na pancit canton.
uhm, ganito magkuwento pag gusto mong walang naiintindihan ang mambabasa. madali lamang makapagsusulat sa ganitong paraan kapag bangag ka at katatapos mo lamang kumain ng dalawang sugo at hindi mainit na pancit canton.