Sabi nung isa ko'ng prof, may dalawang uri ng taong hinding-hindi kayang magsinungaling. Yung isa, yung lasing. Yung isa naman, yung in love. Paano pa yung lasing na in love? Pero minsan kasi, 'pag lasing ka, parang napakavulnerable mo sa maraming aksidente. Nakakatakot din. Kapag good vibes ka ba sa crush mo, susubukan mo pa bang yayain siya na uminom?
February 1, 2013
Pauwi Na Kasi Yung OFW Kong Tatay
Susunduin na namin ngayon yung tatay ko sa airport. 10:30 pa raw approx darating ang airplane ni Tatay kaya lang, syempre, mabuti nang maaga kaysa late. Maigi nang sobra sa oras kaysa kulang. Narito kami ngayon sa kotse. Iniisip ko pa rin kung bakit ko sinimulan 'tong post na 'to. May gusto kasi akong sabihin kaso ang hirap nang magsegway sa walang kuwentang intro. Natagalan nga ako sa pamagat tapos kapag nagsusulat na ako nang tuluy-tuloy e nakatatamad nang magproofread at ayusin ang daloy. Hindi nga pala namin kasama ngayon si Lei. Parang pinapili ko kasi siya kanina kung sasama siya sa pagsundo sa airport o tutuloy siya sa pagtambay sa inaapplyan namin'g org. Tinanong ko siya, makailang ulit. Ramdam ko naman yung gusto niya ring sumama, at ramdam ko rin yung katamaran niya sa pagtambay. Pero bakit pinili niya pa ring tumambay? Minabuti ko na lamang na huwag magalit kasi parang ang panget naman din lang kung napilitan lamang siyang sumama sa amin kahit na napilitan lang din siyang tumambay sa tambayan ng org. Labo minsan ng mga tao no? Minsan nga, nilalagay ko yung sapatos ko sa refrigerator pagkahubad ko nito pagkagaling sa biyahe. Tatatlo lang tuloy kami ngayon nina Michaelle at Kuya. Kahit na ganito, kung ako man ang ipupuwesto sa mga sapatos ni Lei sa ngayon, pipiliin ko na lamang sumama sa pagsundo sa daddy niya.
Kapag Nagsi-CR sa Labas
Pagbukas mo ng pintuan ng cubicle sa CR ng pinagkakaabalahan mo'ng mall, nakita mo na may tae. Tae. As in yung color yellow, mahahaba, putul-putol. Parang hiniwa pa talaga nang pantay-pantay ng butas ng puwet niya. Ang hirap naman daw kasi tumae ng isang sobrang habang tubol. Para magkasya na rin sila, at para na rin siguro napanonood mo silang nagsuswirl sa inodoro. Umatras ka na lamang at lumipat sa ibang cubicle. Pero bakit? Bakit ka nga ba nandidiri sa tae ng iba? Tapos sa tae mo e inaamoy mo pa pagkalaglag nito sa tubig. Tapos tinitingnan mo rin itong magswirl bago iflush. E pareho lang naman silang tae. Hindi naman sila nakakabit sa katawan, inilabas nga e. Parehong nakahiwalay, magkaiba lamang ng pinanggalingang large intestines. Pero bakit gano'n ka pa rin makitungo sa tae ng iba?
Subscribe to:
Posts (Atom)