Hindi ko alam kung yung gusto kong pag-usapan e yung magandang bahay o yung magandang lugar na lang generally. Natatae kasi ako kanina. Tapos nasa second floor ako. Yung tipo ng tae na lalabas na talaga. Yung gano'n. Pihado, naranasan mo na yung ganoon noong nasa elementary o high school ka pa lang. Edi ayun na nga, sobrang natatae na ako. Akala ko mahihintay ko pa yung kapatid kong gumagamit ng banyo para maligo. Akala ko talaga kaya ko pang magpigil. Akala ko, kaya ko pang saluhin lahat ng hilab na puwedeng ipamilipit pamilit ng tiyan ko. Akala ko lang yun. MABUTI na lang mayroong tatlong banyo sa loob ng bahay namin.
Tumakbo na ako pababa sa hagdan. Para ngang tanga yung hitsura ko kasi 'di ko talaga sigurado kung takbo nga ba 'yon o lakad. O ewan. Yung tipo ng lakad na ginagawa ng mga PE Walking students. Sa acad oval. Para talaga silang natatae.
Umabot naman ako sa destinasyon. Doon na ako tumae kuwarto ng magulang ko. Maraming tubig dun e. Malinis yung tiles at mukhang 'di pugaran ng ipis. Habang nagbabawas, nagpasalamat ako sa lahat ng entity na maaaring pasalamatan. Okay rin naman kasi yung ganoong feeling. Yung parati kang may gratitude kahit sa pinakamaliliit at walang kuwentang bagay. Mas magandang gawin yun sa buhay, sa tingin ko lang naman, kung wala masyadong nag-eexpect, kung wala masyadong mareklamo, kung wala masyadong bilangan. Pero bilang ko pa rin yung dami ng banyo sa bahay namin. Tatlo. At iyon ang ipinagpapasalamat ko.
Matapos makapagpasalamat, at habang nagbabawas pa rin, bigla na lamang sumagi sa isip (naks! sumagi sa isip! napakacreative mo putang ina! actually, itong blog na 'to, tapon mo na gago!) ko yung kung anong bahay ang maganda. Tapos sabi ko sa sarili ko, maganda yung bahay na mayroong maraming banyo, o mas marami pa sa isa ang banyo. Siguro tatlo, yung ganito sa amin. Siguro, proportion na rin sa dami ng tao sa bahay o dami ng taong kayang papasukin sa loob ng bahay. Magandang bagay yun. Yung ganito. Yung ganito kasi, para walang natatae sa shorts nila. Alam naman natin siguro lahat kung gaano kahirap magpigil. Malaking bagay yung maraming banyo sa loob ng isang bahay. Hindi lamang sa pagtae ang advantage nito, kahit na minsan, mayroong mga taong hindi naman ganoon kadalas tumae. Puwede ring umihi. Puwede ring maligo. Puwedeng magrolyo. Puwedeng humila. Puwedeng umupo at magcontemplate. Puwedeng magshower at magcontemplate (naknamputa! sige pa!). Maraming puwedeng gawin. Lalo na kung tinatamad kang gawin ang mga iyon sa kuwarto mo. Ano pa bang hahanapin mo? Locked door privileges. Water supply. Silence. Echoes. Echoing silences...
Tapos naisip ko rin, sana lahat na lang ng lugar, mayroong ganito. Maraming accessible na mga banyo. Pero siguro, may architectural principles din naman silang sinusundan kaya strategic din ang pagpuwesto ng mga banyo. Pero sana lang, parating may tissue o madapa na lamang nang kusa lahat ng magnanakaw ng tissue. Dapat nga, libre na yung tissue sa mga banyo. Huwag na sila magpabayad dun sa nilalagyan pa ng coin. Pa'no kung taeng-tae ka na 'di ba? Edi putang ina. Tapos pansin ko pa, parati mahaba pila ng banyo ng babae. Pa'no na lang kung taeng-tae ka na talaga 'di ba?
Gusto ko rin sanang isiping-dagdag kung anong dapat mayroon yung isang magandang bahay. Pero siguro, marami akong masasabi tungkol doon. Maaari akong sumagi sa mga ganitong simpleng bagay lang ng kongkretong mga kuwartong kailangang paramihin sa isang bahay. O kaya bagay. O kaya hayop? Paranormal? Tao? Normal things? Hindi ko alam. Baka hindi rin ako matapos nang maaga. Maganda rin kasing nagsusulat lang nang tama. Ayoko nang nag-oover-exaggerate, tulad ng salitang 'yan. Napapagod din naman kasi yung mga daliri at mata ko kahit na gusto pa ng utak ko. Hangga't maaari, dapat hindi lumilipad yung paksa ng pinag-uusapan ko. Kasi nga, yung utak ko. Grabe. Hindi ko na maintindihan. Banyo. Tama, banyo. Masarap yung feeling na nakakaraos ka.