Mahapdi kung pumigtal, may paggana ng sakmal. Sa kabila ng lahat ng tanikalang inipon, mangyaring hindi pa rin tumitiwalag sa kakayanang makipagbanggan. Mahapit ang kalidad kung sakaling may magpaandar pa. Sa laro ng bagsakan ng pluma, malambot pa ring lumalabas ang obrang hindi naman tinangkilik ng may-likha.
Nagpapaikut-ikot na lamang, baka sakaling makapagpabagal sa hibla. Kanina pa naghihintay sa hindi dumarating. Sa maiikling ngiting saglit na lamang umaangkla ang damdaming kay hina ng pagkakakubli. Nais nang magpumiglas ng damdamin ngunit hindi na sapat pa ang hinihingi ng pagdurusa, ang hinihinging pagdurusa. Tapos na sa pagkasakdal ang sinusubukan na ring bumangon mula sa pagkadurog, pagkabalisa, pagkakawalan ng kuwenta, ng kuwento.
At mangyaring isa pa, dahan-dahanin man ang mga salita at pangungusap, mga bullshit na pahayag at parirala, bigla-bigla na lamang sumusulpot ang mga taeng isinawsaw lang naman sa pampahilong kay tamis ng bira. Ang mga alitaptap sa gabi'y magiging kaibigan sa walang hanggang kagutuman at pagwaldas ng pabaon sa mga kendi at nalalabing tsitsirya.