April 27, 2019

Mahuhulog at malalaglag. Magkakalat, magugunaw, titigil. Saka lamang titigil ang mga hinagpis kung may nangyari nang pagtilapon. Ang mga sinungaling, kakabahan ngunit ang siyang magbabaka sakali ayusin ang matatandang iniwan nang dahil sa kawala ng gana, ang mga bagong buhay ay malapit na rin sa mga kabaong ng kontemporaryong kasaysayan. Ang mga nawawalang kayamanan nama'y hindi na magkakaron ng ibig sabihin dahil sa wala nang panahon ang siya namang mga pumapasok na lamang sa dilim hanggang sa gisingin ng tagaktak na dulot ng init.

Magmamadali sa tulin ng rumaragasang hangin. Masyadong makapal ang kailangang suotan. Alam ng parehong hindi na maaaring bumalik pa sa tunay na kalakhan, mag-iiba nang kusa ang mga bagong kagigisnan. Mahirap pumiglas sa kinasanayang kultura, ngunit hindi lamang binabalikan ang tahanan, siya rin itong binubuo, nililikha. Sa bawat bibitawang bigkas, makapaglilinaw sa mga dating kay labo ang mga luntiang larawan. Susubukang nakawin ang mga hindi kailangan, magkakaroon ng halaga ang mga halaman, at kikilalaning pagbangga sa mga mahilig magiba ang ayaw pagibang pag-ibig.

Nakakalito nga, alam ko, at madalas. Simulan mo nang bumuo ng sarili mong bibliya ng mga litanyang kailangan mong pagnilayan sa mga susunod na mahuhulog at malalaglag.