December 11, 2022

unpopular opinion:

sa ligawan stage, hindi lang ang nanliligaw ang magpapakilala. kinikilala rin ang nililigawan. mas maigi na ibahin ang paglalaping nakasanayan sa salitang ugat na ligaw mula sa may nanliligaw sa nililigawan tungong nagliligawan.

hindi ko alam ang tunay na etymology ng ligaw ngunit kung iibahin natin ang perspective at intent ng courting stage sa pilipinas, mas okay na magkaroon ng pantay na pagtingin sa isa't isa, at hindi na lamang palaging may nakadungaw pababa sa umaakyat ng ligaw.

maaari pa itong magprogress sa isang uri ng relasyong walang mas mataas o masusunod kundi kapuwang nagkakasubukan ng pag-unawa sa isa't isa sa mga sakaling lumitaw na hindi pagkakaintindihan. hindi na maaaring sabihin pa na, "o, e, ba't, sino ba ang nanligaw?" bagkus ay magiging, "nais kitang makilala/maunawaan gaya ng ginawa mong pagkilala/pag-unawa sa akin."

pero, yeah, ewan ko. malay ko ba. haha. 'pag minahal ka ba, nagtatapos na ba ito agad sa ikaw lang ang mamahalin? o dapat ka ring magmahal?



8 june 2022