Hindi basta-basta ang pagpara ng jeep. Hindi basta-basta ang pagtigil ng takbo. Ang senyales sa pagharurot ay kaiba ng pag-abante. Madali lamang sanang lumingon kung iisipin sa makasariling yapak. Maiging alalahaning hindi nag-iisa ang tao sa mundo. Kung suliranin mang hindi ka nag-iisa, mas madaling mauunawaang gumagana rin ang utak ng nakararami. Hindi naman ibig sabihing mabigat ang iyong pakiramdam ay sang-ayon na sa iyo ang mundo.
Alalahaning may sariling mundo ang mundo, at wala itong pakialam sa iyo. Sa katunaya'y wala itong pakialam sa kanyang sarili. Mula sa gayo'y wala rin siyang pakialam sa iyo, ngunit hindi ito isang pag-atake ngunit likas na kailangang masilayan. Lahat ng kanyang ibinigay ay hindi niya ibinigay kung hindi kinuha. Lahat ng kanyang ipinakita ay natuklasan at walang pagkusa. Lahat ng kinuha sa kanya ay ibinigay nang walang sabi-sabi, ni hindi pinangakuan ng karangalan.
Pasasalamat sa ibang pagkakataon, ang tao'y minsang hindi naging likas sa mundo. Ang mundo'y mananatiling likas hanggang sa maglaho na ang tao. Sa pagpuna ng pag-ibig ng iilan, sariling pagtitiyaga lamang ang inaatupag. Ngunit kung magsisimula ang pagbabago sa sarili, hindi malayong makapang-uugnay ito kahit sa nag-iisa lamang.
Hindi basta-basta ang pagpara sa mundo, mundo ang magpapara sa kanyang sarili. Gayunma'y hindi na napapansin ng tao na matiyaga pa rin ang mundo sa kanya, bakit hindi siya maging matiyaga sa iba at sa lamang sa kanyang sarili?