Hintaying mag-summer, para sa maximum effect. Pero dahil tinatamad ka na naman maghintay, huwag nang hintayin ang summer. Kapag excited ka na talaga, bumili ng... wait, wala ka nga palang pera. Kumuha ng sobrang lamig na inumin. Pero dahil walang kuwenta yung refrigerator niyo sa bahay, pumunta ng 7 Eleven o kaya ng Starbucks. Bumili ng malamig na inumin. Dire-diretsong sipsipin ang biniling pampasosyal sa mata ng karamihan hanggang sa sumakit ang ulo, manlamig ang utak at mapahawak sa tuktok ng iyong ulo. Okay lang yan, masakit talaga ang brain freeze. Hintaying mawala ang panggagago sa utak. Ulitin hanggang sa maubos ang inumin at pera. Enjoy.
April 29, 2012
Pinakamasarap na Feeling #11
Bumili ng tinapay, mas maigi siguro kung Gardenia Tasty o yung lokal na pandesal sa pinakamalapit na bakery sa bahay niyo. Bumili rin ng condensed milk, kahit gaano kalaki, depende sa ipinag-aalburuto ng tiyan mo. Pag-uwi sa bahay, buksan lahat ng electric fan o air con. Tapos, dumeretso sa kusina. Kunin ang can opener na matagal mo nang gustong gamitin habang pinapanood mo ang gumagamit noong bata ka pa. Butasan sa magkabilang gilid ng biniling condensed milk na lata, basta alam mo na yung hitsura ng pinapagawa ko. Kung hindi mo alam, ituloy pa rin ang pagbukas sa lata. Pagkatapos butasan ang lata, maglabas ng tasa. Iyong tipo ng tasang madali mong masasawsawan. Ipatong sa tasa ang nabutasang lata. Maghintay nang 5-10 minutes o hintayin na lamang sumigaw ang nanay mo ng, "Putang ina mong bata ka! Ano na namang balak mo sa buhay?! Tingnan mo ang dami na namang langgam!" Huwag nang makipag-away pa sa nanay, hindi mo pa nararanasan ang naranasan niya. Kaya kapag naghihilamos ka na ng laway ng nanay mo, huwag ka pa ring sasagot. Matapos mag-fade ng boses ng nanay mo e kumuha ng isang tinapay at ilublob sa pinunuang tasa. Isubo ang isinawsaw na tinapay. Gawin hanggang sa magsawa ang tiyan. Enjoy.
Subscribe to:
Posts (Atom)