January 7, 2019

Paulit-ulit kitang babasahin hanggang sa hindi na kita maintindihan. Hindi mo na kailangan pang pagurin ang iyong sarili. Ako na mismo ang maglalakbay hanggang sa pahinga ng dulo. Ang sa aki'y doon lamang ang sukat kung para saan nga ba ako sa'yo, at hindi na mag-aatubiling hanap pa kung tatanungin pa ba ang aking sarili ng malambot na konyat ng bakit at paano.

Kasi mahal kita. At iyon ang pinakamatamis na buga. Aanhin ko pa ba ang kahit na ano. Palalampasin na lamang ang madalas. Aakuhin ang mga minsan. Sila ang susundot ng mga paalala at patuloy na tatapos sa pantay na mga palitan. Hindi madalas wari ng mundo na ang kapiranggutan ang siyang nagpapatibay. Hindi mapapagod sa pagkuwit, at hinding-hindi hahanapin ang pagtuldok.

Malabo man ang halo, hindi kulay ang hinihinga. Pagmasdan man nang matagal, sa pangkalawakang bugso pa rin ang hantong. Kumplikado ang bigwas ngunit musmos ang ilalim. Hanggang iisa na lamang muli ang lahat, ako na ang maghahatid sa aking sarili.

Minsan, hindi naman umaalis para maligaw kundi para maghanap. Siyang hindi nagpupumilit, ngunit magkukusa ang katapatan ng mga salita.