Kung
gusto mo akong hanapin,
Kung
gusto mo pa akong makita,
Huwag
kang magsisimula sa mga alaala,
sa ating mga alaala
Huwag
kang magsisimula sa mga bakas
na sadyang iniwan na natin
Lalong
huwag kang babalik sa mga bagay
na makapagpapaalala lamang sa
iyo
ng mga espasyong nalikha
at nawala
Huwag
kang daraan sa mga semento
at kalsadang pinaghintayan natin
Huwag
kang hihithit ng usok, ni pipitik ng abo
mula sa mga durong tayo ang
nag-umpisa
Huwag
kang maghahalo ng mga alak
na sumabay sa pag-ibig na
nagpahilo sa atin
Huwag
kang maghahanap sa mga bituing
tiningala natin gabi-gabi,
Sa
mga damuhang ating inupuan,
Sa
mga palabas na gusto mong mapanood,
Sa
mga palabas na gusto mong gawin,
Sa
mga palabas na gusto mong gawin natin,
Sa
mga lupon ng musikang tayo lamang ang may unawa,
Sa
musikang tayo lamang ang nakakikilala,
At
sa mangilan pang pagkakataong-tagpo ng isip,
Sa
mga oras at hibla, na hindi mo naman kinayang gampanan,
Kasabay
ng bawat balkonahe, bintana, bungwitan, at bukasan
nang makapagsinding muli ng bago
Kung
gusto mo akong makilala pa
makilalang muli, mahanap,
Doon
mo lamang ako makikita
Sa
pagitan ng boses na hindi nagtigil magpaalala sa iyo
na hindi ka mapapantayan kailanman
ng umaga,
na ikaw lamang ang siyang
makapagpapasunod
sa bawat pintig na ikaw lamang
din ang gumigising,
Sa
pagitan ng bawat tansan, at upos
Sa
pagitan ng mga titik na pinaglubilo, tanging tungo sa iyo,
Sa
pagitan ng bawat paghihintay ng panibagong koro, o berso,
Sa
pagitan ng bawat ingay,
Sa
pagitan ng bawat mulat, at himbing,
Sa
pagitan ng bawat umaga, at hapon,
Bawat araw, at buwan, bawat oras, minuto, at
segundo,
Sa
pagitan ng bawat katahimikan,
Sa
pagitan ng bawat kape, at timpla
Sa pagitan ng lungkot, at ligaya,
Sa
pagitan ng paghihintay, at pagtitimpi,
Sa
pagitan ng mga yakap, at ngiti
Sa
pagitan ng mga pangako, at halik
na makapagpapaalala sa iyo, at
sa akin
na mayroon na tayong pagitan