Ipinakilalang tuwang-tuwa ang
pangunahing bida, si Minke, bilang isang Katutubong Javanese na mayroong
matinding pagkahumaling sa teknolohiya at agham ng kumokonolisang bansa sa
kanyang tubong lupain. Maaaring kakaiba ito, mula sa isang perspektiba marahil
ng opresibong pananaw ng pananakop ng mga kolonisador, hindi lamang sa mental
at pisikal, kundi pati na rin sa sosyolohikal, sikolohikal lalung-lalo na sa
kultural na mga aspeto. Maaaring makitang
hindi ganoon kawasto ang iniaasta nitong si Minke sapagkat kung
tutuusin, mula sa isang kinonolisang bansa
rin, ang isang Pilipino’y marahil naghahanap ng pag-aalsa mula sa bida
pa naman ng isang kuwento. Ngunit hindi. Ito ang mas nagpatingkad para sa akin,
bilang isang mambabasang Pilipino, sa pagkakaroon ng tauhang hindi ganoong
lumalabag sa mga naisin ng kolonisador. Kung tutuusin, hindi naman mailalayo
itong si Minke kay Rizal na sa simula’y naghangad lamang naman ng mga reporma.
Ngunit kung babalikan ding lalo itong si Rizal, makikitang ang El
Filibusterismo ay pasadya nang naising magrebolusyon ni Simoun laban sa mga
Kastila, na labag sa mga unang hangarin niya (Rizal) na nasa Noli Me Tangere na
mga pagbabago lamang. Bilang pagtinging-kaiba sa unang nobela ng The Buru
Quartet ni Pramoedya, ang mga katangian ng mga tauhan sa kuwento mismo’y
nagkakaroon ng paglalaban-laban, hindi lamang sa pagitan ng bawat isa, kundi
maging sa kanilang mga sarili mismo, mga tunggaliang pansarili’t panloob.
Katulad ng nabanggit kanina, bilang isang katutubong pinagbababaan na mismo ng tingin, na hango na mismo’t sa unggoy ang palayaw, ay sige pa rin sa pagtanggap ng dayuhang kaalaman. Marahil ay ang paglimot niya sa kanyang taal na kaakuhan at pagtingin sa salamin bilang isang Europeong indibidwal ang nagbibigay kay Minke ng simpleng balat-kayo lamang na hindi na masaktan sa panlalait dahil tinatanggap pa sa sarili niyang siya’y isang ganap na indibidwal ng wikang Dutch. Ayaw niyang aminin na siya’y isang Katutubo, at galit din siya sa katutubong wika, kahit na nauunawaan niya naman ito. Mapagkunwari. Mapagkunwari sapagkat kapansin-pansin ang ilang mga kontradiksyon ng tauhan, sa kanyang parehong winiwikang ayaw, gusto at maging ng kusang pagbuka ng kanyang bibig lamang. Hindi ba’t manghang-mangha siya sa teknolohiya? Ngunit bakit kapag nagpapasalamat siya o kung minsa’y nakararamdam ng masidhing damdami’y nababanggit niya ang ngalan ni Allah? Si Allah, bilang diyos ng relihiyong Islam, ay nababanggit ng isang Europeong, Dutch-speaking kunong si Minke? Lumalabas na kahit gaano man kalalim ang iimbak na gawin ni Minke sa kanyang taal na kaakuhan, lilitaw pa rin ang likas sa kanyang identidad.
Mayroon ding isang bahagi sa nobela kung saan ininsulto sa harapan ni Minke ang mga katutubo ng dalawang babae. Labag man sa kanyang mga ibinabalat-kayong prinsipyo, hindi matanggal sa damdamin ni Minke na siya’y nasaktan pa rin sa ginawang pagbanggit-kalapastanganan ng dalawang babae sa kanyang kinalakhang pangkat ng mga tao. Mababa ang tingin sa kanya ng mga Europeo, mula sa ama ni Annelies, kay Robert na kuya ni Anne, at maging ng kanyang mga iniluluklok na guro sa paaralan.
Ang kultura ay isang malaking bahagi ng pagkatao. Ito ang paraan ng pamumuhay ng isang tao. Kung paano siyang magsalita o mag-isip, sa kultura nakasalalay ang kanyang kalikasan. At malaking kaakibat nito ang wika ng isang tao. Maaaring apektado na ang kanyang pag-iisip ng wikang dayuhan ngunit ang likas na pagwiwika naman ni Minke’y sadyang ‘di pa rin niya napipigilan ni napapansin.
Tingnan naman natin si Annelies na mukhang Europea namang kay kinis ng balat ayon sa paglalarawan ni Minke. Si Annelies naman, kabaligtaran ni Minke, ay nais maging Katutubo, ipinoproklamang isang tunay na katutubo (ang kanyang ina bilang modelo), ni hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Mapapansing direktang kabaligtaran siya ni Minke (kahit na madali silang nagkagustuhan). Nais maging Minke ni Annelies, at nais maging Annelies ni Minke. Sila’y madaling nagkatuluyan marahil sa kadahilanang ang kanilang mga modelo ay nasa harap na mismo nila. Kung isasantabi na natin ang kanilang pag-iibigan, makikitang mayroong malaking bagay pa ang pinagkaibang talaga ng dalawang ito: ang edukasyon. Hindi ko tinutukoy rito ang simpleng pagtuturo lamang sa bahay ng mga tradisyon at tamang paggalang, gawaing-bahay kundi “pormal” mismong edukasyong inilalaan ng mga kolonisador bilang bahagi ng kanilang “cleansing” na ginagawa sa kanilang mga nilalait na mabababang uri.
Edukasyon ang nagpalawak ng kaalaman ni Minke. Ngunit edukasyon din ang mismong nagpakitid na lalo ng kanyang pagtingin sa sarili hanggang sa sobrang sikip na’y hindi na niya makita kung sino talaga siya. Ang ganitong pagkitid ng kaisipan gamit ang edukasyo’y kahawig ng binabanggit ni Renato Constantino na Miseducated tayong mga Pilipino dahil sa colonial mentality dala ng colonial obsession ng mga kolonisador. Ninanais maging malaya ni Minke, makailang ulit niyang babanggitin sa nobela, dahil siya’y nakapag-aral. Kung hindi niya mamasamain, sa pagpasok niya mismo sa dayuhang wika at magyakap mismo rito’y hindi nagdudulot sa kanya ng kalayaan bagkus ay nagkukulong pa mismo sa kinagisnan niyang pagkatao.
Naipakilala na ang dalawang nagbabanggaang identidad. Nais ko nang dumako sa tauhang talagang nagbigay para sa akin ng kalinawan sa loob ng akda bilang maliit na bahagdang resolusyon sa pambabagabag ng mga kontradiksyong inilatag kanina – si Nyai. Bilang isang concubine ng ama ni Annelies, siya’y tinuruan ng lahat ng kanyang nalalaman ng kanyang asawa – ng wika mismo, pamamalakad ng negosyo, at maging ng pormal na pagdadala ng sarili, lalung-lalo na ng isang babae. Sa tingin ko’y nagturingan silang tunay na magkarelasyong may nararamdaman sa bawat isa kahit na tumanggi si Nyai na umaming minsan niyang binigyang-kahulugan ang narararamdaman niya tungo sa kanyang asawa. Ngunit ang pagtanaw, kahit minsan, ni Nyai bilang kapantay ang kanyang asawa ay isang malaking bagay sapagkat sa ganitong uri ng kaisipan nakikita ang konsepto ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa mundo, magkaroon man ng magkakaibang etnisidad.
Pansining mabuti, kung ating babalikan, ang pagkakaroon ng edukasyong ipinagkaloob ng mga Europeo kina Minke at Annelies. Ang pagtatamo ng edukasyon ay nangangahulugan lamang ng pagtatamo ng wika ng kanilang kolonisador. Ang pagkakaroon ng panibagong wika ay magdudulot ng pagkakahati ng mga wika, kaantasang-pagtingin sa mga wika (kahit na magkakapantay naman lahat ng wika at kultura), na magdudulot ng pagkakahati ng mga tao. Mapapansin mula kina Minke at Annelies, maging sa maraming tauhan sa nobela na mayroon silang pinapanigan. “Ah, dito ako.” “Ah, Europeo ako, kasi marunong ako ng Dutch.” “Nge, e katutubo ako kasi masasama ang mga Dutch (kahit na likas na Europeo ang hitsura’t perpekto ang pagwiwika ng Dutch).” Nahahati ang isang lipon ng mga tao dahil sa pagkakaroon ng iisa lamang na kapangyarihan. Nagkakaroon na lamang nga mga indibidwal na nagbabangayan habang ang namumuno’y tinatawanan na lamang sila dahil sa hindi pa rin naman sila tatanggapin bilang kanilang mga kapantay.
Ngunit tinitingnan kong iba itong si Nyai. Hindi niya kinailangan pang pumunta pa ng paaralan, ‘di tulad ni Minke. At natural siyang nakauunawa ng Javanese at iba pang wikang katutubo dahil iyon ang kanyang sariling kaakuhan. Kahit na itinatwa niya nang makailang ulit hanggang sa magsawa ang kanyang mga magulang, hindi pa rin niya kinalimutang lumaki siya bilang isang taal na katutubo ng kanilang bayan, na ‘di tulad ni Annelies, na pipili lamang sa kung ano ang wastong kanyang nakikita. Binabasag din ni Nyai ang pananaw ng ina ni Minke na ang mga lalaki lamang ang matatalino’t dapat na nakapag-aaral, bilang mga edukado’t magpapahalaga sa kani-kanilang mga pamilya. Ginagamit ni Nyai ang kanyang mga natutunan sa dayuhan para sa pagpapaunlad ng kanyang kapaligiran habang pinananatili ang likas na kaakuhan niya bilang pagpapaunlad sa kanyang sarili.
Sa huli, nais kong banggitin ang winika ng isa sa mga guro ni Minke na si Magda Peters, “Everything comes from being taught. Even beliefs.” Ang edukasyon ay hindi lamang nakakamit sa paaralan. Ang pagtuturo ay hindi lamang nanggagaling sa taong nagsasalita o nagsusulat sa pisara o sa sinasabi ng isang libro. Ang pagkatuto ay likas sa isang indibidwal, at mula sa kanyang pagkatuto mas lalong lilinaw ang kanyang pamimili ng panig, kung paano siyang pipili ng panig, o kung bakit nga ba siya pipili ng panig. Sa pagkatuto nalilikha ang isang pagkatao.

Sanggunian: