Codes. Syntax. Microphones. Headphones. Noise kills. Bug
fixes. Fix. Fig. Full. Fury. F. Fuck. Fucker. Fuckers. Fucking fuck. Fuckity fuckfuckfuck. Frustration.
Fail. Failed. Fails. Failure. Failures. Failures. Flail. Frames. Framed. Fool.
Fools. Fools! Fuck. Fire. Flames. Frosts. Frozen Flames. Frosted Fire. Faint? Frail.
Frails. Free? Free. Foam. Fake! Fakes! Fake. Fume. Fan. Fame. Fantasy. Feint. Fight.
Fought. Freeze. Fissure. Friend. Friends. Friends! Friends... Friends? Find.
Finds. Floo. Found! Foes. Fades. Feels. Flee. Fleed. Forge! Haha! Fags. Far.
Far away. Far far away. Fl u i ddd. Fluent. Futa. Fut-. Fut-. Futang ina. Ugh. Feel.
Finite. Forever? Fly. Flies. Sticky. Stick. Ice. Eyes. Feeds. Fed. Fed up. Flamboyant!
Fabulous! Faaaaassst...? Frail. Frails. Fuzz? The fuuunds. NOOO. Fuck. Food. Barrels!
Working with the barrels all along. Fair, yes? Fair? COLD! Fridge. Farms.
FARMERS! FUCKING FARMERS. Fertile? Hindi nga? Fat. Totoo? Fountain. Fountains. Faces.
Fields. Figures. Fallacies. Fear. Fences. Faramore! Far amour. Far armor. Family?
Foul. Foggy. Fizz. Flicker. Forget.
February 19, 2013
Scenario 3
Guro: E putang 'na, hindi naman sa'tin galing yun e! 'Di ba? Nanggaling kaya 'yon sa mga E-
(Biglang bumukas ang pinto ng silid.)
Guro: O, ngayon ka lang nalate ah! Sa'n ka galing bata ka? Hindi mo na tuloy maiintindihan yung pinag-uusapan namin. O siya, umupo ka na. Chinese New Year pa man din! Baka malasin ka! Haha!
Mag-aaral: Chinese din po kasi girlfriend ko.
Guro: Ahh, kaya naman pala. Sana mamaya na lang kayo nagcelebrate! Kita mong may klase pa tayo o!
Mag-aaral: Quickie lang naman po e.
Scenario 2
Guro: E putang 'na, hindi naman sa'tin galing yun e! 'Di ba? Nanggaling kaya 'yon sa mga E-
(Biglang bumukas ang pinto ng silid.)
Guro: O, ngayon ka lang nalate ah! Sa'n ka galing bata ka? Hindi mo na tuloy maiintindihan yung pinag-uusapan namin. O siya, umupo ka na. Valentine's Day pa man din, malelate ka pa, sa klase ko pa.
Mag-aaral: Nagpatirik pa po kasi ako.
Guro: Ng ano? Kandila? May ginunita ka pang death anniversary?
Mag-aaral: Hindi po. Ng mata po.
Scenario 1
Guro: E putang 'na, hindi naman sa'tin galing yun e! 'Di ba?! Nanggaling kaya 'yon sa mga E-
(Biglang bumukas ang pinto ng silid.)
Guro: O, ngayon ka lang nalate ah! Sa'n ka galing bata ka? Hindi mo na tuloy maiintindihan yung pinag-uusapan namin. O siya, umupo ka na.
Mag-aaral: Tumae pa po kasi ako.
Guro: Naknampucha! Ang tagal mo namang tumae?
Mag-aaral: Wala na po kasing tissue. Naghalungkat pa po ako ng bag at nag-isip kung anong gagawing pamahid sa puwet ko.
Guro: O siya.
Mag-aaral: ...
Guro: Naknam, naiintriga ako kung malinis ba yang puwet mo o kung ano! May nagamit ka naman ba?
Mag-aaral: ... Opo. Yung readings niyo po.
Boss Lady Supladita Underscore 50
Kitang-kita naman ang kalinawan ng pagkakaroon ng hindi
umano’y mukhang pagtututulan o pagsasalungatan ng Manaoag Legends at ng Urduja
Legends patungkol pa lamang sa relihiyong kanilang pinagmulan. Kung ang
Manaoag, bilang isang siyudad sa probinsiya ng Pangasinan ay hitik sa mga
kuwento-kuwento tungkol sa rebelasyon o pagpapakita ng Blessed Virgin Mary,
isang tanyag na icon at sinasamba ng mga kaanib ng Simbahang Katoliko, si
Urduja naman, na mababakas din ang yaring pinagmulan sa Pangasinan, ay isang princess
at heroine na may orihinal na pinagmulang Sanskrit. Sinasabing ang Sanskrit ay
ang wikang ginagamit panliturhiya ng Hinduism at wikang pang-iskolar naman ng
Buddhism at Jainism. Sa panahon ngayon, kahit ang mga Muslim na rin ay
nakikipagtalastasan gamit ang wikang Sanskrit. Hindi malalayong ang Urduja,
bilang na ring unang-unang nadiskubre ito ni Ibn Battuta na isang Muslim na
manlalakbay, ay isang mahiwagang kathang maikakabit sa Islam.
Taliwas sa mga ipinapakitang kagandahang-loob at
pagpapakumbabang itinuturo ng mga kuwento tungkol sa Birheng Maria sa Manaoag,
si Prinsesa Urduja ay sinasabing isang prinsesang mandirigma. Dito pa lamang,
napakalayo na ng tinataglay na mga katangian ng dalawang nabanggit na babae.
Kung si Birheng Maria ng Manaoag ay napakadalisay at mukhang ‘di makabasag
pinggan sa kabaitan at kalumanayan, si Prinsesa Urduja, kung yayakaping lubos
ang katangian niya bilang isang mandirigma ay kakikitaan ng dahas, pagkakaroon
ng alam sa buhay, ibig sabihin ay kayang dalhin ang sarili nang hindi umaangkas
sa lakas at kapangyarihan ng iba, lalo na ng isang lalaki, kayang makidigma at
pumatay, at handang-handa sa kung sinumang lalaban sa kanya. Kung pareho mang
kakikitaan ng katangian ng pag-aalay ng buhay, o kahandaang magbuwis ng sariling
buhay para sa iba, masusuri kayang pagkakaiba ang sa dalawa, kung sa pareho
lang din naman nilang ibinubuwis at iniaalay ang kani-kanilang mga buhay para
sa diyos at kapwa nila? Kung magkaiba lang din naman ang kanilang mga paraan sa
paghahayag ng pagtatanggol sa paniniwala, maaari na rin sigurong pansinin ang
ganitong mga pagkakaiba. Sinasabi rin kasing si Prinsesa Urduja ay isang
mandirigmang personal na kumuha ng kanyang sariling bahagi sa pakikipaglaban at
naghahamon pa nga ng mga duwelo mula sa mga kalabang mandirigma. May mga
nagsasabi pa ngang ang tanging pakakasalan lamang ni Urduja ay ang lalaking
makatatalo sa kanya sa pakikipaglaban. Maraming mga manliligaw na mandirigma
ang natakot nang lumapit pa sa kanya dahil sa pangambang maipahiya.
Ang ganitong imaheng ipinapakita ng prinsesa, na lubhang
salungat sa ipinapakitang imahe ng isang babae na naimpluwensiyahan ng
Simbahang Katoliko, ay nagsasabi lamang na hindi nagkaroon noon pa ng
diskriminasyon sa pagitan ng mga kasarian, bago pa man dumating ang mga
Espanyol na mananakop. Sayang din lang kung nabura ang maganda na sanang
ipinakikilalang kaugalian at moral na pagtanggap sa kapwa-tao, kahit na iba-iba
pa man ang bawat kasarian ng mga sinaunang Pilipino, dahil na rin sa pagyakap
ng nakararami sa ipinakilalang relihiyon ng mga prayle.
Gayunpaman, mayroon pa rin namang pagkakapareho ang
Birheng Maria at si Prinsesa Urduja. Kapwa naman sila mayroong representasyon
sa mga lugar na nadaanan o pinangyarihan ng kanilang mga kuwento. Sa probinsiya
ng Pangasinan, ang gusaling capitol sa Lingayen ay pinangalanang Urduja Palace.
Mayroon ding estatwa ni Prinsesa Urduja na nakatayo sa Hundred Islands National
Park doon din mismo sa Pangasinan.
Si Xiao
Kinailangan kasi naming mag-interview ng isang batang nais naming kuwentuhan kung saka-sakali. Ito yung profile na nabuo ko. Hindi ko dineretsa ng mga tanong katulad ng katangahang ginawa ni Ricky Lo kay Anne Hathaway - 'pakabobo mo, hungkag. Huwag ka nang mag-iinterview nang gano'n ah? Matuto ka munang makipag-usap. Magpraktis ka muna sa bata para matuto ka. Tulad ng ginawa ko kay Xiaoyu, parang kinakausap ko lang siya, tapos pabato-bato ng napakadadaling mga tanong. Mga tanong na may sagot. Mga tanong na hindi awkward. Mga tanong na masarap sagutin kahit hindi na tayo bata pa. Tinype ko lang lahat ng sinabi niya.
Xiaoyu's Profile:
Daddy: Christopher Miguel Guno
Mommy: Reilyn Mae Castro
Child: Xiaoyu Lee Castro
Birthday: May 30, 2008
Edad: 4
Pagkain: chicken at tsaka taba
Gulay: sayote
School: prep
Toys: Barbie, butterfly na barbie,
lutu-lutuan
Cartoons: Oggy and the Cockroaches, Fairly Odd
Parents, Mr. Bean
Bumasa: hindi pa
Hobbies: drawing, TV
Color: violet, purple, pink, lahat
Anong ginagawa mo sa school: Nagsaslide sa school ko na malaki. Sa
malaking slide. Gumagawa rin ako ng sand castles. Naghahanap ako ng ibang
damit.
Anong ginagawa mo sa bahay: Naglalaro kasama si Kyle. Naglalaro kami
ng barbie and butterflies. Naghide-and-see (hide-and-seek).
Anong gusto mo paglaki: Gusto ko maging doctor at tsaka
maging pulis. Gusto kong magwalis paglaki.
Lugar: Gusto kong pumupunta sa SM tsaka sa
pagsakay sa motor ni Daddy. Gusto ko palaging pumapasok.
Gusto ko palagi
paikot-ikot magtrolley. At tsaka palagi ako nagbabike. Gusto ko palaging
naglalaro kami ni Kyle. Takot ako kay Chuckie. Takot ako sa multo. Hindi ako
takot sa ipis. Takot ako sa daga. Ayaw kong kinukulit ako. Ang gusto ayaw ko na
umuupo ako. Mahilig ako sumigaw, kumanta at magballet-balletan. Gusto kong
kinakanta ang That What Makes You Beautiful, Call Me Maybe, at One Thing. Ang
paborito kong animal ay cat and dog. Mahilig ako magtakbo kahit pinapagalitan
ako at maysakit ako. Ang paborito kong damit ay dress. Ang paborito kong dress
ay color pink and purple and blue and grey.
Xiaoyu Lee
ang pangalan ko kasi favorite ng daddy ko si Xiaoyu sa larong Tekken.
Mga Bahagi ng Pananalita ng Wikang Tagalog
Sinimulan ang The Parts of Speech in Tagalog: A
Reexamination sa kung paano nga bang nagkaroon ng mga panimulaing pag-uusap
tungkol sa paghahati sa mga salita o ang pagkakaroon ng iba’t ibang grupong
makapagkaklasipika sa mga salita ng isang wika batay sa kanilang pare-parehong
katangian. Ang usapin daw na ito ay maaaring
sumibol sa pag-uusap tungkol sa Language Universals o yung mga bahagi ng
lahat ng wika sa mundo na puwedeng ikonsiderang pagkakapare-pareho nila.
Halimbawa na lamang na ang lahat ng wika sa mundo ay hinding-hindi mawawalan ng
mga pangngalan at pandiwa. Nang simulan na ng mga unang nag-aaral sa wika ang
ganitong mga salita, nagsimula na rin ang paghahati-hati sa kanila.
Ang unang-unang paghahating ginawa sa wika ay unang beses
daw ginawa ng mga sinaunang Griyego sa kanilang wika. Klinasipika nina
Aristotle at Plato ang sinaunang wikang Griyego sa dalawang grupo: bilang mga
pangngalan at bilang mga pandiwa. Hanggang sa tagal na ng panahon, dumami na
rin ang mga lingguwistang nag-aral at nagsuri sa mga posibleng pagkakatulad ng
mga wika hinggil sa mga bahagi nga ng kanilang pananalita. May mga nagsasabing
kailangang nasa loob mismo ng isang pangungusap ang isang salitang tinutukoy pa
ang kanyang kinabibilangang pangkat. May mga nagsasabi ring hindi rin naman
pupuwedeng parating may mga katabing salita pa ang isang salita para lamang masabi
agad kung anong uri ng salita ito. Kailangan din naman daw na magkaroon ng mga
depinisyong makapaglalarawan sa mga salitang ito at posibleng
makapagbigay-kahulugan batay nga sa kanilang gamit nasa loob man o wala sa
isang pangungusap.
Isinunod na rin ang kaso ng pag-aaral ng Tagalog ng mga
prayleng Espanyol sa Pilipinas bilang pangunahing hakbang sa pagsakop ng
pag-iisip ng mga sinaunang Pilipino. Dahil nga sa inaaral nila ang wika ng mga
katutubo noon, kinailangan nilang bumuo ng mga diksyunaryo para hindi na
mahirapan pa ang mga susunod nang prayle o maipadala na ang mga nasabing
diksyunaryo sa bansang Espanya para maaral na agad ng mga ipadadalang prayle ang
wika ng kanilang masasakupan. Natural lamang, bilang mga diksyunaryo, na hindi
lamang ibigay ang kahulugan ng isang lahok kundi maibigay na rin kung anong
bahagi ito ng pananalita. Mula kina San Jose, Totanes at Coria, magkakaiba man
ang bilang ng dami ng bahagi ng pananalita sa kani-kanilang mga listahan, nagkaroon
pa rin ng pagkakatulad sa mga ito - Ang mga salita raw sa wikang Tagalog ay
naglalaman ng dalawang pangunahing klasipikasyon: ang mga ugat at ang mga
panlapi. Oo, sinimulan ng ilang mga prayle na isama ang mga panlapi bilang
malaking bahagi ng pananalita pero sa haba ng panahon ng pag-aaral din ay tinanggal
na sila at mas lalo pang isinapangkat ang mga salita sa Tagalog. Gayunpaman,
naroon pa rin ang matinding pagtingin sa paglalapi bilang isang napakalaking
bagay sa Tagalog. Maaaring makatulong ang madaling pagtukoy sa bahagi ng
pananalit dahil sa mga panlaping nakakabit sa isang ugat. May mga nagsasabi pa
ngang lahat daw ng mga salita, kung gagamitin sa wikang Tagalog, ay maaaring
maging pandiwa.
Maraming lingguwista ang nagpresenta ng kani-kanilang mga
listahan ng mga bahagi ng pananalita ng wikang Tagalog. Mayroon din, katulad ni
Cecilio Lopez, na nagklasipika sa mga panlapi. Hanggang sa ibinuod ng chapter
na mula sa pag-aaral ng mga prayle hanggang sa mga ipinresenta ng mga
lingguwista noong 1971 ay nagkakaroon pa rin ng nagbabanggaang mga ideya ngunit
makikita pa rin daw ang malaking gamit ng mga lapi sa Tagalog. Mayroon pa ngang
nagsabi na ang mga salitang ugat ng mga tinukoy na bilang pandiwa, pang-abay at
pang-uri ay maikokonsidera pa ring mga pangngalan.
Ayon naman kina Schachter at Otanes sa kanilang Tagalog
Reference Grammar, sinimulan nila ang kanilang pag-aaral sa mga bahagi ng
pananalita ng Tagalog sa paghati ng isang simpleng pangungusap. Nauuna raw
madalas ang panaguri, mapanominal man, adjectival o verbal ito, saka susundan
ng simuno. Ipinakilala na rin nila ang pagiging marked at ‘di marked ng isang
nominal na bahagi ng pananalita. Sa bahaging adjectival naman, una rin siguro
nilang ginamit ang pagiging abstract ng isang ugat na pang-uri hinggil sa mga
panlaping maaaring ikabit dito. Maganda rin naman daw ang ganitong pagtingin sa
paghahati ng mga salita sa Tagalog ngunit matindi naman daw ang pagkakakabit ng
mga ito sa kung paanong ginagamit ang isang salita sa loob ng isang
pangungusap. Katulad ng nabanggit kanina sa itaas, kailangan pa ring magkaroon
ng depinisyon ang bawat bahagi ng pananalita. Idinagdag na rin dito na ang mga
laping nakakabit sa isang ugat ang siyang madaling makatutukoy sa kanyang
bahagi ng pananalita hanggang sa tinapos na nga ang chapter sa pagsasabi na ang
wikang Filipino (Tagalog) ay may kayamanan sa paggamit ng kanyang mga panlapi.
Natakot ako habang nasa kalagitnaan pa lamang ng
pagbabasa ng ibinigay sa aming chapter dahil sa iba’t ibang opinyon ng maraming
lingguwista hinggil sa pagpapangkat-pangkat ng mga salita ng Tagalog. Hindi na
nga sila nagkatulad-tulad sa ilang mga aspeto, nagmumukha pa silang mga tama
lahat! Kung baguhan ang isang mananaliksik, katulad ko, sa ganito kalalalim na
mga pag-aaral sa wika, kinakailangan pa niyang pumili ng kanyang papanigang
may-alam. Nagmumukhang nagsasagutan lang din ang bawat pagpepresenta ng
kanilang mga listahan ng mga pagpapangkat sa mga salita. Tila, sa kanilang
sariling mapalihim na paraan, sinasabi nilang sila ang sundin at huwag ito
dahil sa iyon ay mali. Bakit nga ba inilagay ng awtor ang mga ito kahit na
nagbabangga-banggaan ang kanilang mga ideya? Maaaring isang dahilan nito ay ang
pagkakaroon ng mga punto ng bawat lingguwista. Halimbawa na lamang ay ang
pagpapakilala ng mga bagong konsepto katulad ng Functors at Contentives na nang
naglao’y naging Function Words at Content Words na. Mula rito ay sumibol na
naman ang pagdedebate kung ang panghalip nga ba ay ibibilang sa Contents o
Functions. Nariyan din ang Lexemes at Morphemes, ang pagiging marked ng isang
pangngalan, at pagiging abstract ng isang pang-uri. Bawat ipinepresenta ng
isang mananaliksik ay nakapag-aambag ng mga panibagong konsepto na maaaring
makatulong sa pag-aaral ng mga susunod pa. Hindi lamang ang mga ito na simpleng
pagtanggi lamang at pag-angat ng sariling pangalan sa larangan bilang pagsira
sa mga nauna. Hindi ito mga pagpilit ngunit mga mungkahing may mga katulong na patunay.
Kung para sa akin din man lang, sana’y nagkakasundo sila
sa mga ito ngunit hindi ko naman masasabing magkakakilala silang lahat at may
sari-sarili naman silang mga pananaw at pagtingin sa mga salita. Kung magiging
ganito din man lang, sa pagiging kanya-kanya, bakit pa isinusulong ang ganitong
pag-aaral kung hindi makapagpreskriba nang maayos at nang hindi nagkakaroon ng
malalaking pagkakaiba ang kanilang mga
listahan? Magandang bagay na rin sana na kung suportado nang maayos ang isang
mungkahi at napapatungan na nito ang isa pa, hindi ba maaaring huwag nang
isulong ang isa pa? Pero tulad nga ng nabanggit kanina, nasa ibat ibang taon
naman nabuhay ang mga lingguwistang ito. Ngunit may mga naibabalik pa ring
konsepto kahit na may nasimulan nang bago. O maaari ring hindi pa nababasa ng
isa ang ginawa ng isa nang simulan niyang isulat ang kanya.
Maganda ngang matukoy nang maayos ang mga bahagi ng
pananalita ng mga salita ng isang wika dahil kasama ito sa pag-iistandardisa
niya. Ang pagpeprescribe nang maayos at detalyado ng mga katotohanan sa isang
salita ay makatutulong sa mas mabilis na pag-intindi para sa mas mayamang
paggamit sa wikang Tagalog. Ibig sabihin, para sa akin ay ang ganitong mga
pag-aaral ay makatutulong sa pag-unlad ng madaling komunikasyon dahil sa iisa
at madaling maunawaan ang iniisip ng mga taong gumagamit ng mismong wika dahil
sa gamay nila ang paggamit ng mga salita sa isang pangungusap at paglalaro na
rin sa mga ito dahil sa kasanayan sa paggamit ng mga panlapi. Kung mas
mapaglalaruan ang mga salita, hindi lamang bibilis ang daloy ng pag-uusap ng
mga tao kundi mas yayabong ang imahinasyon ng mga tao pagdating sa kanilang
pag-iisip sa mga bagay-bagay. Para sa akin, saka lamang nagiging mas makulay
mag-isip at magsalita ang isang tao kung gamay na gamay na niya ang kanyang
wika, at malaki ang maiaambag nito sa madaliang pagtukoy sa kung anu-ano nga
bang mga salita ang kanyang mga ginagamit. Naeehersisyo ang pagkamalikhain sa
mga salita nang hindi lumalayo sa sintaktika at semantikang paggamit sa mga
ito.
Sa huli, mananatili pa rin ang mga bagay na
pinaniniwalaan ng mararami, hindi lamang ng mayorya ng populasyon kundi ng mga
nakapag-aral nang marami. Ang mga nasa akademya lang din naman ang mga maaaring
may pakialam sa ganitong mga usapin, o sa mga nag-aaral lamang ng wika, kultura
at lipunan ng Pilipinas. Gayunpaman, para sa aki’y sana’y maipakilala na nang
maayos sa elementarya ang ganitong mga konsepto sa lingguwistika nang sa gayon
ay kahit wala na silang pakialam sa ganitong mga usapin sa pagtanda nila,
nananatili pa rin kanilang mga kubling-malay ang wastong paggamit sa mga
salita.
Subscribe to:
Posts (Atom)